The Filipino Heart: Laiza and JP Gordo
October 22, 2020
Yvette Capellan
With the high rates of poverty and the Philippines’ governing body proposing solutions that are anti-poor, it is evident that the Philippine government does not favor the majority of the Filipino people. Everyday, hundreds, thousands, maybe millions of Filipino voices are left unheard, stories unsung, faces forever forgotten. They are the faces we pass by on the streets. It is for this reason that the Filipino lower-class is well-acquainted with adversity.
However, it is within this continuous struggle that strength and family blooms within each and every Filipino heart. This strength rings loudly, brilliantly and ever so clear within Laiza and JP Gordo.
Their story together began in the prime of their youth. Laiza, just fresh out of high school, no further plans of attaining higher education. JP and her were lovers bound to the struggles of money, and burdened with finding ways of keeping in touch with one another, even going as far as going periods of time without hearing from one another. Their longest period of separation lasting an estimated 2 years. At one point in their period of separation, JP had gotten into an accident, causing him to lose his foot. Despite knowing and understanding the difficulties that would come with marrying someone with a disability especially, Laiza’s love for JP remained strong and she didn’t mind the hardships the two of them would have to face, as long as they did it together. After their first child, with little money in their current home, the two of them decided to travel to Manila in search of money and a better life for them and the family they were starting. Despite coming to Manila in hopes of finding a better job and a better life, they found struggles and adversity far faster than they did a better life and money.
They came to Manila and found jobs first as farmers, however, this endeavor did not last them long. At that time, with needing to provide for themselves and their now two children, it was simply not enough. Laiza told us that perhaps this was the hardest time of their lives.
“Yung time po na dalawa po lang yung anak namin na wala pa po kaming pagkabuhayan po. Wala pa po kaming tanim. Umaasa lang po sa yung bigay-bigay kung kanikanino [...] kasi halos ng kapit-bahay namin noon may mga trabaho kasi nga minsan iniisip ko sila kumakain ng masarap tapos kami nag-aantay pa kung mayroon tira na may magabot ng kanin ganun po. Minsan almusal lang namin sa umaga puro kape. Minsan nga bago panganak ko walang tanghalian. Yung bagong panganak ko pa sa pangalawa ko po yun (The time when it was just our 2 children and we didn’t have a means of money. We didn’t have any crops. We were just relying on the goodness of whoever [...] Almost all our neighbors had work back then, sometimes I would think about how they could eat good food while we had to wait for leftovers. Sometimes our breakfast consisted of only coffee. Sometimes, before I gave birth, I had no lunch)”
Amidst this, the two of them as a couple began thinking of their current situation and what they want for their future, and perhaps more than that, their children’s future,
“Iniisip ko po yung mga ibang bata na ibibigay yung mga gusto nila laruan, damit. Sabi ko kawawa naman yung mga bata paglumaking hindi naman namin mabilhan ng mga ganun
(I was thinking of the kids that are given the toys and clothes they want. I thought of how sad it would be if our kids were to grow without us buying them those things)”.
With this thought in mind, they took their first steps into something better for themselves. Starting out with borrowed money from Laiza’s sister who was always willing to help out, and with the little money they still had, they started a business selling street foods such as kwek-kwek, fishball, kikiam and so on. This then evolved into a sari-sari store with merienda and ulam which children bought for lunch.
Just as they were setting themselves up for a better life, Laiza and JP were struck with yet another adversity. They were one of the many people who were affected by the fires in Addition Hills, Mandaluyong. With the majority of their things being lost and/or burnt,
they were forced to move into an evacuation center where they stayed for over 8 months. This incident forced them to once again resort to borrowing money from others and hoping that someone would be willing to lend them some money. It was through this however that Laiza was introduced to Bukang Liwayway, an organization dedicated to serving the poor by providing medical and health programs, camps, and education to poor communities.
Amidst the struggles of another adversity, the COVID-19 pandemic, Laiza began volunteering for Bukang Liwayway, repacking and distributing food packs to others in need. How is it that it is those with less that always find it in themselves to reach out to others in need? According to Laiza, “kahit sa ganun paraan na makatulong lang man sa panahon ng mga nangangailangan kahit na yung binigay namin na hindi galing mismo sa amin parang volunteer lang kami pero ginamit kami ng panginoon para mamahagi sa tao parang yung food pack na yun makarating po sa kanila (even if we can only help in a way that helps those in a time of need, even if what we give back is not coming from us volunteers directly, the Lord uses us so that others may receive the food packs we distribute)”. Laiza and JP adapt, overcome and find more than just this suffering. There is more than just the two of them, there are others just like themselves who are struggling, people who are familiar with suffering and hardship. With this sentiment, they chose to give back and move forward for their family and for others.
“[H]indi ko naman talaga pinpoproblema yung pandemic eh kasi ang inaano ko lang basta may pumapasok sa amin na kita araw-araw pang kain. Masaya po ako konting blessings po laging masaya na po ako sa araw-araw basta yung mga iniisip ko yung mga anak ko walang maysakit sa aming magasawa walang maysakit. (We don’t really bother too much over the pandemic, rather I just make sure that we earn enough to put food on our table. We’re happy with the little blessings we have, I’m happy with what we have everyday. I just think that my children are not sick, none of us are sick).”
In the midst of this pandemic, it had become so blatant that the people could not expect the government to help those who have no means of getting by. In this time, they can only rely on themselves and the community around them. They have no time to stop and worry about the pandemic, they have to worry about making ends meet, and making enough to put food on their table and give their children the means to continue pursuing their education.
Laiza and JP’s story repeatedly shows that it is the continuous kindness of the people around them and the grace of the Lord that has gotten them through their hardships. Most remarkably about their story however, is their love for each other and how through that. They’ve been able to push on and persevere despite everything. Having to make their lives with only one another and their own children to support, they’ve had obstacle after obstacle come at them and yet they have the hearts to give to others. They have never played the victims. Laiza and JP have continuously overcome all these happenings with each other. While Laiza and JP’s story is certainly one of adversity, it is not to say that this is what this is solely about. Laiza and JP’s stories are just one of the hundred and thousands of stories that the Filipino lower class face. It is proof of the neglect of the Filipino government but it is once again a proving factor in the hurdles that they constantly have to face and conquer not out of want but out of necessity. This is not simply a story of adversity but one of family as well.
Family has been a core value within the Filipino blood and it rings brighter and ever more true here in Laiza and JPs story. In the way that Laiza and JP have continuously stayed with one another and strived for more to support their children, in the way that Laiza volunteers to give back to the community despite her own hurdles to overcome. The Filipino people have always relied on each other in these difficult times. It is through this adversity that the strength and strong ties to their value of family are built and ingrained into their very flesh.
Laiza and JP’s story is one out of the millions of Filipinos. Their story may be forgotten eventually. Such is the nature of human beings after all. However, we hope that their story reminds you of the people around you that matter and the family that is within reach to us that are willing to help us despite anything. Laiza’s and JP’s story is the perfect picture of the strength of Filipino people.
Ang Pusong Pilipino: Laiza at JP Gordo
October 22, 2020
Yvette Capellan
Translated by Mieko Palaran
Sa mataas na antas ng kahirapan at sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno ng Pilipinas na nagmumungkahi ng mga solusyon na kontra-kahirapan, maliwanag na hindi pinapaboran ng gobyerno ng Pilipinas ang karamihan ng mamamayang Pilipino. Araw-araw, daan-daang, libu-libo, o kaya milyon-milyong mga boses ng mga Pilipino ang hindi napapakinggan, mga kwentong hindi hinihimok, mga mukha na kinalimutan. Sila ang mga mukha na nadadaanan natin sa mga lansangan. Sa kadahilanang ito, ang pamilyang nasa mas mababang antas ng pamumuhay.
Gayunpaman, sa loob ng tuloy-tuloy na pakikibaka, dito ay namumulaklak ang lakas at pamilya sa loob ng bawat pusong Pilipino. Ang lakas na ito ay may napakalinaw, napakalakas at napakatinding sigaw sa puso nina Laiza at JP Gordo.
Ang kanilang kwentong ay nagsimula sa kanilang kabataan. Si Laiza, nakapagtapos pa lang ng high school, walang balak na makamit ang mas mataas na edukasyon. Magkasinatahan sila JP at Laiza at nabaon sa mga pakikibaka ng pera, at nabibigatan sa paghahanap ng mga paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan sa isa't isa, kahit umabot pa sa sitwasyon na mahabang panahon na sila hindi nagparamdam sa isa’t isa. Isa sa kanilang pinakamahabang panahon ng paghihiwalay ay tumagal ng tinatayang dalawang taon. Sa isang punto sa panahon ng kanilang paghihiwalay, naaksidente si JP, na naging sanhi ng pagkawala ng mga paa niya. Sa kabila ng kaalaman at pag-unawa na maraming mga paghihirap ang darating kapag nagpakasal sa isang taong may kapansanan, , nanatiling malakas ang pagmamahal ni Laiza para kay JP at hindi niya pinansin ang mga pagsubok na haharapin nilang dalawa, basta’t ginagawa nila ito ng magkasama. Matapos ang kanilang unang anak, may kaunting ipon sila sa kanilang kasalukuyang tahanan, silang dalawa ay nagpasyang maglakbay sa Maynila upang maghanapbuhay upang makamit ang mas magandang buhay para sa kanila at sa pamilyang kanilang sinisimulan. Sa kabila ng pagpunta sa Maynila sa pag-asang makahanap ng mas magandang trabaho at mas mabuting buhay, ang natagpuan nila ay mga pagsubok at kahirapan na maaaring maging dahilan ng paglaho ng kanilang mga pangarap para sa isang mabuting buhay at mas maraming pera.
Dumating sila sa Maynila at nakapaghanap ng kanilang unang trabaho bilang mga magsasaka, ngunit, ang pagsusumikap na ito ay hindi nagtagal sa kanila. Sa panahon na iyon, sa pangangailangan na asikasuhin ang sarili at ngayon ang kanilang dalawang anak, ito ay hindi sapat. Sinabi sa amin ni Laiza na ito ay masasabing isa sa pinakamahirap na panahon sa kanilang buhay.
“Yung time po na dalawa po lang yung anak namin na wala pa po kaming pagkabuhayan po. Wala pa po kaming tanim. Umaasa lang po sa yung bigay-bigay kung kanikanino [...] kasi halos ng kapit-bahay namin noon may mga trabaho kasi nga minsan iniisip ko sila kumakain ng masarap tapos kami nag-aantay pa kung mayroon tira na may magabot ng kanin ganun po. Minsan almusal lang namin sa umaga puro kape. Minsan nga bago panganak ko walang tanghalian. Yung bagong panganak ko pa sa pangalawa ko po yun"
Sa gitna nito, silang dalawa bilang mag-asawa ay nagsimulang mag-isip tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang pangarap nila para sa kanilang kinabukasan, at marahil higit pa, ang kinabukasan ng kanilang mga anak,
“Iniisip ko po yung mga ibang bata na ibibigay yung mga gusto nila laruan, damit. Sabi ko kawawa naman yung mga bata paglumaking hindi namannamin mabilhan ng mga ganun.”
Sa pag-iisip na ito, ginawa nila ang kanilang unang mga hakbang sa isang bagay na mas makakabuti para sa kanilang sarili. Simula sa hiniram na pera mula sa kapatid na babae ni Laiza na laging handang tumulong, at sa kaunting pera na mayroon sila, nagsimula sila ng isang negosyo na nagbebenta ng mga pagkain sa kalye tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at iba pa. Pagkatapos ay lumago ito sa isang sari-sari store na may merienda at ulam na binibili ng mga bata para sa tanghalian.
Katuwiran ng kanilang pagpursige para sa isang mas magandang buhay, sina Laiza at JP ay ang ilan sa mga hinamon ng kahirapan. Isa sila sa maraming mga tao na apektado ng sunog sa Addition Hills, Mandaluyong.
Karamihan ng kanilang mga kagamitan ay nawala at/o nasunog, pinilit silang lumikas kung saan sila nanatili ng higit sa walong buwan. Dahil sa pangyayaring ito ay napilitan silang muling umutang sa mga taong handang magpahiram sa kanila ng pera. Sa pamamagitan nito ay ipinakilala si Laiza sa Bukang Liwayway, isang samahang nakatuon sa paglilingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang medikal at pangkalusugan, mga kampo, at edukasyon sa mga mahihirap na pamayanan.
Sa gitna ng pakikibaka sa kahirapan, at sa pagdating ng COVID-19, nagsimulang magboluntaryo si Laiza sa Bukang Liwayway, muling pag-repack at pamamahagi ng mga food pack sa iba pang nangangailangan. Paano kaya ito kalimitan ng mga nagtutulungan ay ang mga kapwa hirap din sa pamumuhay? Ayon kay Laiza, “kahit na makatulong lamang kami sa isang paraan na makakatulong sa mga oras ng pangangailangan, kahit na ang ibalik natin ay hindi nagmumula sa amin mga boluntaryo, ginagamit tayo ng Panginoon upang ang iba ay maaaring makatanggap ng mga food pack na ipinamamahagi namin.” Sina Laiza at JP ay umangkop, nagtagumpay, at nakahanap ng higit pa sa paghihirap na ito. Mayroong higit pa sa kanilang dalawa, may iba pa na katulad sa kanilang sarili na nahihirapan, din, mga taong sanay sa pagdurusa at paghihirap. Sa damdaming ito, pinili nila na magbigay pabalik at sumulong para sa kanilang pamilya at para sa iba.
“[H]indi ko naman talaga pinpoproblema yung pandemic eh kasi ang inaano ko lang basta may pumapasok sa amin na kita araw-araw pang kain. Masaya po ako konting blessings po laging masaya na po ako sa araw-araw basta yung mga iniisip ko yung mga anak ko walang maysakit sa aming magasawa walang maysakit."
Sa gitna ng pandemikong ito, naging lantad na hindi inaasahan ng mga tao na tutulungan ng gobyerno ang mga taong nawalan ng pinagkakakitaan. Sa oras na ito, maaasahan lamang nila ang kanilang sarili at ang pamayanan sa kanilang paligid. Wala silang oras upang huminto at mag-alala tungkol sa pandemya, dapat silang mag-alala tungkol sa pagtustos ng mga gastos, at maglaan ng sapat na pagkain upang mailagay sa kanilang mesa at bigyan ang kanilang mga anak ng mga paraan upang magpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Ang kuwento nina Laiza at JP ay paulit-ulit na ipinapakita ang walang-patid na kabaitan ng mga tao sa kanilang paligid at ang biyaya ng Panginoon na nakatulong sa kanila para mapagtagumpayan ang kanilang paghihirap. Ang pinaka kapansin-pansin sa kanilang kwento gayunpaman, ay ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa at dahil dito, nagawa nilang magsumikap at magtiyaga sa kabila ng lahat. Mas nanaig ang pagsumikap para sa kanilang buhay sa isa’t isa lamang at sa sariling mga anak na kailangang suportahan, sa kada hadlang na dumating sa kanila ay mayroon pang maibibigay ang mga puso nila para sa kapwa. Hindi nila kailanman ginampanan na maging biktima. Sina Laiza at JP ay patuloy na nalampasan ang lahat ng mga pangyayari kasama ang isa’t isa. Habang ang kwento nina Laiza at JP ay tiyak na isa sa mga nagbibigay pansin, hindi ito upang sabihin na ito lamang ang tungkol dito. Ang kwento nina Laiza at JP ay isa lamang sa daan at libu-libong kwento na kinakaharap ng mga Pilipino na may mas mababang antas ng pamumuhay. Ito ay patunay ng kapabayaan ng gobyerno sa mga mamamayang Pilipino ngunit ito ay muli nagpapatunay na kadahilanan sa mga hadlang na palagi nilang kinakaharap at lupigin hindi dahil sa kagustuhan kundi dahil sa pangangailangan. Hindi ito simpleng kwento ng kahirapan ngunit isa rin para sa taong bayan.
Ang pamilya ay naging mahalaga sa loob ng dugo ng mga Pilipino at ito ay mas naipakita at mas naging totoo sa kwento nina Laiza at JP. Sa paraang patuloy na nanatili sina Laiza at JP para sa isa't isa at mas lalong nagsikap para suportahan ang kanilang mga anak, sa paraan na nagboboluntaryo si Laiza na tumulong sa pamayanan kahit na may sariling hirap siya na kailangang pagtagumpayan. Laging umaasa sa isa’t isa ang mga Pilipino sa mga mahihirap na panahon. Ang tibay at tiyaga ang nakapagbuo sa tibay ng pagsasama ng isang pamilya na kailan man ay nakatatak sa ating puso.
Ang kwento nina Laiza at JP ay isa sa milyon-milyong mga kwento ng mga Pilipino. Ang kanilang kwento ay maaaring makalimutan sa pagdaan ng panahon. Kung tutuusin, ganun ang naging kasanayan ng mga tao. Gayunman, inaasahan namin na ang kanilang kwento ay nagpapaalala sa inyo na ang mga mahalagang tao na nasa paligid mo at ang pamilya na malapit sa atin na handang tumulong sa kabila ng anumang hirap ang dinadanas nila. Ang kwento ni Laiza at JP ay isang perpektong larawan ng lakas ng mga Pilipino.