For Our Farmers: Anj Tadena
October 7, 2020
Raine Aguilar
Anj Tadena and her remarkable tale of the Bayanihan Spirit can only be characterized by her relentless social initiative and her tenacious lack of complacency. At the age of 26, Anj has not only ensured a comfortable life for her three younger siblings, but is now working towards offering the same comfort to those stuck in the Philippine’s vicious cycle of grievance— the farmers of the Philippines.
From the very beginning, Anj always had her eyes directed towards the unsung pillars of Philippine agriculture. So, when the pandemic struck the Philippines, Anj, a woman of unshakable initiative, chose to take action, and established her non-profit organization, For Our Farmers. As an agriculturist working in the Philippine Government’s Department of Agriculture, Anj has never been a stranger to the struggles that Filipino farmers face.
“. . .even without the pandemic, farmers really, here in the Philippines, are not in the best spot,” she claimed as she explained the adversities that Filipino farmers face on a day-to-day basis.
Every laborious day for a Filipino farmer is a day spent working on land that is not even their own. In fact, Anj revealed that they are referred to as “nakikisaka” (farmer tenants). This means that farmers work for land owners, a predicament that usually ends with the farmers being paid below minimum wage, or awaiting for the portion of the harvest that serves as their payment. These day-to-day struggles that farmers face typically put them in a situation in which they have to work a second job in order to provide for their families. It then became apparent that, while they work the hardest, cultivating and nurturing the food that feeds many Filipinos, farmers get very little in return.
But, as Anj said, “If they (the government) are not. . . getting down to the grass root level of the farmers, you can do something [about it]; yung talagang calling mo” (that which you are truly called for).
This is the staggering sentiment that Anj carried with her as she began her non-profit organization. She recognized the added struggles that the pandemic introduced to the farmers, who had no means of transporting their produce, and on top of that, were suddenly unable to work their second jobs. When Anj first launched her initiative, she and her team operated using purely personal funds to put together grocery packs to give to the farmers. However, as For Our Farmers began to expand and garner partnerships from other organizations, in the truest form of Bayanihan Spirit, Anj and her team went from providing grocery packs, to supplying pre-term insurance for groceries that lasts one year, 10 Hermetic Technology bags (bags that lengthen the shelf life of produce and protects from infestations), and free water bills on top of the groceries. This was made possible through her team, all consisting of the youth, who worked hard to reach out to whoever they could, asking for monetary support or otherwise.
Through the hard work of her team, Anj was able to discover the sheer power of social media. In fact, Justine, who handles all of the social networking for the team, gained traction on the internet by establishing connections and friends online who share common interests, including celebrity love teams. With the connections Anj’s colleagues have acquired through social media, For Our Farmers was able to obtain, not just an audience who will see and hear, but an audience that will choose to take action with them as well. With an organization of young and impressionable people creating change in the overlooked communities of the Philippines, Anj not only discovered the power of social media, but of the youth as well.
“I think younger generations [are] powerful in terms of [the fact that] we have time,” she stated.
Anj, who is part of the group of young people who choose to take advantage of their time and passions, recognizes that there is hope and there is power in the Filipino youth. With her remarkable drive, Anj extended her admirable efforts not just to the farmers of the Philippines, but to their children and other young farmers as well, thus beginning the For Our Farmers Scholarship. When the children of these farmers were asked what they would do should they get the chance to go to university, they answered with the desire to study agriculture and help their parents. Once a scholar herself, Anj is living proof of the incredible impact that the For Our Farmers’ Scholarship can make. Not only that, but Anj utilized her scholarship by choosing to study agriculture, a feat she aims to advocate to others as well.
“The government needs to tell younger people what’s in it for them if they go [into] agriculture because some of them. . . really don’t know that agriculture is an option,” she said.
In light of telling the story of her past, Anj also recounted times wherein she found ways to make ends meet, even as an elementary student. Anj told the Adversity Archive, “I think that’s my first few things like that, like a sign that I am not born to be an employee.”
To find out how you can help, visit @forourfarmers on Instagram
As the eldest daughter to her father, who had to work two jobs to provide for their family, Anj chose to pave her way into success. Attaining a scholarship from the Department of Science and Technology, Anj eventually made her way into the University of the Philippines Los Baños. While managing her studies, she worked as a teacher, and right after her graduation, she landed a job in the notable university. As the breadwinner of her family who was able to ensure that her three younger siblings get to live a life of comfort, it is no surprise that Anj is a woman who believes she can take care of things on her own. However, through the establishment of her non-profit organization, Anj grew into familiarity with the Philippine Bayanihan Spirit, in which Filipinos band together, build each other up, help each other out, and achieve their dreams together.
“I did not expect that, during this pandemic, I’ll feel a more purposeful way of living because of For our Farmers,” said Anj.
When asked which message she wanted to conclude with, Anj said this: “There is no help too small.” Whether it be monetary help or using your voice to spread awareness, both hold incredible power. Anj’s story is one of unrelenting drive and of the unique Bayanihan Spirit of the Philippines. Through her team, through her partnerships, she is able to support both the present and the future of an overlooked, yet incredibly essential sector of the Philippines.
For Our Farmers: Anj Tadena
October 7, 2020
Raine Aguilar
Translated by Martina Go
Ang pambihirang kwento ni Anj Tadena sa pagkakaroon ng “Bayanihan Spirit” ay nagpapakita ng walang hupang pagkilos at masigasig na kakulangan ng pagiging kampante. Sa edad ng 26 na taong gulang, hindi lang niya nabigyan ng isang komportableng buhay ang kanyang tatlong mga kapatid, kundi nagawa rin niyang ibigay ito sa mga naaaping mamamayanan dahil sa sistema ng Pilipinas - ang ating mga magsasaka.
Sa simula pa lang, nakatuon na si Anj sa mga di kilalang mga haligi ng agrikultura sa bansa. Kaya tama lang na noong dumating ang pandemya sa bansang Pilipinas, sinimulan ni Anj ang kanyang samahang sibil, ang For Our Farmers. Bilang isang magsasakang nagtatrabaho sa Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas (Department of Agriculture), alam na ni Anj ang mga hadlang na hinaharap ng isang ordinaryong magsasaka.
“... kahit noong hindi pa dumarating yung pandemya sa bansa, hindi talaga maganda ang mga dinaranas ng ating mga magsasaka,” ang ipinaliwanag ni Anj habang binibigyang pansin ang mga sagabal na kailangang pagtagumpayan ng mga magsasakang Pilipino sa bawat araw.
Dagdag pa dito ang katotohanan na ang lupang kanilang sinasaka ay hindi pa nila pag-aari Sa kadahilanang ito ang tawag sa kanila ay “nakikisaka” lamang sa lupang hindi sa kanila. Bukod sa maliit lamang ang kinikita ng mga magsasaka kumpara sa may-ari ng lupa, may pagkakataon pang matagal nila bago makuha ang parte nila sa kita. Ang katiwaliang ito ay kinakailangan pa nilang maghanap ng ibang trabaho upang masustentuhan ang kanilang mga pamilya. Malinaw na kahit ang mga magsasaka ang nagkakandahirap upang makakain ang mga mamayanang Pilipino, maliit at hindi sapat ang nakukuha nila mula sa kanilang mga trabaho.
Bagkus, kagaya nga ng sinabi ni Anj, Kung hindi pa sila (ang gobyerno) nakaka-abot sa “grassroots” level ng mga magsasaka, may magagawa ka pa, yung talagang “calling” mo.” Ito ang pananaw na dinala ni Anj noong sinimulan niya ang kanyang samahang sibil.
Namulat siya sa dagdag na hadlang na hinaharap ng magsasaka sa gitna ng pandemya kagaya ng kawalan ng kakayahang ipadala ang mga produkto upang ito ay mabenta, at ang kawalan ng pangalawang trabaho. Noong nagsimula pa lamang ang For Our Farmers, kinailangang gamitin ni Anj at ng kanyang mga kasama sa organisasyon ang kanilang personal na ipon upang makabuo ng grocery packs para sa mga magsasakang Pilipino. Tuluyan nang lumaki ang For Our Farmers at sabay dito ang oportunidad na makibaka kasama ang iba’t ibang mga organisasyon. Dahil dito lumawak din ang kanilang nagagawa para sa mga magsasaka kagaya ng pagbigay ng insurance para sa mga groceries na tumatagal ng isang taon, 10 Hermetic Technology bags (mga lalagyan na nagpapatagal sa buhay ng pagkain at nagbibigay proteksyon sa pagmumutiktik) at libreng tubig. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa mga kabataang tumulong sa adhikain ni Anj sa pamamaraan ng paghahanap ng mga taong nais tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda at kung ano pang pwede nilang ibigay.
Dahil sa pagsusumikap ng kanyang mga kasama, natanto ni Anj ang kahalagan ng social media. Isa sa kanyang mga katrabaho si Justine, na namumuno sa lahat ng social networking ng organisasyon, ay nakahanap ng mga koneksyon sa pamamaraan ng pakikipag-usap sa mga taong magkatulad ang mga interes, kagaya ng mga celebrity love teams. Dahil sa mga koneksyon na nabuo sa social media, nagkaroon ng tagasubaybay ang For Our Farmers na hindi lamang nagmamasid, kundi kasama rin sa isang kilusang magpapabago sa bayan.
Dahil ang samahang sibil ni Anj ay binubuo ng kabataang may pagnanais maisulong ang kalagayan ng mga mahihirap na komunidad sa Pilipinas, namulat si Anj hindi lamang sa kapangyarihan ng social media kundi sa kapangyarihan ng mga tinuturing pag-asa ng bayan.
“Sa aking opinyon, mahalaga at makapangyarihan ang kabataan ngayon dahil tayo ang may oras na magpabago sa ating sariling kalagayan.”
Si Anj, na bahagi sa isang samahan ng mga kabataang sadyang ginagamit ang kanilang oras sa isang makabuluhang paraan, ay naniniwala na may pag-asa at kakayahan ang kabataang Pilipino. Kalakip ang kanyang pambihirang pagnanain, pinili ni Anj ang hindi lamang tulungan ang mga magsasakang Pilipino kundi kasama na rin dito ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng pagtatag ng For Our Farmers Scholarship. Ipinahayag ng mga bata na kagustuhan na rin nilang mag-aral ng agriculture sa unibersidad upang matulungan ang kanilang mga magulang. Napatunayan ni Anj ang kahalagahan ng pagkakaroon ng scholarship at ang halaga ng pagkuha ng kursong agrikultura para sa ating bayan.
“Kailangang himukin ng gobyerno ang kabataan na mag-aral ng agrikultura. Ipakita sa kanila ang kahalagahan nito dahil maraming hindi man lang naiisip na ang agrikultura ay isa sa mga maaaring mapagpipilian nila ,” ang sinabi ni Anj.
Sa pagkwento ng kanyang nakaraan, naalala ni Anj noong nasa elemantarya pa lang siya na ang mga pagkakataong kinailangan niyang mag-ipon para mabayaran ang kanilang mga utang. Kinuwento ni Anj sa Adversity Archive, “Ang karanasan na ito ay isa sa mga sinyales na hindi ako pinanganak upang maging isang ordinaryong empleyado lamang.”
Sa kanyang pamilya, kinailangan ng tatay ni Anj na magkaroon ng dalawang trabaho upang masustentuhan sila. Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, pinilit niyang maabot ang tagumpay upang maiahon ang kanyang pamilya. Siya ay nakakuha ng isang scholarship mula sa Department of Science and Technology at nakapagtapos sa University of the Philippines, Los Banos. Habang siya ay nag-aaral pa, siya ay nagtrabaho bilang isang guro at pagkatapos niya ng kolehiyo, binigyan siya ng pagkakataong magturo sa prestihiyosong unibersidad. Si Anj ang pangunahing tumutustos sa kanyang pamilya upang mabigyan ng masaganang buhay ang kanyang tatlong kapatid, at dahil dito ay natuto siyang tumayo mag-isa. Pero noong nabuo na ang For Our Farmers, nakita niya ang pangangailangan ng “Bayanihan Spirit” ng mga Pilipino kung saan ang mga indibidwal ay nagkakaisa, nagtutulungan, at sabay sabay na inaabot ang kanilang mga hiraya.
“Hindi ko talagang inakala na mas magkakasaysay ang aking buhay dahil sa For Our Farmers,” ipinahayag ni Anj sa Adversity Archive.
Sa huling pagkakataon tinanong si Anj kung ano ba ang mensahe na gusto niyang ibahagi sa mga mambabasa, ang kanyang sinabi ay: “Walang tulong na maliit.” Kung sa pagbibigay man yan ng pera upang makatulong o paggamit ng iyong boses upang magbigay pansin sa isang isyu, pareho ang kanilang kapangyarihang magsimula ng pagbabago. Ang kwento ni Anj ay isang nagpapakita ng walang piglas na pagnanais at ang bukod-tanging penomenong tinatawag na Bayanihan na nakikita sa Pilipinas. Sa pamamaraan ng For Our Farmers at lahat ng mga sumuporta, siya ay nakatulong sa kasalukuyang sitwasyon ng ating mga magsasaka, at siya rin ay nagbigay ng katiyakan sa mas magandang kinabukasan para sa agrikultura ng ating bansa.
Upang makatulong sa mga magsasaka, bisitahin ang @forourfarmers sa Instagram