top of page
English

Beyond Pink and Blue

July 2, 2022

Abby Gayle Repotente

When a person is born, society immediately assumes their identity and social roles as they tell them what they can and cannot do. Individuals who are presumed to be girls can only play with dolls and dresses while boys can only touch guns and do sports. But as time progressed, so did the outlook of society on subjects like this, despite being lacking in amount. Fortunately, what came with this progress is change. The then conventional viewpoint on a person’s identity soon evolved positively into dissecting how sex and gender may be entirely two parallel lines. Now, society is in a slow-moving state of realization that there is a point beyond the binary. 

“Growing up, we were always taught how there are only two colors to choose from as the basis of our identity–pink or blue, and some variations of the two. What they never told us about is that there are other colors that we could go for and that it’s always up to us to decide and not anyone.”

Although such ideas have always been hanging around, it’s only now that it’s being spoken into existence. Conversations revolving around one’s sexual orientation, gender identity, and expression, or SOGIE, have shown affirmative progress in recent years. Slowly, people are starting to understand how these terms may be individualistic from each other. This just goes to show how society’s preconceived notion of SOGIE, now exceeds the usual pink and blue. Besides, a huge fraction of this improvement is to be owed to those who initiated discourse, representations in media, and day-to-day interactions. But with the information that we currently have in hand, do we understand its concept?

SOGIE is as important as any other indicator of a person’s identity. Acknowledging its relevance would mean one step closer to equality and acceptance.

Moreover, contrary to popular belief, each and everyone has their own SOGIE as it is not limited to the members of the LGBTQ+ community only. Recognizing the notion that anybody could express themselves in a gendered manner could allow room for the interconnectedness of authenticity and individuality.  

While processing the concept of SOGIE could take time, it’s important to understand how one should see this on the same level as any other human rights issue. People are being judged, discriminated against, and even harmed due to how they identify and express their SOGIE. 

The binary is challenged everyday by individuals like Mayora*. Mayora, aged 29, was born biologically male. Growing up, they were labeled as “gay” considering how they are effeminate with their actions and way of speaking. Partly, they owe it to their social group which has helped them to be comfortable with their expression of identity. Mayora elaborated that they were confident in expressing their gender during high school because of their school’s accepting social environment. Moreover, they gained greater comfort in expressing themselves when they reached college where they became even more free in manifesting their identity physically.

Furthermore, they expressed how they are beyond thankful to have a family who was supportive and patient enough for Mayora to naturally come to terms with their sexuality despite having “always known” about it. While being effeminate, they identify themselves as pansexual as they said,

 “I’ve always believed that love knows no boundaries when it comes to gender.” 

Mayora then elaborates how their gender expression takes up a huge part of their identity. Although they appear physically masculine, their actions gravitate more toward being feminine. Because of this, they have clarified how sometimes, their gender expression leans on being “butch” as they feel more as a woman who appears and acts masculine. Although how they identify themselves may appear atypical to some,  Mayora was delighted to be openly accepted, especially by their workmates who happen to be family members of their future partner. 

When Mayora and their wife got together, they were worried about how a possible breakup could affect their workplace. Happily, they got married and eventually, had a beautiful child. While some people raised their confusion about the couple’s child, the others were accusing Mayora of being in “playtime,” assuming that people like them who have the same SOGIE  should not have a wife and a child. Mayora did not bother about such sentiments. Regardless, they still tried their best to explain to those who were curious and just shrugged it off to those who were purely close-minded. While some were left questioning Mayora’s situation, for them, having a child is one of the most wonderful things to experience in life.

“I think naaayon na ngayong panahon ako tumanda at nagka-anak, kasi mas nagiging aware na ang mga tao sa different genders and diversified sexuality. Kasi at least there may come a time na mapag-aralan na sa school ang ganito and when that time comes, mas mapapaliwanag ko na sa anak ko." (I think it’s time-appropriate how it’s now that I am older and it’s now that I have a child, because people are getting aware of the different genders and diversified sexuality. Because of this, there may come a time that such topics could be studied in school and when that time comes, it would be easier for me to explain everything to my child.)

Mayora then expresses that they would consistently educate their child about inclusivity and respect as they have stated, “Those two words go hand-in-hand kasi one cannot exist without the other.”

Based on Mayora’s experiences, society has progressed but there are further changes to be expected in terms of viewing the concept of SOGIE. It is time that the mere conception that sex equates to gender, and that one of these two is to constricted in a dichotomy should be remedied. Despite all the improvement and the long years of tolerance that led to embracement, society still has a long way to finally reach full acceptance. 

The introduction of SOGIE served as a reminder that one’s gender does not have to conform to their assigned sex and that everyone has the right to express themselves regardless of how they identify. Acknowledging SOGIE validates the identity of everyone, most especially those who feel “unconventional” and “out of the ordinary.” 

As Mayora adds, “Ang SOGIE ay hindi lang para mabigyan ng label ang kasarian ng isang tao. Ito ay ang mismong bumubuo sa pagkatao ng isang nilalang na nararapat respetuhin, kilalanin, tanggapin, at mahalin.” (SOGIE is not just used to label a person’s sex. It’s what fundamentally makes up the identity of a person that should be respected, recognized, accepted, and loved.)

Elaborating on their thoughts, Mayora states how the terms in SOGIE are not just limited to one or two. Although it may sound funny and impossible, there is a wide range that could be mixed and matched when it comes to an individual’s SOGIE. Additionally, this is where respect and understanding of a person’s SOGIE distinction can be observed, the same way one‘s beliefs and faith become diverse.

At the end of the day, a person can be a blank canvas colored by their SOGIE, made up of various shades and hues that are not confined to pink and blue. 

In celebration of people like Mayora who, despite the questionable looks that they receive, continue to proudly express themselves, one should take note of their words.

“We are blessed to have the ability to think and be able to understand what happens in this world. Let us not put these abilities into waste by trying to instill your principles that deters the chance to show respect and love. We are better than this, mga mahal. You are better than this.”

The world is already cruel as it is and making it safer for everyone else will only do good. To do this, one should make space for acknowledgement and understanding of SOGIE, of respect, and of individuality. This monochromatic world may be chaotic but it’s the duty of the people to paint it with not only pink and blue, but with any other colors that they identify with, however and whenever they want to. 

Filipino

Higit Pa Sa Kulay Rosas at Asul

Hulyo 2, 2022

Abby Gayle Repotente

Translated by Xyzma Kryshel Bober

Mula pa lang sa kapanganakan ng bawat tao, agad na ipinagpapalagay ng lipunan kung ano man ang kanilang pagkakakilanlan at mga tungkulin na dapat nilang gampanan bilang parte ng isang komunidad. Dinidikta din sa kanila kung ano ang dapat at hindi nila dapat gawin base sa kanilang pagkakakilanlan. Ang mga indibidwal na binansagang mga ‘babae’ ay dapat mga manika at magagarang damit lang ang pinaglalaruan habang ang mga lalaki naman ay dapat mahumaling sa mga baril at maglaro ng sports. Ngunit kasabay ng pag-unlad ng panahon, sumusunod din ang pananaw ng lipunan sa ganitong mga usapin, kahit gaano man kakaunti o kabagal. Sa kabutihang palad, kasama ng pag-unlad na ito ay pagbabago. Mula sa dating kumbensiyonal na pananaw sa pagkakakilanlan ng isang tao, nagkaroon ng positibong pag-unlad dulot ng mga pagsisiyasat sa kaibahan ng seks at kasarian. Sa ngayon, ang paunti-unting napagtatanto ng lipunan natin na maraming posibilidad sa ibayo ng nakagisnang pagsasadalawa.

Kinagisnan natin ang kaalaman na dalawa lang ang kulay na ating pagpipilian bilang batayan ng ating pagkakakilanlan–kulay rosas o asul, at iba pang katulad nito. Ang hindi nila kailanman sinabi sa atin na mayroon pang ibang mga kulay na maaari nating piliin dahil ang desisyon sa pagpili nito ay nasa kamay natin at wala sa kung sinoman.

Bagama't ang mga ganitong ideya ay matagal nang umaaligid sa lipunan, ngayon pa lamang ito napag-uusapan. Ang mga usaping umiikot sa Sekswal na Oryentasyon, Gender at Identidad, at Ekspresyon ng tao, o SOGIE, ay nagpakita ng positibong pag-unlad sa mga nakaraang taon. Paunti-unti, nagsisimula ng maunawaan ng mga tao na mayroong pagkakaiba ang mga terminolohiyang ito. Ipinapakita lamang ng pag-unlad na ito kung paano unti-unting nagbabago ang mga naunang ideya ng lipunan tungkol sa SOGIE, dahil ngayon ay higit na ito sa nakagisnang kulay rosas at asul. Hindi maipagkakaila ang pagsisikap ng mga taong nagpasimula ng diskurso, mga representasyon sa media, at hindi matatawarang pag uusap tungkol dito sa pang-araw araw. Lahat ng ito ay naging malaking bahagi ng pagsulong na ito. Ngunit sa impormasyong nasa kamay natin ngayon, naiintindihan ba talaga natin ang konsepto ng SOGIE? 

 Kasing halaga ng SOGIE ang iba pang mga label na nagpapahiwatig ng pagkakakilanlan ng isang tao. Ang pagkilala sa kabuluhan nito sa kasalukuyan ay isang mainam na hakbang papalapit sa pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa bawat isa.

Bukod pa dito, salungat sa pinaniniwalaan, ang SOGIE ay hindi lamang nakatalaga sa mga miyembro ng LGBTQ+–bawat isa sa atin ay mayroong kanya-kanyang SOGIE. Ang pagtanggap sa ideyang ito, na kahit sino man ay maaaring magpahayag ng kanilang kasarian, ay maaaring magpayabong ng pagkakaugnay sa pagitan ng pagpapakatotoo at indibidwalidad.   

Kinakailangan ng sapat na oras ang pagproseso ng konsepto ng SOGIE dahil mahalaga din na maunawaan ito bilang kapareho ng antas ng iba pang isyu ukol sa karapatang pantao. Hinuhusgahan at nakakaranas ng diskriminasyon ang mga tao, at sinasaktan dahil lamang sa kanilang pagkilala at pagpapahayag ng kanilang SOGIE.

Ang nakagisnang pagsasadalawa ng kasarian ay patuloy na sinusubok ng mga indibidwal tulad ni Mayora* sa edad na 29, at ipinanganak na lalaki ayon sa kanyang biyolohikal na seks. Sa kanyang paglaki, nabansagan siyang bakla dahil sa kanyang binabaeng pagkilos at pananalita. Itinuturing niyang utang na loob sa grupong kanyang nakasalamuha ang pagiging mas komportable sa ekspresyon ng kaniyang identidad. Idinetalye ni Mayora na nagkaroon siya ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng kanyang kasarian sa kanilang hayskul dahil sa pagiging bukas nito sa pagtanggap sa kaniya. Mas lalo rin siyang naging komportable sa paghayag ng kaniyang sarili sa kolehiyo, kung saan mas malaya niyang naipahiwatig ang kaniyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kanyang katawan.

Higit pa rito, ipinahayag niya ang labis na pagpapasalamat sa pagkakaroon ng pamilyang nakaiintindi at nagbibigay suporta sa kaniya upang maintindihan niya ang kaniyang sekswalidad, kahit noon pa man ay may kuro-kuro na siya tungkol dito. Bilag silahis ang pagkilos, kinikilala niya ang kanyang sarili bilang pansexual na may paniniwalang:

“Walang kasarian na pinipili ang pagmamahal.”

Ipinaliwanag ni Mayora kung bakit malaking bahagi ng kanyang identidad ang pagpapahayag ng kanyang kasarian. Panlalaki man ang kanyang panlabas na hitsura, ang kanyang pagkilos ay mas gumagawi pa rin bilang pambabae. Dahil dito, nilinaw nila na paminsan ay ang ekspresyon ng kanilang kasarian ay sumasailalim sa pagiging “butch” dahil ang kanilang pag-iisip at pakiramdam ay tulad ng sa babae at ang katawan at hitsura ay sa lalaki. Bagama't tila hindi tipikal sa ilan ang ganitong pagkilala sa sarili, natuwa si Mayora sa taos-pusong pagtanggap, lalo na ng kanyang mga katrabaho na nagkataong miyembro rin ng pamilya ng kanyang magiging katipan.

Noong naging sila ng kaniyang asawa, nag-alala sila kung paano makakaapekto sa kanilang trabaho ang posibilidad na hiwalayan. Mabuti na lamang at naikasal na sila, at sa kalaunan ay nagkaroon ng anak. Ang ibang tao ay nagulumihanan sa pagkakaroon nila ng anak, habang ang iba naman ay inakusahan si Mayora bilang “nakikipagbahay-bahayan” lamang, sa pagaakalang ang mga taong may parehas na SOGIE ay hindi dapat magkaroon ng asawa’t anak. Binalewala ni Mayora ang mga sentimyento na ito at sinubukang ipaliwanag nang maigi ang kanilang sitwasyon sa mga taong tunay na nagtataka at gustong maintindihan, at nagkibit-balikat na lamang sa iba na hindi bukas ang isipan sa ganitong klase ng usapin. Mayroon pa ring iilan na napapatanong ukol sa sitwasyon ni Mayora, pero para sa kanila ng kanyang asawa, ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga pinakamagandang bagay na maaaring maranasan sa buhay.

“I think naaayon na ngayong panahon ako tumanda at nagka-anak, kasi mas nagiging aware na ang mga tao sa different genders and diversified sexuality. Kasi at least there may come a time na mapag-aralan na sa school ang ganito and when that time comes, mas mapapaliwanag ko na sa anak ko." (Sa tingin ko naaayon na ngayong panahon ako tumanda at nagka-anak, kasi mas namumulat na ang mga tao sa iba’t-ibang kasarian at sekswalidad. Kasi kahit papano ay maaaring dumating ang panahon na mapag-aaralan na sa eskwelahan ang ganito at pagsapit ng panahon na ‘yan, mas mapapaliwanag ko na sa anak ko.)

Nabanggit rin ni Mayora na patuloy nilang tuturuan ang kanilang anak tungkol sa pagtanggap at pagrespeto sa kapwa, dahil ayon sa kanya: “Those two words go hand-in-hand kasi one cannot exist without the other.” (“Ang dalawang salitang ‘yan ay magkaakibat, kasi hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang ikalawa.”)

Batay sa mga karanasan ni Mayora ay umunlad na ang lipunan, ngunit mayroon pang mga pagbabagong maaasahan sa pagtingin sa konsepto ng SOGIE. Panahon na para harapin at lunasan ang payak na mga ideyang iisa lamang ang seks at kasarian, at na ang mga ito ay maaaring limitahan lang sa dikotomiya–sa pagsasadalawa. Sa kabila ng lahat ng pagpapabuti at sa mga mahabang taon bago naging pagyakap ang simpleng pagpapahintulot lamang, malayo pa ang kailangang lakbayin ng lipunan para makamit ang tunay at buong pagtanggap.

Ang pagbungad ng SOGIE ay nagsilbing paalala na ang kasarian ng isang tao ay hindi kailangang umayon sa kanilang nakatalagang seks, at ang bawat isa ay may karapatang ipahayag ang kanilang sarili, ano man ang kanilang pagkakakilanlan. Ang pagkilala sa SOGIE ay nagpapatibay sa identidad ng lahat, lalo na sa mga nakakaramdam na sila ay "hindi nakasanayan" at "hindi pangkaraniwan."

Dinagdag ni Mayora na, “Ang SOGIE ay hindi lang para mabigyan ng label ang kasarian ng isang tao. Ito ay ang mismong bumubuo sa pagkatao ng isang nilalang na nararapat respetuhin, kilalanin, tanggapin, at mahalin.”

Ngayong mayroon na tayong sapat na kaalaman, idinidiin ni Mayora na ang mga terminolohiya sa SOGIE ay hindi limitado sa isa o dalawang kahulugan. Bagama't ito ay nakakatawa at tila imposible, mayroong isang malawak na hanay na maaaring ipaghalo-halo at itugma pagdating sa SOGIE ng isang indibidwal. Bukod pa rito, dito makikita ang paggalang at pag-unawa sa pagkakaiba ng SOGIE ng isang tao, sa parehong paraan na nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga paniniwala at pananampalataya ng iba’t-ibang tao. 

Sa kahuli-huli, ang isang tao ay maaaring maging isang blankong kanbas na nakukulayan ng kanilang SOGIE, binubuo ng iba't ibang lilim at kulay, mga kolor na hindi nakakulong sa rosas at asul.

Sa pagdiwang ng mga taong katulad ni Mayora na, sa kabila ng mapanghusgang mga matang pumapalibot sa kanila, ay patuloy parin na ipinagmamalaki kung sino sila, dapat na alalahanin at bigyang pansin natin ang kanilang mga mungkahi.

“We are blessed to have the ability to think and be able to understand what happens in this world. Let us not put these abilities into waste by trying to instill your principles that deters the chance to show respect and love. We are better than this, mga mahal. You are better than this.” (Pinalad tayong magkaroon ng kakayahang mag-isip at maunawaan ang mga nangyayari sa mundong ito. Huwag natin sayangin ang mga kakayahang ito. Huwag nating hayaan ang mga malalim na prinsipyong nakatanim sa atin na sila mismo ang humahadlang sa pagkakataong magpakita ng paggalang at pagmamahal. Higit pa tayo dito, mga mahal. Mas nakahihigit ka pa dito.)

Dati nang malupit ang mundong ating ginagalawan, at walang ibang dulot kundi kabutihan ang gawing mas ligtas ito para sa lahat. Para maitaguyod ito, dapat bigyang pansin at puwang ang pagkilala at pag-unawa sa SOGIE, sa pagbibigay-respeto, at sa indibidwalidad ng tao. Tunay na magulo nga ang monokromatikong mundong ito; gayunpaman, tungkulin ng sangkatauhan na pintahan ito hindi lamang gamit ang kulay rosas at asul, ngunit kahalo rin ng iba pang mga kulay na kumakatawan at sumasalamin sa bawat isa, paano man at kailanman nila hangarin.

bottom of page