Amping: Take Care
October 21, 2021
DongWon Kim
Amping is an apparel brand based in Cebu that offers unique t-shirts and donates part of the profit to different organizations focusing on marine conservation efforts and community work. Co-founders Nicole Oh and Sophia Alo, who knew each other since pre-school, had always talked about creating an apparel brand after noticing that there was a lack of comfortable clothing based in Cebu that could be worn both indoors and outdoors. However, they were not able to take the next step immediately as they were busy with school. In the summer of 2020, the pandemic gave them enough time to finally make their vision come to life with Amping. Starting a small business during the pandemic came with challenges. Namely, Sophia and Nicole had difficulty finding shirt suppliers and managing online communication.
Yet, after establishing this, the process became smooth sailing, and the two realized that there were some advantages that came with opening a business during the pandemic. Specifically, quarantine had put online shopping in the spotlight, and support for small businesses also sky-rocketed. Nicole, who has been in the business scene since 2015, explained that “people are looking into local sellers more now compared to before so it’s been helpful. Our shirts are all locally made and locally designed. In that way you're 100% supporting local business.”
This created a steady platform for Amping to grow and put out original designs. Collaborating with a local designer, Nicole and Sophia drew inspiration from various elements of beach aesthetics and made sure to incorporate surfing, drinks and other beach themes into the design. This was important to them because they valued the embodiment of local culture in their designs.
In Bisaya, the local language of Cebu, Amping, the name of the brand, means “take care."
This meaning carries into the brand’s community work; aside from selling everyday apparel that anyone could wear, Nicole and Sophia developed goals to help marine conservation efforts. Sophia recounted a time when she went diving in Bohol in 2019, where she saw that there were almost equal proportions of fish and plastic underwater. She explained that “it’s very saddening to think about it because it shouldn’t be like that so we want to contribute to efforts that help the ocean become a place with less pollution.” Their first donation went to Save Philippine Seas.
Besides marine conservation efforts, the brand also contributes to other types of community work. Nicole and Sophia try to assess current situations and ponder who would be able to benefit from the donations the most at that time. Additionally, they highly prioritize the transparency of the organizations they donate to to ensure that they know where the customers’ valuable funding is going to. With this in mind, Amping has helped with typhoon relief efforts, public utility jeepney drivers, farmers, and other people in need through partnerships with organizations such as Para Kay Kuya and For Our Farmers. In a way, Amping is their way of “taking care” of the environment and people they value. Supporting local organizations and giving back to the community have always been and will always be one of the core missions of Amping.
Sophia reinforced this by saying that “every single peso counts, especially when it's giving back to the community. So no matter how small you feel like you're contributing, in the end it will always benefit the community in a way. Every single person who contributes makes a difference so I think that's an important mindset in general.”
In the future, Nicole and Sophia aim to branch out into other apparel options and also incorporate scenes from different beach areas in the Philippines into their designs. However, no matter what happens, they are determined to never let go of the end goals of Amping: providing the best for the customers and at the same time help the local NGOs. They plan to keep the shirts affordable, especially in bulk for family or friends, and comfortable. As for the donations, Nicole and Sophia want to continue supporting transparent organizations that give back to the community. After seeing the Adversity Archive’s platform and being inspired by the personal stories, they decided that this was a suitable organization to donate to. With the help of Amping, the Adversity Archive was able to give back to the fisherfolk community in Puerto Princesa, Palawan.
Check out Amping’s apparel collections on Instagram @ampingph.
Amping: Take Care
October 21, 2021
DongWon Kim
Ang Amping ay isang brand ng mga damit na matatagpuan sa Cebu. Sila ay nagbebenta ng mga t-shirt na may kakaibang disenyo at nagdo-donate ng bahagi ng kinikita sa iba’t ibang organisasyong nag-aalaga sa karagatan at tumutulong sa komunidad. Mula pa man noon ay ninais na ng magkaibigang sina Nicole Oh at Sophia Alo, kapuwa co-founder ng Amping, na makapagsimula ng apparel brand matapos nilang mapansing wala masyadong comportableng panlabas at pambahay na clothing brand sa Cebu. Dahil nag-aaral pa lang sila noon, kinailangan muna nilang isantabi ang pagsisimula ng sariling apparel brand. Sa wakas, noong summer ng 2020, nabigyan sila ng sapat na oras ng pandemya upang maisakatuparan ang ninanais nilang pagbubukas ng Amping, ngunit ang kanilang pagsisimula ng maliit na negosyo ay may kaakibat ding mga hamon. Isa na roon ang kahirapan sa paghahanap ng mga shirt supplier at pangasiwaan ng negosyo at komunikasyong online.
Matapos ang paglunsad ng Amping, naging maayos naman ang takbo ng negosyo at naisip din nina Sophia at Nicole na may magandang naidulot ang pagbubukas nito ngayong pandemya. Dahil sa quarantine, nabaling ang atensyon ng tao sa online shopping at lumaki naman ang suporta sa mga maliliit at nagsisimulang negosyo. Wika ni Nicole na isang negosyante simula noong 2015,
“Mas naghahanap na ngayon ang tao ng mga lokal na negosyante kumpara noon, kung kaya naging malaking tulong ito sa amin. Ang mga t-shirt namin ay gawa at disenyong lokal [locally made and designed. Sa paraang iyon, siyento porsyento [100%] sinusuportahan ng mga mamimili ang mga lokal na negosyo. Sa kanilang pakikipag-ugnayan [partnership] sa isang lokal na designer, nakabuo sina Nicole at Sophia ng mga disenyong umiikot sa motif na beach tulad ng: surfing, mga inumin, at iba pa. Mahalaga ang mga disenyong ito dahil pinahahalagahan at ipinagmamalaki ang kanilang kultura sa disenyo ng bawat t-shirt.
Sa lokal na wika ng Cebu, ang salitang “amping” sa Bisaya ay nangangahulugang “mag-ingat/ alagaan ang sarili [take care].”
Ang kahulugan na ito ay angkop din sa community work ng Amping. Bukod sa pagbebenta ng mga pang araw-araw na damit na maisusuot ng sinuman, nilalayon din nina Nicole at Sophia na makapag-ambag sa mga proyektong tungkol sa pangangalaga ng karagatan. Naging layon nila ito dahil noong nag-diving si Sophia sa Bohol noong 2019, napansin niyang halos magkapareho ang proporsyon ng mga isda at plastik. Paliwanag niya, “It’s very saddening to think about it because it shouldn’t be like that so we want to contribute to efforts that help the ocean become a place with less pollution.” (Nakalulungkot iyon isipin dahil hindi naman dapat ganoon ang kalagayan ng dagat, kung kaya nais naming makiisa sa pagbawas ng polusyon sa dagat.) Dahil doon, ang una nilang donasyon mula sa kanilang kita ay napunta sa organisasyong Save Philippine Seas.
Bukod sa kanilang suporta sa marine conservation, tumutulong din ang Amping sa iba’t bang uri ng komunidad. Inaanalisa muna nina Nicole at Sophia ang kasalukuyang sitwasyon at saka nila tinutukoy kung anong komunidad ang lubos na nangangailangan at matutulungan ng donasyon.Dagdag dito, prayoridad din nila ang katapatan [transparency] ng mga organisasyong tinutulungan upang masiguradong pupunta at gagamitin sa tamang paraan ang perang donasyon na mula rin sa kanilang mga kostumer.
Sa tulong ng kanilang partnership sa mga organisasyon gaya ng Para Kay Kuya at For Our Farmers, ilan na sa mga donasyon ng Amping ay napunta sa pagbibigay ng relief goods at ayuda sa mga nasalanta ng bagyo, namamasadang jeepney drivers, mga magsasaka, at iba pang taong nangangailangan. Sa ganitong pamamaraan ginagawa nilang instrumento ang Amping sa “pag-iingat” ng kalikasan at pagpapahalaga sa mga tao. Ang pagsuporta sa mga lokal na organisasyon at kawanggawa ang naging at mananatiling isa sa pangunahing layon ng Amping.
Hindi lang kumakalinga ang Amping sa mga nangangailangan at pinahahayag ang boses ng minoridad kundi hinihikayat din nila ang mga tao na tumulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagbili ng de-kalidad na mga damit ng Amping. Sa pamamagitan nito, nakabubuo sila ng plataporma para sa mga tao upang makatulong sa kapwa kahit sa kanilang mga bahay. Ani ni Sophia, "Mahalaga ang bawat pisong kinikita, lalo na kung ito ay para sa komunidad. Kung kaya, dapat itatak natin sa ating kaisipan na kahit gaano man kaliit ang iyong kontribusyon sa palagay mo, malaking tulong na ito para sa komunidad."
Sa hinaharap, ninanais nina Nicole at Sophia na mapalawak ang saklaw ng motif ng disenyo ng kanilang mga t-shirt katulad ng iba’t ibang mga dalampasigan sa Pilipinas. Dagdag pa rito, kahit ano man ang mangyari, determinado silang panindigan ang layunin ng Amping: makapagbenta ng de-kalidad na damit at tumulong sa mga lokal na Non-Governmental Organization (NGO). Plano rin nila na panatilihing komportable at abot-kaya ang presyo ng mga t-shirt, lalo na para sa maramihang pagbili (pampamilya o sa magkakaibigan). Para naman sa mga donasyon, magpapatuloy pa rin silang magbibigay sa mga tapat [transparent] na organisasyong tumutulong sa pamayanan. Matapos makita ang plataporma at maantig sa mga kuwentong nailathala ng The Adversity Archive, napag-isipan nilang mag-donate dito. Sa tulong din ng donasyon ng Amping, nakapagbigay ng tulong pinansiyal ang The Adversity Archive sa mga mangingisda sa Puerto Princesa, Palawan.
Mamangha sa at bumili ng mga binebenta ng Amping sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang Instagram page: @ampingph.