top of page
English

Hearth and Home

July 28, 2021

Yvette Capellan

The Mangyans are people of hard work, kindness, genuine connection and warmth. Loren B. Eliado is reflective of this. This young woman hails from Mindoro, a community far different from the people in Manila—wherein concrete floors and skyscrapers are everywhere in our big city. In Loren’s community, these nature defying objects are nowhere to be found. The Mangyans are a community of farmers and make a living off of this, they are people of simple beginnings and humble origins, a community of helping hands, people of soil and toil.

 

Loren is a student, and like every student, there are goals present in her heart. Before her Lolo died, she was encouraged to be a nurse. So at a very young age, Loren had her heart set on becoming a nurse. In pursuit of this dream, she goes the extra mile. One of the sacrifices she has had to make is living away from her parents, away from the comforts of her home in order to pursue her education in a financially feasible way. While living away from her parents is certainly a challenge, she finds joy in the company of her fellow Mangyans. Her fondest memories with them include those spent learning about the word of the Lord together at night, the time they spent laughing together and trading stories, and the time they got to visit Manila all together. In addition to being surrounded by supportive friends, Loren tells us that what motivates her to pursue her dreams despite the hardships are all the people back home. She is determined to prove that Mangyans are indeed capable of great things. She works hard to inspire her fellow Mangyans to believe that they can truly pursue their dreams.

200982327_259173152673499_147325346953272838_n_edited_edited.jpg
201476293_323519849318509_1608383677877666661_n.jpg
201672362_2871033009817288_7033401315408013488_n.jpg
202176275_961076131129844_8114093708925678090_n.jpg

This deeply rooted desire to inspire and see her community further develop truly stems from her pure love and passion for the community and the culture she was born in. Loren is most proud of the willingness of every Mangyan to help one another out.

 

“I want people to know about how we Mangyans help each other out, from things such as lifting houses or the way everyone help each other in harvesting rice and so on,” 

 

The Adversity Archive is most inspired by how Loren’s desires extend far beyond the boundaries of what will benefit herself.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

To sponsor the college education of a Mangyan student for 30,000php/year, click here.

Filipino

Hearth and Home

July 28, 2021

Yvette Capellan

Translated by Carol Lozano

Ang mga Mangyan ay mga taong mabait, masipag at mapag-aruga. Si Loren B. Eliado ay sumasalamin ng kulturang ito.  Siya ay taga Mindoro, isang komunidad na ibang-iba sa mga taga-Maynila kung saan ang mga konkretong-sahig at matataas na gusali ay nagkalat sa malaking siyudad.  Sa komunidad ni Loren, walang mga ganito.  Ang mga Mangyan ay isang pamayanan ng mga magsasaka at ito ang bumubuhay sa kanila.  Simple lamang mamuhay ang mga Mangyan at mapagkumbaba ang kanilang pinagmulan.  Isang pamayanan ng mga taong sanay sa hirap at sa pagsasaka, isang pamayanan kung saan bukal sa loob nila ang magtulungan.  

 

Si Loren ay isang mag-aaral, at gaya ng ibang mga mag-aaral, may mga layunin at pangarap siya.  Bago sumakabilang buhay ang kanyang Lolo, nahikayat si Loren na maging isang nars.  Kaya sa mula sa pagkabata pa lang, buo na sa puso ni Loren na siya ay magiging nars. Sa kanyang kagustuhan na makamit ang pangarap na ito, si Loren ay handang gawain ang higit pa sa kung ano ang kinakailangan. Isa sa mga sakripisyo na kinailangan niyang gawain ay ang mawalay sa kanyang pamilya upang maipagpatuloy ang kanyang edukasyon sa pinakamabuting paraan.  Bagama’t malaking hamon kay Loren ang pagiging malayo sa kanyang pamilya, nakahanap siya ng kaligayahan sa piling ng mga kapwa mag-aaral na mga Mangyan.  Kabilang sa mga pinakamamahal niyang ala-ala ay ang mga gabing sila ay sama-samang nag-aaral ng Salita ng Panginoon, magkakasamang nagkukuwentuhan at nagtatawanan at ang isang pagkakataong nakapunta ng Maynila na magkakasama. 

200982327_259173152673499_147325346953272838_n_edited_edited.jpg
201476293_323519849318509_1608383677877666661_n.jpg
201672362_2871033009817288_7033401315408013488_n.jpg
202176275_961076131129844_8114093708925678090_n.jpg

Inilahad sa amin ni Loren na hindi lamang ang suporta ng mga kasamang mag-aaral ang naghihikayat sa kanyang magpursige, kundi ang mga taong iniwan nya sa komunidad niya. Sa harap ng matinding kahirapan, hindi siya susuko alang-alang sa kanyang pamilya.  Pursigido siyang patunayan na ang mga Mangyan ay tunay na may kakayahang gumawa ng maraming kakaibang bagay.  Nagsusumikap siya upang makapagbigay  ng inspirasyon sa mga kapwa Mangyan na tunay na maaaring makamit ang iyong mga pangarap.

Itong taos-pusong hangarin ni Loren na magbigay ng inspirasyon at makitang umunlad ang kanyang pamayanan ay nagmumula sa kanyang labis na pagmamahal sa kanyang komunidad at sa kultura kung saan siya ipinanganak. Higit sa lahat, ang ipinagmamalaki ni Loren ay ang ugali ng bawat Mangyan na laging handang tumulong.

 

“Gusto kong malaman ng marami, kung paano nagtutulungan ang mga Mangyan, mula sa pagbabayanihan hanggang sa pag-aani ng palay at marami pang iba."

 

Higit na nagdulot si Loren ng inspirasyon sa The Adversity Archive dahil hindi siya makasarili.  Ang kanyang mga hangarin ay lampas sa mga hangganan ng para sa sarili lamang.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

Upang i-sponsor ang kolehiyo ng isang mag-aaral na Mangyan  sa halagang 30,000php, click here.

bottom of page