Is It A Joyride?
November 23, 2021
Aaliyah Gan
The COVID-19 pandemic has wreaked havoc on ride-hailing services all across the world. While many of us are staying home to avoid the virus, many riders are out on the road working to make ends meet for their families. Despite the fact that the pandemic is highly dangerous, they continue to do everything they can to offer the finest service possible to their customers.
Joyride is one of the multi-service delivery apps that is popular in the Philippines. Kuya Andrei, one of the Joyride riders, began working with Joyride on January 14, 2019. He begins his day before the sun rises at 5 a.m., sending deliveries from one place to another until 7 p.m. When asked why he continues to work with Joyride he said that at first his reason was because he did not know any other work, “Wala po kasi ako ibang alam na work”, but this changed when he realized that this is what he really loved to do. He liked being able to work at his own pace and delivering orders on his motorcycle.
These riders however, have a lot more untold stories to share. Like what Kuya Andrei said, “Ang buhay ng rider masarap na mahirap” (the life of a rider is fun but difficult). Working during a pandemic is one of the many difficult duties for a rider, they are frontliners who are able to help people especially those who do not normally go outside.
It was hard for Kuya Andrei because he had to make sure to keep safe, especially given that he returns home to his family at the end of each day. Kuya Andrei also mentioned how low the pay of a rider can be. He needs to set aside a portion of his earnings for the gas of his motorcycle, as well as for the app Joyride, which reduces his earnings even further. He makes an effort to accomplish at least eight deliveries or more in order to bring something home to his family.
“Ang buhay ng rider masarap na mahirap"
("The life of a rider is fun but difficult")
Another issue raised by Kuya Andrei is that he is constantly chasing time and thus, is not able to eat properly due to deliveries. Imagine wearing long sleeves and a helmet all-day while being trapped under the scorching heat of the sun, and not even getting to eat at the right time. The next challenge is traffic. It is the most prevalent issue that riders confront. Because of the congested roads, it sometimes takes a long time for riders to reach the delivery site. It can also take time to queue at checkpoints, which adds to the delay.
Apart from all of these difficulties, riders face the toughest difficulty of all: customer disrespect. Considering the heavy traffic and long queues at the checkpoint, customers may well be impatient with their orders at times. And one experience Kuya Andrei mentioned was, “Kaya lang sa customer minsan para kang my sakit na hindi malapitan parang tingin ko pinag-didirian ka nila dahil todo iwas sila” (It's just that the customers sometimes makes you feel like your sick like they can’t approach you, I think they are grossed out because they all avoid you.) When Kuya Andrei had these experiences, he was irritated, but he also said, “Hindi natin sila masisisi.” (we cannot blame them) and since riders work in different places Kuya Andrei now understands why people keep a distance with them.
We, as customers, do not witness all of a rider's problems since they are all hidden. May Kuya Andrei’s story be an immediate reminder to be more patient, understanding, and courteous to all of our riders, and to tip them when you have the opportunity! Remember to be more considerate of riders who do their best to accomplish their duties. Let us show to these frontline workers that they are respected and that they are doing a great job!
In spite of the difficulties, Kuya Andrei enjoys being a rider. His family serves as a source of inspiration for him to strive harder. “Dahil sa pamilya din sa mga anak ko na nag-aaral at para mabuhay na din. Dahil wala ka naman magagawa kung hindi sumabay at mag hanap buhay.” (Because of my family and my children who are studying and also for our living, because there is nothing you can do but to go along with life.) Given all that has happened to Kuya Andrei, he continues to be a strong supporter of his family.
It is a Joyride afterall.
Joyride nga ba?
November 23, 2021
Aaliyah Gan
Ang pandemiyang COVID-19 ay naging sanhi ng matinding pinsala sa kabuhayan ng mga mamamayan sa buong mundo. Habang karamihan sa atin ay nananatili sa loob ng ating mga bahay upang maiwasan ang nakamamatay na COVID-19, karamihan sa ating mga rider ay mahahanap sa mga kalsada upang makaipon para sa kani kanilang pamilya. Sa kabila ng katotohanan na ang pandemiya ay isang malubhang mapanganib, patuloy na ginagawa ng mga rider ang kanilang lahat upang ialok ang pinakamataas na kalidad ng serbisyo sa kanilang kasubaybay.
Ang Joyride ay is sa maraming multi-service delivery app na sikat dito sa Pilipinas. Si Kuya Andrei, isang Joyride rider, ay nagsimulang magtrabaho sa Joyride noong Enero 14, 2019. Nagsisimula ang kanyang araw bago pa sumilip ang mga sinag ng araw sa 5 a.m. at inihahatid niya ang mga padala mula sa isang lugar hanggang 7 p.m. Nang tanungin namin sa kanya kung bakit siya patuloy na nagtatrabaho sa Joyride, sabi niya na sa simula, ang dahilan niya ay wala siyang ibang alam na trabaho, “Wala po kasi akong alam na work (trabaho).” ngunit ito ay nagbago nang napagtanto niya na tunay niyang minamahal ang pagmamaneho. Gusto niyang magtrabaho sa sarili niyang oras at maghatid ng mga order gamit ang sarili niyang motorsiklo.
Gayunpaman, marami pang kuwentong maibabahagi ang mga riders na ito sa lahat. Tulad ng sinabi ni Kuya Andrei, “Ang buhay ng rider [ay] masarap na mahirap.” Ang pagtatrabaho sa gitna ng pandemya ay isa lamang sa maraming paghahamon na hinaharap ng isang rider. Sila rin ay itinuturing na mga frontliner dahil nakatutulong sila sa ibang mga tao, lalo na para sa mga hindi makalabas ng kanilang mga tahanan. Mahirap ito para kay Kuya Andrei dahil siya rin ay umuuwi sa kanyang pamilya tig tapos ng araw. Ibinahagi rin ni Kuya Andrei kung gaano kababa umaabot ang kanilang sahod bilang rider. Kailangan niyang magtabi ng pera para sa gasolina ng motorsiklo niya at para sa Joyride app, na mas lalo pang nagkakaltas sa kita niya. Nagsusumikap siya upang makamit mahigit walong paghahatid o higit pa upang makauwi ng maihahain sa kanyang pamilya.
“Ang buhay ng rider [ay] masarap na mahirap"
Isa pang isyu na ibinahagi ni Kuya Andrei ay ang patuloy niyang paghabol sa oras, at sa gayon ay hindi makakain nang maayos dahil sa mga paghahatid. Isipin natin ang pagsusuot ng mahabang manggas at isang helmet buong araw habang nakababad sa ilalim ng init ng araw at bukod pa roon ay hindi nakakakain sa tamang oras. Ang sunod na hamon ay ang trapiko . Ito ay isang isyu na patuloy na hinaharap ng mga rider. Dahil sa masisikip na mga kalsada, kung minsan ay tumatagal pa ng mahabang oras para lamang umabot ang mga rider sa lugar ng paghahatid. Maaari rin itong tumagal pa lalo dahil sa pagpila sa mga checkpoint na nagdaragdag ng pagkaantala.
Bukod sa lahat ng mga kahirapan na nabanggit, hinaharap ng mga rider ang pinakamahirap na pagsubok sa lahat: ang kawalang paggalang ng mga customer. Sa pagsasaalang-alang sa mabigat na trapiko at mahabang pila sa checkpoint, maaaring mawalan ng pasensya ang mga customer sa paghihintay ng kanilang mga order. Isang karanasan na ibinahagi ni Kuya Andrei, “Kaya lang sa customer minsan para kang may sakit na hindi malapitan parang tingin ko pinag-didirian ka nila dahil todo iwas sila”. Noong naranasan ni Kuya Andrei ito, nairita siya pero sabi rin niya, “Hindi natin sila masisisi.” Ang mga rider ay nagtatrabaho sa iba’t-ibang lugar; naiintindihan na rin ni Kuya Andrei kung bakit iniiwasan sila ng tao.
Bilang mga customer, hindi natin nasasaksihan ang kabuoan ng mga problema ng mga rider dahil nakatago ang mga ito. Nawa ang kuwento ni Kuya Andrei ay maging isang agarang paalala na tayo ay maging mas matiyaga, maunawain, at magalang sa lahat ng ating mga rider, at magbigay ng tip kapag may pagkakataon! Alalahanin natin na ang mga rider na ito ay mga tao rin. Ginagawa nila ang kanilang lahat upang matupad ang kanilang mga tungkulin at makaipon para sa kanilang pamilya. Ipakita natin sa mga rider na nirerespeto natin sila at ipakita natin na pinapahalagahan natin ang serbisyong ginagawa nila.
Sa kabila ng paghihirap na ito, nasisiyahan si Kuya Andrei sa pagiging rider. Ang pamilya niya ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya upang magsumikap. “Dahil sa pamilya din sa mga anak ko na nag-aaral at para mabuhay na din. Dahil wala ka naman magagawa kung hindi sumabay at maghanap buhay.” Dahil sa lahat ng nangyari kay Kuya Andrei, siya ay patuloy na tumatayo nang matapang at handang sumusuporta sa kanyang pamilya.
Joyride nga rin talaga.