Pagkain Para Sa Lahat? AGRI!
May 3, 2022
Raffaello Khan Agustin
Why is agriculture relevant in today’s world?
Agriculture, one of the key drivers of economic progress in the Philippines, is a sector considered to be a major source of employment for the ordinary Filipino. However, it is quite a paradox that the Filipino that works tirelessly under the sun for food to eat is the Filipino who can hardly afford to eat even once a day.
Providing food is essentially the livelihood for the laborers in this sector. But, why are the providers of our food the ones who have nothing served at their tables? Despite agriculture serving us our primary needs, it remains to be unheard and unseen by our policymakers in the current time.
With the people of this sector mostly being in far-flung places such as sitios and small barangays, they remain to be underrepresented by politicians who are supposed to make policies for the betterment of the Filipino people. As shown by the Philippine Statistics Authority (PSA), farmers and fisherfolks consistently posted the highest poverty incidence among basic sectors – making these workers highly probable to lack the means to sustain their needs. As voters who have the power to elect a group of people to represent a certain sector, is AGRI the one deserving of our vote to represent Agriculture?
Representation from AGRI
With the aim to represent the members of the agricultural sector, AGRI Party-list, also known as AGRI-AGRA Na Reporma Para Sa Magsasaka ng Pilipinas, is a political organization that pushes for the voice of the farmers and fisherfolk from far-flung places in the country. As an organization, they advocate for equal access to basic necessities, most particularly food. Through an interview with Sir Honeylon Valera – the party-list’s National Youth Director, he emphasized one of the pertinent issues that farmers in the country are experiencing is that they do not have access to their own food. This is just one of the issues they would like to shed light in the Congress.
Putting an emphasis on open communication, their organization directly communicates with people in the community to learn about their needs and consult them on ways that they can enable the industry to prosper. “If we don’t know the problem, then we cannot give a solution.” They serve the communities where there are problems to solve, and not just hastily implement programs for the sake of having a project to implement.
“If we don’t know the problem, then we cannot give a solution.”
As most businesses in the country also closed down due to the COVID-19 Pandemic, this has drastically affected the agricultural sector – as these businesses’ source of raw products. This has led to a negative economic impact to not only the agricultural sector, but also the Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) in our country – the backbones of the Philippine Economy. Due to this, AGRI also pushes for economic growth through the progress of the agricultural sector.
Lastly, AGRI does not only represent the farmers and fisherfolks but also the ordinary Filipino who works tirelessly to provide food on their table. They emphasized that putting a focus on agriculture would encourage more labor due to the possibility of increasing businesses in the country. Also, through solving the needs of the members of the agricultural sector, costs of basic commodities will decrease – making food much more accessible for the Filipinos.
Rebranding Agriculture to the Masses Through Education
Agriculture is for everyone because everyone eats. In the current world, this particular sector is viewed in a negative connotation – pertaining that agriculture is for the poor. “We have to change the stigma na pag sinabing farmer ka, mahirap ka.” Thus, as this sector’s representative, one of their advocacies is to rebrand the image of agriculture to the Filipinos.
It is important to realize that a career in agriculture is indeed possible – despite being uncommon to the eyes of many. To further strengthen the desire of youth who wish to have a career in Agriculture, AGRI Party-list aims to provide motivation and support to deserving Filipino youth through funding the education of students studying Agriculture courses. The organization believes that one key solution to the prosperity of the sector is education. Investing in the youth’s future – through agricultural education – is another key towards debunking the stigma of this sector.
“Making the youth realize that agriculture is a viable career, as well as showing them that agriculture is a potential business opportunity are only some of the goals that we have here in
AGRI Party-list.”
Education does not only take place through funding a college education for deserving Filipino students. Educating the people about the importance of this sector would encourage consumers to patronize local products, which can be of great help to the farmers and fisherfolks’ livelihood, and the Philippine economy as well.
Angat Buhay nga ba ang Lahat?
Aside from the advocacies focused on the “rebranding” of agriculture, the party-list are advocating towards crafting the leaders of our future who are bound by the values of honesty, transparency, accountability, and integrity. “We are pushing for change now.”
With that, they are transparent with their support towards one presidential candidate - the current Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo, who conforms to their ideologies with regards to change. Aside from that, AGRI has attached their name directly to Robredo's campaign. From brandishing her name in their posters to forming groups of AGRI Volunteers for Leni.
Although their belief in change is admirable, one cannot help but wonder whether locals who support other candidates are feeling alienated by the party-list, if they are still willing to approach a party-list that brands itself with a politician rather than just the agriculture sector. When we asked AGRI’s representative about this possible alienation, they responded that regardless of whoever they support for the presidency, we will continue to help these sectors - bringing solutions to the identified problems in their agricultural community.
As a representative, not only of agriculture but also for all Filipinos, they believe that every issue in the country is all interconnected – whether it be agriculture, education, economy, and the like; it will only be solved through a change in the political landscape of the country.
The party-list believes that with honesty and transparency present in the government, it will be a sign of economic prosperity for the Filipino people. Will a vote for AGRI mean a better life for all?
Who is AGRI in Congress?
Back then, AGRI Party-list has been provided with a seat in Congress, and has pushed for various bills that support their advocacy. Some of the laws that they have pushed for are emphasizing the need to support labor workers under Agriculture, as well as an accessible education for the Filipino Youth.
Being true to their advocacies, some of the bills they principally authored that became laws are Republic Act No. 10969 or the Free Irrigation Service Act, Republic Act No. 11039 or the Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act, and Republic Act No. 11038 or the Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018.
Aside from that, Republic Act No. 10931, also known as the Universal Access to Quality Education Act (Free Tuition Act), is principally authored by AGRI’s Nominees in Congress. In addition, Republic Act No. 11035, or the Balik Scientist Act, emphasizes the need to embrace innovation – through the need to believe in experts in their specific fields.
In total, AGRI has pushed for a fairly high number of principally-authored bills that aim to solve the problems in the sector they represent. Not only that, they also advocated for the needs of the Filipino people through co-authorship in bills, as well as resolutions that push for a solution to a certain problem.
Although, despite everything that they have done in Congress, one cannot help but wonder why? Why did they lose in the previous elections?
Turning Challenges into Solutions
As they seek another position in congress, AGRI Party-list narrated some issues that they find to be a challenge should they be given a seat in the 19th Congress: farmer and fisherfolk’s fiscal management, embracing innovation, and a change of the current political landscape. They believe that while it may be a challenge that they will probably face in Congress, they have the aspiration to bring solutions to the country.
“We want to be in the position to help farmers not only in planting their crops and marketing their products, but also in managing their finances.”
It will be a challenge to make all members of this sector to be financially literate - which is a hurdle that they want to overcome. Secondly, AGRI emphasizes innovation to help the agriculture sector progress in their sectors. Being knowledgeable about the technicalities and new developments in farming – which includes new farming techniques and new crops to plant – are essential to create change in the sector. Finally, with AGRI being a supporter of the opposition presidential candidate in the 2022 Elections, the current Majority in Congress can limit the projects and proposals they wish to push for in the legislative branch. While it may be a limitation, they are optimistic that despite being surrounded by legislators with a different political affiliation, crafting laws that provide a solution to the pressing problems of the country is the priority.
The question stands whether they are capable enough to become solutions to the country’s ongoing problems.
AGRI, Para sa Lahat
The real question is sa kabuhayan at pagkaing sapat, aangat nga ba ang buhay ng lahat? As there are a lot of agricultural party-lists running for a seat in Congress, they believe that what makes them different is the fact that their programs and proposed policies are aligned with all sectors of society – even including the youth.
AGRI continuously emphasized the importance of agricultural education for the youth, and for the masses. They also believe that the youth of today, we will be the
future of tomorrow. Thus, through their projects that aim to improve the agricultural sector with education, economic prosperity is possible with transparency and accountability. It is also important that we realize the economic effects of patronizing agriculture as a sector, some of which are more food and jobs and businesses generated in the country.
The youth, mostly being first-time voters, are using their power to make change possible for our country. AGRI, who are one with the youth, is there to change the current state of agriculture and education for all. With their aspirations toward equal representation, rebranding agriculture to the Filipino, and change in politics, they are one with the youth towards achieving true change in our nation. Now, with all the power at our hands, let us always reflect and be critical of the values of this party-list - if it is something that we stand for, and if they are truly deserving of our vote.
With the push of rebranding agriculture, a better life for all, and crafting
future leaders, do you AGRI?
Pagkain Para Sa Lahat? AGRI!
Mayo 3, 2022
Raffaello Khan Agustin
Translated by Amiel Zaulda
Bakit nga ba napapanahon ang agrikultura sa modernong mundo?
Ang agrikultura, isa sa mga pangunahing tagasulong ng pag-unlad ng ekonomikong sa Pilipinas, ay isang sektor na itinuturing na mahalaga sa pagbibigay ng trabaho sa mga ordinaryong Pilipino. Subalit, para itong isang kabalintunaan lamang na ang mga Pilipinong kumakayod sa ilalim ng init para makapagbigay ng pagkain sa hapag-kainan ng mga Pilipino ang siyang hindi makakain ni isang beses sa isang araw.
Ang pag-prodyus mismo ang pangkabuhayan ng mga magsasaka sa sektor na ito. Ngunit bakit ang ating mga prodyuser ay ang mga taong wala mismong maihain sa kanilang hapag-kainanan? Bagaman agrikultura ang nagbibigay sa atin ng pangunahing makakain, nananatili pa ring hindi naririnig at nakikita ng ating mga kongresista sa kasalukuyan.
Dahil ang karamihan sa mga tao sa sektor na ito ay naninirahan sa malalayong pook gaya ng mga sitio at maliliit na barangay, nananatili silang "underrepresented" ng mga politiko na dapat ay gumagawa ng mga polisiya para sa ikabubuti nila. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga magsasaka at mangingisda ang kadalasang nangunguna sa "highest poverty incidence among basic sectors"—nangangahulugang ang mga manggagawang ito ay mataas ang tsansa na magkapera para mairaos ang pang-araw-araw na gastusin. At ngayon ang mga botante ay may kapangyarihan na magluklok ng partikular na partylist para kumatawan sa ispesipikong sektor, karapat-dapat ba ang AGRI na kumatawan sa agrikulturang Pilipino?
Representasyon mula sa AGRI
Buhat ang layon na kumatawan sa mga miyembro ng sektor ng agrikultura, ang AGRI Party-list, kilala ring AGRI-AGRA Na Reporma Para Sa Magsasaka ng Pilipinas, ay isang politikal na organisasyon na nagpapalakas sa boses ng mga magsasaka at mangingisda mula sa mga nayon papuntang lungsod dito sa ating bansa. Bilang isang organisasyon, adhika rin nila ang pantay-pantay na access sa mga pangunahing pangangailangan, lalo na ang pagkain. Sa isang panayam kasama ni Sir Honeylon Valera—ang National Youth Director ng partylist, diniin niya na isa sa mga paulit-ulit na isyu ng mga magsasaka sa bansa ay ang hindi nila matamasa ang sarili nilang pagkaing pinaghirapan. Isa lamang ito sa mga isyu na nais nilang iparating sa Kongreso.
Sa pagpapahalaga nila sa open communication, ang organisasyon nila ay mismong direktang nakikipag-usap sa mga tao sa mga komunidad upang malaman kung ano ang kanilang mga kailangan at komunsulta sa kanila upang malaman kung paano naman nila pauunlarin ang industriya. "Kung hindi natin alam ang problema, hindi natin ito masosolusyonan." Pinagsisilbihan nila ang mga komunidad na nakararanas ng mga problemang ito, hindi upang gumawa ng mga proyekto para lang masabing "gumagawa ng proyekto."
"Kung hindi natin alam ang problema, hindi natin ito masosolusyonan."
Gaya ng karamihan sa mga negosyo sa bansa na nagsara dahil sa pandemyang COVID-19, lubos na naapektuhan ang sektor ng agrikultura—dahil ang mga negosyo ring ito ang mapagkukunan ng resources ng agrikultura. Humantong ito sa negatibong epekto hindi lamang sa sektor ng agrikultura kundi pati na rin sa mga Micro, Small and Medium Enterprise (MSMEs) sa bansa—ang pundasyon ng pambansang ekonomiya. Buhat nito, tinataguyod ng AGRI ang economic growth sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura.
Panghuli, hindi lang ang mga magsasaka at mangingisda ang kinakatawan ng AGRI kundi pati na rin ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino na kumakayod para lang may maihaing na pera sa hapag-kainan. Binibigyan nila ng diin na ang pagpopokus sa agrikultura ay magbubukas ng maraming trabaho na magbubunsod sa posibilidad ng pag-unlad ng mga negosyo sa bansa. Dagdag dito, sa pamamagitan ng pagreresolba ng mga pangangailangan ng mga miyembro ng sektor ng agrikultura, ang gastusin sa mga pangunahing pangangailangan ay bababa—na siyang tutulong para ang pagkain ay mas accessible para sa mga Pilipino.
Pag-rebrand ng Agrikultura sa Masa Gamit ang Edukasyon
Ang agrikultura ay para sa lahat. Sa kasalukuyan, ang sektor ng agrikultura ay tinitingnan sa negatibong paraan—sinasabing ang agrikultura ay para sa mga mahihirap. "Kailangan nating buwagin ang stigma na 'pag sinabing magsasaka ka, mahirap ka." Samakatwid, bilang isang kinatawan ng sektor, isa sa mga adbokasiya nila ay ang i-rebrand ang imahen ng agrikultura sa mga Pilipino.
Mahalaga na maunawaan ng tao na ang trabaho sa agrikultura ay posible—bagaman nakapapanibago sa mata ng nakararami. Upang mas lalong lumakas ang pagnanais ng kabataan na magkaroon ng karera sa agrikultura, layon ng AGRI Partylist na magsilbing motibasyon at suporta sa mga karapat-dapat na kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagpopondo sa edukasyon ng mga mag-aaral na nag-aaral ng kursong pang-agrikultura. Naniniwala ang organisasyon na susi sa pag-unlad ng sektor ang edukasyon. Ang pag-invest sa kinabukasan ng kabataan—sa pamamagitan ng edukasyon sa agrikultura—ay isang paraan upang mabuwag ang stigma.
"Sa pamamagitan ng pag-engganyo sa kabataan na ang karera sa agrikultura ay respetado rin, kasabay ng pagpapakita na ang agrikultura, na isang potensiyal na oportunidad sa negosyo, ay ilan sa mga obhektibo namin dito sa AGRI Partylist."
Hindi natatapos sa pagpopondo sa mga karapat-dapat na Pilipino sa kolehiyo ang edukasyon sa agrikultura. Ang pagtuturo sa mga tao ng kahalagahan ng sektor ay magbubunsod sa mga kostumer na tangkilikin ang mga lokal na produkto, na makatutulong para maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, pati na rin ang ekonomiya ng bansa.
Angat Buhay nga ba ang Lahat?
Bukod sa mga adbokasiyang nakatuon sa "rebrading" ng agrikuktura, itinataguyod din ang partylist ay ang paglikha ng mga lider sa kinabukasang pinahahalagahan ang mga birtud ng katapatan, kalinisan sa gawa, responsibilidad, at integridad. "Tinataguyod na namin ang pagbabago ngayon na."
Dahil doon, hayagan nilang ipinapakita ang suporta sa iisang kandidato lamang— ang kasalukuyang Ikalawang Pangulo Maria Leonor "Leni" Robredo, na magkaugnay sa kanilang ideolohiya pagdating sa pagbabago. Bukod doon, direkta nang nilalagay ang pangalan ng AGRI sa kampanya ni Robredo mula sa pag-brand ng kaniyang pangalan sa kanilang mga poster at pagbuo ng mga grupo kagaya ng AGRI Volunteers for Leni.
Bagaman ang paniniwala ng pagbabago ay nakahahanga, hindi maiiwasang magtaka kung ang mga lokal na mamamayan na sumusuporta sa ibang kandidato ay nakararamdam na sila ay na-alienate ng partylist, kung handa pa rin silang makiugnay sa isang partylist na iniuugnay ang sarili sa isang politiko kaysa sa sektor ng agrikultura mismo. Nang tanungin ang Kinatawan ng AGRI ukol dito, ipinahayag nila na kahit sino pa man ang kanilang sinusuportahan para sa pagkapangulo, patuloy nilang tutulungan ang mga sektor na ito—magbibigay-solusyon sa mga natukoy na problema sa komunidad ng agrikultura.
Bilang isang kinatawan, hindi lamang ng agrikultura kundi pati na rin sa lahat ng mga Pilipino, naniniwala silang ang bawat isyu sa bansa ay konektado—sa agrikultura man, edukasyon, ekonomiya, at iba pa; mareresolba lang ito kapag maayos na ang sitwasyong politikal sa bansa.
Naniniwala ang partylist na kapag may katapatan at pagiging bukas (transparent) sa gobyerno, senyales na ito ng ekonomikong paglago para sa lahat ng Pilipino. Nangangahulugan na bang ang boto para sa AGRI ay isang boto para sa maayos na buhay para sa lahat?
Paano ang AGRI sa Kongreso?
Noon pa man, ang AGRI Partylist ay nabigyan ng puwesto sa Kongreso kung saan inakda nila ang maraming mga bill na sumusuporta sa kanilang adbokasiya. Ilan sa mga batas na kanilang pinangunahan ay ang pagbibigay-diin sa pangangailangan ng pagsuporta sa mga manggagawa sa Agrikultura, pati na ang accessible na edukasyon para sa kabataang Pilipino.
Sa kanilang pagiging tapat sa mga adbokasiyang pinaglalaban, ilan sa mga bill na kanilang inakda ay naging batas: Batas Republika Blg. 10969 o ang Free Irrigation Service Act, Batas Republika Blg. 11039 o ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act, Batas Republika Blg. 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018.
Bukod doon, ang Batas Republika Blg. 10931 o ang Universal Access to Quality Education Act (Free Tuition Act) ay ang nangungunang manunulat (principally-authored) ng mga Nominee ng AGRI sa Kongreso. Dagdag diyan, ang Batas Republika Blg. 11035 o ang Balik Scientist Act na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtanggap ng inobasyon—sa pamamagitan ng paniniwala sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan.
Kung susumahin, madami-dami narin ang mga batas na naipasakatotohanan ng AGRI para resolbahin ang mga problema sa sektor na kanilang kinakatawan, pagiging kaakibat ng ibang mambabatas sa pagtaguyod sa pangangailangan ng mga Pilipino, pati narin mga resolusyon na nagtutulak para masolusyonan ang iba pang problemang kinahaharap ng mga Pilipino.
Ngunit sa kabila ng kanilang mga nagawa at naipasa sa Kongreso, hindi maiiwasang pagtakahan kung bakit—bakit sila natalo sa nakaraang halalan?
Paggawa ng Solusyon mula sa mga Hamon
Inilahad ng AGRI ang mga hamong nakikita nila sa kanilang termino: piskal management ng mga magsasaka at mangingisda, pagtanggap ng inobasyon, at pagbago sa kasalukuyang politikal ba sistema. Naniniwala silang kahit maging hamon ito sa Kongreso, mas nananaig ang kanilang mga mithiin na makapasa ng mga malalaking solusyon sa bansa.
"Nais namin na umupo sa puwesto nang makatulong sa mga magsasaka hindi lamang sa pagtatanim ng kanilang mga produkto at pagbebenta nito kundi para na rin ma-manage ang kanilang pera at gastusin."
Magiging hamon ang pagtuturo sa mga miyembro na maging financially literate—na isa sa mga hamong kanilang nais maresolba. Pangalawa, binigyang-diin ng AGRI ang inobasyon para makatulong sa pag-unlad ng sektor. Sa pagiging maalam nila sa mga teknikalidad at mga pagbabago sa pagsasaka—kabilang ang mga bagong pamamaraan at pananim—magkakaroon ng pagbabago sa sektor. Panghuli, magiging hamon din sa kanila ang pagpasa ng mga proyekto at proposal sa kasalukuyang Kongreso sa sangay ng lehislatibo sapagkat sinusuportahan nila ang kandidato ng oposisyon sa Halalan 2022. Ngayon na parang isang limitasyon ito, positibo ang pananaw nila na kahit pinalilibutan ng mga mambabatas na may magkaibang politikal na sinusuportahan, nananatiling prayoridad nila ang pag-akda ng mga batas na magbibigay-solusyon sa mga malubhang suliranin sa bansa.
Ang tanong na lang ngayon ay kung sila ay may sapat na kakakayahan na maging solusyon sa mga suliranin ng bansa.
AGRI, Para sa Lahat
Ang totoong katanungan ay, sa kabuhayan at pagkaing sapat, aangat nga ba ang buhay ng lahat? Ngayon na maraming mga partylist sa agrikultura na nais magkaroon ng puwesto sa Kongreso, naniniwala ang AGRI na bukod-tangi sila dahil sa mga programa at polisiya nilang angkop sa lahat ng mga sektor ng lipunan—maging sa kabataan.
Patuloy ang AGRI sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyong agrikultura sa kabataan, at lalo na sa masa. Naniniwala silang ang kabataan ng kasalukuyan ang
magiging kinabukasan. Samakatwid, naniniwala sila na ang ekonomiyang paglago ay makakamtan sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto na naglalayong paunlarin ang sektor ng agrikultura at edukasyon, kasama ang transparency at accountability. Mahalaga rin na maunawaan na malaki at mabuti ang epekto sa ekonomiya ng pagtangkilik sa sektor ng agrikultura, ilan sa mga ito ay ang pagkain at mga trabaho sa Pilipinas.
Ang kabataan, karamihan ay first-time voters, ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang gumawa ng pagbabago para sa bansa. Narito ang AGRI, na kasangga ng kabataan, na layuning baguhin ang estado ng agrikultura sa bansa at magbigay ng edukasyon para sa lahat. Dala ang kanilang hangarin ng equal representation, rebranding ng Agrikultura, at pagbabago sa politika, kasama nila ang kabataan sa pagtaguyod ng tunay na pagbabago sa bansa. Ngayon, dala ang kapangyarihan sa ating mga kamay, magnilay tayo at maging kritikal sa mga kaugalian ng partylist na ito—kung ito nga ba ay para sa ating mga pinaglalaban at kung ito ay karapat-dapat ng ating boto.
Sa pagtaguyod ng rebranding ng agrikultura, maayos na pamumuhay, at paggawa ng mga lider sa kinabukasan, kayo ba ay AGRI?