top of page
English

A TEACHER: Edukasyon Para Sa Lahat?

March 21, 2022

Rianne Motas

In today’s world, a nation is poor without progress. However, there is one catalyst of advancement that is prioritized most—education.

For Third World nations like the Philippines, education contributes to the development of civil society and the economy; focusing its energy on making people employable rather than enabling them to prioritize higher thinking and scrutiny when it comes to their systems. The idea of using education to escape poverty is a popular pursuit as it is a reasonable goal; it’s no secret that it can be an anchor that rescues us from insolvency. However simplistic this goal may be, there are still a lot of problems that hinder us from meeting this, such as the lack of access to education and the limited availability of learning spaces in remote areas.

According to the Multidimensional Poverty Index, Filipino households are the poorest in terms of schooling; 6 out of 10 families in 2016 and 5 out of 10 families in 2017 lacked access to basic schooling. What’s concerning is that the education sector actually gets the biggest chunk of the national budget as per the 1987 constitution which says “the State shall assign the highest budgetary priority to education.” 

 

Does the amount of people who benefit from it, on the other hand, match the budget?

A Teacher Partylist and their Agenda

 

What is the government doing about the difficulties that surround education, if it is a must for development?

 

This is what A TEACHER Partylist recognizes; it aspires to be the voice of the education sector, representing teachers, students, non-teaching staff, and academic institutions on issues that affect their professional, personal, and organizational well-being and advancement.


Their focus is to bring forth the transforming power of education from a community to a national scale. The core of their legislative agenda is to support, sponsor, or promote laws that improve the educational quality in the country. Aside from that, they also prioritize the professional development and economic welfare of teachers, and other school personnel. They also provide government assistance or incentives to private schools in recognition of their complementary role with public schools.

12022405_10153707366623939_7984745563186912155_o.jpeg

A couple of their initiatives over the past few years include constructing classrooms, holding laptop donation drives for online classes, constructing school buildings and evacuation centers, and more. 

 

In an interview with SMNI, Party-List 1st Nominee Mr. Ryan Taclan emphasized their purpose, saying “Ang A TEACHER ay mayroong wholistic at inclusive view pagdating sa edukasyon. Ngunit tinitingnan din natin ang iba’t ibang sektor na nakakaapekto sa edukasyon. Everything starts with education. We have this urgency to bridge the gap. Kami ay naniniwala na ang edukasyon ay magiging susi ng ating bansa sa pagrecover ng ating ekonomiya pagkatapos ng pandemya.” 

Screen Shot 2022-03-21 at 3.39.06 PM.png

Education’s Now

Neophyte Congressman and Chief-of-Staff, Ryan Taclan, of A TEACHER says “We are putting education at the heart of every sector.” 

 

It's clear that A TEACHER is proud of their on-the-ground activities, claiming that they're not all talk and no walk, claiming that they are not like other party-lists that advocate for similar causes. While that declaration has yet to be substantiated, it is undeniable that A TEACHER made a lot of noise as a result of a proposed bill.

 

The party-list left its mark when they authored the K-12 Bill in hopes to address the lack of basic education. The ultimate goal of this bill was to produce more capable and employable citizens even just with a high school diploma. However, when this first came into effect, it was criticized for being anti-poor as the extra two years were seen to be as a burden rather than an advantage. 

“It’s very important—hindi siya additional gastos.” Mr. Taclan states. “The children will learn basic skills during Junior and Senior high school. So pagka-graduate nila, 18 years old na sila, they can be productive members of society.” 

Taclan further expounds that though K-12 may require a two-year sacrifice, at least Filipinos that want to go abroad won’t have to take extra academic courses, and Filipino students that can only afford high school can work after grade 12.

 

In retrospect, an ambitious plan should have been carried out with greater caution and foresight; the real question was whether the Philippines was ever ready. Certainly, K-12's long-term prospects sparkle with progress—on a national level as well. Who, on the other hand, was actually prepared for it? A few of the problems that came with the implementation were teachers’ lack of preparation for the curriculum shift since they were tasked to teach new subjects. Basic facilities to cater to elementary level education were also scarce, especially in remote areas. 

Although, now that it’s been implemented for years, we could see the instantaneous rate of incline in the workforce, especially in the BPO sector. K-12 graduates now storm the call center offices, and are even getting employed before they enter college. 

 

A TEACHER’s focus now is to address the pandemic gap; Taclan expresses his concerns as children nowadays are more immersed in a social media platform called TikTok than they are equipped to do basic mathematics and learn basic grammar. 

 

“We are raising parrots,” Mr. Taclan expresses. “Ayan yung reality na hindi nakikita. Kasi hindi pinag uusapan ‘to eh. We’re raising parrots because of social media, and we have to fix this and we have to fix it soon. Bakit kailangan? Kasi yung education yung key natin sa pagbangon after the pandemic. We have to have professionals—people doing the work for our economy.” 

A total of three million students in the Philippines have decided not to enroll in or complete their basic education in the school year 2020-2021 ("the pandemic school year"), according to reports. The COVID-19 pandemic compelled these pupils to take a "gap year," and the concept of "no student left behind" is more of an ideal than a reality in this period of the COVID-19 pandemic.

 

Notably, A TEACHER also recognized the lack of teaching staff in both private and public schools and had suggested letting fresh graduates get teaching experience and exercise what they learned in school by being employed by these entities. 

Moving Forward

 

When it comes to educational concerns, it is reasonable to state that a TEACHER has a solid knowledge of where to shine the light on. As principal authors of the K-12 Bill — which was quite a staggering change — they hope to further enhance the programs and their implementation as well as procure more life-changing bills of the like. 

 

Despite the pandemic, A TEACHER continues to make progress by traveling on-site [if possible] and using the virtual sphere to hold webinars that benefit both students and teachers. Regardless of the fact that the specific plans have yet to be revealed, we can already see that they are taking good steps towards cultivating essential initiatives.

 

There could be a slew of other challenges encased in the education system, but the pressing concern is that there is an absence of compulsion to come up with more elaborate solutions for that. What the country needs is for the education system to give the marginalized a fighting chance in life. A TEACHER opted to act upon this problem and have changed the landscape of education for better or for worse—depending on the perspective of the person you’re talking to. Solution-making is a slippery slope; proposed plans may mean well, like the K-12 Bill, but its effectiveness should not be determined by the capable because it is intended to help the incapable. A TEACHER is a party-list that has prided itself in its achievements and presents even more ambitious plans for the future.

Although, Mr. Taclan did not go fully in depth with the future plans of A TEACHER when they get a seat, he hints by saying that “marami kaming plano, lalo na sa digital infrastructure ng edukasyon.” It remains to be seen whether these plans will be implemented, let alone how, and if they will fully cater to the circumstances of the people. 

The core of democracy—and of Philippine politics—is not confined to a single branch of our government. 

Amid all the craze and flurry of news surrounding the Presidential elections, we must remember that we also have an active role—a responsibility—as citizens of the Philippines to make ourselves knowledgeable and to dig deeper into our own lawmakers and representatives so that we can better evaluate what new legislation will transform our country.

Filipino

A TEACHER: Edukasyon Para Sa Lahat?

March 21, 2022

Rianne Motas

Translates by Amiel Zaulda

Sa kasalukuyang panahon, naghihirap ang bansang hindi nakararanas ng pag-unlad, ngunit may isang tagapagtaguyod ng kaunlaran na ginagawang prayoridad—edukasyon.

Para sa mga third world na bansa gaya ng Pilipinas, malaki ang gampanin ng edukasyon sa kaunlaran ng ekonomiya nito at mga civil society, habang tinutuon ang pansin sa paghahanda ng mga tao para sa pagtatrabaho at hindi sa pagkikintal ng kritikal na pag-iisip at pagpuna sa sistema nito. Ang ideyang edukasyon ang magbabangon sa mga tao mula sa kahirapan ay paulit-ulit na lang sapagkat maaaring masasabing tama at posible ito. Hindi maitatangging ito ang angklang pumipigil sa atin na mabaon sa utang. Kahit ganito lang kasimple ang mithiing ito, marami pa ring mga problema ang humahadlang sa atin, gaya ng kawalan ng pagkakataong makapag-aral at limitadong mga paaralan sa mga malalayong nayon. 

 

Ayon sa Multidimensional Poverty Index, ang Pilipinas ang pinakamababa pagdating sa pagkakaroon ng pagkakataong mag-aral. Anim sa 10 pamilya noong 2016 at lima sa 10 pamilyang Pilipino noong 2017 ang walang access sa basic schooling. Mas nakaaalarma sa mga datos na ito ang katotohanang ang sektor ng edukasyon ang nakatatanggap ng pinakamataas na badyet kada taon, na alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, "the State shall assign the highest budgetary priority to education." 

 

Sa kabilang dako, magkatugma ba ang bilang ng mga taong nakikinabang dito sa badyet na ibinibigay? 

Isang Partylist ng mga Guro at ang Kanilang Adyenda

 

Kung nararapat ang edukasyon sa kaunlaran ng bansa, ano ang mga aksiyong ginagawa ng pamahalaan para masolusyonan ang mga suliranin dito?

 

Ito ang misyon ng A TEACHER Partylist. Layon ng partylist na ito na maging boses ng sektor ng edukasyon at maging kinatawan ng mga guro, mag-aaral, non-teaching staff, at mga akademikong institusyon pagdating sa pagtalakay ng mga suliranin sa kanilang propesyunal, personal, at organisasyonal na pag-unlad at katayuan. 

 

Ang pokus nila ay ang dalhin sa nasyunal na lebel ang lumalakas na alyansa ng pagtataguyod ng edukasyon na nagsimula lang sa maliit na pangkat. Ang pangunahing lehislatibong layon nila ay ang pagsuporta, pangunguna, o pagtuguyod ng mga batas na mag-aayos sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Bukod dito, prayoridad din nila ang propesyunal at ekonomikong kaayusan ng mga guro at iba pang personnel sa paaralan. Nagbibigay rin sila ng mga tulong (government assistance) at insentibo sa mga pampribadong paaralan para sa kanilang mabuting pakikipag-ugnayan sa mga pampublikong paaralan. 

12022405_10153707366623939_7984745563186912155_o.jpeg

Ilan sa mga naging resulta ng kanilang ibinigay na insentibo noong mga nagdaang taon ay napunta sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagsasagawa ng mga laptop donation-drive para sa online classes, pagpapatirik ng mga gusali sa paaralan, evacuation center, at iba pa. 


Sa isang panayam ng SMNI, binigyang-diin ni partylist 1st Nominee Ryan Taclan ang layon ng A TEACHER: "Ang A TEACHER ay mayroong wholistic at [inklusibong pananaw] pagdating sa edukasyon. Ngunit tinitingnan din natin ang iba't ibang sektor na [nakaaapekto] sa edukasyon. Lahat ay nagmumula sa edukasyon. Nakararamdam tayo ng urgency para mapunan ang mga puwang. Kami ay naniniwala na ang edukasyon ay magiging susi ng ating bansa sa pag-ahon ng ating ekonomiya pagkatapos ng pandemya.

Screen Shot 2022-03-21 at 3.39.06 PM.png

Edukasyon sa Kasalukuyan

 

Wika ni Congressman at Chief-of-Staff Ryan Taclan ng A TEACHERS, "Isinasama namin ang edukasyon sa iba't ibang sektor." 

 

Hindi maikakailang ipinagmamalaki ng A TEACHERS ang kanilang on-the-ground na mga aktibidad na isinagawa, sinasabi nila na hindi lang sila puro salita at walang gawa at idinidiin din ng First Representative na si Sir Ryan Taclan na hindi sila katulad ng ibang partylist na kapareho nila ng ipinaglalaban. Habang hinihintay pa ang deklarasyong iyon na maisabatas, hindi maikakailang naging matunog ang A TEACHERS dahil sa resulta ng bill na na-i-propose. 

 

Nag-iwan ng marka ang partylist matapos na pangunahan nila ang K-12 Bill sa kanilang pag-asam na masolusyonan ang kawalan ng pangunahing edukasyon (basic education) sa Pilipinas. Ang pinakapangunahing layon ng bill na ito ay ang makapaghasa ng mga Pilipinong handa na sa trabaho kahit na high school diploma lang ang nakamit. Gayunpaman, sa unang taon ng pagsasabatas nito, pinuna ito at tinawag na "anti-poor" dahil ang dalawang taong naidagdag ay nakikitang abala/gastusin kaysa sa isang oportunidad. 


"Mahalaga [ang K-12]—hindi ito dagdag-gastos," ani G. Taclan. "Matututo ang kabataan ng mga pangunahing kasanayan sa Junior at Senior high school. Kung kaya pagkanakapagtapos na sila, 18 taong gulang sila, magiging produktibong miyembro na sila ng ating lipunan."

Ipinaliwanag pa ni Taclan na kinakailangan talaga ng dalawang taong pagsasakripisyo sa K-12. Inihayag niya rin na kahit-paano ay hindi na kukuha ng karagdagang pag-aaral ang Pilipinong magtatrabaho abroad. Bukod dito, winika niyang ang mga Pilipinong hindi na kayang makapag-aral ng kolehiyo ay maaari nang magtrabaho pagkatapos ng ika-12 baitang. 

 

Sa pagbabalik-tanaw, dapat na ang pagsasabatas ng panibago at ma-ambisyong plano ay sinamahan ng masusing pagpaplano at pag-iingat; ang tunay na tanong, naging handa ba ang Pilipinas dito? Sa katunayan, ang pangmatagalang tanawin ng K-12 ay nagniningning nang may pag-unlad—pati na rin sa nasyunal na antas. Sa kabilang banda, sino nga ba ang tunay na nakahanda para dito? Ilan lamang sa mga problemang kinaharap sa implementasyon nito ay ang kawalan ng kahandaan ng mga guro sa pagpapalit ng kurikulum sapagkat napilitan silang magturo ng panibagong mga asignatura (subject). Nagkulang din sa mga pasilidad para sa mga paaralang-pang-elementarya, lalo na sa mga malalayong lugar. 

 

Ngayon sa pang-apat na taon ng implementasyon nito, masasaksihan ang patuloy na pagtaas ng mga pumapasok sa industriya ng pagtatrabaho, lalo na sa sektor ng BPO. Malaking bahagdan ng mga nakapagtapos ng K-12 ay nagtatrabaho sa call center, at marami rin ang natatanggap na sa trabaho bago pa man makapagtapos. 


"We are raising parrots," ani G. Taclan. "Ayan 'yong [katotohanang] hindi nakikita, kasi hindi pinag-uusapan 'to, e. We're raising parrots dahil sa social media, at kailangan na maisaayos ito—maisaayos sa lalong madaling panahon. Bakit kailangan? Kasi susi ang edukasyon sa pagbangon natin pagkatapos ng pandemya. Kailangan natin ng mga propesyunal—mga magtatrabaho para sa ating ekonomiya."

Sa kabuuan, may tatlong milyong Pilipinong mag-aaral ang hindi nag-aral o hindi nakapagtapos ng basic education noong panuruang taon 2020-2021(o kilala rin bilang "the pandemic school year") ayon sa mga ulat. Dahil sa pandemya, napilitan ang mga mag-aaral na huminto muna o magkaroon ng "gap year." At ang konseptong "no student left behind" ay isang mithiin lang at hindi realidad ngayong panahon ng COVID-19 pandemya. 

 

Bukod dito, kinikilala rin ng A TEACHER ang kakulangan ng mga guro sa mga pampubliko at pampribadong paaralan. Nagbigay-suhestiyon din silang dapat na kumuha ang mga "fresh graduate" ng teaching experience at exercise tungkol sa mga natutuhan nila sa paaralan sa pamamagitan ng pag-apply sa kanilang mga paaralan. 

Pagpapatuloy ng Nasimulan

 

Pagdating sa mga isyung pumapalibot sa edukasyon, tiyak na alam na ang A TEACHER ay may kaalaman at estratehiya kung anong isyu ang dapat mapunan. Bilang mga principal author ng K-12 Bill—na naging biglaang pagbabago—nananalig silang mapalalago nila ang mga programang pinangunahan at implementasyon nito, pati na rin ang pagpasa ng mga bill na makatutulong sa mga Pilipino. 

 

Sa kabila ng pandemya, nagpatuloy ang A TEACHER sa paggawa ng mga aktibidad on-site (kung posible lang) at online para mag-organisa ng mga webinar na parehong makatutulong sa mga mag-aaral at guro. Kahit na hindi pa naibubunyag ang mga plano ng partylist na ito, mahihinuha na ng lahat na sila ay nangunguna tungo sa pagtataguyod ng mga kapaki-pakinabang na mga inisyatibo sa bansa. 

 

Mayroon mang mga hamong kaakibat ng sistema ng edukasyon sa bansa natin, ngunit ang mas kailangang pagtuunan ng pansin ay ang kawalan ng inisyatibong mag-isip ng mga mahahalagang programang magbibigay-solusyon. Ang kailangan ng bansa natin ay isang sistema ng edukasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na makapag-aral. Umaksiyon ang A TEACHER sa problemang ito at binago ang katayuan ng edukasyon para sa ikabubuti o ikalalala nito—depende sa pananaw ng taong kausap mo. Walang kaseguraduhan sa pagpasa ng mga solusyon; ang mga naipasang solusyon man ay may magandang mithiin, kagaya ng K-12 Bill, ngunit ang tagumpay nito ay hindi nababase sa mga may kaya dahil dapat na mas nakikinabang nito ang walang-kaya. Ipinagmamalaki ng A TEACHER ang mga nagawa nito noon at mga malalaking plano nito sa hinaharap. 


Kahit na hindi malalimang binunyag ni G. Taclan ang mga proyekto ng A TEACHER kung mahahalal sila, sinigurado lang niyang, "marami kaming plano, lalo na sa digital [na imprastraktura] ng edukasyon." Ngayon, hindi pa malaman kung ma-i-implementa ang mga planong ito at paano, at kung lahat ng tao ay makikinabang dito.

Ang sentro ng demokrasya—at ng politika sa Pilipinas—ay hindi nalilimitahan sa isang sangay ng pamahalaan.

Sa gitna ng mga balitang naglipana tungkol sa papalapit na presidential elections, dapat nating tandaan na mayroon din tayong aktibong gampanin—isang responsibilidad—bilang mamamayan ng Pilipino na imulat ang ating mga sarili at malalimang magsaliksik sa mga politiko at kinatawan sa pamahalaan nang mapabuti natin ang administrasyon natin nang mapabuti rin nila ang kalidad ng buhay sa ating bansa.

bottom of page