top of page
English

From Port to Port

December 14, 2021

Bianca Mandapat

‘Katas OFW: 3 Siblings Build Beautiful Dream House;’ ‘Pinay Caregiver in Israel Builds 2-Storey Dream House;’ ‘Katas OFW: Filipina Housemaid in Saudi Builds House and Sends Children to College;’ These are the stories that make it to the headlines—of triumphs against all odds, of returning heroes, of dream houses and greener pastures. Little is known about what came before that. 

 

Every year, overseas Filipino workers sail the uncertain and uncharted waters beyond our borders. Judeo Coronel, a father of two, was one of them. This is his story.

 

Every Sunday, Judeo leafs through the morning papers in search of hope. Somewhere between the obituaries and mundane thoughts of columnists, opportunity sits on a 4x4 inch newspaper ad, waiting for the next bold aspirant to take on its offer. A few months later, he left his hometown of Tagaytay, Cavite to travel the world.

IMG_3143.PNG

It began in Switzerland. While visiting his older sisters abroad, Judeo found himself enticed by the rolling hills and quaint villages of Europe. It was a stark contrast to the overcrowded streets and urban bustle of Manila, the city where he studied in for college. Though his European escapades lasted for 90 days, it was enough to stir something within him. Perhaps, it was the Swiss air. Perhaps, it was the jet lag. But when Judeo traveled back to the Philippines, his heart was set elsewhere. 

In his search for greener pastures, the Sunday papers led him to Taiwan. With its booming economy and its proximity to home, he flew to Taiwan with the promise of a better life. With his four-year degree in Engineering, Judeo applied to become a quality assurance specialist for a factory that manufactured computer parts in Taipei. His days consisted of going through motherboards and power supplies. Month after month, homesickness took hold of him. Though he eventually decided to fly back home, his journey did not end there. It brought him to the seas.

 

Judeo first heard of the possibility of seafaring from his brother. Unfazed by the waves and winds, he packed enough clothes for a two-month trip and made his way to the port. As a deck steward, Judeo enjoyed the perks of not knowing where he would be tomorrow. One morning, you’re in Norway, and the next you’re in Sharjah then by night, you’re in Jerusalem. Yet unlike passengers, they were anchored to the ship. “Every year, uuwi ka ng one month vacation tapos babalik ka ulit.” (Every year, you will go home for a one-month vacation then you will return again.) This was the life of a seaman, of ports and impermanence. This was Judeo’s life for the next ten years. 

5769ad52-d454-4069-abe0-f41639c6630f.jpg

Through telephone conversations and pasalubong (gifts) on special occasions, he tried to make up for the distance and lost time. Long before the internet, Judeo and other seafarers had to wait for the ship to dock before they could phone loved ones on land. 

 

“It’s better na magretire ako sa Pilipinas. Syempre, sa family. And dami ko nang pagkukulang sa kanila,” (It’s better if I retire in the Philippines. Of course, with my family. I already have so many shortcomings with them.) he reflected. 

 

Yet as Judeo spent more time at sea, a house was growing on land. With his 10-year savings, he gradually built a home in the highlands of Cavite, where he hoped to eventually settle once he made it to shore. But though the house was ready to be lived in, Judeo had to return to the port once more. With two children to put through college, he decided to return to the Sunday papers— no longer in search of hope, but a lifeline. 

“Sa baon palang… namumulubi na kami. So nagapply ulit ako.” (From their allowance alone, we were becoming poor. So I applied again.) 

 

Another opportunity in America presented itself in a newspaper ad. Only this time, it had a 200,000-peso placement fee. “Kailangan ibenta ko yung mga naipon ko sa pagseseaman,” (I had to sell the things I saved as a seaman.) Judeo recalls. Opportunities abroad did not come cheap, and he, like many others, struggled to pay for their dreams.

 

“Ang daming bayarin sa America.” (There is lots to pay in America.) 

 

On top of the placement fee and bills he had to pay off, Judeo worked with the duty of sending remittances back home. In the morning, he cooked for the local Colorado country club and in the afternoon he made his way to Walmart. Judeo juggled two jobs from 6 in the morning to 11 at night.

 

Yung mga recession na sinasabi nila, totoo yun. Binabawasan nila yung mga hours. So in a day, imbis na 8 hours ka nagtatrabaho, gagawin nilang 4 hours sa isang linggo. Imbis na 5 days ka papasok, naging 3 days na.” (The recession that they were talking about is true. They lessen our hours. So in a day, instead of working for 8 hours, they will make it 4 hours in a week.) While this meant less work for some, to Judeo, it meant less for those back home.

“Dasal-dasal lang,” (Only through prayers.) he would often say. 

94163373-434b-41c9-b0a8-478893ddfc2d.jpg

Though other Filipinos were there to keep him company, there were numerous trials he had to face alone. He recounts, “You have to drive by yourself. You have to go to work by yourself.”

 

Living abroad was more than just being alone. It meant being away from home. 

 

“Mas marami namang matatagpuan at mas maraming trials.” (There are many opportunities but a lot of difficulties too.) 

 

After three years in America, Judeo decided to fly back to the Philippines in 2013. His family now runs a small business in Cavite that his years of toiling have built. However, he is not home yet. Today, he is a chef in Abu Dhabi, cooking for the throngs of college students who find their way to his sandwich counter. This is where the Sunday papers have brought him. 

Though he is no longer a seaman, Judeo still sails from port to port. “I’m not expecting na makakatagal ako sa UAE… Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari eh.” (I’m not expecting to stay in the UAE for long… I still don’t know what will happen.) Like many Filipinos, Judeo has no assurance of where he will be tomorrow. Short-term visas and temporary work arrangements can only get you so far. Today, his only wish is to return for a short while to rest. 

 

“Maybe next year, hopefully.”

 

Though Judeo has seen the world, though his hands still search through the Sunday papers, his heart always yearns for home. Not even the rolling Swiss hills could convince him otherwise.

 

Many Filipinos are still sailing from port to port as they labor to build houses they cannot live in. Learn more about their lives and experiences in the resources below:

Filipino

Paglalayag mula sa Isang Daungan Patungo sa Isa pang Daungan

December 14, 2021

Bianca Mandapat

‘Katas OFW: Magkakapatid, naipatayo ang pinapangarap na magarang tahanan’; ‘Pinay caregiver sa Israel, nakapagpatayo ng dalawang palapag na dream house’; Katas OFW: Pinay na kasambahay sa Saudi, nagpatayo ng sariling bahay, pinag-aral ang mga anak sa kolehiyo’; Ito ang mga kuwentong nagiging kasapi sa headlines ng mga balita—kuwento ng pagtatagumpay  sa anomang pagsusubok, pagbabalik-bayan ng mga bayani, pagpapatayo ng inaasam na bahay, at paghahanap ng bagong oportunidad. Gayunpaman ay kaunti lang ang alam ng karamihan tungkol sa kuwento ng kanilang pagpupunyagi.

Kada taon, nilalayag ng mga Overseas Filipino Worker ang ibayong dagat ng walang kasiguraduhan. Isa na sa kanila si Judeo Coronel, isang ama ng dalawang anak, at ito ang kaniyang kuwento.

 

Bawat umaga ng araw ng Linggo, ibinubuklat ni Judeo ang diyaryo, nagbabakasakaling may pag-asang lilitaw sa mga pahina nito. Sa pagitan ng mga pahina ng mga obituaryo at maaanghang na pananalita ng mga kolumnista, nakalaylay ang oportunidad na kaniyang hinahanap sa 4x4 pulgadang patalastas na naghihintay lamang sa mga tao na tanggapin alok. Pagkaraan ng ilang buwan, nilisan niya ang kaniyang bayan ng Tagaytay, Cavite para libutin ang mundo.

IMG_3143.PNG

Nagsimula ang lahat sa Switzerland. Habang binibisita niya ang kaniyang mga ate, nahumaling si Judeo sa kumpol ng mga burol at kakaibang nayon at pamayanan ng Europa. Malayong-malayo ito kung ikukumpara sa siksikan at maingay na kalye ng Kalakhang Maynila, ang lugar kung saan siya nag-kolehiyo. Kahit na 90 araw lang ang kaniyang pagbisita sa Europa, sapat na iyon para may kakaiba siyang maramdaman. Siguro iyong hangin ng Switzerland o ang jet lag, ngunit nang bumalik si Judeo sa Pilipinas, nakatuon na ang puso niya sa ibang lugar.

Sa kaniyang paghahanap ng bagong oportunidad, tinangay siya ng patalastas na makikita sa dyaryo sa Taiwan. Dahil sa maunlad na ekonomiya at kalapitan nito sa inang bayan, tumungo siya roong dala-dala ang pag-aasam na makahanap ng mabuting buhay. Dahil nakapagtapos siya ng kursong Inhinyero, nakapagtrabaho siya bilang  quality assurance specialty ng isang pagawaan ng mga computer part sa Taipei. Sa kaniyang pang-araw-araw na pagtatrabaho, palagi niyang kaharap ang mga motherboard at power supply. Sa pagdaan ng mga buwan, patuloy niyang nilalabanan ang homesickness o ang simbuyo na umuwi siya ng bansa. Ngunit kahit bumigay siya at kalaunan, hindi pa tapos ang kaniyang pakikipagsapalaran. Sa katunayan, dinala pa nga siya sa karagatan.


Unang narinig ni Judeo ang ideya ng pagiging isang seafarer sa kaniyang kuya. Hindi nag-aalangan sa mga dambuhalang alon at malakas na hangin, nag-impake siya ng mga gamit at damit na sakto lang sa kaniyang dalawang buwang lakbayin, at nagtungo na siya sa daungan. Bilang isang deck steward o tagapangasiwa ng kubyerta, isa sa nagustuhan niya sa kaniyang trabaho ay ang kaniyang pagkakaroon ng walang ideya kung saan siya  mapapadpad sa susunod na araw. Sa paggising sa umaga, nasa Norway na siya, sa sunod naman ay nasa Sharjah, at sa Jerusalem naman pagsapit ng gabi. Pero hindi katulad ng kanilang mga pasahero, naka-angkla lamang sila sa kanilang barko. “Bawat taon, uuwi ka nang one month vacation (isang buwang bakasyon) tapos babalik ka ulit.” Ito ang buhay ng isang seaman, ng mga daungan, at ng mga taong walang katiyakan sa lugar na dadaungan sa mga susunod na araw. Sa sumunod na sampung taon, ito ang naging buhay niya.

5769ad52-d454-4069-abe0-f41639c6630f.jpg

Sa pakikipagkomunikasyon sa telepono at pagbibigay ng mga pasalubong sa tuwing may mga importanteng pagtitipon, napupunan niya ang puwang na buhat ng distansiya at oras. Sa katunayan, bago pa man gamitin ang internet, kailangan pa nina Judeo at ang kaniyang mga kapuwa seafarer na hintaying dumaong ang barko nila bago matawagan ang mga naiwang mahal sa buhay rito sa lupa.

 

Mas mabuting dito ako mag-retire sa Pilipinas--syempre, sa pamilya [ko]. At ang dami ko nang pagkukulang sa kanila,” wika ni Judeo.

 

Kasabay ng pag-usad ng mga taon sa pagtatrabaho ni Judeo sa karagatan ay ang pagpapatayo ng kaniyang bahay dito sa lupa. Sa tulong ng kaniyang naipong  perang naipon sa loob ng sampung taon, paunti-unti niyang itinayo ang kaniyang dream house sa highlands o mataas  na parte ng Cavite, kung saan siya magpapalipas ng panahon pagkatapos dumaong ang barko.  Kahit handa na ang bahay na ipinundar niya, kinailangan pa rin niyang bumalik muli sa daungan. Upang makapag-aral ng kolehiyo ang kaniyang dalawang anak, kinailangan niyang buksan ang dyaryo. Hindi na pag-asa ang hanap niya kundi isang trabaho na bubuhay sa kaniya at kaniyang pamilya.

Sa baon pa lang [ng mga anak ko]… namumulubi na kami. So (kaya) nag-apply ulit ako,” paliwanag ni Judeo.

 

Sa kabilang banda, isang oportunidad sa Amerika ang napresenta sa kaniya mula sa mga patalastas sa kaniyang dyaryong binabasa. Ang kaibahan lang nito ay may placement fee itong 200,000 piso. “Kailangang ibenta ko ‘yong mga naipon ko sa pag-si-seaman,” salaysay ni Judeo. Ang mga oportunidad sa ibang bansa ay hindi mura, at katulad din ng iba, naghirap siya na mabayaran ang kaniyang oportunidad.

 

“Ang daming bayarin sa Amerika,” dagdag ni Judeo.

 

Bukod pa  sa placement at mga bayarin sa pananahanan abroad, tungkulin niya ring magpadala ng pera sa kaniyang pamilya rito sa Pilipinas.  Sa umaga, taga-luto siya sa isang lokal na country club sa Colorado, at sa hapon naman ay nagtatrabaho siya sa Walmart, isang pamilihan. Sa madaling sabi, dalawang beses siyang nagbabanat ng buto sa isang araw mula alas-sais ng umaga hanggang alas-onse  ng gabi.

 

‘Yong mga recession na sinasabi nila, totoo ‘yon. Binabawasan nila yung [working] hours (oras ng pagtrabaho). Kaya sa isang araw, imbes na 8 hours ka nagtatrabaho, gagawin nilang 4 hours sa isang linggo. Embes na 5 days ka papasok, naging 3 days na lang.” Habang para sa iba ay bawas ito ng trabaho at pagod, para kay Judeo, nangangahulugan itong kakarampot lang ang maipadadala niya sa kaniyang pamilya rito sa Pilipinas.

 

“Dasal-dasal lang,” pananalig ni Judeo.

94163373-434b-41c9-b0a8-478893ddfc2d.jpg

Kahit na may mga kapuwa siyang Pilipino na kasama niya sa Amerika, marami pa rin siyang mga pagsubok na kinailangan niyang harapin nang mag-isa. Sa pag-alala niya, “Kailangan mong magmaneho mag-isa. Pupunta ka rin sa trabaho nang mag-isa.”

 

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay higit pa sa pagiging malayo sa pamilya. Sa halip, ito ang paglawak ng distansiya mo sa iyong bayang kinagisnan.

 

“Mas marami namang [bagay na] matatagpuan at mas maraming pagsubok [na haharapin].” 

 

Pagkatapos ng tatlong taon sa Amerika, napagdesisyunan ni Judeo na umuwi sa Pilipinas noong taong 2013. Sa kasalukuyan, pinatatakbo ng kaniyang pamilya ang kanilang maliit na negosyo sa Cavite na naipundar ng kaniyang ilang taon ng pagsasakripisyo. Ngayon, isa siyang tagapagluto sa Abu Dhabi kung saan nagluluto siya para sa mga mag-aaral ng kolehiyo na daraan sa kaniyang sandwich corner. Dito siya dinala ng mga nabasang patalastas sa diyaryo .

 

Kahit hindi na siya seaman, pabalik-balik pa rin si Judeo mula daungan patungo sa ibang daungan . “Hindi ako umaasang makatatagal ako sa UAE…. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari, e.” Kagaya ng ibang mga Pilipino, wala siyang kasiguraduhan kung saan siya dadalhin bukas o sa mga susunod na araw. Nakapagtatrabaho ka lamang dahil sa mga short-term visa at temporaryong kontrata ng trabaho. Ngayon, ang tanging hiling niya lang ay ang makabalik sa bansa para makapahinga nang saglit.

 

“Siguro sa susunod na taon, sana.”

 

Kahit na natunghayan na ni Judeo ang mundo, kahit na naghahanap pa rin siya ng mga oportunidad sa seksiyon ng anunsiyo klasipikado ng dyaryo, ang pagbabalik niya sa kinagisnan niyang bayan ang tinitibok pa rin ng kaniyang puso. Kahit ang mga burol ng Switzerland na nagpamangha sa kaniya noon ay hindi na siya kayang mahumaling pa.

 

 

Marami pa ring mga Pilipino ang naglalayag mula sa isang port patungo sa isa pa para makahanap ng trabaho at makapagtayo ng kanilang dream house na hindi rin nila matitirhan. Malalimang alamin ang kanilang mga buhay at karanasan sa sangguniang ito:

bottom of page