Hope in a Box : Ruel Visca
July 30, 2020
Raine Aguilar
"How far will your 100php go?"
This is the question that Ruel Visca both asks and answers. As a teacher and an advocate for education, Ruel knows the importance of education and how its value should not be overshadowed by a pandemic. He heard of the authorities’ solution to the pandemic, of online learning, and immediately knew that the many children of Romblon were ill-equipped, as it required funding and equipment that was simply not available to them. Ruel quickly realized that children in underprivileged communities would be forced to sacrifice the education they were passionate about. It became more apparent that in the Philippines, education is a privilege, a luxury, more than a right.
Knowing this, Ruel fought to protect and foster the love that the disadvantaged continue to have for learning despite their limitations. He hopes that, through his project, he would urge the children to pursue their education even as they face a system that seems to overlook them.
Hope in a Box was an endeavor that was conceptualized just before the pandemic. As a volunteer of the Yellow Boat of Hope foundation, Ruel had been donating school supplies to different schools in Sta. Maria Romblon for four years, and last year, he realized that there was a more sustainable way to execute their project. Ruel thought “Why not lagyan ng twist?” (Why don’t we add a twist?) and came up with the idea of using old shoeboxes to pack the school supplies instead of their usual plastic envelopes.
Ruel turned his “Why not?” into a plan, one that was sustainable and offered children a way to foster their love for learning. When the quarantine began, he rallied his co-teachers. He began asking them for their excess school supplies and got to work. Like clockwork, Ruel had covered up shoe boxes, filling them with papers, pencils, coloring materials, erasers, sharpeners, window cards for Mathematics, reading booklets for English and even colored paper for origami.
On June 1, Hope in a Box was launched. By then, Romblon was under general community quarantine, allowing them to go house to house to distribute their boxes and teach thirty children each week for 2-3 hours. However, with the current state of the economy, launching his initiative was only the beginning. Now that Ruel had started his project, he needed to find a way to keep it going.
Thirty new kids every week meant thirty sets of everything they included inside the shoeboxes. Paired with the fact that all of these needed to be gathered and prepared weekly, Ruel found himself in a state of apprehension. When he had used all the money the Yellow Boat of Hope Foundation had given him in the beginning, it was the generosity of the people around him that inspired him to continue the project.
“. . .alam niyo po,” (. . .you know what,) he began, “habang tumatagal. . . kusang lumalapit ang mga tao na nagbibigay nalang sila ng mga donations.” (as time goes on. . . people come and give us donations of their own accord).
With each box costing 100 php, Ruel encouraged those around him by asking one question: How far will your 100php go? “Sa halagaang one hundred pesos, kinabukasan na nung bata yung binibigay mo,” (With a total of one hundred pesos, you can already offer a child their future) Ruel said.
“Laging sinasabi ng Yellow Boat [of Hope Foundation] na dapat walang bata na left behind.” (The Yellow Boat [of Hope Foundation] always says that there should be no child left behind.)
Ruel took this principle, and tirelessly pursued it with a dedication that was never dampened, not even by a pandemic. By using his voice and asking people to notice the value of education, Ruel called upon those who are able and asked them to use their privilege for the underprivileged. He knew the power of making a call to share, seeing as many are able, but never stirred. Ruel talked about how many are apt and willing “pero hindi din sila nagsh-share unless may nagtap sa kanila at magsabi na may kakayahan sa pagbibigay” (but they don’t share unless someone taps them and tells them that there is power in giving).
Ruel is able to pursue this through a day they call ‘Grateful Wednesdays’, where they regularly open their GCash for donations. Likewise, they set up piggy banks outside municipalities and even in “sari-sari” stores (little stores), hoping to encourage people to donate their loose change, and knowing that little contributions could amount to a larger impact. When Ruel asked how far their one hundred pesos would go, he knew that though a hundred pesos may be little to some, it is worth a thousand times over to many more.
For the children of Romblon, a hundred pesos is more than just a bill or a meal, it is their future, their dreams. Ruel spoke about the power of generosity, how
“. . .sa konting binigay mo na ‘yun, milyong milyong mga pangarap na ng bata ang makakamit,” (. . .with the small amount that you give, millions and millions of the children’s dreams can come true). By sharing this, he was able to prevail and pursue his desire to preserve the passion that these children have for their education.
Nevertheless, the impact of Ruel’s initiative does not end with the children. Hope in a Box began with only ten volunteers, now, only two months later, the project has a hundred and fifty volunteers, all composed of the youth. With a team of young and impressionable people, Ruel knew that he had influence over more than just the thirty kids that he met every week. Ruel often told stories of the children they encountered to remind them of how lucky they are.
He told the Adversity Archive, “Itong Hope in a Box ay nagpapasaya na siya ng bata, and at the same time, nakakabuild siya nung attitude, nung behaviour ng mga volunteers,” (This Hope in a Box initiative, while it brings joy to the children, it also builds the attitude, the behaviour of the volunteers) he claimed. As Ruel asks others to use their privilege to help the underprivileged, he makes sure his volunteers do the same. “. . .yung youth ngayon sobrang mga risk takers, sobrang mga active yung mga millennial ngayon” (the youth right now are really risk takers, the millenials are really active right now). Ruel knows that this generation is different from the rest, and he aims to empower them.
“. . .kung icocombine yung power of generosity and the power of the youth, you can change impossibilities into possibilities.” (If you combine the power of generosity and the power of the youth, you can change impossibilities into possibilities.)
“Alam niyo po yung feeling?” (Do you know that feeling?) Ruel asked, “papaakyat lang po kami [nung bundok, at] nandoon yung mga bata naghihintay, nagpapalakpakan kasi po parang parating na po kami. . . ang feeling doon na parang sobra palang namimiss ng mga bata ang school”. (we were climbing up [the mountain and] the children were already there, and they were clapping because we were about to arrive. . . the feeling there was that the children actually missed school so much.)
This is what Ruel fights hard to preserve. He aims to ensure that the children never lose their love and enthusiasm for learning. Ruel understands that these children are disadvantaged, and he hopes that this project encourages them to continue fighting for their right to learn. Through it, they can go far beyond just dreaming, they can secure the path to turn those dreams into reality.
If you share Ruel's desire to protect a child's love for learning, and would like to learn more or donate to his cause, contact him at 09183976127
Hope in a Box : Ruel Visca
July 30, 2020
Raine Aguilar
"How far will your 100php go?"
Ito ang katanungan ni Ruel Visca na kanyang tinatanong at sinasagot. Bilang isang guro at isang tagapagtaguyod ng edukasyon, alam ni Ruel ang kahalagahan ng edukasyon at para sa kanya, ang halaga nito ay hindi dapat matabunan ng pandemya. Napag-alaman niya na ang solusyon na pinapalaganap ng mga awtoridad, ay ang online learning at kaagad-agad niyang naisip na karamihan sa mga mag-aaral ng Romblon, lalo na ang mga nakababata ay hindi handa para sa ganitong uri ng pag-aaral. Kaagad natanto ni Ruel na ang mga mag-aaral mula sa mga mahihirap na pamayanan ay mapipilitang i-sakripisyo ang edukasyon na kinagigiliwan nila. Naging malinaw sa kanya na sa Pilipinas, ang edukasyon ay isang pribilehyo, isang luho, sa halip na ito ay isang karapatan.
Dahil sa kaalaman na ito, sinikap ni Ruel, kahit na maraming limitasyon, na pangalagaan at palakasin ang pagmamahal sa pag-aaral ng mga batang mag-aaral ng Romblon. Umaasa siya na ang kanyang munting proyekto ay maging daan para maudyok ang mga batang mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, bagama’t ang sistema sa kasalukuyan, ay tila nakaligtaan sila.
Ang Hope in a Box ay isang pagsisikap na nabuo ilang linggo lamang bago sumapit ang pandemya. Sa nagdaang apat na taon, bilang isang volunteer ng Yellow Boat Hope Foundation, nagkaroon si Ruel ng pagkakataon na mag-donate ng school supplies sa iba’t-ibang mga paaralan ng Sta. Maria Romblon, at noong 2019, nakaisip siya ng mas sustainable na paraan para maituloy ang proyekto. Tanong ni Ruel sa kanyang sarili, “Why not lagyan ng twist?” at nabuo ang isang idea na gumamit ng mga lumang kahon ng sapatos bilang lalagyan ng mga school supplies, imbes na mga plastic envelopes ang gamitin. Pinihit ni Ruel ang kanyang , “why not?” at lumikha ng isang plano, isang plano para mapanatili ang kanilang proyekto at maghain ng paraan upang itaguyod ang pagmamahal sa pag-aaral ng mga bata.
Nang magsimula ang quarantine, pinakilos ni Ruel ang kanyang mga kapwa guro. Nagsimula siyang humingi ng mga sobrang school supplies nila at nang makuha niya ang mga ito, tinrabaho na niya. Binalot niya ang mga lumang kahon ng sapatos, pinuno niya ang mga ito ng papel, lapis, mga kagamitang pangkulay, erasers, sharpeners, mga cards para sa Math, mga reading booklets para sa wikang Ingles at naglagay din siya ng mga colored paper para sa origami.
Noong, ika-1 ng Hunyo, inilunsad niya ang Hope in a Box. Naka-general quarantine na ang Romblon noong mga araw na iyon, at pinayagan na silang mag house-to-house para ipamahagi ang mga kahon at magturo ng tatlumpung (30) bata sa loob ng 2-3 hours. Dahil sa katayuan ng ekonomiya nitong mga panahon na ito, ang paglulungsad ng Hope in a Box ay simula pa lamang. Ngayon na naibahagi na ni Ruel ang kanyang proyekto, kinakailangan niyang humanap ng paraan para maituloy ito. Tatlumpung bagong mga bata bawat linggo, ibig sabihin kailangan niya ng 30 sets ng lahat ng nilalaman ng kahon ng sapatos at kailangan din niyang ipunin lahat ng kagamitan at ihanda bawat linggo. Bigla siyang kinabahan.
Nang maubos na nila ang perang unang ibinigay ng Yellow Boat of Hope Foundation, ang pagkabukas-palad ng mga taong nakapaligid sa kanya ang nagbigay sa kanya ng lakas at inspirasyon na ituloy ang proyekto. “. . .alam niyo po,” sabi niya, “habang tumatagal. . . kusang lumalapit ang mga tao na nagbibigay nalang sila ng mga donations.” Ang bawat kahon ay naghahalagang 100 php, hinihikayat ni Ruel ang mga taong nakapaligid sa kanya sa pamamagitan ng katanungan na ito: Ganno kalayo ang mararating ng P100 mo? “Sa halagaang one hundred pesos, kinabukasan na nung bata yung binibigay mo.”
"Laging sinasabi ng Yellow Boat [of Hope Foundation] na dapat walang bata na 'left behind.'” Tinanggap ni Ruel ang hamon na ito at walang kapaguran niyang itinuloy ang laban. Ni minsan ay hindi niya hinayaang ma-discourage siya sa laki ng hamon na hinaharap niya at lalong hindi siya makakapayag na lupigin siya ng pandemyang ito. Sa pamamagitan ng paggamit ni Ruel ng kanyang boses at sa kanyang pagsisikap na ipahiwatig ang kahalagahan ng edukasyon, nanawagan si Ruel sa mga maykaya na gamitin ang kanilang posisyon at pribilehiyo, para sa ikabubuti ng mga iba na nahihirapan. Naunawaan niya ang kapangyarihan ng pananawagan sa madla upang tumulong, dahil alam niya na maraming puedeng tumulong, pero kailangang hikayatin. Inilahad ni Ruel na marami ang may kakayahan at gustong tumulong, “pero hindi din sila nagsh-share unless may nagtap sa kanila at magsabi na may kakayahan sila sa pagbibigay.”
Naipagpapatuloy ni Ruel ito sa pamamagitan ng tinatawag nilang “Grateful Wednesdays,” kung kailan binubuksan nila ang kanilang GCash account para tumanggap mga donations. Naglagay rin sila ng mga “piggy bank” sa labas ng mga munisipyo nila at kahit na rin sa mga sari-sari store upang hikayatin ang mga tao na i-donate ang mga barya nila. Alam ni Ruel na kahit maliliit na kontribusyon as magdudulot pa rin ng malaking impact kung tulong-tulong lahat. Nang tinanong ni Ruel kung gaano kalayo ang mararating ng P100 pesos nila, alam niya na kahit na maliit para sa iba ang P100, ang halaga nito ay higit pa sa libo-libo para sa nakararami. Para sa mga bata ng Romblon, ang P100 pesos ay hindi lamang pera, o pagkain para sa isang linggo, ito ay ang kanilang kinabukasan, ang kanilang mga pangarap. Nagsalita si Ruel tungkol sa kapangyarihan ng pagiging bukas-palad. “. . .sa konting binigay mo na ‘yun, milyong milyong mga pangarap na ng bata ang makakamit.”
Ang epekto ng inisyatibo ni Ruel ay hindi nagtatapos sa mga batang mag-aaral ng Romblon. Nang magsimula ang Hope in a Box, 10 lang silang volunteers, pero ngayon makaraan ang dalawang buwan, may higit kumulang sa 150 volunteers na ang tumutulong kay Ruel sa proyekto niya. Lahat ng volunteers ay kabataan. Kasama ang pagkat niya ng mga youth volunteers, ramdam ni Ruel na ang kabutihan na naidudulot nito ay higit pa sa 30 na mga bata na tinuturuan nila linggu-linggo. Madalas magkuwento si Ruel tungkol sa mga bata na nakikilala nila para ipaalala sa mga volunteers kung gaano sila kasuwerte. Inilahad ni Ruel sa the Adversity Archive na “itong Hope in a Box ay nagpapasaya na siya ng bata, and at the same time, nakakabuild siya ng attitude, nung behaviour ng mga volunteers.”
Habang hinihikayat ni Ruel ang iba na gamitin ang kanilang pribilehiyo para tumulong sa mga dehado, sinisiguro rin niya na ganito mag-isip ang mga volunteers nila. Alam ni Ruel na ang henerasyon na ito ay kakaiba at hangarin niya ang ma-empower sila.
”. . . kung ma-cocombine mo yung power of generosity and power of the youth, you can change impossibilities to possibilities.”
“Alam niyo po yung feeling? Tanong ni Ruel, “papaakyat lang po kami [nung bundok, at] nandoon yung mga bata on the top of the hill na nagpapalakpakan kasi po parang parating na po kami. . . ang feeling doon na parang sobra palang namimiss ng mga bata ang school”. Ito ang pinaglalaban ni Ruel, na pangalagaan ang pagmamahal ng mga bata sa pag-aaral. Layunin niya na siguraduhin na hindi mapawi at tuluyang mawala ang pagnanais ng mga batang matuto, mag-aral. Nauunawaan ni Ruel na etong mga batang ito ay dehado at umaasa siya na sa pamamagitan nitong munting proyekto nila, na mahihikayat niya silang ituloy ang laban para makamit ang karapatan nilang makapag-aral. Sa pamamagitan nito, maaari silang hindi lamang mangarap, maari nilang tiyakin ang landas nila patungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
Kung nais mong makilahok sa ginagawa nila Ruel upang protektahan ang pagmamahal ng mga bata sa pag-aaral, kung gusto mong maunawaan ng lubos ang mga gawain nila o di kaya naman ay gusto niyong mag-donate sa Hope In a Box, maaari kayong tumawag kay Ruel sa 09183976127