Our Why: AA’s Take On Halalan 2022
February 17, 2022
Martina Go
Once again, it is time to decide on the fate of the nation for the next six years. Will it be another six years of fear, lack, and frustration, or are we brave enough to look beyond that? Every Filipino with their thumbs inked, eyes glued to the headlines, and ears rooted to the ground is getting ready to make that decisive step towards national progress. With this, we crane our necks upward to the highest positions in government.
We often forget that we function under a democracy established from the bottom-up.
In the opportunity of selecting our next leaders, we often focus on specific positions covered by greater media presence like the presidencies and the senate. We tend to forget the representatives that play a significant role in serving the wider Filipino people. Now, it is time we shed light on the politicians that act on behalf of the underrepresented sectors: our party-list representatives.
The party-list system was institutionalized to give the unseen and unheard sectors a platform in the political arena. It is the further fulfillment of giving power to the people that the EDSA Revolution promised. Party-lists are established to make sectoral interests influential in the decision making process of the legislation, giving the unheard the power to influence the proposal of laws that would dictate the course of the government. However, the reality of party-lists is far from this ideal. Despite their enormous decision-making power, most people do not have a concrete idea on how they function. Each election, hundreds of party-lists from all over the Philippines run because they claim to ‘represent the people’, but how do they really? Are their efforts being felt by the people they supposedly serve? Where is our ONE vote going?
The Adversity Archive has identified 33 party-lists out of over a hundred that specifically target the key areas of Education, Health, and Labor, all of which had been severely affected by the pandemic. By comprehensively researching these specific party-lists, AA’s Take on Halalan 2022 aims to craft an overall image of their capacity to serve their constituents. Through interviewing them presently the Adversity Archive can assess their plan to address specific national issues. Moreover, engaging with the relevant communities they serve will provide first-hand grassroots accounts of their actual influence. All this initiative in the effort to empower the voter to vote wisely FOR the people.
CTTO
CTTO
The Adversity Archive has always focused on the individual, expressing their hurts and experiences. Their multitude of narratives and experiences affirm existing social problems and systematic lack that affect millions more Filipinos. To truly champion the voices of the unheard and unseen is not only to share their stories, but to empower them to engage in systematic change for a more sustainable future.
These upcoming elections give us all the opportunity to build this future together. It is our role as citizens to not only champion truth, but to forward democratic movements.
Our Why: AA’s Take On Halalan 2022
February 17, 2022
Martina Go
Panahon na naman mag desisyon para sa kinabukasan ng ating bayan. Kagaya ng nakaraang anim na taon, muli ba tayong mababalot ng pangangamba, kakulangan, at kabiguan o magagawa na ba nating humakbang para sa isang malayang bayan. Ang bawat mamamayan na kulay lila ang daliri, nakatutok sa mga headline, at ang tenga’y nakadikit sa lupa ay naghahanda nang ipaglaban ang mas masaganang at mapagpalayang kinabukasan para sa bawat Pilipino. Sa gayon, nakatitig tayong lahat sa pinakamataas na posisyon ng ating gobyerno.
Madalas nating nakalilimutan na ang ating demokrasya ay nagsisimula sa baba.
Masyado nating pinagtutuunan ng kahalagahan ang mga posisyong pinapakita sa medya kagaya ng mga kandidato para sa presidente, bise presidente, at mga senador. Sa pagkakataong pumili ng mga bagong mga pinuno ng bansa, nakaligtaan natin ang mga kumakatawan na may malaking gampanin sa paglilingkod sa madla. Ngayon natin wawakasan ang mga nakasanayan ng sistemang pang-aalipin at tingnan ang mga politiko na kumakatawan sa masa: ang mga party-list.
CTTO
Itinatag ang sistemang party-list upang mabigyan ng plataporma ang mga mamamayang walang boses sa ating lipunan. Ang mga party-list ay ang katuparan ng karapatang pantao na pinangako noong 1987 EDSA Revolution. Mahalaga ang gampanin ng mga party-lists sa pagdedesisyon ng gobyerno sapagkat sila ay nagbibigay kapangyarihan sa mga maralitang Pilipino sa pamamagitan ng pag-impluwensya ng kurso ng pamamahala sa lipunan. Ngunit, ang kasalukuyang kalagayan ng mga party-lists na ito ay malayo sa inaasahan. Sa kabila ng mga kapangyarihang ito, walang konkretong ideya ang ordinaryong Pilipino sa tungkulin ng mga party-lists sa kanilang buhay. Kada-eleksyon libo-libong partylists mula sa bawat isla ng Pilipinas ay tumatakbo sa kasabihang sila’y “kumakatawan sa isang hindi napakinggang sektor” subalit paano ba talaga ito natutupad? Nararamdaman ba ng kanilang mga kinatawan ang kanilang pagsisilbi? Saan napupunta ang kaisa-isang boto natin?
Sinala ng The Adversity Archive mula sa higit na 100 party-lists ang 33 na nakatutok sa mga sektor ng Edukasyon, Kalusugan, at Trabaho - lahat na lubhang naapektuhan ng pandemya. Sa maselang pananaliksik sa mga grupong ito, makikita ng AA’s Take on Halalan 2022 kung ginagampanan nila ang tungkulin ng kanilang kinatawan. Sa pakikipanayam sa mga party-lists, malalaman natin kung ano nga ba ang plano nila upang masolusyonan ang mga isyung pambansa. Sa pagbisita sa mga komunidad na kanilang linilingkuran, makakakuha tayo ng mga karanasan at salaysay tungkol sa tunay na impluwensya ng mga grupong ito. Lahat ng ito ay upang tulungan ang madlang botante na bumoto nang karapat-dapat para sa bayan.
CTTO
Mula noong kami ay nagsimula pa lamang, ang Adversity Archive ay nagbigay pansin sa mga kuwento, karanasan, at kabiguan ng mga ordinaryong Pilipino. Napapatunayan ng sari-saring salaysay at karanasan na tunay ngang umiiral ang suliraning panlipunan at sistemang pagkukulang na umaapekto sa buhay ng milyun-milyong Pilipino. Ang pagbibigay-pugay sa mga boses ng maralita ay hindi lamang sa paglalahad ng kanilang mga kuwento, kundi na rin pagbabalik-kapangyarihan sa kanila na baguhin ang sistema para sa isang patas na kinabukasan.
Sa darating na eleksyon, nabigyan tayong lahat ng pagkakataon na hubugin muli ang minimithi nating kinabukasan. Ating tungkulin bilang mamamayang Pilipino ay itampok ang katotohanan at isulong ang demokrasya.