top of page

Her Home from Here and a Distance

English

October 25, 2021
Katelyn Valera

For Ate Celia, early mornings mean waking up to the laughter and cries of children barely six years old, banter of teenagers arguing over the day's breakfast meal, and the hustle and bustle of a mother and father who are both trying to prepare for the day's work. Less than fifty words can sum up a peak in the life she wakes up to the first flush of the morning.

For more than 10 years now, Ate Celia has spent her time as a domestic worker for a family of seven in Muntinlupa City, leaving behind her family in Pangasinan. "It's a high price to pay," she says, as she talks about the sacrifices that not only she, but her fellow domestic workers have to make in order to put food on the table.

"Bilang isang katulong, hindi naging madali kasi syempre, iiwan mo yung pamilya mo. Napakalaki ng pisikal na distansya, pero mas higit doon ang distansyang nararamdaman mo. Kaso ako, wala akong magagawa kasi itong trabaho ko, yung paglilinis ng bahay, pag-aalaga sa mga anak ng pinagtatrabahuan namin, at ang pagluluto, ito yung mga nakakapagbigay ng sustento sa pamilya ko sa probinsya namin; ito ang nakakapagpakain sa kanila. Malaking sakripisyo 'to, hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa pamilya ko roon."

Celia Gracia 2.jpg

(As a domestic worker, it was not easy for me since I had to leave my family behind. The physical distance was great, but the emotional distance was even greater.  However, it is not like we can do anything about it because my work—cleaning the house, taking care of the kids of my employers, and cooking food—is the one that gives sustenance to my family; it provides them with food to eat. It's a big sacrifice, not only for me but for my family from afar as well.)

When asked about how she first felt when she was to leave her family, her province, to work in the big city as a helper, she said that initially, she was afraid of what was to come after that.

"Sobrang takot ako nung una; para bang unti-unti kong napagtanto na hindi na yung pamilya ko yung makakasama ko araw-araw, and iba ang minahal at nakagawian kong probinsya namin sa Maynila. Natatakot ako sa kung ano man ang posibleng mangyari hindi lang sa akin kapag nagsimula na ako sa pagtatrabaho, kundi para sa pamilya ko rin na iiwan ko roon."

(I was afraid at first; it slowly sunk in that for the days to come, I would not be with my family anymore and that Manila was different from the province that I loved and where I had my roots. I was afraid of what would happen to me once I finally started working; I was also fearful of what may happen to the family that I left behind.)

And the fear, for Ate Celia, does not really go away; she has merely learned how to adapt to the fear and keep going inspite of it. 

 

"Kung tutuusin, hindi lang naman ako yung natatakot sa kung anong pwedeng mangyari pag nagsimula ako magtrabaho sa Maynila noon. Yung nanay ko, yung mga kamag-anak ko, natatakot rin sila. Nalulungkot. Pero kailangan eh. Sabi ko nga kanina, sakripisyo 'to.”

(To be honest, I was not the only one afraid of what could happen once I start working in Metro Manila. My mother, my relatives, they were all fearful too. And sad. However, I needed to do this. It's a sacrifice of mine.)

The winds of change had blown, and soon enough, Ate Celia was able to adjust to her "new life." Often she would call her family in the province whenever she was free. Even if it was vastly different from having a personal conversation where they see each other physically, it still gave them a semblance of normalcy. The distance between them did not make their connection waver. From missed calls to late-night conversations,  her family fueled her to keep on going. To add to that, the family that she was working for also became her family.

"Yung mga alaga ko ngayon, sobrang babait at masunurin. Napamahal na rin ako sa kanila kasi nakasama ko na sila simula nung isilang sila sa mundong ito. Kapag nga nagkakasakit ang isa, kasama ako sa hindi magkandaugaga dahil sa kaba. Kahit yung mga magulang nila, mababait at marespeto. Sa mahigit sampung taong pamamalagi ko roon, ni minsan hindi ko naramdaman na katulong lang ako sa pamamahay nila kasi yung paraan ng pakikisama nila, pang pamilya talaga."

(The kids that I care for are kind and obedient. I grew to love them since I was there when they were born, and they grew up with me. Whenever they get sick, I also panic. Even their parents are kind and respectful. In the 10 years I spent there, I never felt like I was just a helper; they treated me as if I was part of the family.)

But come early 2020, the COVID-19 pandemic struck and decapitated the world's strongest economies, took millions of lives, and put the busiest streets to a halt. Hundreds of thousands of livelihoods were impaired, and even before, there was no certainty as to when this global crisis would end. And for Ate Celia, like many of us, it seemed as if her life was also put at a standstill.

Her twice-a-year visits to the province were taken from her, and it was by no means easy. She said that she and her family had to settle for phone calls and conversations to keep them connected.

"Naging mahirap kasi simula nung pandemya, hindi na ako nakakauwi sa amin. Mahirap umuwi ngayon sa amin, at ayaw ko rin naman na may madala akong sakit kung umuwi man ako roon."

(It was difficult because ever since the pandemic started, I was not able to go back to our province; it is challenging to return at this time, and I do not want to accidentally bring home a sickness.)

It was another sacrifice that she had to make - but it doesn’t ever get easier. It was difficult to not be at home with her family at a challenging time like this, and she constantly felt worried about the possibilities of her family becoming sick and her not being there to care for them. The 250-kilometer gap between them never felt so vast and pronounced before.

 

She constantly lamented that while she is caring for another family that she grew to love, she cannot extend that same type of care to the family she had to leave behind.

Celia Gracia edit.jpg

"Masakit kasi isa na naman itong sakripisyo, yung hindi ko muna ulit mayayakap yung pamilya ko dahil hindi pa ako nakakauwi. Wala ako sa tabi nila kung may mangyari mang hindi kaaya-aya; hanggang phone call lang o video call lang muna ako. Pero kung makakatulong ito para kahit papaano, maging ligtas ang pamilya ko, hindi ako magdadalawang-isip na hindi muna umuwi."

(It hurts because it is another sacrifice that I have to make, where I would not be able to hug my family for a while because I cannot go home yet. I am not by their side if anything unpleasant happens, and I can only be there with them by phone and video calls. However, if this is what I have to do to guarantee my family's safety, I would not even think of going home.)

Often do we think of the people on the frontlines when we talk about sacrifices, especially in the time of the pandemic. But we should not forget people like Ate Celia, who also put in immense sacrifices, priceless dedication, commitment, and resolute efforts to keep their families safe, happy, and in good condition. Ate Celia may be just one of the millions of domestic helpers out there, but to the families that she has touched and cared for, she made all the difference in the world.

And so, while her early mornings mean waking up to the laughter and cries of children barely six years old, banter of teenagers arguing over the day's breakfast meal, and the hustle and bustle of a mother and father who are both trying to prepare for the day's work, the early mornings of the family that she has cared for means seeing her first thing in the morning, and knowing that amidst the chaos out there, they are in great hands.

Filipino

Her Home from Here and a Distance

October 25, 2021
Katelyn Valera

Translated by Yvette Capellan

Para kay Ate Celia, ang mga madaling araw at nangangahulugang pag-gising sa pagtawa at pagiyak ng mga batang halos 6 na taon gulang, at pag-aaway at pagtatalo ng mga kabataan sa almusal, at ang ang abala ng isang ina at ama na kapwa nagsusumikap na maghanda para sa trabaho. 

Mahigit na 10 taon na ngayon, si Ate Celia ay isang kasambahay o domestic worker para sa isang pamilya ng 7 sa may Muntinlupa, at iniiwan niya ang pamilya niya na nasa Pangasinan. “Ito ang presyo na kailangan ko  bayaran”, sabi ni Ate Celia nang pagusapan niya ang mga sakripisyo na kailangan gawin ng di lang siya, pero ang mga katulad niyang mga domestic worker upang mapakain ang kanilang mga pamilya.

"Bilang isang katulong, hindi naging madali kasi syempre, iiwan mo yung pamilya mo. Napakalaki ng pisikal na distansya, pero mas higit doon ang distansyang nararamdaman mo. Kaso ako, wala akong magagawa kasi itong trabaho ko, yung paglilinis ng bahay, pag-aalaga sa mga anak ng pinagtatrabahuan namin, at ang pagluluto, ito yung mga nakakapagbigay ng sustento sa pamilya ko sa probinsya namin; ito ang nakakapagpakain sa kanila. Malaking sakripisyo 'to, hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa pamilya ko roon."

Celia Gracia 2.jpg

Nang tanungin namin siya tungkol sa naramdaman niya noong iwanan niya pamilya niya, ang probinsya niya, upang magtrabaho sa malaking lungsod bilang katulong, sabi niya na sa simula, kinakatakutan niya ang mga darating pagkatapos.

“Sobrang takot ako nung una; para bang unti-unti kong napagtanto na hindi na yung pamilya ko yung makakasama ko araw-araw, and iba ang minahal at nakagawian kong probinsya namin sa Maynila. Natatakot ako sa kung ano man ang posibleng mangyari hindi lang sa akin kapag nagsimula na ako sa pagtatrabaho, kundi para sa pamilya ko rin na iiwan ko roon.”

At ang takot na ito, para ka Ate Celia, di tunay na nawawala; natutunan lamang niya kung paano umangkop sa takot at magpatuloy sa kabila nito. 

“Kung tutuusin, hindi lang naman ako yung natatakot sa kung anong pwedeng mangyari pag nagsimula ako magtrabaho sa Maynila noon. Yung nanay ko, yung mga kamag-anak ko, natatakot rin sila. Nalulungkot. Pero kailangan eh. Sabi ko nga kanina, sakripisyo 'to.”

Nagpalit ang mundo, at sa kalaunan, nasanay rin si Ate Celia sa kaniyang “bagong buhay”. Kadalasan, tinatawagan niya ang pamilya niya sa probinsya sa libreng oras niya. Kahit na ito ay lubos na naiiba mula sa pagkakaroon ng isang personal na pag-uusap kung saan pisikal na nakikita nila ang isa’t isa, ito ay nagbigay pa rin sa kanya ng isang paningin ng normalidad. Ang distansya sa pagitan nila ay hindi nagawang mag-alanganin sa kanilang koneksyon. Mula sa mga hindi nasagot na mga tawag hanggang sa pag-uusap sa gabi, pinasigla siya ng kanyang pamilya na magpatuloy. Dagdag pa rito, ang pamilya na pinagtatrabahuhan niya ay naging pamilya niya rin. 

“Yung mga alaga ko ngayon, sobrang babait at masunurin. Napamahal na rin ako sa kanila kasi nakasama ko na sila simula nung isilang sila sa mundong ito. Kapag nga nagkakasakit ang isa, kasama ako sa hindi magkandaugaga dahil sa kaba. Kahit yung mga magulang nila, mababait at marespeto. Sa mahigit sampung taong pamamalagi ko roon, ni minsan hindi ko naramdaman na katulong lang ako sa pamamahay nila kasi yung paraan ng pakikisama nila, pang pamilya talaga.”

Ngunit sa pag-dating ng 2020, ang COVID-19 na pandemiya ay nagdulot ng sakit at winasak ang mga saligan ng mga pinakamatibay na ekonomiya sa buong mundo, kumitil ng mga milyun-milyong buhay, at pati ang mga pinaka-abalang mga kalye ay napahinto rin. Daan-daang libong mga kabuhayan ang napinsala, at bago pa man, walang katiyakan kung kailan magtatapos ang pandaigdigang krisis na ito. At para kay Ate Celia, tulad ng marami sa atin, para bang hininto rin ang kanyang buhay. 

Ang kanyang dalawang beses sa isang taon na pagbisita sa lalawigan ay kinuha mula sa kanya, at hindi ito madali. Sinabi niya na siya at ang kanyang pamilya ay kailangang makontento sa mga tawag sa telepono at pag-uusap lamang upang manatiling konektado sa isa’t-isa.

“Naging mahirap kasi simula nung pandemya, hindi na ako nakakauwi sa amin. Mahirap umuwi ngayon sa amin, at ayaw ko rin naman na may madala akong sakit kung umuwi man ako roon.”

Ito ay isa lamang sa karamihan ng ibang mga sakripisyo na kinakailangan niyang gawin - ngunit hindi ito kailanman nagiging mas madali. Mahirap na malayo siya sa kanyang pamilya sa mahirap na oras na ito, at patuloy-tuloy ang pakiramdam niya ng alala sa posibilidad na magkasakit ang pamilya niya at siya wala roon. Ang 250-kilometrong agwat sa pagitan nila ay hindi kailanman nakaramdam ng ganitong kalawak at kalinawa dati.

Celia Gracia edit.jpg

Patuloy niyang ikinalungkot na habang nagmamalasakit siya para sa isa pang pamilya na minahal niya, hindi niya maiaabot ang parehong uri ng pag-aalaga sa pamilya na kinailangan niyang iwan. 

 

"Masakit kasi isa na naman itong sakripisyo, yung hindi ko muna ulit mayayakap yung pamilya ko dahil hindi pa ako nakakauwi. Wala ako sa tabi nila kung may mangyari mang hindi kaaya-aya; hanggang phone call lang o video call lang muna ako. Pero kung makakatulong ito para kahit papaano, maging ligtas ang pamilya ko, hindi ako magdadalawang-isip na hindi muna umuwi."

Kadalasan, iniisip natin ang ating mga frontliner kapag pinaguusapan natin ang sakripsiyo, lalo na ngayon sa panahon ng pandemiya. Ngunit hindi natin dapat kalimutan ang mga tao tulad ni Ate Celia, na naglagay din ng napakaraming sakripisyo, walang-halaga na dedikasyon, pangako, at pagsisikap na panatilihing ligtas, masaya, at nasa mabuting kalagayan ang kanilang pamilya. Si Ate Celia ay maaaring isa lamang sa milyun-milyong mga kasambahay, ngunit sa mga pamilya na nakaiimpluwensya at inaalagaan niya, ginawa niya ang lahat ng pagkakaiba sa mundo. 

At sa gayon, habang ang kanyang madaling araw ay nangangahulugang sa paggising sa mga tawa at iyak ng mga bata, pagtatalo ng mga kabataan, at ang pagmamadali ng isang ina at ama na kapwa nagsusumikap na maghanda para sa trabaho sa araw, ang mga madaling araw ng pamilya na kanyang inalagaan ay nangangahulugang na siya ang unang nakikita nila sa umaga, at alam na sa gitna ng kaguluhan doon,  sila ay nasa mabuting kamay.

bottom of page