top of page

Hairstylist turned Chef : Lourd Ramos

English

August 4, 2020 

Nathan Gumba

IMG-8615-4.jpg

Lourd Ramos is an extreme expert when it comes to anything and everything hair. If he’s not tirelessly working in the salon tending to his customers and clients, Lourd can be seen working every kind of event from photo shoots, to fashion shows. Although hard-working and passionate, the “busy bee”, as he calls himself, didn’t always have this kind of fast-paced and busy lifestyle. It was only on his 20th birthday that he was given the opportunity to pursue such an industry.

 

He was a young banker then but he quickly changed course after he was given a chance at an unlikely interview. “I love the people. I love the smell. I wanna be part of this!”, he said instantly delighted and enamored by the grandeur of it all. He was certainly unprepared, but determined and passionate nonetheless. Just moments after receiving a call that he was offered the job at the salon, he immediately quit his original job and took on the opportunity without hesitation. As impulsive and daring as that decision may have seemed, it paid off.  The hairstylist is now celebrating 20 successful years in the industry in September. 

Everything was great until he took a big hit from the pandemic. “I lost 80% of my life”, he said explicitly.

 

“My life is about cutting hair, coloring hair, creating trends, cutting celebrities’ hair, and doing fashion shows. That was my life. His business, which greatly involved physical contact with clients was hit hard by the pandemic. “Clients started fluctuating already”, he said. His most loyal clients were forced to postpone wedding plans due to the extraordinary circumstances. A loss of clients meant little to no pay for the once thriving hairstylist. It meant more than not being able to buy his favorite luxuries. It meant being responsible for the welfare of his employees.

 

“Whatever happens, you’re responsible for yourself [and] you become responsible for the people around you, I have 125 people that

I have to support.” he says.

IMG-8616.JPG
IMG-8617-2.jpg
IMG-8612.JPG

“We have alternative days, like we cut hair every other day. We cook food every other day because from the hair earnings, we save it as capitalization [for ingredients],” he explains.

“I’ve constantly been teaching them how to become businessmen because I said if we don’t cut hair today where will we get money for tomorrow?”

 

As both their boss and friend, Lourd did more than just make sure they had a place to live and food to eat. He taught them how to be resilient, how to make the most of their time in quarantine. Since starting their food and hair home service business, Lourd and his team have been featured by numerous big name media companies such as GMA, the Inquirer, Metro, Preview, etc. Gaining recognition really boosted the morale of his 6 employees. “It really encourages them. It makes them feel like, ‘you know what I’m not just a hairdresser, I can cook too!”

Lourd shows determination and great care for his employees. After hearing his story, It was evident to The Adversity Archive, that he is an employer that truly brings out the best in his employees. He doesn’t just take care of their basic needs but he makes it so that he encourages growth in each of them. 

 

Lourd is an example of how difficult times can be conquered with passion and grift. Lourd does more than survive. In these difficult times, he thrives and he makes it so those around him do, too. It hasn’t been easy, but he has shown optimism and great character through it all. His story shows us that some losses lead and make room for things far greater and more valuable than we expect..

 

“I lost a business which is super fast paced but I have gained new friends and new people in the business from another point of life.” The Adversity Archive recognizes the struggle and difficult decisions that Lourd has had to make as an employer, but his passion and determination is certainly reminiscent of an old Filipino spirit that fights and screams hope and pride.

Despite situations turning for the worse, Lourd claimed, “I think that what I’ve learned from the pandemic is that I’m a very optimistic person.” Nevertheless, he still needed to find some way to support his personnel and their families. When cash flow came to a halt, Lourd turned to his trusty consultant, Anthony Whitacker, a world renowned hair stylist with over 30 years of experience, a business coach and motivator, who advised, “You should be thinking out of the box, discover yourself. What else are you capable of? What else is your talent?”

Right there and then, everything became clear for Lourd. “I said ‘Oh, I think I should go back to cooking.’” Starting small, Lourd began selling food to people in his village. It was an instant success and many came back for seconds.

 

Inspired and determined, Lourd took in 6 of his salon employees to help him sustain his new food business. He took them in as his own, quarantined them, cared for them, and sent them to his doctor to get their necessary shots. Since then, he has been teaching them new skills other than just hairstyling. 

“You can be something different. You can be a cook. You can be a painter. You can be a gardener”, he told them. “Think of what your hands can do. Think of how you can handle [the] situation [with] what you have in your house.” Inspired by their boss, these 6 hairdressers quickly learned how to work the kitchen under his tutelage. In addition to selling food, Lourd and his team still cut and style hair from their very own home hair salon, as a means of making ends meet. 

IMG-8618-2.jpg
IMG-8613-2_edited.jpg

@lourdramos on instagram

Filipino

Hairstylist noon, Chef na rin ngayon :
Lourd Ramos

August 4, 2020

Nathan Gumba

IMG-8615-4.jpg

Pagdating sa kahit anong bagay tungkol sa buhok, si Lourd Ramos ay dalubhasa sa mga bagay na ito. Kapag hindi siya abala sa pag-aasikaso sa mga customers at mga kliyente niya, matatagpuan mo si Lourd na nagtatrabaho ng puspusan sa mga iba’t-ibang mga kaganapan katulad ng mga photo shoot at fashion show.  Bagama’t napakasipag at napakabusy niya, hindi ganito kabilis ang takbo ng buhay ni Lourd noon.  Nagsimula lang ang lahat ng ito ng sumapit ang kanyang 20th birthday, nang mabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng industriyang ito, ang industriya ng kagandahan. 

 

Bata pa siya nag magsimula bilang isang “banker.” noong madiskubre niya na may hilig pala siya sa hairstyling, at madali siyang nagpasiya na baguhin ang kanyang landas matapos niyang dumalo sa isang panayam na hindi niya inaasahan.  “Gusto ko ang mga tao, gusto ko ang amoy, gusto kong maging bahagi ng lahat ng ito,” wika niya nang agad siyang nasiyahan sa kagalingan ng lahat na napagmasdan niya.  Tiyak na hindi  siya handa,  pero determinado naman siya.  Matapos matanggap ang tawag na nagbalitang natanggap siya sa salon, agad-agad niyang iniwan ang kanyang trabaho sa bangko at tinanggap ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Bagama’t tila pabigla-bigla at walang takot niyang ginawa ang desisyon na ito, hindi siya nagkamali. Sa darating na Setyembre, ipagdiriwang ng hairstylist ang kanyang dalawampung (20)  matatagumpay na taon sa industriya.

Maayos ang lahat pero bigla silang tinamaan ng pandemya at naapektuhan ang kanyang magandang katayuan.  “Nawala ang 80% ng buhay ko," sabi ni Lourd. "Ang buhay ko ay tungkol sa paggupit ng buhok, pag-color, paglikha ng mga uso, paggupit ng buhok ng mga celebrities, at pagiging bahagi ng mga fashion shows. Yung ang buhay ko.” 

 

Mataas ang physical contact sa klase ng negosyo niya, kaya ng dumating ang pandemya, matindi ang tama sa kanila. "Nagsimulang mangonti ang mga kliyente,” sabi niya. Pati ang kanyang pinakamatatapat na kliyente, napilitang ipagpaliban ang kanilang mga plano ng kasal dahil sa kakaibang mga pangyayari. Ang pagkawala ng mga kliyente ay nangangahulugan lamang na mas mababa o halos walang kita para sa isang kilalang  hairstylist na katulad niya. Hindi lamang na hindi na niya mabibili ang mga paborito niyang mga luho,  nangangahulugan ito na kailangan niyang alalayan ang mga nagtatrabaho para sa kanya at nakita niya na malaki ang responsibilidad niya na alagaan ang kapakanan ng mga empleyado niya. “Kahit ano ang mangyari, ikaw ang mananagot para sa sarili mo at kasama na rin sa mga pananagutan ko ay ang mga taong nakapaligid sa akin, mayroon akong 125 na mga tao na kailangan kong suportahan, “ paliwanag niya. 

IMG-8617-2.jpg
IMG-8612.JPG

Hindi kami araw-araw nagluluto kasi ang kita namin sa pag-gugupit ang ginagamit namin na puhunan para sa mga sangkap na ginagamit namin sa pagluluto.

“Patuloy ko silang tinuturuan kung paano maging isang negosyante kasi sabi ko sa kanila, kung hindi tayo mag-gugupit ngayon, saan tayo kukuha ng pera para bukas?”  Bilang boss at kaibigan nila, sinikap ni Lourd na di lamang sila bigyan ng isang lugar na matutuluyan at pagkain para sa araw-araw, pero tinuruan rin niya sila kung paano maging matatag, kung paano lubus-lubusin ang oras nila sa panahon ng quarantine.  Mula ng sinimulan nila ang negosyo nila ng pagluluto at pagtitinda ng pagkain at ang kanilang “hair home service business,”

maraming mga “media companies,“ katulad ng GMA, The Inquirer, Metro Magazine, Preview, at iba pa ang naglahad ng kuwento ni Lourd at ng kanyang pangkat. Ang pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng paglahad ng kuwento nila ay siyang nagpalakas ng loob ng 6 na empleyado ni Lourd.  Ang pakiramdam nila ay parang ganito, “hindi lang ako isang hairdresser, marunong din akong magluto!”

Nagpapakita si Lourd ng pagpupunyagi at pag-aaruga para sa kanyang mga empleyado.  Matapos namin mapakinggan ang kuwento niya, naging malinaw sa The Adveristy Archive na siya ay isang employer na nailalabas ang pinakamahusay na katangian ng mg empleyado niya.  Hindi lamang niya tinutugunan ang kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan, sinisiguro rin niya na hinihikayat niya ang pag-unlad ng bawat isa sa kanila. Si Lourd ay nagpapatunay na ang mga hamon na dala ng hirap ng panahon ay maaaring madaig ng silakbo ng damdamin at ng tapang. Si Lourd ay di lamang nananatiling buhay.  Sa mga panahong ito, siya ay lumalago, at tinutulungan niya ang mga nakapaligid sa kanya na lumago din kung ano man ang estado nila sa buhay.  Hindi madali, lalo na sa mga panahong ito ng pandemya, pero si Lourd ay nagpakita ng optimismo at mahusay na pagkatao sa kabila ng lahat.

 

Ang kuwento ni Lourd ay isang pagpapatunay na ang ilang pagkalugi ay maaaring maging daan para makamit ang mga bagay na mas higit pang mahalaga at higit pa sa ating mga inaasahan.  

“Nawalan ako ng isang negosyo na nagdulot ng mabilis na pamumuhay, pero nakamit ko rin ang maraming bagong kaibigan, maraming bagong kakilala sa negosyo mula sa ibang punto ng buhay ko.” Kinikilala ng The Adveristy Archive ang mga pagsubok na hinarap ni Lourd, pati na rin ang maraming napakahirap na mga desisyon na kinailangan niyang gawain, bilang isang employer, pero ang kanyang siklab ng damdamin at determinasyon ay isang magandang paalala tungkol sa Filipino spirit na sisigaw at lalaban puno ng pag-asa at pagmamalaki ng Pilipino.

IMG-8616.JPG

Sa kabila ng matinding pagsubok na dala ng pandemya na ito, ani ni Lourd, “na-realize ko na optimistic pala ako na tao.”  Gayun pa man, kinailangan pa rin niyang mag-isip at bumuo ng plano para ma-suporthan ang kanyang mga empleyado at ang kanilang mga pamilya.  Nang tumigil ang pasok ng pera, humingi ng payo si Lourd sa kanyang pinagkakatiwalaang consultant na si Anthony Whitaker, isang batikang hairstylist na kilala sa buong mundo, isang tagapagturo, at siya rin ay isang business coach.  Payo ni Anthony sa kanya, Dapat ibahin mo ang pag-iisip mo, kailangan mong makilalang muli ang sarili mo. Ano ang kaya mo?  Ano ang mga kakayahan mo?”

 

Doon mismo, naliwanagan si Lourd.  Sabi niya, “sa tingin ko dapat bumalik ako sa pagluluto.” Nagsimula si Lourd magtinda ng pagkain sa mga kapitbahay niya sa village nila. Naging tagumpay agad ang mga luto ni Lourd at marami ang bumalik para mag-order muli.  Puno ng inspirasyon at determinasyon, kinuha ni Lourd ang 6 na empleyado niya sa salon para tulungan siya sa bagong negosyo niya na pagtitinda ng pagkain. Kinupkop niya ang anim na empleyado at nilagay sila sa ilalim ng quarantine, inalagaan sila, pinatingnan sa doktor para mabigyan ng mga bakuna. Mula noon, tinuturuan niya sila ng panibagong mga kakayahan, maliban sa hairstyling

“Puede kang maging kakaiba.  Puede kang maging tagapagluto. Puede kang maging pintor. Puede kang maging hardinero,” sabi niya sa kanila. “Isipin niyo kung ano ang kayang gawain ng mga kamay niyo.  Isipin nyo kung paano niyo masosolusyonan ang sitwasyon gamit lamang ang mga kagamitan niyo sa bahay.”  Madaling natuto ang anim na hairdresser sa ilalim ng pagtuturo ni Lourd. Bilang karagdagan sa pagtitinda nila ng pagkain, si Lourd at ang kanyang pangkat ay patuloy na nag-gugupit at nagsa-style ng buhok mula sa kanilang hair salon sa bahay, bilang isang paraan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.  Halinhinan ang mga araw namin. Nag-gugupit kami halimbawa ngayon, at bukas naman ay magluluto kami, tapos sunod na raw, gupit na naman.

IMG-8618-2.jpg
IMG-8613-2_edited.jpg

@lourdramos on instagram

bottom of page