top of page

Health Inequalities and Why They Suck

English

January 31, 2022

Reina Lyne Pintang

From the entrance, this village in Antipolo looks like a home for well-off families. With designated security guards, two-story homes, and parked cars, one would not think that a slum community could exist inside. 

After a 30-minute walk from the entrance, my friends and I finally reached Nanay Melanie “Mila” Homerez's house. It is a patchwork of salvaged woods, tin panels, and worn tarpaulins that Nanay Mila built herself. Their house stands near a river that has also served as their only source of water. Her family has currently been residing here for five years.

IMG_4389.JPG

Fifty-nine-year-old Nanay Mila lives here with her twenty-three-year-old daughter, Jenny, who is suffering from an undiagnosed condition. Unable to walk and talk, a small pallet bed and a rusty wheelchair are Jenny's most treasured possession in the house. 

Jenny is the youngest among Nanay Mila's nine children. According to Nanay Mila, she is also the only one who was born with special needs. At birth, Jenny weighed smaller than her supposed size. At seven, she still acted like a baby. She never got to walk and utter a word, so she only babbles every time she asks for food and water.

 

When Jenny needs to use the comfort room, Nanay Mila would carry her into her own chair, which has a hole in the seat and a pail of water under it to catch all of her discharge. 

Nanay Mila has become the extension of Jenny’s hands and feet. She feeds and bathes Jenny every day. She also helps people understand what Jenny says through her giggles and babbles. Sometimes, she carries Jenny or pushes her wheelchair whenever she wants to go outside and see new faces. In ways that she can, Nanay Mila tries to make Jenny enjoy the small and simple things in life, even with her condition. 

IMG_4377.JPG

See, despite being aware of Jenny's need for immediate medical care, Nanay Mila could not take Jenny to a doctor in fear that she would not be able to pay for the medical bills. Her income from doing laundry and selling vegetables was barely enough for her family to get by every day, so she could not really afford a medical check-up. Furthermore, Nanay Mila could not miss even a single day at work, otherwise, her children would not also have anything to eat for a day.

Feeling helpless while seeing her daughter suffer was immensely tough for a mother like Nanay Mila. However, what other choice could she make but to ensure that their family would survive.

“Papasok ako, maglalabada...Nahihirapan akong pag-usapan kasi masakit ang puso ko kung uulitin ko 'yung nakaraan...Grabe ang hirap ko mabuhay ko lang sila. Labada lang naman ang alam ko [at] magtitinda ng mga gulay. Wala naman akong pinag-aralan,” shared Nanay Mila in a shaky voice, attempting to hold back her tears.

(I go to work to do the laundry. But I still cannot talk about it until now because it still hurts me everytime I go back to the past. I struggled so much to raise my children. I did not go to school but I did everything that I could, from washing the laundry to selling vegetables, in order to raise them.) 

As a result, the first and only time she was able to bring Jenny to the hospital was when Jenny was seven years old and had a febrile convulsion. 

 

"Noong dinala ko sa Padilla [Hospital], kinomvulsion siya. Alas syete ng gabi itinakbo doon sa Padilla...Alas-otso na ng umaga, wala pa rin siya sa katauhan...Nangingisay ba siya, 'yung tumitirik 'yung mata. Natakot ako. Nilagay siya sa bathtub binabad namin siya sa yelo." 

(She had a febrile convulsion when I brought her to Padilla [Hospital]. It was 7:00 p.m. when she was rushed to Padilla...At 8:00 in the morning, she still had not regained her consciousness. She was seizing and in a state of delirium. I was scared. She was soaked in a bathtub with ice.)

When Jenny was admitted to the hospital,  Nanay Mila had to work even harder to pay for the medical expenses. She asked her eleven-year-old daughter, Julie, to look after Jenny, while she was out for work. But, because that was a responsibility that was too big for young Julie to bear, she often cried when she was left alone with her sister. Nanay Mila would then leave work to rush into the hospital and attend to both of her childrens. 

 

"Papasok ako tapos sasabihin ko sa amo ko, "Ate! Ate! Saglit lang pupuntahan ko muna 'yung anak ko doon.” Puro man iyak kay wala man alam 'yun [Julie] mag-alaga."

IMG_4378.JPG

Eventually, Nanay Mila decided to take Jenny out of the hospital even without fully knowing her condition as she can no longer afford to have any more absences from work and her other children were left unattended at home. It was the call that she had to make. For this reason, until now, she still believes that she is to blame for the suffering of their family, especially her childrens'.

"Masakit sa dibdib eh. Ang laki ng hirap ko para sa mga anak ko. Kaya sila nagkaganyan 'di ko sila maasikaso. Nagtatrabaho ako para mabuhay ko sila.”

(It still hurts me. I struggled a lot for my children, but they suffered so much because of me. I worked really hard to be able to provide for them).

IMG_4372.JPG

For Nanay Mila, a day out of work leaves a big impact on their family. Without it, she could not bring food on the table for her children. The guilt that she bears is that of a mother who had to compromise one child, in order to save the others. The choice to leave the hospital was a big decision for Nanay Mila. But in a nation where affordable healthcare is not accessible for those who need it the most, many are forced to make these difficult and heartbreaking decisions. 

Now that Nanay Mila is already getting older, she gets tired easily and often gets sick. The time when she tossed herself aside to focus on taking care of Jenny and providing for her family is finally taking a toll on her own health. So besides taking care of Jenny, she also needs to look after herself now as she is enduring health concerns of her own. 

Until now, Nanay Mila does not know what went wrong with Jenny. She still asks herself if she’s done enough or if she should’ve done anything differently. 

Nanay Mila and Jenny’s story is not an isolated case.

According to the World Health Organization (WHO), there is unequal access to healthcare in the Philippines, significantly affecting the indigent population. Since health is still treated as a commodity more than a right, our current healthcare system allows unequal access to primary care services, therefore, does not reach the very people who need it the most. One can only receive the care that they need when they can afford the hospital fees, that most often than not, cost a fortune. So poor families, who can barely fulfill their day-to-day needs, cannot enjoy the same access to healthcare that well-off families are entitled to. 

This flawed system in our healthcare has long been experienced by many and is still prevailing in the country. The COVID-19 pandemic has only exacerbated the issue and underscored the blatant corruption, unjust policies, and insufficient efforts of the health sector.

As long as we enable a system that lets privilege determine access to this crucial service, the most vulnerable sectors will suffer the most. There will be more Nanay Milas who will have to choose between health and livelihood, or whether to suffer from sickness or from hunger, and more Jennys who will have to live through the consequences of these broken systems.

IMG_4393.JPG
Filipino

Ang Inekwalidad Sa Kalusugan at ang Pagkapalyado Nito

January 31, 2022

Reina Lyne Pintang

Translated by Ruth Nacional

Mula pa lamang sa entrada ay agad na mawawaring tahanan ng mga pamilyang may-kaya hetong barangay na matatagpuan sa Antipolo. Sa presensya ng mga guwardiya, mga bahay na umaabot ng dalawang palapag, at nakaparadang mga sasakyan, walang mag-aakalang may komunidad ng mga iskwater na naninirahan dito.

 

Makalipas ang tatlumpung minuto ng paglalakad mula sa entrada, natagpuan naming magkakaibigan ang tirahan ni Nanay Melanie “Mila” Homerez. Ang nasabing tahanan ay halos pinagtagpi-tagping kahoy, yero, at gamit na trapal na binuo ni Nanay Mila mismo. Ang

Mula pa lamang sa entrada ay agad na mawawaring tahanan ng mga pamilyang may-kaya hetong barangay na matatagpuan sa Antipolo. Sa presensya ng mga guwardiya, mga bahay na umaabot ng dalawang palapag, at nakaparadang mga sasakyan, walang mag-aakalang may komunidad ng mga iskwater na naninirahan dito.

 

Makalipas ang tatlumpung minuto ng paglalakad mula sa entrada, natagpuan naming magkakaibigan ang tirahan ni Nanay Melanie “Mila” Homerez. Ang nasabing tahanan ay halos pinagtagpi-tagping kahoy, yero, at gamit na trapal na binuo ni Nanay Mila mismo. Ang

IMG_4389.JPG
IMG_4389.JPG

kinatatayuan nito ay malapit sa ilog na siya ring pinagkukunan nila ng tubig. Limang taong nang naninirahan ang kanyang pamilya rito. 

Kasama ni Nanay Mila, limampu’t siyam na taong gulang, ay ang kanyang dalawampu’t tatlong anak na si Jenny na may dinaramdam na hindi masuring kondisyon. Hindi makalakad at makapagsalita, ang kanyang munting kama at kinakalawang na silyang de-gulong ang pinakamahalagang pag-aari ni Jenny sa kanilang bahay. 

Si Jenny ay ang bunso sa siyam na mga anak ni Nanay Mila. Ayon kay Nanay Mila, si Jenny lamang ang ipinanganak na may kapansanan. Sa katunayan ay mas magaan si Jenny sa dapat niyang timbang noong isinilang siya. At nang siya’y naging pitong taong gulang, tila bata pa rin ang kanyang asal. Dahil sa kanyang kawalan ng kakayahan makapagsalita ng ni isang salita man lang, tanging paggawa ng ingay gamit ang kanyang bibig ang kanyang paraan upang humingi ng tubig o pagkain.

Kapag naman kailangang gumamit ng banyo ni Jenny, kakargahin siya ni Nanay Mila papunta sa isang upuan na may butas sa gitna at timba sa ilalim upang saluhin ang dumi. 

Si Nanay Mila ang nagsilbing karugtong ng mga paa at kamay ni Jenny. Siya ang nagpapakain at nagpapaligo kay Jennyy araw-araw. Siya rin ang tumutulong sa mga tao na maunawaan ang mga nais sabihin ni Jenny sa kanyang paghagikhik at paglilikha ng ingay. Kapag naman gusto ni Jenny lumabas at makakita ng ibang tanawin, minsan ay kalong-kalong siya ni Nanay Mila o di kaya’y itinutulak siya sa kanyang silyang de-gulong. Sinisikap ni Nanay Mila na matunghayan at masiyahan si Jenny sa maliliit at simpleng bagay na maihahandog ng buhay sa kabila ng kanyang kondisyon. 

IMG_4377.JPG

Bagkus sa kaalaman na kailangang-kailangan ni Jenny na mabigyan ng pag-aalaga ng mga mediko, hindi maatim ni Nanay Mila na maipasuri siya sa doktor sa takot na hindi niya mababayaran ang mga bayarin para sa pagpapagamot ni Jenny. Ang kinikita niya sa paglalaba at sa pagbebenta ng gulay ay halos hindi pa sapat para sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya, malabong makapaglaan ng salapi para sa pagpapa-ospital ni Jenny. Bukod pa roon ay hindi maaaring hindi makapagtrabaho si Nanay Mila ng kahit isang araw man lang sapagkat talagang walang makakain ang mga anak niya magdamag.

 

Tunay na pagsubok para sa mga nanay na katulad ni Nanay Mila ang makitang nagdurusa ang anak at walang magawa para maibsan ito. Gayunpaman, ano pa nga bang kaya niyang gawin kundi ang siguraduhing may makakain ang kanyang pamilya?

“Papasok ako, maglalabada...Nahihirapan akong pag-usapan kasi masakit ang puso ko kung uulitin ko 'yung nakaraan...Grabe ang hirap ko mabuhay ko lang sila. Labada lang naman ang alam ko [at] magtitinda ng mga gulay. Wala naman akong pinag-aralan,” ani ni Nanay Mila nang nanginginig ang boses, sinusubukang pigilan ang kumakawalang mga luha.

Dahil dito, ang una at huling beses na dinala niya si Jenny sa ospital ay nung pitong taong gulang ito at nagkaroon ng kumbulsyon. 

 

"Noong dinala ko sa Padilla [Hospital], kinomvulsion siya. Alas syete ng gabi itinakbo doon sa Padilla...Alas-otso na ng umaga, wala pa rin siya sa katauhan...Nangingisay ba siya, 'yung tumitirik 'yung mata. Natakot ako. Nilagay siya sa bathtub binabad namin siya sa yelo." 

Noong naipasok siya sa ospital, kinailangang dumoble-kayod ni Nanay Mila para sa mga bayarin. Pinagbantay niya ang kanyang labing-isang taong gulang na anak na si Julie kay Jenny habang siya ay nasa trabaho. Mabigat ang responsibilidad na ito para dalhin ng isang batang tulad ni Julie kaya naman ay madalas siyang umiiyak sa tuwing silang dalawa lang ni Jenny ang magkasama. Pagkatapos naman magtrabaho ni Nanay Mila ay agad siyang babalik sa ospital para asikasuhin ang kanyang dalawang anak. 

 

         "Papasok ako tapos sasabihin ko sa amo ko, "Ate! Ate! Saglit lang pupuntahan ko muna 'yung anak ko doon.” Puro man iyak kay wala man alam 'yun [Julie] mag-alaga."

IMG_4378.JPG

Nang tumagal ay napagpasyahan na ni Nanay Mila na ilabas na lamang si Jenny sa ospital kahit hindi pa nabibigyang-ngalan ng mga doktor ang kondisyon ng kanyang pinakabatang anak. Hindi na siya puwedeng hindi pumasok sa trabaho at iwan ang iba pa niyang mga anak nang walang nag-aalaga sa kanila sa bahay. Napilitan siyang piliin ang desisyon na ito. Sa kadahilanang ito, hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang siya ang dapat sisihin para sa paghihirap ng kanyang pamilya, lalong-lalo na ng kanyang mga anak.

 

"Masakit sa dibdib eh. Ang laki ng hirap ko para sa mga anak ko. Kaya sila nagkaganyan 'di ko sila maasikaso. Nagtatrabaho ako para mabuhay ko sila.”

IMG_4372.JPG

Para kay Nanay Mila, ang isang araw na pagliban mula sa trabaho ay may malaking epekto sa kanyang pamilya. Sa isang araw na walang trabaho, hindi siya makapaghahandog ng makakain sa kanilang lamesa. Ang dala-dala niya sa kanyang konsensya ay ang pagsasakripisyo ng kalusugan ng isa niyang anak para maasikaso ang natitirang mga anak. Ang paglabas sa ospital ay napakahirap para kay Nanay Mila, ngunit sa isang bayan na kung saan hindi abot kaya ng masa ang pangangalaga sa kalusugan, marami ang napilitang gawin ang nasabing mahirap na desisyon. 

Ngayong tumatanda na si Nanay Mila, madali na siyang mahapo at laging nagkakasakit. Ang halaga ng pag-aalaga niya kay Jenny at ang pagtataguyond ng kanyang pamilya ay naniningil na ngunit sa kanyang sariling kalusugan naman. Bukod sa pag-aalaga kay Jenny, dagdag pa sa kanyang tungkulin ang alagaan ang kanyang sarili. 

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nalalaman ni Nanay Mila ang puno ng kondisyon ni Jenny. Palagi niyang itinatanong sa sarili kung sapat ba ang mga nagawa niya o may iba pa ba siyang dapat na ginawa. 

Ang istorya ni Nanay Mila at Jenny ay hindi bago.

Ayon sa World Health Organization (WHO), labis na naapektuhan ang mga maralita sa hindi pantay-pantay na kakayahang makinabang sa mga serbisyong medikal sa Pilipinas. Ang kalusugan ay itinuturing na rangya kaysa karapatan kaya’t ang kasalukuyang sistema ay hindi nakapagbibigay ng pantay na oportunidad para sa mga serbisyong pang-pangunahing pangangalaga sa mga taong lubos na nangangailangan nito. Ang mga taong may pangtustos lang ang nakakatanggap ng pag-aasikasong nararapat. Ang mga mahihirap na pamilya, na kahit ang kanilang pang-araw-araw na gastusin ay hindi masustentuhan, ay hindi napapakinabangan ang pangangalagang medikal na tanging may-kayang mga pamilya lang ang nakakatanggap.

Itong sistemang may diperensya ay matagal nang nararanasan ng marami at laganap pa rin ang mga epekto nito sa bansa. Ang pandemyang hinaharap sa kasalukuyan ay lalo lang nagpalala sa suliraning ito at mas na salungguhitan ang harap-harapang pangungurakot, ‘di makaturang mga patakaran, at ang kapos na pagpupunyagi ng mga awtoridad sa sektor ng kalusugan. 

Habang hinahayaan natin ang sistema kung saan pribilehiyo ang makapagtutukoy kung makatatanggap ba ang isang tao ng serbisyo, ang mga alanganing sektor ang higit na magdurusa.

IMG_4393.JPG

Dadami pa ang bilang ng mga Nanay Mila na mapipilitang pumili sa pagitan ng kalusugan at kabuhayan, o sa pagitan ng karamdaman o gutom at marami pang mga Jenny ang mapipilitang magtiyaga sa bunga ng mga sirang sistema. 

bottom of page