A Remaining Observer of Disappearing Forests
March 8, 2022
Rigel Portales
“You should lie down now and remember the forest / for it is disappearing—," Susan Stewart starts her poem near the endpoint of our ecological reality: a depleting ozone layer, greenhouse gasses, and industries dependent on carbon emissions. Within this global danger lies a simple truth, the tree. Through mechanisms like carbon sequestration and watershed protection, the tree is a biodiverse defender against global warming but one that is targeted frequently by illegal loggers and destructive land development.
This is where foresters and researchers like Ms. Joy Compendio come in. They are, in essence, conservationists; what must be remembered is what they actively protect, or at the very least, try to preserve. Through fieldwork (i.e. going on forest walks), they get to observe and record the minutiae of the environment. Wild pigs stomping around the foot of a tree, looking for fallen fruit. Birds and their birdsong dancing through a leafy, overhead canopy. She tells me biodiversity is like that, “samu’t saring buhay.” The living depend on the living.
The principle operates in the opposite direction as well. Should you remove a wealth of trees or replace them with a profitable yet foreign species like mahogany, the effect can be disastrous for the ecosystem. She recounts to me the case of Bohol in the 1960s, “[Mahogany is poisonous. Through an allelopathic mechanism, they end up poisoning the soil.]” Thus, the man made forests in Bohol are silent. No birds want to reside there.
Thus, Ms. Joy champions the virtues of rainforestation, a practice started in the 1990s and codified into law under Memorandum Circular 2004-6. Rainforestation is the restoration of forests using native tree species, most of these being dipterocarps, a tropical hardwood species which is well-suited for the Philippines. From the way Ms. Joy gushes about this species, one could come to understand her love for them.
Dipterocarps are named after their fruit, double (di) -winged (ptero) fruit (carp) which looks weirdly alike to the golden snitch from the Harry Potter series. Dipterocarps share this peculiarity in the details. Their fruit fall “[like] helicopters” and they flower in intervals of five to ten years, sometimes even thirteen. In this aspect, the span of the forest takes on the fourth dimension, time.
For a Philippine forest to fully recuperate, it takes years, sometimes generations. To cut down a tree is to wait for a decade before it returns.
As the Philippines Coordinator of the Environmental Leadership & Training initiative by Yale University, part of what Ms. Joy does is “capacitate” ideas of conserving the forest to local farmers and communities in Abuyog, Javier, and Mahaplag in Leyte. Due to the restrictions of the pandemic, she mostly does this through organizing radio lectures and subsequent quizzes for these farmers about rainforestation. Topics include eco-disaster risk reduction, climate resilient agricultural strategies, and nursery establishment and management. Other rainforestation projects include online sessions with businessmen from Ormoc, Leyte about sustainable agarwood production which is a species often exploited for their scent in luxury perfumes (a kilo goes for around 1.5 million pesos).
For Ms. Joy, rainforestation starts with people, especially those most likely to commit these illegal yet common acts in the first place.
Her understanding comes from her undergraduate thesis experience, doing fieldwork within Leyte farming communities and understanding their perspectives. For the farmers, logging is justifiable because “[it’s to sustain their family’s needs.]” She tells me how adamant they were at the start about their beliefs, however, she tells me educating these people became easier over time. Listening to their struggles with droughts, floods, and poorly implemented government programs allowed her to learn from them, and in turn, for the farmers to learn from her. As she stayed with them and even joined in their drinking sessions, she was able to build a trusting relationship with the community which she believes is key to educating people.
The results of this people-centered framework have sprouted impressive results over a long period of time. The community (more formally known as a people’s organization) she worked with was actually first organized by her thesis adviser, seven years ago with 21-23 families. Now, they have over a hundred families that earn a sustainable livelihood through rainforestation with children prepared to take up their parent’s responsibilities. In 2005, they were even awarded as one of the Food and Agriculture Organization of the United Nation’s (FAO) innovative communities. Overall, logging has been reduced and there are ratified forest rangers within the community.
“It’s kinda funny,” she tells me. “Previous illegal loggers are now catching illegal loggers.”
Certainly, forests can’t speak for themselves so the task of defending them is up to us, humans, stewards of God’s creation in some faiths. Speaking is an intrinsically human gift that allows us to engage and convince others. This remains relevant, considering that climate change, global warming, and deforestation are understood by scientists as clearly anthropogenic (i.e. human-caused) events. When I ask Ms. Joy about the biggest obstacle in convincing others of her research, it usually boils down to “selfishness.” Some people are tied to a model of profit that can’t accept alternative models. For them, solutions offered by researchers may as well be ignored. Consequently, the forest is left unheard and exploited in these circumstances.
Though the future may seem grim for our forests, there are always people like Ms. Joy who work towards their conservation in the present. In a blossom of enthusiasm despite fits of coughing, she tells me she truly loves the sight of dipterocarps bearing fruit. It was after Yolanda when the harsh rain and wind triggered the mass fruiting of dipterocarps. The flush pink of mountains blooming all around her. The ambient noises of life that followed the color. Spots of white peeking through broken branches. The living depend on the living.
To subscribe, click here.
To donate more than 100 php, click here.
If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com
Ang Natitirang Tagapagmatyag ng mga Naglalahong Kagubatan
March 8, 2022
Rigel Portales
Translated by Ruth Nacional
“Dapat ay mahiga ka ngayon din at gunitain ang kagubatan / ‘pagkat ito’y naglalaho na–,” sinimulan ni Susan Stewart ang kanyang tula sa paglalarawan ng mistulang wakas ng reyalidad ng ating ekolohiya: ang nawawalang ozone layer, greenhouse gases, at mga industriya na nakadepende sa emisyon ng carbon dioxide. Sa natukoy na pandaigdigang panganib ay nakataklob ang simpleng katotohanan, ang puno. Sa pamamagitan ng mga mekanismo gaya ng carbon sequestration at proteksyon ng watershed, ang puno ay ang nagsisilbing tagapagtanggol laban sa global warming ngunit siya ring kadalasang pinupuksa ng mga ilegal na mangangahoy at nakasisirang reporma sa lupa.
Dito pumapasok ang tungkulin ng mga manggugubat at tagapagsaliksik tulad ni Bb. Joy Compendio. Sila ay matatawag na mga conservationists; mga taong aktibong naglalahad ng kanilang adbokasiya ukol sa proteksyon at preserbasyon ng kapaligiran. Sa pamamagitan ng gawaing panlabas (hal. paglalakbay sa mga kagubatan), nagagawa nilang obserbahan at itala ang kabuuang detalye ng kapaligiran - mga baboy-ramo na lumalaboy sa paligid ng paa ng puno, naghahanap ng nahulog na bunga; mga ibon at ang kanilang mga tinig na sumasayaw sa madahong kulandong. Sinabi niya sa akin na ganoon talaga ang saribuhay, “samu’t saring buhay”. Nakasalalay ang mga nabubuhay sa kapwa nabubuhay..
Ang prinsipyo naman ay namamalakad sa kasalungat na direksyon. Kung tatanggalin ang kayamanang taglay ng mga puno o palitan sila ng napakikinabangan ngunit dayuhang uri gaya ng kamagong, maaaring nakasisira ang epekto nito sa ekosistema. Inulat niya sa akin ang kaso ng Bohol noong 1960, “Nakalalason ang kamagong. Gamit ang mekanismong allelopathic, ang resulta’y paglalason ng lupa.” Sa gayon, ang mga gawang-taong mga gubat sa Bohol ay tahimik. Walang ibon ang gustong manirahan doon.
Itinagumpay ni Bb. Joy ang mga birtud ng pagtatanim ng kagubatan, isang pagsasanay na nagsimula noong 1990 at naipasa-batas sa ilalim ng Memorandum Circular 2004-6. Ang pagtatanim ng kagubatan ay ang pagpapanumbalik ng kagubatan gamit ang katutubong uri ng mga puno, karamihan ay dipterocarps, uri ng tropical hardwood na siyang akma sa Pilipinas. Sa paraan ng pagkuwento ni Bb. Joy tungkol sa uri na ito, madaling mauunawaan ang kanyang pag-ibig para rito.
Ang mga dipterocarp ay ipinangalan sa kanilang mga bunga, double (di) -winged (ptero) fruit (carp) na sa katunayan ay kasing itsura ng golden snitch na makikita sa seryeng Harry Potter. Ang pinagkaiba ng dipterocarp ay matatagpuan sa mga detalye nito. Ang kanilang bunga ay para bang helikoptero kung mahulog at namumulaklak ito sa loob lamang ng lima o sampung taon, minsan ay labing tatlong taon pa. Sa aspektong ito, ang dangkal ng kagubatan ay umuupa sa ikaapat na dimensyon, ang oras. Para buong manumbalik ang isang gubat sa Pilipinas, umaabot ng taon o di kaya’y mga henerasyon.
Ang pagtanggal ng isang puno ay may kapalit na paghihintay ng isang dekada
bago pa ito mapalitan.
Bilang tagapag-ugnay rito sa Pilipinas ng Environmental Leadership & Training na inisyatibo ng Yale University, parte sa tungkulin ni Bb. Joy ang maisatupad ang mga ideya sa pangangalaga ng kagubatan para sa lokal na magsasaka at mga komunidad sa Abuyog, Javier, at Mahaplag, Leyte. Ngunit dahil sa mga paghihigpit gawa ng pandemya, naisasagawa niya ang mga ito sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga lektura sa radyo at sunod-sunod na mga pagsusulit para sa mga magsasaka ukol sa pagtatanim ng kagubatan. Kasama sa mga paksa ang eco-disaster risk reduction, climate resilient agricultural strategies, at nursery establishment and management. Kabilang din sa ibang proyekto ng pagtatanim ng kagubatan ang mga online na pangongonsulta sa mga negosyante mula sa Ormoc, Leyte tungkol sa napananatiling produksyon ng agarwood, uri na napapakinabangan para sa kanilang amoy sa mamahaling mga pabango (isang kilo ay katumbas ng halos 1.5 milyong pesos).
Para kay Bb. Joy, ang pagtatanim ng kagubatan ay nagsisimula sa mga tao, lalo na sa mga malamang na gagawa ng mga ilegal ngunit pangkaraniwang gawain naman na.
Ang pang-unawa niya ay mula sa kanyang karanasan sa thesis na isinulat niya bago magtapos ng kolehiyo, ang pagsasagawa ng trabahong panglabas sa mga pamayanan ng pagsasaka sa Leyte at pag-intindi sa kanilang perspektibo. Para sa mga magsasaka, ang pangangahoy ay makatwiran dahil para ito sa “pagbibigay ng pangangailangan ng pamilya.” Sinabi niya sa akin kung papaanong matatag sila sa kanilang mga paniniwala nung umpisa ngunit ang pagmumulat-mata ng mga mamamayan ay naging madali kalaunan. Sa pakikinig ng kanilang pagsasatinig sa mga pakikibaka sa tagtuyot, baha, at hindi maayos na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan ay natuto rin siya, at ang kapalit, ang mga magsasaka ang natututo sa kanya. Sa pananatili sa lugar nila at pati pakikipag-halubilo sa mga inuman, nakapagtaguyod siya ng relasyon na katiwa-tiwala sa pagitan niya at ng komunidad, at naniniwala siyang ito ang susi sa pagtuturo sa mga tao.
Ang balangkas na ito na nakasentro sa mga mamamayan ay umani ng nakamamanghang resulta sa loob ng mahabang panahon. Ang komunidad (dating kinilala bilang maka-taong organisasyon) na kasama niyang magtrabaho ay inorganisa ng kanyang guro para sa kanyang thesis, pitong taon na ang nakalipas kasama ang 21-23 pamilya. Ngayon, mayroon nang isang daang mahigit na pamilyang kumikikita sa pamamagitan ng pagtatanim ng kagubatan at mga anak na handa ring isatungkulin ang responsibildad ng kanilang mga magulang. Noong 2005, ginantimpalaan sila bilang isa sa mga makabagong komunidad ng Food and Agriculture Organization of the United Nation’s (FAO). Samakatuwid, ang pangangahoy ay nabawasan at may mga pinagtibay na mga tanod ng kagubatan sa loob ng komunidad.
“Nakakatawa nga eh,” aniya. “Ang mga dating ilegal na mangangahoy ay ngayo’y
nanghuhuli na rin ng mga ilegal na mangangahoy.”
Nakatitiyak na hindi kayang magsalita ng kagubatan para sa kanyang sarili kaya ang tungkulin na protektahan sila ay nasa ating mga tao, mga tagapamahala ng Diyos base sa ilang pananampalataya. Ang pagsasalita ay isang likas na regalo ng tao na nagpapahintulot na hikayatin at kumbinsihin ang ating kapwa. Nananatili itong may kaugnayan, lalo na’t ang climate change, global warming, at ang pagkaubos ng kagubatan ay mga kaganapang dulot ng tao. Noong tinanong ko si Bb. Joy ukol sa pinakamalaking balakid sa paghikayat ng ibang tao sa kanyang saliksik, sa madaling salita’y kasakiman ang sagot. May mga taong nakatali sa modelo ng paghahanapbuhay na walang espasyo para sa mga alternatibong modelo. Para sa kanila, ang mga solusyon na mula sa mga tagapagsaliksik ay hindi nagkakahalaga ng atensyon. Dahil dito, ang kagubatan ay nananatiling walang boses at inaabuso.
Kahit na ang kinabukasan ay nagmimistulang mahigpit para sa kagubatan, laging may mga tao gaya ni Bb. Joy na nagsisikap para sa pagpapanatili sa kasalukuyan. Sa isang pamumulaklak ng sigasig sa kabila ng pag-ubo, sinabi niya sa akin na talagang gusto niya ang tanawin ng mga dipterocarp na namumunga. Pagkatapos ng pagtama ng bagyong Yolanda, ang malakas na pag-ulan ay gumatong sa ubod ng saganang pagbunga ng dipterocarps. Ang kulay rosas na mga bundok na namumukadkad sa kanyang paligid. Ang mga ingay ng buhay na sinusundan ang nasabing kulay. Mga patak ng puti na sumisilip sa mga putol na sanga. Nakasalalay ang mga nabubuhay sa kapwa nabubuhay.
Upang mag-subscribe, click here.
Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.
Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com