A Lower East Side Slice of Home
December 14, 2021
Josh Narisma
Filipino cuisine never fails to transcend global borders. It is no surprise that our brothers and sisters overseas always make it a priority to preserve our popular dishes - it is central to our cultural identity. This is precisely the reason why, if you were to take a leisurely stroll along Allen Street in Manhattan, New York, you would find a quaint little eatery named Kabisera.
Marked proudly with a string of Filipino flags and a display of their best baked-goods, everything about the petite restaurant catches the eye.
Rainy evening or sunny afternoon, Kabisera is the place to be. From freshly made bibingka to rich coffee made with butterscotch, malt, and nuts, Kabisera is the epitome of warmth and comfort. I first discovered Kabisera myself in July of this year. It was completely accidental, yet so timely. I had just met up with friends who were soon returning to the Philippines for missionary work, and we were surprised to find this small Filipino enclave in an area that is bordered by Chinatown to the south, and Little Ukraine to the north. In retrospect, I believe it is a very fitting location - an ethnic food spot for an abundantly multicultural district. Snippets of Kabisera’s work are regularly featured online by the restaurant co-founder, Chef Augelyn ‘Augee’ Francisco (@dexterous_chinita). Chef Augee has made it clear time and time again that Kabisera’s ultimate goal is “connecting communities one cup at a time.”
Ignited by a lifelong passion for food, Chef Augee has dedicated herself to sharing Filipino cuisine with the broader international audience of New York City (NYC). Chef Augee was born in the mountain region of Northern Philippines and is of Igorot descent. Her work is vital to elevating the voices of both Filipino women and our indigneous peoples, and has been recognized in the GMA ‘EntrePinoy Abroad’ video series.
Coffee, community, and cause.
Those are the three things Kabisera values the most. They have participated in various collaborations with other Filipino businesses, most notably during Filipino-American History Month in 2020. They worked with “fellow self-starters and go-getters” such as Project Barkada, SoSarap, and NYC Filipinos to share food and bring cultural awareness. Their continual hope with these joint projects is to uplift the Filipino diaspora “starting from our home in the Lower East Side to Little Manila in Queens and New Jersey.” They are proud to say that “to this day, we have teamed up with more than 200 creatives, entrepreneurs, non-profit organizations, and volunteers in forwarding their visions and empowering others,” and are still open to connecting with more.
Kabisera’s menu is overflowing with complex flavors and delicate craftsmanship. Their offerings include delectable cassava cake and ube halaya, as well as more substantial meals like veggie lumpia, Pinoy katsu, and teriyaki salmon, all for very reasonable prices. In October, they held the Kape Project, which featured sampler boxes containing coffee made by Kabisera, Dear Globe Coffee (Baltimore, Maryland), and Out of Office Roasters (Long Beach, California). Similarly, Chef Augee has just recently unveiled the Tikim taste box, available now for pre-order. In the box, you will find Kabisera’s delicious moringa biko, as well as the desserts of five other “Phil-Am Desserts Small Businesses,” including mochi-filled cookies, ube flan, halo-halo, calamansi tart, and buko pandan donut cake (use code “KABAYAN” for 10% off).
Yellow and blue, green and red, Kabisera is bursting with colors. Not just from their masterfully crafted delicacies, but from the joy and satisfaction that comes with cultivating this little slice of home. The happiness expressed by the workers of Kabisera is so deeply genuine, and speaks volumes about how this is not simply about food -
it is about forging friendships, developing communities, and providing cultural empowerment.
October is marked by Filipino-American artistry, history, and activism. November, on the other hand, denotes the very short-lived reprieve before Christmas in December, for which I am very excited to see what Kabisera brings to the table (no pun intended). Keep an eye out for special sampler boxes, or perhaps even the expansion of the Kabisera Collective, which features all sorts of Filipino jewelry, clothing, and merchandise, all available for purchase.
Under Chef Augee’s guidance, and the unending support of the larger NYC Filipino community, Kabisera continues to flourish, both as a business and a mini cultural hub. So, if you ever find yourself stumbling upon them like I did on that warm, summer day, do not be shy.
Step inside and say hello. Make yourself home.
Hiwa ng Tahanan Mula sa Hilagang Silangang
December 14, 2021
Josh Narisma
Translated by: Kathrine Anne Dizon
Hindi binibigo ng lutuing Pilipino ang pagkakakilanlan nito sa buong pandaigdigan. Hindi kagulat gulat ang pagbibigay prayoridad ng ating mga kapwa-Pilipino sa ibang bansa na ipreserba ang katanyagan ng hapag-kainang Pilipino – ito ay sentro ng ating kultural na pagkakakilanlan. Marahil ito ang dahilan kung bakit, magkaroon ka man ng tyansang pasyalan ang kahabaan ng Allen Street sa Manhattan, New York, makakahanap ka ng isang maliit na kainan na nagngangalang Kabisera.
Gamit ang pinaghilerang bandila ng Pilipinas at ang paglahad ng kanilang mga pinakamagandang baked-goods [lutuing Pilipino], lahat ng katangian ng maliit na restawran aya tiyak na hindi makalalagpas sa mga mata ng mga tao.
Maulan man na gabi o maaraw man na hapon, ang Kabisera ay ang tamang lugar na pumaroon. Mula sa bagong gawang bibingka hanggang sa mayaman na kape na gawa sa butterscotch, malt, at nuts, ang Kabisera ang nagsisilbing simbolo ng ginhawa. Una kong natuklasan ang Kabisera noong Hulyo ng taong ito. Hindi man sinasadyang mahanap ito, nasaktuhan naman ng panahon. Nakipagkita lamang ako sa aking mga kaibigan na malapit nang bumalik sa Pilipinas para sa kanilang misyonaryong trabaho, at nagulat kami nang natagpuan namin ang maliit na restawrang Pilipino sa isang lugar sa hangganan ng Chinatown sa timog, at Little Ukraine sa hilaga. Nakatutuwa ang kaangkupan ng lokasyon - isang lugar ng kainan sa isang napakayamang multicultural na distrito. Ang mga iba’t-ibang gawain ng Kabisera ay regular na itinatampok online ng co-founder ng restawran, si Chef Augelyn 'Augee' Francisco (@dexterous_chinita). Malinaw na inihayag ni Chef Augee na ang pinaka-layunin ng Kabisera ay, "Connecting communities one cup at a time."
Dahil sa matinding pagmamahal sa pagkain, itinuon ni Chef Augee ang kanyang sarili sa pagbabahagi ng lutuing Pilipino sa internasyonal na madla ng New York City (NYC). Si Chef Augee ay ipinanganak sa rehiyon ng mga bundok sa Hilagang Pilipinas at nagmula sa mga pangkat ng mga Igorot. Mahalaga ang kanyang trabaho sapagkat nakatutulong ito upang bigyan ng boses ang mga Pilipina at ang mga kapwa katutubong mamamayan. Nakilala rin ang layunin ng Kabisera sa serye ng GMA EntrePinoy Abroad.
Coffee, community, and cause.
[kape, komunidad, adbokasiya]
Iyon ang tatlong bagay na pinapahalagahan ng Kabisera. Kalahok din sila sa iba't ibang pakikipagtulungan sa iba pang mga negosyong Pilipino, lalo na sa panahon ng Filipino American History Month noong 2020. Nakipag-ugnayan din sila sa mga kapwa self-starters at go-getters tulad ng Project Barkada, SoSarap, at NYC Pilipino upang magbahagi ng pagkain at magbigay kamalayan tungkol sa kultura. Ang pag-asang nakukuha nila mula sa mga pinag-ugnayang proyekto ay ibahagi ang ukol sa diaspora ng mga Pilipino “simula sa aming tahanan sa Lower East Side hanggang sa Little Manila sa Queens at New Jersey." Ipinagmamalaki nila, "To this day, we have teamed up with more than 200 creatives, entrepreneurs, non-profit organizations, and volunteers in forwarding their visions and empowering others [Hanggang ngayon, nakikipag tulungan kami sa higit na 200 mga likha, negosyante, mga non-profit na organisasyon, at mga boluntaryo upang makamit ang kanilang mga pangitain at makatulong sa iba]," at bukas pa rin sa pagkonekta sa iba’t-ibang organisasyon.
Ang menu ng Kabisera ay umaapaw ng iba’t-ibang komplikadong lasa at pinong pagkayari. Kasama sa kanilang mga handog ang cassava cake at ube halaya, pati na rin ang mga pagkaing tulad ng gulay na lumpia, Pinoy katsu, at teriyaki salmon, lahat sa tamang presyo. Noong Oktubre, idinaraos nila ang Kape Project, na nagtatampok ng mga kahon ng kapeng ginawa ng Kabisera: Mahal na Globe Coffee (Baltimore, Maryland) at Out of Office Roasters (Long Beach, California). Kamakailan lamang ay prinisenta ni Chef Augee ang Tikim Taste Box, na pwedeng mag pre-order [magpareserba]. Sa kahon, makikita mo ang masarap na moringa biko ng Kabisera, pati na rin ang mga panghimagas ng limang iba pang "Phil-Am Desserts Small Businesses," kasama ang mga mochi-filled cookies, ube flan, halo-halo, calamansi tart, at buko pandan donut cake (gamitin ang “KABAYAN” code para makakuha ng 10% bawas sa presyo).
Dilaw at asul, berde at pula, ang Kabisera ay sumasabog ng iba’t-ibang kulay. Hindi lamang ito mula sa kanilang mahusay na paggawa ng pagkain, ngunit mula na rin ito sa kagalakan at kasiyahan na nanggagaling sa bawat aspeto ng pagka-Pilipino nito. Ang kaligayahan na nagmumula sa mga manggagawa ng Kabisera ay tilang tunay, at hindi lamang ito tungkol sa pagkain -
ito rin ay tungkol sa bagong pagkakaibigan, pagbuo ng mga komunidad, at pagpapalakas ng kultura.
Ang Oktubre ay simbolo ng Filipino-American artistry, history, at activism [sining, kasaysayan at aktibismo]. Nobyembre, sa kabilang banda, ay nagsasaad ng buhay bago ang pasko sa Disyembre, kung saan nasasabik akong makita kung ano ang handang ilalaan ng Kabisera. Hintayin ang mga special sampler boxes o pati na rin ang Kabisera Collective na nagtatampok ng iba’t-ibang uri ng mga Pilipinong alahas, damit, at paninda.
Sa ilalim ng gabay ni Chef Augee, at ang walang tigil na suporta ng mga Pilipinong mamamayan ng NYC, ang Kabisera ay patuloy na umuunlad, hindi lamang bilang isang negosyo kundi pati na rin bilang isang mala-kultura na lugar. Kaya naman ay kung mahahanap mo ang iyong sarili sa kanilang lugar tulad ng nangyari sa akin sa isang mainit araw na iyon, huwag kang mahiya.
Humakbang paloob at makipag-kumustahan. Hayaan mong iuwi ang iyong sarili.