top of page
English

Slowing Down : Jaja Bordado 

adarchive_final%20edit-3.JPG
adarchive_final%20edit-2.JPG

July 15, 2020 

Sachi Carlyn Lozano

“I like being busy. Besides being a fulltime employee at Bridge, I’m also a dancer, I train almost everyday.” 

Jaja Bordado is what most people would call a workhorse. Before the pandemic, she was balancing working full time for a startup company called Bridge and dancing professionally with a hip-hop group known as A Team. Her long days included working from 6am to 3pm, and training, as she said, “like the military” for 4 hours. While others may not have the courage to take on two completely different careers, Jaja welcomes the challenge of her “double life.”

 

“I get the best of both worlds."

 

"After college most people, when they’re passionate about something like singing, dancing, or arts, they’re always confused like, ‘oh should i just go to the corporate world or should i just focus on my passion?’ For me, it’s not a hindrance. When you really want something, when you really want to pursue something you can [do] both and not choose.”

Jaja leads a very fast-paced, busy life. Unsurprisingly, the Enhanced Community Quarantine completely changed her reality. The adjustment to work from home challenged many, and Jaja was no exception. The pressure only increased and the expectations were greater. “My boundaries between rest and work were ruined. It’s not just me, [it’s] everyone at the workplace because the expectations are so high. You always have to prove something, you always have to show [that] you’re productive. . .which for me is not healthy” Additionally, in lieu of training, her and her teammates were assigned a training program to fulfill. However, according to Jaja “it just feels different when you’re at home.” She explains how the energy in the studio is extremely important and in hip-hop especially, her and her teammates need to feed off of one another’s energy. Not being able to train in the studio surrounded by her teammates was difficult and at times, discouraging. As many artists can agree, the environment you create in is so important and dancing at home just wasn’t the same for Jaja. 

Ultimately, the lockdown order put her extremely busy life on hold and it was clearly a challenging adjustment. However the challenges brought by the quarantine reinforced the importance of a powerful concept her coach once shared with her, whatever you breathe in is also the amount that you breathe out.”

 

She explained how before she would just keep going, even if she was tired, even if she didn’t get enough sleep. However, she shares how being more rested has positively affected her work and how she learned the value of resting as much as she works. Slowing down also allowed her the time to release and free up her mind. “When I’m super busy, my mind doesn’t stop but right now I know how to pause and rest, to try and focus on what really matters.”

In addition to having more time for herself, the lockdown also gave her the opportunity to give more of her time to others. Her fast paced life rarely allows her to catch up with friends and she says her family can barely keep up with her but nowadays, she’s had a lot more time to invest in her relationships “Even if I don’t have the capacity to be with my friends physically, I have more of a chance to really reach out to them and check on them. I’m also looking for that care, so I’m returning the favor. I realized that people really need more of that right now.” 
Finally, the change of pace allowed her to be more creative with her time. Before, all she had time for was work and dance, but these days she’s been learning the keyboard and ukulele, she’s been spending time learning her mom’s recipes, and she’s been cooking for her housemates. 

Slowing down wasn’t something that came naturally for Jaja, but having to do so added value to her life. The connections she made with herself and with others, along with the opportunity to be more creative with her time gave her something to be grateful for in this difficult time. While the sudden shift of pace was difficult in the beginning, her sharings made it clear to The Adversity Archive that it has grown to be a welcomed change from her usually fast-paced, life. “Adversity. it will lead you to something great. Trust the process of everything, we’re individuals and it will be very different when you talk to other people but in general you need to trust the process even if it’s hard, it’s always hard in the beginning.”

 

The Adversity Archive is aware that there are many like Jaja that were shaken up by the sudden change, however we hope that her story inspires you to take the time to embrace your new reality and find peace amidst all that is changing.
 

Filipino

Pagbagal ng Takbo ng Buhay : Jaja Bordado 

adarchive_final%20edit-3.JPG
adarchive_final%20edit-2.JPG

July 15, 2020

Sachi Lozano

"Gusto ko kapag busy ako.  Maliban sa pagiging isang full-time na empleyado sa Bridge, isa rin akong mananayaw (dancer) at nag-eensayo ako araw-araw." 

Si Jaja Bordado ay ang tao na matatawag mong isang “workhorse.”  Yung grabe magtrabaho. Kahit na anong oras at kahit ano ang ipagawa mo, maaasahan mo siya. Bago ang pandemya, binabalanse ni Jaja ang pagiging isang full time na empleyado sa Bridge, isang start-up na kompanya, at ang kanyang pagiging isang propesyonal na mananayaw. Kabilang si Jaja sa A-team, isang hip-hop dance group.
 

Mahahaba ang mga araw ni Jaja.  Kabilang rito ay ang pagtatrabaho mula 6am hanggang 3 pm at ang pag-eensayo ng apat na oras, katulad ng mga sundalong militar.  Habang ang iba ay maaaring walang lakas ng loob na sumabak sa dalawang magkaibang tungkulin (ang pagiging empleyado at isang mananayaw), tinanggap ni Jaja ang hamon ng kanyang “double life.” "Nakukuha ko ang pinakamahusay sa parehong mundo. Pagkatapos ng kolehiyo, karamihan ay nalilito, dapat ba akong magtrabaho o magfokus na lang ako sa aking “passion,” katulad ng pag-awit, pagsayaw, ang iba naman ay sa larangan ng arts, pero para sa akin hindi siya nakakahadlang. Sa tingin ko, kung may gusto ka talagang gawain, kung may gusto kang makamit, puede mo talagang gawaan ng paraan, hindi mo kailangan pumili, kasi puede naman gawain pareho."

 

Napakabilis at sobrang busy ang buhay ni Jaja bago dumating ang pandemya.  Kaya naman noong nagdeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang gobyerno, hindi nakakapagtaka na malaki ang pinagbago ng buhay niya. Marami ang hinanmon ng panibagong “work from home” arrangement, pati na rin si Jaja ay kinailangang mag-adjust. Nasira lahat ng mga limitasyon na nilagay ko sa pagitan ng trabaho at pagsasayaw ko. Hindi lang naman sa akin nangyari ito, kundi sa lahat na rin ng mga katrabaho ko dahil malaki ang inaasahan nila sa amin.  Parang parati kang may pinapatunayan, at kailangan nakikita nila na may ginagawa ka. Sa aking pagsasayaw naman, binigyan kami ng “training program” na kailangan naming gawain, kaya lang iba talaga ang pakiramdam ng magkakasama kayo habang nag-eensayo.  Iba yung mag-isa ka lang.Iba kasi talaga ang sigla at lakas mo kapag magkakasama kayong nagsasayaw, lalo na sa hip-hop, kasi humuhugot ka rin ng lakas mula sa mga kasama mo sa grupo. Yung hindi kayo makapunta sa “studio”, hindi nakakapag-ensayo ng magkakasama, yung mag-isa ka lang na nagsasayaw, minsan nakakalungkot talaga at nakakapanghina ng loob. Sang-ayon naman lahat ng mga kasama ko na napakahalaga ng kapaligiran kung saan ka naglilikha. Para kay Jaja, talagang ibang-iba ang pagsasayaw sa bahay. 
 

Sa pagbaba ng “lockdown order", bumagal ang mabilis na takbo ng buhay ni Jaja at kinailangan niyang harapin ang napakalaking pagbabago sa takbo ng buhay niya. Ganoon pa man, dahil sa mga hamon na dala ng quarantine, lalong tumibay ang isang konsepto na minsan ay nailahad ng coach ni Jaja sa kanya, na “kung ano man ang ipasok mo sa luobin mo, ay siya ring ilalabas mo" Ipinaliwanag nya na noon, kahit pagod na pagod na siya, tuloy pa rin siya ng kakagawa, kahit walang tulog, sige pa rin.  Pero ngayon, dahil sa pagbagal ng takbo ng buhay niya, naunawaan niya ang kahalagahan ng pagpapahinga. Nakita niya ang positibong epekto ng pagpapahinga sa kanyang trabaho dahil mas maganda ang naibibigay niya. Natutunan niyang pahalagahan ang pagpapahinga, katulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang trabaho.  Dala ng pagbagal, napalaya niya ang kanyang kaisipan at ang reesulta ay tumaas ang kalidad ng kanyang mga kontribusyon sa trabaho.  Kapag sobrang busy ako hindi tumitigil ang utak ko sa kakaisip, pero ngayon marunong na akong huminto, magpahinga at ituon ang aking pansin sa mga bagay lamang na mahalaga. 

Bilang karagdagan sa pagkakaroon ng mas maraming oras para sa kanyang sarili, nagkaroon rin siya ng pagkakataon na ilahad ang oras niya para sa iba. Noong sobrang busy at bilis ng takbo ng buhay niya, wala siyang panahon para sa mga kaibigan o sa pamilya.  Ngayon na natutunan na niyang bagalan ang takbo ng buhay niya, namumuhunan siya sa pagtatatag ng maganda mga relasyon, di lamang sa pamilya, pati na rin sa mga kaibigan niya.  “Kahit na hindi ko man sila makasama ng personal, mas may oras ako ngayon na kamustahin sila at alamin ang kalagayan nila" Dahil nangangailangan ako ng kalinga ngayon, nauuna akong magbigay ng kalinga at atensyon sa mga nakapaligid sa akin. 

 

Kung noon, ang oras ko ay nakalaan lamang sa trabaho at pagsasayaw, ngayon naging mas malikhain ako sa aking oras. Marami rin siyang mga bagong natutunan, katulad ng pagtugtog ng keyboard at ukelele.  Pinag-aaralan niya rin ang mga recipe ng nanay niya at ngayon ay nakakapagluto na rin siya para sa mga housemates niya.

 

Hindi man natural kay Jaja ang mas mabagal na takbo ng buhay, ito naman ay nagbigay ng bagong kahalagahan sa kanyang buhay. Ang mga koneksyon na ginawa niya sa kanyang sarili at sa iba, kasama ang pagkakataon na maging mas malikhain sa kanyang oras ay nagbigay sa kanya ng bagong pananaw sa buhay. Nakita niya na napakaraming dapat ipagpasalamat sa buhay niya, lalo na ngayon sa napakahirap na panahon na ating dinaranas.  Kahit na mahirap sa simula ang biglang pagbabago ng tulin ng buhay niya, dahil sa mga inilahad ni Jaja sa The Adveristy Archive, naging malinaw sa amin na ito ay lumago at naging isang maligayang pagdating ng pagbabago mula sa kanyang karaniwang mabilis na buhay. "Ang kagipitan, mahirap man sa simula, ay aakayin ka patungo sa nakakabuti para sa iyo. Magtiwala ka lang sa proseso at makikita mo rin na kahit na iba-iba ang karanasan ng bawat isa, kailangan mo lang magtiwala sa proseso, kahit na mahirap sa simula." Lahat naman mahirap lang sa simula, at kapag naranasan mo na mauunawaan mo rin na kaya mo pala. Nauunawaan ng The Adversity Archive na marami ang katulad ni Jaja na nabigla sa biglaang pagdating ng pandemya at sa isang idlap ay nagbago ang kanilang buhay, inaasahan namin ng ang kanyang kuwento ay nagbigay ng inspirasyon para magpahinga, pagtuunan ng pansin ang sarili, at yakapin ang bagong katotohanan na iyong hinaharap at sana matulungan kang makahanap ng kapayapaan sa gitna ng lahat ng kaguluhan at pagbabago na pumapaligid sa iyo. 
 

bottom of page