top of page

A Key Player in Battle : Rowel Togo

English
rowel.jpg
rowel2.jpg
rowel4.jpg
rowel3.jpg

August 8, 2020

Sachi Carlyn Lozano

You can’t control the hand you're dealt, but you can control the outcome of the game.

Such is the case of Rowel Togo. To say that his life has been full of challenges, would be an understatement. Whether it’s the limitations presented to him because of his inability to finish school, financial challenge to make ends meet for his family, struggle to collate his Social Security Service papers, or the grave danger he faces everyday working as a frontliner in this critical time, it seems it's one hurdle after the the other for Rowel. Adversity seems to meet him at every turn. 

 

Early in his life, Rowel saw the limitations presented by not finishing school. His lack of a college degree prevented him from securing a stable job. As such, he ended up working at any job that would take him. He worked in construction, sold food in the market, and he even tried his hand at fishing at one point. The instability of all these jobs left Rowel worried for his family on a regular basis. “Ang sahod ko kasi ay  arawan [at] kulang na kulang na po yun. Para sa kuryente at tubig palang [yun] eh.” (I earn a daily wage and it’s not enough. It only pays for electricity and water.) Soon enough, it became clear to him that earning only a daily wage would not be enough to sustain his wife and 2 young kids. Through the referral of one of his family members, he was offered a job as a janitor at a health clinic that paid a regular salary. He gladly took the job, ready to enjoy the little comfort that this new, more secure job would bring for him and his family. This new job however, required that the employees work on their SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, etc. requirements themselves, and the company would pay for these benefits, but the company did not have the manpower to assist him in putting the papers together. Unfortunately for Rowel, his days were filled with work in the clinic, and any extra time he had was spent finding other ways to provide for his family. These busy days never allowed him the time to collate all the papers he needed to be approved for different employee benefits and given that part of the reason he was looking for a more stable job was to be able to have access to these kinds of benefits, Rowel knew he needed to go elsewhere. Just as things were beginning to look up for him, he was met with yet another challenge. However as with most of the challenges he encountered, Rowel hurdled it through his hard work and refusal to give up. He ended up taking a job at Chowking, though it was not nearly as convenient as his previous job due to the longer commute he had to take, the Chowking management handled all of the paperwork for his benefits and provided him and his family with a steady income. After a year of tirelessly working at Chowking, he received his best offer yet. The same health clinic he worked for before Chowking, offered him his job again and they agreed to cover all his SSS, PhilHealth and Pag Ibig benefits. Unsurprisingly, he quickly accepted the job.

 

Rowel thought that going back to this old job simply meant a shorter commute, stable income and select employee benefits. Little did he know, going back to this job would mean gaining bosses that would become family and making an impact in a way larger  scale than he could have ever predicted. His bosses, the owners of the clinic, are a married couple who are both doctors. Over the now 3 years he has spent working with them, Rowel developed a really good relationship with them. This was evident to The Adversity Archive when he said, “Malaking pasalamat ko talaga sa kanila parang [pamilya] ko na sila kasi po pag may sakit ang anak ko dinidiretso ko sa kanila, libre na yung check up sa kanila tapos dinidiscount pa ako sa gamot so malaking tulong talaga sa akin yun, ginagawa ko lang ng paraan para matuwa sila sa akin”(I’m very grateful for them. They’re like family to me. Whenever my kid is sick, I take her to them first. I just do whatever I can so that they will be pleased with me).

 

In the same way that Rowel values his bosses, it is evident that he is equally valued by his bosses and the clinic staff  as a whole. “Ako nalang mag isa na janitor kasi nag resign na yung isa parang di niya kinaya, nag resign siya, ako nalang mag isa, ako nalang lahat gumagawa ng gawain na dapat hati kami, pero para sa akin wala namang problema, kasi trabaho ko naman yun. Inaasahan [ako ng] clinic eh." (I’m the only janitor because the other janitor resigned. He couldn’t take it, he resigned. I’m the only one left, I do all the work that we were supposed to share but for me it’s not a problem because that’s my job. The clinic needs me).

In addition to taking care of all the cleaning, Rowel also serves as the guard of the clinic. He’s tasked to man the door at all times, constantly making sure that people enter one at a time, and that everyone who enters is wearing a mask. As both the clinic’s guard and cleaner, Rowel is always the first one in and last one out. While many may consider him overworked, Rowel is grateful for the opportunity to make more for his family. “Kahit man nadagdagan ang trabaho ko, ok lang po yun sa akin. Inisip ko parin yung pamilya ko, ano kakainin namin [kung hindi ako magtrabaho] kasi no work, no pay. Kahit ako yung unang pumasok, huling umuwi, ok lang po yun sa akin. Wala pong problema sa akin. Hindi ako makakareklamo kasi hindi ako nakapagtapos ng pag aaral siguro eto na yung binigay sa akin ng Diyos tsaka sa pamilya ko, kaya ginagawan ko ng paaraan.”(Even if I was given more work, It’s okay. I still think about my family, what will we eat if I don’t work because no work, no pay. Even if I’m the first to go to work and last to leave, that’s okay with me. It’s no problem. I can’t complain because I didn’t finish my studies so I think this is what God’s giving me instead so I have to make a way). 

 

Before the lights are on and the doctors are in, much work is done behind the scenes. In fact a very crucial part of the job is done before and after patients come in. Behind the scenes, our silent heroes make sure every part of the clinic is clean, every item is sanitized, and every room is ready for use.  It is people like Rowel who make it possible for doctors and nurses to effectively do their jobs. “Umaabot po ako ng 8 ng gabi, 11am hanggang 8pm, ako po naiiwan sa gabi, naglilinis ng mga inuupuan, yung mga dinadaanan ng mga tao, halos lahat ginagawa ko [noong mga araw na yon.]” (I reach up to 8 in the evening, 11am to 8pm. I’m the last one to leave. I clean the chairs, the places where people pass, I do all the cleaning and sanitation during that time). While some might be ashamed to call themselves a janitor, Rowel is proud to say that he is a janitor, and more importantly a frontliner. He knows the importance of his job and he takes it on with great pride.

 

“Proud po ako na frontliner ako, kahit paano nakakatulong ako hindi man ako ang gumagamot sa mga tao na may sakit, pero nakakatulong ako sa mga kasama ko katulad ng staff, katulad ng mga nurses, doctors, na naasist ko sila sa trabaho nila. . .doon palang po malaking tulong ko na bilang frontliner hindi naman ako nakakatulong sa mga pasyente, nakakatulong naman ako sa mga kasama ko” (I’m proud that I am frontliner. I may not directly help people who are sick, but I’m able to help those I work with, like the staff, nurses, and doctors. With just that, I’m already able to help a lot. I don’t help patients, but I do help those I work with). 

 

Despite all of the many challenges, and the unfavorable hand he was dealt, Rowel has managed to make the most of all that he’s been given. In this pandemic more than ever, Rowel’s work is extremely valuable. His story underscores the fact that your circumstances don’t have to dictate your capacity to contribute and make an impact. The Adversity Archive acknowledges the efforts of unsung heroes like Rowel. They risk and sacrifice their lives for us. They are the silent warriors who keep us safe but are often overlooked. Though they are seldom seen and recognized, they play a key role in the battle we’re facing.

Filipino

Totoong Bayani sa Laban: Rowel Togo

rowel.jpg
rowel2.jpg
rowel4.jpg
rowel3.jpg

August 8, 2020

Sachi Lozano

Hindi mo talaga makokontrol kung ano ang ibibigay sa iyo ng buhay,

pero puede mong kontrolahin ang kalalabasan ng buhay mo.

 

Eto ang kuwento ni Rowel Togo. Punong-puno ng pagsubok ang buhay niya. Sa dami ng mga limitasyon na hinarap niya kung ito man ang hindi pagtatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay, o ang kanyang araw-araw na pakikipagsapalaran para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, o ang pagkokolekta ng mga kiankailangan para makakuha ng SSS at ngayon ang pagharap sa panganib araw-araw bilang isang frontliner sa mga panahon na ito. Parang sinasalubong siya ng mga pagsubok at matapos malupig ang isang hamon, ay may bago na naman. Ang kahirapan ay tila sinusundan siya. 

 

Maagang nakita ni Rowel ang limitasyon na dulot ng hindi pagtatapos ng pag-aaral. Dahil hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, hindi siya makakuha ng matatag na trabaho. Dahil doon, pinasukan niya ang kahit ano mang trabaho na tatanggap sa kanya.  Nagtrabaho siya bilang isang construction worker, nagtinda ng pagkain sa palengke, at sinubukan pa niya ang pangigisda. Dahil pabago bago ang mga trabahong napasukan niya, madalas nangangamba si Rowel para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. “Ang sahod ko kasi ay  arawan [at] kulang na kulang na po yun. Para sa kuryente at tubig palang [yun] eh.” Agad na naunawaan ni Rowel na ang arawan na trabaho ay hindi sapat para tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang asawa at dalawang batang anak. Mula sa rekomendasyon ng isang kamag-anak, si Rowel ay natanggap sa isang health klinik, bilang isang janitor at siya ay nakatanggap ng regular na sahod. Masayang tinanggap ni Rowel ang bago niyang trabaho at handa siyang magtamasa ng kaunting ginhawa na dala nitong bagong trabaho niya na sa tingin niya ay mas maaasahan niya kaya lang dito sa bagong trabaho niya, kailangan ng bawat empleyado na personal na lakarin ang mga kinakailangan para makakuha ng benepisyo mula sa SSS, PhilHealth at Pag-Ibig.  Bagama’t babayaran ng kompanya ang mga benepisyong ito, wala silang tauhan na mag-aasikaso ng mga papeles ni Rowel. Dahil abala si Rowel sa buong maghapon sa mga tungkulin niya sa klinik, hindi niya rin na-asikaso ang mga ito. Hangarin niyang makakuha benepisyo para sa pamilya niya, kaya niya tinanggap ang trabaho. Alam ni Rowel, na sa ngayon, kailangan muna niyang maghanap ng ibang mapapasukan kung saan makukuha niya ang mga benepisyo para sa pamilya niya. Nang magsimulang lumiwanag ang landas ni Rowel, isang pagsubok na naman ang hinarap niya. Pero sanay si Rowel sa mga hamon at sa kahirapan kaya nagsumikap siya at hindi sumuko. Nagkaroon ng pagkakataon si Rowel na makapasok sa Chowking, at kahit na mas mahirap ng bahagya ang bagong trabaho na ito,dahil malayo ito sa tinitirahan niya at mas matagal ang biyahe,  tinaggap pa rin niya ito. Inasiko ng pamunuan ng Chowking ang mga papeles para sa mga benepisyo niya at itong bagong trabaho na ito ang nagbigay sa kanya ng tuloy-tuloy na kita. Matapos ang isang taon ng puspusang pagtatrabaho sa Chowking, inalok siyang muli ng dati niyang pinagtatrabahuhan ng pagkakataon na bumalik sa klinik at magtrabaho muli para sa mga dati niyang boss. Kasama sa alok ng klinik ang mga benepisyong SSS, PhilHealth at Pag-Ibig. Di kataka-taka na tinaggap niya ang alok nila.

 

Akala ni Rowel na ang pagbabalik niya sa dati niyang trabaho ay nangangahulugan lamang na mas madaling makarating sa trabaho, matatag na kita, at mga benepisyo. Di niya inakala na ang pagbabalik pala niya sa dating trabaho ay magbibigay sa kanya ng mga boss na magiging pamilya na rin niya at habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin, magkakaroon siya ng isang makabuluhang epekto sa panahon na ito. Sa loob ng 3 taon mula ng bumalik siya sa klink, nakabuo sila ng magandang relasyon. Malinaw ito sa The Adversity Archive nang sinabe niya, “Malaking pasalamat ko talaga sa kanila parang [pamilya] ko na sila kasi po pag may sakit ang anak ko dinidiretso ko sa kanila, libre na yung check up sa kanila tapos dinidiscount pa ako sa gamot so malaking tulong talaga sa akin yun, ginagawa ko lang ng paraan para matuwa sila sa akin.”

 

Kung gaano pahalagahan ni Rowel ang kanyang mga boss, ganoon rin naman ang pagpapahalaga ng mga may-ari ng klinik at ng mga kasama niya sa kanya. “Ako nalang mag isa na janitor kasi nag resign na yung isa parang di niya kinaya, nag resign siya, ako nalang mag isa, ako nalang lahat gumagawa ng gawain na dapat hati kami, pero para sa akin wala namang problema, kasi trabaho ko naman yun. Inaasahan [ako ng] clinic eh.  Maliban sa paglilinis, si Rowel din ay tumatayong guwardiya ng klinik. Sinisiguro niya na lahat ng papasok ay nakasuot ng mask at walang lagnat. Bilang tagalinis at guwardiya ng klinik, si Rowel ang unang dumadating sa trabaho para buksan ang klinik at siya rin ang pinakahuling umuuwi, matapos maglinis, siya rin ang nagsasara ng klinik. Marami marahil ang magsasabi na ‘overworked” si Rowel, para sa kanya tinatanaw niya itong isang malaking pribilehiyo na magkaroon ng pagkakataon na kumita ng sapat para sa pamilya niya. “Kahit man nadagdagan ang trabaho ko, ok lang po yun sa akin. Inisip ko parin yung pamilya ko, ano kakainin namin [kung hindi ako magtrabaho] kasi no work, no pay. Kahit ako yung unang pumasok, huling umuwi, ok lang po yun sa akin. Wala pong problema sa akin. Hindi ako makakareklamo kasi hindi ako nakapagtapos ng pag aaral siguro eto na yung binigay sa akin ng Diyos tsaka sa pamilya ko, kaya ginagawan ko ng paaraan.”

 

Bago pa man bumukas ang mga ilaw at dumating ang mga doktor, maraming trabaho ang kailangan gawain para maihanda ang klinik para sa mga darating na pasyente.  Hindi kapansin-pansin ang mga tahimik na bayani na gumagawa sa likod ng mga eksena, sinisiguro na bawat sulok ng klinik ay malinis at bawat kagamitan na-”sanitize,” bawat kuwarto nakahanda.  Ang mga taong katulad ni Rowel ang nasa likuran ng mga doktor at nars at sila ay malaking tulong para magampanan nila ang kanilang trabaho ng epektibo. “Umaabot po ako ng 8 ng gabi, 11am hanggang 8pm, ako po naiiwan sa gabi, naglilinis ng mga inuupuan, yung mga dinadaanan ng mga tao, halos lahat ginagawa ko [noong mga araw na yon.]”  Habang may ilan na kinahihiyang tawagin silang  janitor, ipinagmamalaki naman ni Rowel ang kanyang pagiging janitor, at higit sa lahat ang pagiging isang frontliner. Alam niya ang kahalagahan ng kanyang trabaho at ginagawa niya ito ng mabuti para maipagmalaki.

 

Proud po ako na frontliner ako, kahit paano nakakatulong ako hindi man ako ang gumagamot sa mga tao na may sakit, pero nakakatulong ako sa mga kasama ko katulad ng staff, katulad ng mga nurses, doctors, na naasist ko sila sa trabaho nila. . .doon palang po malaking tulong ko na bilang frontliner hindi naman ako nakakatulong sa mga pasyente, nakakatulong naman ako sa mga kasama ko.”

 

Sa kabila ng maraming hamon at pagsubok na sumalubong kay Rowel, nagawa ni Rowel na harapin ang mga ito, gamitin at lubusin ano man ang meron siya para para maitaguyod ang kanyang pamilya at para makatulong sa bayan sa madilim na panahon na nararanasan natin. Lalo na sa panahon ng pandemya, ang gawain na ginagampanan  ni Rowel ay talagang mahalaga. Ang kuwento ni Rowel ay nagpapatunay lamang na ang kalagayan o estado mo sa buhay ay hindi kailangang maging basehan ng iyong kakayahan para tumulong at gumawa ng epekto sa buhay ng marami. Kinikilala ng The Adversity Archive ang mga pagsisikap ng mga di kilalang mga bayani na katulad ni Rowel. Nilalagay nila ang sarili nila sa panganib at nagsasakripisyo sila araw-araw para ang nakararami ay manatiling ligtas sa panahong ito.  Tahimik silang gumagawa at madalas di sila napapansin, hanggang wala na sila. Kahit minsan lang sila nakikita, madalas hindi kilala, malaki ang papel nila dito sa laban na patuloy nating hinaharap. 

bottom of page