top of page
English

AklaTahanan : John Carandang

October 16, 2020 

Francesca Manalo

Quality education, most especially in the Philippines, serves as a vital and inherent pillar of hope and success for a student. It lays the foundation stone for their future by giving them various opportunities to become a productive member of society. Through these opportunities, they acquire necessary skills that enable them to learn how to meet difficulties, how to become an integrated personality and maintain the perpetuation of their culture, as well as learn the basic norms, rules, and values of society. The content of education aligns with the needs of modern society and is a mirror of its goals, values, and priorities. In other terms, education is a prerequisite of prosperity not just in the Philippines but in any other country as well. The significant key to reducing or even, eradicating poverty.

 

John Carandang’s vocation does not fall far from this sentiment. John, a teacher who dedicated his service to kids who are non-readers or frustrated readers, carries in his backpack the goal to improve the quality of the Philippine education system and provide more first-hand opportunities for those children deprived of it. He envisions for them a life filled with a quality reading experience that may further develop their reading literacy, which would in turn impose great benefits in their prosperity in various life activities and aspects to come.

 

However, due to his job as an administrator in the Department of Education, John’s work only allows him to work in the behind-the-scenes of the education system rather than personally teach. Thus, on October 5, 2019, John, along with his college colleagues, brought the AklaTahanan project to life. It is “a community reading intervention where the objective of the project is to promote the joy or fun in reading.” which enables John to directly work with kids and inspire vulnerable kids through the form of reading.

johnc_edit-12.jpg
johnc_edit-6.jpg
johnc_edit-7.jpg

AklaTahanan began from their daily Saturday visits in their partner communities, located in Alitagtag, Batangas, where they held two-hour reading sessions with their senior high school student volunteers. Aside from the community reading sessions, the AklaTahanan team conceptualized a weekly library system that allows each child to borrow a maximum of three books per week. In the following Saturday session, these books are returned and discussed. Their discussions would often revolve on the child’s thoughts, feelings, and emotions with the books they have read. Not only did this project materialize with the intention to provide quality literary skills for the child but also to cultivate a positive and supportive environment with the use of a simple book.

However, unexpected events arose as the new year of 2020 kindled, first, John’s team came to be specifically affected by the Taal Volcano eruption on January 12. The organization’s operations were forced to a halt as the majority of AklaTahanan children had to either stay inside their homes or transfer to the evacuation center. Amidst this catastrophe, John Carandang and his team decided to further live up to the name “Aklatan sa Tahanan (AklaTahanan)”  by relocating their bookshelves and reading sessions to the respective Alitagtag evacuation center, as this center served as a temporary home for the evacuees. This decision all boiled down to the reasoning that most especially in times of crisis, the children are stressed and confused. Hence, by providing them with books and reading sessions, the children were given resources to cope through the thick of it all. 

 

This simple act of resilience and generosity sparked the inspiration for many others to follow through AklaTahanan’s methods in various Batangas evacuation centers and municipalities. With the help of partner institutions such as La Salle Lipa, SK Poblacion East, Alitagtag College, The Storytelling Project, and several individual volunteers, they were able to expand their goals to a larger community of children.

johnc_edit-10.jpg
johnc_edit-9.jpg
johnc_edit-13.jpg

As the people started recovering from the Taal eruption, John had the ambition to conduct straight 18 weekly sessions in each community and as soon as completed, conduct a study that would determine if their sessions served effectively in increasing the children’s genuine love for reading. Yet a second adversity, COVID-19, arose and led to another call for AklaTahanan’s operations to be put on hold. Although, once again, this did not stop John and his team from extending a hand to their communities. They switched to a virtual platform, specifically Facebook, where they continue to conduct online storytelling sessions every Saturday. Simultaneously, they took the initiative to share parenting tips and strategies on how to promote reading to their kids in the time of the pandemic. 

 

Nonetheless, these were not the sole challenges John had to face. As a current member of the Department of Education, John constantly witnesses the outcries for academic freeze during this quarantine period. As much as he wishes to alleviate these concerns and difficulties that come with pushing through the academic year, John stands with the ground that an academic freeze would pose much more tribulations and long-term harsh effects most especially to those who do not receive the best quality education.

John’s perseverance to push through operations despite the several obstacles that hinder them to do so, dawns from his passion to truly teach. His grandmother, who is also a teacher, would share memorable anecdotes of teaching and the lifelong effects it brought about to her students. This inspired John to discover his meaningful purpose in teaching children. It's these Saturday teaching sessions with the children that keep John motivated each and every day. His vigorous office work in the DepEd from Monday to Friday and long hours of travel from Pasig to Batanagas serve worthwhile for him because after it all, he is able to see the beautiful smiles and joy of the kids as he teaches and reads to them. 

johnc_edit-8.jpg
johnc_edit-11.jpg

John states that thanks to AklaTahanan, he is able to fulfill his dreams by using the importance of reading as a service to vulnerable kids. AklaTahanan strongly stands with the belief that a simple book could ignite endless life-changing ventures and possibilities for the reader. It just takes a simple book. 

 

“I serve with the people kasi naniniwala ako na magagaling ang mga Pilipino, di lang nabibigyan ng pagkakataon na magamit nila ang galing nila para ikabubuti ng bayan.” (I serve with the people because I believe that the Filipinos are gifted, they just don’t have the opportunities to use their giftings for the good of the country.)

AklaTahanan : John Carandang

Tagalog

October 16, 2020

Francesca Manalo

Translated by Mykah Marquez

Ang kalidad ng edukasyon, lalo na sa Pilipinas, ay nagsisilbing pamantungan ng pag-asa at tagumpay para sa isang mag-aaral. Inilalahad nito ang mga batayan para sa kanilang mga kinabukasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon na maging isang mabungang kasapi ng lipunan. Sa mga pagkakataong ito, nakakakuha sila ng mga kakayahan kung paano harapin ang mga kahirapan, makamit ang makabuluhang pagkatao, at mapanatili ang kanilang kultura, pati na rin alamin ang pangunahing pamantayan, alintuntunin, at kahalagahan ng lipunan. Ang nilalaman ng edukasyon ay umaayon sa mga pangangailangan ng modernong lipunan at nagsisilbing  salamin ng ating mga layunin at prayoridad. Sa madaling salita, ang edukasyon ay isang paunang pangangailangan ng kaunlaran hindi lamang sa Pilipinas kundi sa alinmang bansa. Ito ay ang mahalagang susi upang mabawasan o kahit na, puksain ang kahirapan.

Ang bokasyon ni John Carandang ay hindi lumalayo sa sentimentong ito. Si John, isang guro na inihandog ang kanyang serbisyo para sa mga batang hindi marunong magbasa o hirap magbasa, ay nagdadala sa kanyang backpack ng isang layunin para mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at magbigay ng mga oportunidad sa mga batang pinagkaitan nito. Nakikita niya ang isang buhay na puno ng isang kalidad na karanasan sa pagbabasa para sa mga bata na maaaring higit na mapaunlad ang kanilang literasiya sa pagbasa, na kung saan ay magbibigay ng malaking pakinabang sa kanilang kasaganaan sa iba’t ibang mga aspeto ng buhay. Ngunit, sa kabila ng kanyang trabaho bilang tagapangasiwa sa Kagawaran ng Edukasyon, ang gawain ni John ay kinailangan lamang magtrabaho sa likuran ng sistema ng edukasyon sa halip na personal na magturo. Sa gayon, noong Oktubre 5, 2019, binuhay ni John, sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa kolehiyo, ang proyekto na AklaTahanan, na nagsisilbing “isang interbensyon sa pagbabasa sa pamayanan kung saan ang layunin ng proyekto ng AklaTahanan ay paunlarin ang kagalakan o kasiyahan sa pagbabasa,” para maaaring direktang paabutin ni John ang kanyang mga pagsisikap at malasakit upang magbigay inspirasyon sa mga bata sa pamamagitan ng pagbabasa. 

johnc_edit-12.jpg
johnc_edit-6.jpg
johnc_edit-7.jpg

Ang AklaTahanan ay nagumpisa sa pagbisita tuwing Sabado sa kanilang mga kasosyong pamayanan, na matatagpuan sa Alitagtag, Batangas, kung saan nagsasagawa sila ng dalawang oras na sesyon sa pagbabasa kasama ang kanilang mga boluntaryo galing sa senior high school. Bukod dito, ang koponan ng AklaTahanan ay bumuo ng konspeto na lingguhang sistema ng silid-aklatan na nagpapahintulot sa bawat bata na humiram ng maximum na tatlong libro bawat linggo. Sa susunod na sesyon ng Sabado, ang mga aklat ay ibabalik at tatalakayin. Ang kanilang mga talakayan ay madalas umiikot sa mga saloobin, damdamin at emosyon ng mga bata sa librong kanilang nabasa. Hindi lamang natupad ang proyektong ito sa hangarin na magbigay ng de-kalidad na kasanayang pampanitikan para sa bata,  ngunit upang linangin din ang isang positibo at sumusuportang kapaligiran sa pamamagitan ng isang simpleng libro.

Gayunman, ang mga hindi inaasahang pangyayari ay lumitaw sa bagong taon ng 2020, una, ang koponan ni John ay partikular na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12. Napilitang ihinto ang operasyon dahil ang karamihan sa mga batang AklaTahanan ay kailangang manatili sa loob ng kanilang mga tahanan o ilipat sa evacuation center. Sa gitna ng kalamidad na ito, nagpasya si John Carandang at ang kanyang koponan na higit na tuparin ang pangalang "Aklatan sa Tahanan (AklaTahanan)" sa pamamagitan ng paglipat ng kanilang mga libro at mga sesyon ng pagbasa sa kani-kanilang Alitagtag evacuation center, dahil ang sentro na ito ay nagsilbing isang pansamantalang tahanan para sa mga evacuees. Ang desisyon na ito ay pawang bumagsak sa pangangatuwiran na higit sa lahat lalo na sa mga oras ng krisis, ang mga bata ay lalo ng nabigla at nalilito. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga libro at mga sesyon ng pagbabasa, ang mga bata ay binigyan ng mga pagkakataon upang makayanan ang lahat ng ito.

Ang simpleng gawaing ito ng katatagan at kabutihang-loob ay nagbunsod ng inspirasyon para sa iba na sundin ang mga pamamaraan ng AklaTahanan sa iba`t ibang mga “evacuation centers" ng Batangas at mga munisipalidad. Sa tulong ng mga kasosyo na institusyon tulad ng La Salle Lipa at Story Telling Project, napalawak nila ang kanilang mga layunin patungo sa isang mas malaking pamayanan ng mga bata.

johnc_edit-10.jpg
johnc_edit-9.jpg
johnc_edit-13.jpg

Habang nagsimulang makabawi ang mga tao mula sa pagsabog ng Taal, si John ay may ambisyon na magsagawa ng 18 lingguhang sesyon sa bawat pamayanan sa lalong madaling panahon, at magsagawa ng isang pag-aaral na makakatukoy kung ang kanilang mga sesyon ay mabisa sa pagdaragdag ng tunay na pagmamahal ng mga bata sa pagbabasa. Ngunit ang pangalawang kahirapan, ang COVID-19, ay sumapit at humantong sa isa pang panawagan para sa operasyon ng AklaTahanan na tumigil. Bagaman, sa sandaling muli, hindi nito napigilan si John at ang kanyang koponan sa pag-abot ng kamay sa kanilang mga komunidad. Lumipat sila sa isang virtual platform, partikular sa Facebook, kung saan patuloy silang nagsasagawa ng mga sesyon ng pagkukuwento tuwing Sabado. Nang sabay-sabay, gumawa sila ng inisyatibo upang ibahagi ang mga tip at diskarte para sa mga magulang sa kung paano maitaguyod at maituloy ang pagbabasa sa kanilang mga anak sa panahon ng pandemya.

Gayunman, hindi lamang ito ang mga hamon at paghihirap na kinakhinaharap ni John ngayon. Bilang isang kasapi ng Kagawaran ng Edukasyon, patuloy nasasaksihan ni John ang mga hiyawan para sa pag-freeze ng akademiko sa panahon ng pandemya. Hangga't nais niyang maibsan ang mga alalahanin at paghihirap na dulot ng pagtulak sa taon ng akademiko, nanindigan si John na ang pagtigil ng akademya ay maaaring magdulot ng higit pang mga kapighatian at pangmatagalang epekto lalo na sa mga hindi tumatanggap ng pinakamahusay na kalidad ng edukasyon. 

Ang pagtitiyaga ni John na itulak ang mga operasyon sa kabila ng maraming hadlang na pumipigil sa kanila, ay nagmula sa kanyang tunay na hilig na magturo. Ang kanyang lola, na isang guro din, ay nagbabahagi ng makabuluhang mga kuwento anecdote ng pagtuturo at ang mga pang habangpanghabang buhay na epekto sa kanyang mga mag-aaral. Ito ang nagbigay inspirasyon kay John upang tuklasin ang kanyang layunin sa pagtuturo sa mga bata. Itong mga sesyon ng pagtuturo sa Sabado kasama ang mga bata ay nagpapanatili ng pag-uudyok ni John araw-araw. Ang kanyang pagtatrabaho sa DepEd mula Lunes hanggang Biyernes at mahabang oras ng paglalakbay mula Pasig hanggang Batangas ay kapaki-pakinabang para sa kanya sapagkat sa lahat ng ito, nakikita niya ang matatamis na ngiti at masisiglang saya ng mga bata sa pagtuturo at pagbabasa sa kanila.

johnc_edit-8.jpg
johnc_edit-11.jpg

Nagpapasalamat si John sa AklaTahanan, na natupad niya ang kanyang mga pangarap sa paggamit ng kahalagahan ng pagbabasa bilang serbisyo sa mga bata. Matinding pinaninindigan ng AklaTahanan na ang isang simpleng libro ay maaaring magsindi ng walang katapusang mga karanasan at pagkakataon na nakababago ng buhay para sa isang mambabasa. Kailangan lamang ng isang simpleng libro.  

“Nagsisilbi ako kasama ang mga tao dahil naniniwala ako na magagaling ang mga Pilipino, ‘di lang nabibigyan ng pagkakataon na magamit nila ang galing para sa ikabubuti ng bayan.” 

bottom of page