top of page

Gising Gising: Cel, TJ, and Tonyo

English

August 27, 2020

Nathan Gumba

Both a blessing and a curse, the pandemic has called for both a sense of urgency and a sense of unity in the community. The farmers were down to the bare minimum. They were facing the blockage of their produce from entering the city which in turn resulted in little to no income. In effect, three partners decided to respond in action. Gising Gising is Celina Borromeo, TJ Malvar and Tonyo Silva’s sustainable way of contributing to the community and giving back.

The idea of Gising Gising had actually been in the works prior to the pandemic when they noticed a lack of attention to agriculture in the country. TJ, one of the partners of Gising Gising, started a soup kitchen purely donation-based in Antipolo. Buying vegetables and preparing meals, he greatly helped those within the community. However, when donations started to dwindle, he hit a roadblock realizing that the soup kitchen was not as sustainable as it seemed. This resulted in the idea of Gising Gising being born. Essentially the idea behind Gising Gising is this: “one box sold is one box shared. For every box [of vegetables] you purchase from us, a box goes to a person or family in need.” However, due to day jobs and numerous other responsibilities, the idea fizzled down. That was, of course, until the pandemic hit, emphasising the need for it and giving them the sense of urgency to put it up. Through Gising Gising, farmers and communities in need were given food to bring to their dinner tables. The pandemic has shown itself to be ruthless in these past few months but this initiative is certainly a big step towards brighter days.

gising gising.jpg

Left to right: Tonyo Silva, Celina Borromeo, TJ Malvar

gising 1.jpg

gisinggising.ph on instagram

gising2.jpg

gisinggising.ph on instagram

The main focus of Gising Gising has shown to really be the farmers and the community. Without the farmers, there’d be no food and produce to supply the rest of the people in need. What the project has done is connect two groups of people severely affected by the pandemic, farmers and lower income communities, into a joint relationship that benefits each other. However, achieving this wasn’t easy. The process entailed thorough examination and analysis of the agricultural sector and food supply chain of The Philippines. “The food supply chain right now in the Philippines especially when it comes to produce is archaic and a bit ripe for change. So what we did, especially with the lead of TJ, our expert [in] farmer sourcing- he examined and studied the supply chain and saw where there were redundancies. We tried to go as close to the source as possible. Right now we work with farmers co-ops, ethically-run farmers co-ops who take care of their farmers and smallholder farmers. So smallholder farmers are really going straight to the source basically,” said Tonyo, the planning director for Gising Gising. 

Gising Gising is certainly a fresh take on business and community service, in fact Tonyo explained, “what we're trying to do is quite new, we’re integrating a social aspect to buying vegetables and produce so [we’re] waking people up to a new way of doing things, hence the name ‘gising’ ‘gising’” 

As it turns out, Gising Gising isn’t just a sustainable way for Celina, TJ and Tonyo to give back but an outlet for people to help out of their own goodwill too.

 

“I was shocked at the amount of people who really want to help out like they just needed an avenue. We have a lot of stories like some of our friends don't eat vegetables, they just buy to donate,” says Celina, the community and creative director of the project.

She’s quick to add that, “of course that's not a habit that we want to enforce haha but it just shows how much people want to help because they know what's been happening.” People want to give back but don’t really know where to give to. Through Gising Gising, they were able to give back and help those who really need it while maintaining social distancing policies.

“That's one of our advocacies in Gising Gising. You don't have to go to the grocery all the time because right now it's not safe but there's a way to get enough vegetables that we should be eating because we can do it all online,” says Cel.

The farmers and communities were facing a great adversity and Gising Gising was the urgent response of the partners. It was a great and virtuous response considering they have day jobs of their own. The work itself wasn’t the biggest problem but rather the fact that the fine line between work and the project had started to blur. People have forgotten the routine of having a 9-5 and coming home to rest. Every part of life had meshed together. “It feels like people have forgotten the time. Like people are only supposed to work 9-5 but people forget that,  so the timelines have been blurred,” says Cel. Even with the struggle of having to cope with the new normal, they found time for Gising Gising..

“Before all of this happened. Before COVID-19 and before lockdown, we had a lot of distractions. We focused on a lot of the non-essential things. We spent so much time on things that we could have not spent time on. The pandemic and being locked in my room, really helped me to personally realize what is really worth my time even if I have so much time,” said Cel.

 

Gising Gising has been a project that was in the works way before the pandemic. If you asked if it would’ve ever happened without COVID in the picture, we’d never know. It is just a matter of life that it became a part of the story. What’s certain is that from their story we can learn and be inspired by how quickly they responded to the need and gave so much of themselves to readily help those who needed it most. 

gising 3.jpg

gisinggising.ph on instagram

gising 5.jpg

gisinggising.ph on instagram

Filipino

Gising Gising: Cel, TJ, at Tonyo

August 27, 2020

Nathan Gumba

Translated by Mykah Marquez

Parehong bendisyon at sumpa, ang pandemya ay isang panawagan para sa pagkakaisa at inisyatibo ng bawat tao sa lipunan. Ang mga magsasaka at magbubukid ay ang mga nakakaranas ng malubhang kapighatian. Ang kanilang mga ani ay ipinahinto at ipinagbabawal nang pumasok sa kanilang bayan na humahantong sa mas maliit o walang kinikita. Sa kaalaman na ito, tatlong mag kasosyo ay naisipang umaksyon at tumulong. Ang Gising Gising ay ang pamamaraan nina Celina Borromeo, TJ Malvar, at Tonyo Silva na makatulong at magdagdag suporta sa mga komunidad.

Ang ideya na Gising Gising ay talagang nasa akda pa bago tumama ang pandemya nang napansin nila ang kakulangan ng atensyon sa agrikultura sa Pilipinas. Si TJ, isa sa mga kasosyo, ay nagumpisa ng sariling niyang soup kitchen sa Antipolo na tumatanggap lamang ng mga donasyon. Bumibili ng sariwang gulay at prutas, malaki at labis-labis na ang kanyang naitutulong sa mga nakatira sa pamayanan. Subalit, nang makita niyang dumadalang ang mga donasyon, dito niya natanto na ang kanyang soup kitchen ay mahirap mapanatili. Mula noon, nagbunga ang Gising Gising. Sa pinakadiwa ng Gising Gising ay ang panukalang: "Isang kahong nabenta, ay isang kahong ibabahagi. Para sa bawat kahon [ng gulay] na binibili mo sa amin, isang kahon ay napupunta sa tao o pamilyang nangangailangan." Ngunit nang dumagsa ang kani-kanilang mga trabaho at responsibilidad, unti-unting namatay ang kanilang plano. Iyon ay, siyempre, hanggang sa tumama ang pandemya, binibigyang diin at inisyatibo para maisakatuparan nila ang kanilang ideya. Sa pamamagitan ng Gising Gising, ang mga magsasaka at ang mga nabibilang sa mahihirap na komunidad ay nakatanggap ng pagkain para mailatag sa kani-kanilang mga hapag kainan. Ang pandemya ay napatunayang mabagsik at walang habag nitong mga nakaraang buwan, ngunit ang inisyatibo na ito’y nagbibigay daan patungo sa mas maliwanag na bukas.

gising 1.jpg
gising2.jpg

gisinggising.ph sa instagram

gising gising.jpg

Mula kaliwa hanggang kanan: Tonyo Silva, Celina Borromeo, TJ Malvar

gg1.jpg

Ang pangunahing pokus ng Gising Gising ay ang mga magsasaka at ang pamayanan. Kung walang mga magsasaka at magbubukid, hindi matutustusan ng sapat at tamang pagkain at ani ang mga nangangailangan. Ang nagawa ng proyekto na ito ay maiugnay ang dalawang grupo na labis na apektado ng pandemya, mga magsasaka, at mga nabibilang sa mahihirap na pamayanan sa isang ugnayan na nakikinabang sa bawat isa. Hindi madaling makamit ito. Ang proseso ay sumasailalim sa masinsinang pagsusuri ng Sektor ng Agrikultura at Food Supply Chain ng Pilipinas. “Ang food supply chain sa Pilipinas, pagdating sa ani, ay lipas na at nangangailangan ng pagbabago. So ang ginawa namin, sa pamumuno ni TJ, ang dalubhasa sa farmer sourcing- sinuri at inaral niya ang supply chain at hinanap kung saan ang mga kalabisan. Sinubukan naming mapalapit sa pinagmulan hangga’t maari. Sa ngayon, katrabaho namin ang mga co-ops, farmer co-cops na pinangangalagaan ang kanilang mga magsasaka. Kaya ang mga smallholder farmers ay talagang dumidiretso sa kanilang pinagkukunan,” sagot ni Tonyo, ang planning direktor ng Gising Gising.

Ang Gising Gising ay tiyak na isang bagong pamamaraan ng serbisyo at negosyo, sa katunayan ipinaliwanag ni Tonyo, “Ang sinusubukan naming gawin ay bago, pinagsama namin ang iba’t ibang aspeto sa pagbili ng gulay at ani kaya’t hinihikayat namin ang mga tao sa panibagong pamumuhay, samakatuwid ang pangalang ‘Gising’ ‘Gising’."

Ang kalalabasan, hindi lamang isang mapananatiling paraan ang Gising Gising para makapagbigay pabalik sina Celina, TJ, at Tonyo, naging isang daan rin ito para sa sinumang may mabuting kalooban na makatulong sa kapwa.

“Nagulat ako sa dami ng mga taong nais tumulong at nangangailangan lamang ng outlet. Marami kaming kwento tulad ng ilan sa aming mga kaibigan na hindi kumakain ng gulay, pero bumibili lang sila upang mag-abuloy,” sabi ni Celina, ang komunidad at malikhaing direktor ng proyekto. Mabilis niyang dinagdag,

 

“Syempre, hindi ito ang ugali na nais naming iparating haha ngunit ipinapakita lamang nito kung gaano karaming tao ang nais tumulong dahil alam nila ang mga nangyayari ngayon.” Napakaraming taong gustong tumulong at magbigay ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Sa Gising Gising, nagawa nilang paglaanan at tulungan ang mga tunay na nangangailangan habang napanatili ang mga patakaran ng social distancing.

“Iyon ang isa sa mga adbokasiya namin dito sa Gising Gising. Hindi mo na kailangang pumunta sa grocery dahil hindi ito ligtas, subalit mayroong paraan upang makakuha ng sapat na gulay dahil maaring gawin ito online,” tugon ni Cel.

 

Ang mga magsasaka at kanilang mga komunidad ay humaharap ng kapighatian at kahirapan; ang Gising Gising ay ang tugon ng mga magkasosyo. Ito ay isang dakila at marangal na pagtugon sa mga trabaho at pangangailangan ng mga magsasaka sa Pilipinas. Ito ay para matugunan ang pangangailangan nila sa kani-kanilang mga trabaho at kani-kanilang mga buhay. Hindi ang kanilang trabaho ang pinakamalaking suliranin na kanilang naranasan, sa halip ito ang katotohanan na may manipis na linya sa pagitan ng kanilang mga trabaho at ang realidad ng buhay na unti-unting lumalabo. Nalilimutan na ng mga tao ang buhay na may trabahong normal ang iskedyul at nakakapagpahinga ng maayos at nasa oras. Ang buhay natin ngayon ay kanya-kanya ng nagkukumpol at nagaadjust sa bagong sinasabi na new normal. “Mukhang nakalimutan na ng mga tao ang noong nakasanayan na pagtatrabaho mula 9 hanggang 5pm. Dito pa lang kitang kita mo na ang pagkalabo at pagkaiba ng panahon,” sabi ni Cel. Kahit na sa pakikibaka na makamit ang new normal, humanap sila ng oras para maituloy ang Gising Gising sa gitna ng hamon ng pandemya.

“Bago nangyari ang pandemyang hinaharap natin ngayon. Bago tumama ang COVID-19 at bago ang lockdown, tayong lahat ay nahahamon ng mga pagsubok. Ang karamihan ay lumingon sa mga luho na hindi naman makabuluhan sa buhay ng isang tao. Ito ang rason kung bakit napakaraming oras ang nawala at nasayang dahil sa pagpili at waldas natin ng pera at mga sarili natin sa mga luho ng buhay. Ang pananatili ko sa aking tahanan dahil sa quarantine ay talagang nagbigay sa akin ng oras para makapag isip at matanto ang mga tunay at mahalagang bagay sa aking buhay” tugon ni Cel.

Ang proyektong Gising Gising ay nagsimula bago pa man sumapit ang pandemyang COVID-19 sa buong mundo. Kung tatanungin mo kung mangyayari ba ang proyektong ito kapag walang pandemya, walang nakakaalam. Isang bagay na lamang sa buhay na ito ay maging bahagi ng kwento. Ang tanging tiyak ay ang katotohanan na kaya nating matutunang makiayon sa mga pagsasakripisyo ng mga taong humaharap ng higit sa kanilang makakaya para tulungan ang mga tunay na nagangailangan.

gising 3.jpg

gisinggising.ph on instagram

gising 5.jpg
bottom of page