top of page
English

It's time to wake up :  Issa Barte

August 13, 2020 

Sachi Carlyn Lozano

Art has always been Issa Barte’s medium for storytelling, a way for her to express the inmost thoughts and feelings of those around her. Dedicating her platform to amplifying the voices of others, showed her the value in using her own voice and making herself heard too.

“My art has always tried to tell stories, and the narratives of today have been hitting harder and piercing deeper than ever before. In the same wing, I have never been more connected to my art, more connected to the way I tell these stories, more connected to the voice I've learnt to use.”

 

But in a time where using your own voice can land you in jail, it seems Issa’s main choice of weapon in battle is threatened. Nevertheless, Issa refuses to stop exercising her right to speak. Nowadays most especially, her art can be seen as controversial, according to her, she’s swimming in the waters of politics, systems, cultures, and issues that are otherwise, not really talked about, or taboo to speak about loudly. Evidently, her commitment to pursuing justice and standing up for what she believes in takes precedence over the daily threat and online backlash she receives. She fights the oppression she and the people around her face by being even louder about her disgust and dissatisfaction. Her art expresses her heart’s cry for our nation, for the people who are oppressed by the same government who promised to protect them. “I just try to be raw, and when I speak about politics, only base my art off facts. I'm careful, but deeply driven to wake people up, including myself.”

IMG_8829-2.jpg
Screen Shot 2020-08-12 at 5.47.46 PM.png

issabarte.art on instagram

Issa Barte personal photos .jpg

Getting to this point of understanding the power and purpose of her art however, did not come without a few speed bumps. In her words, “It took a lot of other paths and failures to get to feeling like I was finally going in the right direction.” The sureness and strong sense of purpose that you see in Issa and her work today, is a result of many trials and errors. Early on, she struggled to find the marriage between her passion for art and urge to be of service to others. In university she ended up focusing her attention on academics and several different corporate internships. Eventually, she tried her hand at the corporate world, working in Advertising and Events. Coming from a family of business people, Issa thought this was the way to achieve success. Never really being one to go with the crowd however, Issa eventually found herself carving her own path. This was when she returned to art, starting her now famous instagram account with less than 200 followers back then.

Her first art series, “100 Stranger Thoughts” posed the prompt, “Tell me about the time you felt most hurt.” Through a google form she sent out, she collected stories of strangers, interpreted it into art, and began sharing them. “This is when something so personal turned into a communal experience.” This was the beginning of her art serving a far greater purpose, This was when the art she produced began to mean so much more for her audience. Telling their stories became a way she connected and communicated with them. Issa’s platform became an avenue for the unheard to tell their stories. Now, 2 years later, her following has grown exponentially. Even with her undeniable talent and large following, Issa humbly states “I feel weird being called an artist as I know I still lack the skill, the discipline, to really deserve the title. But I don't strive to be the greatest artist out there anyways, I just try to constantly be better than I was before-- to try to tell the stories entrusted to me, and my own, in the best way i can perceive them to be told.”

Screen Shot 2020-08-12 at 6.03.51 PM.png

issabarte.art on instagram

As Issa’s platform grew to become a place where people found their voice, she too began to use her platform to make her voice heard. Today, she remains vocal and passionate about the change she longs to create. “I'm sick of watching our country being run by greed and ego when they promised to uplift the poor. And my art doesn't hide this fact. I show how hurt and confused I am. These leaders continue to let our people be oppressed. I lay out the limbo in hearing our people scared of dying, if not from COVID-19, from hunger, or neglect.” Her recent pieces are certainly reflective of her deep growing frustration with the government and the way this country is being run.

 

“I'm fed up with this narrative of Filipino resiliency as a cover from our most vulnerable surviving with the bare minimum. I'm tired of treating our politicians like they're all-knowing and ever-just celebrities, even if some of them only have their positions because they are, in fact, just celebrities.”

 

Through her art and her platform, Issa’s voice has become a megaphone for those who share her sentiment but not her reach.

Screen Shot 2020-08-12 at 5.48.46 PM.png

issabarte.art on instagram

Screen Shot 2020-08-12 at 6.16.21 PM.png

issabarte.art on instagram

Screen Shot 2020-08-12 at 6.18.32 PM.png

issabarte.art on instagram

Nevertheless, Issa is careful and adamant about noting that she is not trying to be a beacon of hope. Her art is real and raw, it never downplays the harsh realities of our nation. Issa amplifies the pleas of Filipino people that are silenced by the white noise of political agenda. However, being bold in a time like this doesn’t come without a great price to pay.  “It's difficult, especially in times like now where speaking out seems like voluntarily putting a target on your back, but it's essential to exercise our right to speak.” Issa acknowledges that part of having a large platform means putting yourself into the scrutiny of the public, and admittedly, she said it was a difficult adjustment being “such a hermit of a person.” However, her commitment to doing her part in creating the change she longs to see has empowered her to keep going, keep growing in the knowledge she speaks about and keep inspiring the change she hopes others fight for too.

 

“It's really just time to wake up. We've been asleep for far too long. We've let it go by for far too long.”

 

Issa’s story exposes an adversity so real yet so gravely overlooked and so quickly being normalized. The Adversity Archive is inspired by Issa’s powerful use of her platform and more importantly her voice. By telling her story, we want to encourage you to find your voice, let’s not be part of normalizing indifference to any form of oppression.

Panahon na para Gumising :  Issa Barte

Filipino

August 13, 2020

Sachi Lozano

Sining ang pangunahing daluyan ng pagkukuwento para kay Issa Barte. Ito ang pinili niyang paraan para maipahayag ang mga damadaming nagmumula sa kaibuturan ng puso ng mga taong nakapaligid sa kanya.  Inilaan niya ang kanyang “platform” sa pagpapalakas ng mga tinig ng iba,  at nakita niya ang kahalagahan ng paggamit ng kanyang sariling tinig at sinikap niya na siya rin ay marinig.

 

“Sinisikap ng aking sining na magpahayag ng iba’t-ibang mga kuwento. Sa mga pahanong ito, mas matindi ang hagupit ng mga salaysay at mas malalim ang tagos ng mga kuwento, di gaya ng dati.  Mas konektado ako sa aking sining ngayon. Mas konektado sa pagpapahayag ng mga kuwento, mas konektado sa boses ko,

na natutunan kong gamitin.”

 

Pero sa panahon ngayon na maaari kang makulong dahil lamang sa paggamit ng iyong boses, tila nanganganib ang pangunahing sandata ni Issa sa laban. Gayun pa man, tumanggi si Issa na itigil ang paggamit ng kanyang karapatan na magsalita.  Lalo na sa mga araw na ito, maaaring maging kontrobersyal ang kanyang sining.   Ayon sa kanya, tila lumalangoy siya sa karagatan ng politika, kultura, at mga isyu na  hindi talaga pinag-uusapan, o bawal pag-usapan. Ang mga pang araw-araw na banta at poot na natatanggap niya online ay dinadaig ng kanyang commitment na humanap ng hustisya at manindigan para sa mg pinaniniwalaan niya.  Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanyang boses, nilalabanan niya ang pang-aapi na hinaharap niya at ng mga taong nakapaligid sa kanya.Ang kanyang sining ay nagpahayag ng sigaw ng kanyang puso para sa ating bansa, para sa mga taong inaapi ng gobyerno na  siyang nangako na po-protektahan sila. “Nagpapakatotoo lang ako kapag nagsasalita ako tungkol sa politika, katotohanan lamang ang basehan ng aking sining. Maingat ako, pero lubos akong hinihimok na pukawin ang mga taong nakapaligid sa akin, pati na rin ang sarili ko.”

IMG_8829-2.jpg
Screen Shot 2020-08-12 at 5.47.46 PM.png

issabarte.art on instagram

Issa Barte personal photos .jpg

Hindi naging madali para kay Issa na makarating sa puntong ito, na maunawaan ang kapangyarihan at layunin ng kanyang sining. “Bago ko nasabi na patungo na ako sa tamang direksyon, maraming ibang landas at kabiguan ang hinarap ko.” Ang katatagan at matibay na kahulugan ng layunin na maliwanag sa mga gawa ni Issa ay bunga ng maraming pagsubok at pagkakamali. Noong nagsisimula pa lamang siya, sinikap niyang humanap ng paraan para pagsamahin ang kanyang pagmamahal sa sining at ang pagnanais na maglingkod sa kapwa. Habang nasa unibersidad, tinuon niya ang kanyang pansin sap ag-aaral at iba’t-ibang mga karanasan bilang intern sa mga malalaking kompanya. Sinubukan rin niyang magtrabaho sa “corporate world” at nagtrabaho sa isang Advertising at Events na kompanya. Mula sa pamilya ng mga negosyante naisip ni Issa na marahil ito ang paraan upang makamit ang tagumpay, ngunit hindi naman siya basta-basta sumusunod lang sa karamihan ng tao, kaya inukit niya ang sarili niyang landas. Bumalik siya sa sining at noon niya sinimulan  ang kanyang Instagram account na kilalang-kilala na ngayon, pero nang magsimula ay may kulang-kulang sa  200 na followers lamang.  

Ang kauna-unahang “Art Series” niya ay naghikayat sa madla na ilahad ang panahon na nasaktan sila ng lubusan. Gumamit siya ng isang Google form at ito ang naging paraan para  mangolekta ng kuwento ng mga taong hindi niya kilala, Ginamit niya ang sining upang bigyan  ng kahulugan ang mga kuwentong nila at ipinamahagi niya ang mga ito sa Instagram niya. “Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang bagay na napaka-personal ay naibahagi sa komunidad. Nagsimulang maghain ng mas malaking layunin ang kanyang sining. Ang mga gawa niya ay nagkaroon ng kahulugan at kabuluhan para sa mga “followers” niya. Sa pagkukuwento niya ng mga karanasan nila, naging daan ito para magkaroon siya ng mas malalim na koneksyon sa mga sumusunod (followers) at para makipag-usap sa kanila. Ang “platform” ni Issa ang naging daan para madinig ang mga kuwento ng mga di naririnig at di napapansin sa lipunan. Makaraan ang dalawang taon, lubos ang pagdami ng mga sumusunod sa kanya. Sa kabila ng di mapagkakailang talento at malaking bilang ng mga sumusunod sa kanya sa Instagram, nanatiling mapagkumbaba si Issa at ito ang sinabi niya sa amin, “Weird ang pakiramdam ko kapag tinatawag nila akong artist dahil alam ko naman na kulang ako sa kasanayan, sa disiplina at sa tingin ko hindi ako karapat-dapat na matawag na “artist.” Pero hindi ko naman hinahangad na maging pinakamagaling na “artist”, sinusubukan ko lang na maging mas mahusay ako kaysa dati- sinisikap ko na ilahad ang mga kuwentongpinagkatiwala sa akin at sa  pinakamabuting paraan na sa tingin ko ay dapat na maikuwento.

Screen Shot 2020-08-12 at 6.03.51 PM.png

issabarte.art on instagram

Habang lumalaki ang platform ni Issa, kung saan nahanap ng mga tao ang kanilang boses, nahanap rin niya ang boses niya at ginamit rin niya ang “platform” niya para madinig siya. Hanggang ngayon, nananatili siyang masigasig tungkol sa pagbabago na gusto niyang makamtan. Sawang-sawa na akong panoorin ang mga sakim at makasarili na namumuno, na siyang nangako na iaangat nila ang katayuan ng mahihirap. At hindi tinatago ng aking sining ang katotohanan na ito.Pinapakita ko kung gaano akong nasasaktan at kung gaano akong kalito. Ang mga namumuno ngayon ay patuloy na inaapi ang mamamayang Pilipino. Nalulungkot ako kapag naririnig ko ang mga kuwento ng mga taong takot mamatay, kung hindi dahil sa COVID-19, dahil naman sa gutom or sa kapabayaan. Pinapahiwatig ng mga bagong gawa ni Issa ang kanyang malalim na pagkabigo  sa pamahalaan at sa mga pamamaraan nila ng pagpapalakad.  

“Sawang-sawa na rin akong marinig ang mga kuwentong tungkol sa katatagan ng mga Pilipino na ginagamit na pantakip sa tunay na kalagayan ng pinaka mahihina sa lipunan na hirap na hirap na. Pagod na ako sa pagtrato sa mga politiko na parang alam nila lahat at mga tanyag na tao sila. Sa bagay, marami naman sa kanila ang nasa posisyon dahil lamang tanyag na tao sila.”

 

Sa pamamagitan ng kanyang “platform” at ng kanyang sining, ang boses ni Issa ay naging megaphone para sa madla na nakikibahagi sa kanyang mga damdamin pero walang kakayahan na maipaabot ang mga nararamdaman nila

Screen Shot 2020-08-12 at 5.48.46 PM.png

issabarte.art on instagram

Screen Shot 2020-08-12 at 6.16.21 PM.png

issabarte.art on instagram

Screen Shot 2020-08-12 at 6.18.32 PM.png

issabarte.art on instagram

Sa kabila ng lahat, si Issa ay maingat at madiin na pinapa-alala na hindi niya itinatatag ang sarili niya bilang isang sinag ng pag-asa.  Tunay at tapat ang sining niya, kailanman ay hindi niya itinatago o pinapaganda ang malupit na katotohanan na hinaharap nating mga Pilipino.. Pinapatindi ni Issa ang mga hinaing ng sambayanang Pilipino na natatahimik sa walang kabuluhang ingay na dala ng agenda sa politika. Gayunpaman, ang pagiging matapang sa panahon na ito ay maaaring magdala ng malubhang kahihinatnan. “Mahirap talaga, lalo na sa mga panahong ito na kapag nanindigan ka, parang inilalagay mo ang sarili mo sa panganib, pero kailangan nating gamitin ang ating karapatan na magsalita.” Tanggap ni Issa na kapag malaki ang “platform” mo, di maiiwasan na malagay ka  sa pampublikong pagsisiyasat at inaamin niya na nahirapan siyang mag-adjust dahil mahalaga sa kanya ang kanyang “privacy.” Gayunpaman, nangingibabaw ang kanyang pangako na gagawain niya ang kanyang bahagi upang lumikha ng pagbabagong ninanais niya. Ang pangakong ito ang nagbibigay ng lakas sa kanya para ipagpatuloy na palawakin ang kaalaman tungkol sa mga bagay na ipinaglalaban niya at patuloy na magbigay ng inspirasyon sa iba na ipaglaban ang pagbabago na inaasahan niya.

 

“Panahon na talaga para gumising. Ang tagal-tagal na nating natutulog. Masyado na tayong matagal na nanahimik.”

 

Inilantad ng kuwento ni Issa ang isang tunay na paghihirap,ngunit madalas makaligtaan at ngayon ay ginagawang normal.  Ang makapangyarihang paggamit ni Issa ng kanyang “platform” at higit sa lahat, ng kanyang boses ay nagbibigay ng inspirasyon sa The Adversity Archive.  Sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang kuwento, hangad naming bigyan kayo ng lakas at katatagan na hanapin ang inyong boses, at manindigan.  Huwag nating gawaing normal ang pagwawalang bahala sa anumang uri ng pang-aapi sa kapwa. 

bottom of page