top of page
English

Labang Pangkalsugan :
Aleynah, Gaby, Lyaa, Miren, and Trisha

September 30, 2020

Lorenzo Ortega

“Every big thing really starts small and if you have the passion to grow [it], it will grow to the size you want, as long as you persist and are truly passionate about it” - Lyaa Pineda

On the onset of the COVID-19 pandemic, it was hard to come across reliable information on social media. As politicians debated on the use of terms such as “Kung-Flu” or “Chinese flu” which took precedence over providing quality healthcare, five college students went on a mission to educate and spread awareness on the Filipino’s right to quality healthcare. Labang Pangkalusugan (LP) is Aleynah Prieto, Lyaa Pineda, Gaby Silao, Miren Legarda, and Trisha Ching’s way to make good use of their knowledge and skills to provide consolidated and reliable information about COVID-19 by using social media as a tool for change. 

 

The organization started at the peak of the pandemic at a time when the general public knew little about the virus. The team’s mission was to disseminate information about the virus to ease people’s minds with credible fact-checked information. But as the quarantine progressed, it became a disheartening reality that the problem stems from a much bigger problem than healthcare. At its core, the founders of LP have identified that our system is very privileged and that only a certain amount of people have access to the information regarding the news and facts on COVID-19. This propelled them to make their posts available in English and Filipino to level the playing field in healthcare education. 

IMG_0499.JPG

“One of our main advocacies in LP is for more Filipinos and more people living in marginalized areas to have more access to healthcare and education, which is one of the most fundamental properties of taking care of oneself in this pandemic”, says Trisha.

 

As information is increasing in volume on social media, which exhausts our attention and our urge for novelty causes us to switch between topics more regularly, it was an obvious step for the team to keep their posts short and straight to the point, coupled with playful visuals to make sure their audience remembers the important information they put out. “When you scroll [ through social media] and see [the posts of] DOH or WHO, you're [just] going to read the headline and that's it. So I feel like they would read it if the information was already in a square with bullets. That's why we make our information very concise and in both languages so that people who don't have a science background can still find the same info with easy access”, shares Gaby. 

 

In addition to managing their social media page, the team also started initiatives like #kitaforkits where they raise money to provide COVID-19 test kits to the marginalized and hard-to-reach areas in Northern Luzon and Eastern Visayas and they've hosted a webinar with more than 1,500 participants. Through this, they hope to empower members of the community, especially the youth, to do their part. 

 

Coming from different backgrounds, different courses, and different interests, the founders of Labang Pangkalusugan all have something different and unique to offer on the table.  "It is our similarities and our differences [that] make us what we are now", shares Miren. As the organization continues to grow and day-to-day operations become more complex, each team member has to bounce off roles and step up when necessary to assist one another or "salo" obligations, as Trisha coins it. But despite the overwhelming responsibilities and demands of school and their other commitments,  the work ethic each team member practices makes for an effective team dynamic. 

 

As the team reflected on the impact they have made, it became apparent that the problem did not only concern healthcare, but stemmed from a wide array of social, economical, and political issues. “I feel like as youth and as advocates for something that is very much a political issue like healthcare, it is important for us to speak up about it”, reflects Ley. The group told The Adversity Archive that they are not hesitant to speak about controversial issues like the Anti-Terror Bill for as long as they stick to the facts and refrain from using an offensive or hostile tone. It is the hope of the founders of LP that people who have similar opinions as they do feel empowered that they aren’t alone and that they have a platform to express their frustrations on how things are being handled, to speak up, and show others that activism is not terrorism.  

 

“So we're still going to resist with knowledge because that's the whole basis of what LP is: empowering people through knowledge, and if the knowledge is true and factual, then, there's nothing wrong with that”, shares Gaby. 

The vicious cycle of inequality and oppression that the youth has had to swallow stems from the constant failures of a kleptocratic government who under its current rule, further demoralizes the spirit of free thought. But despite the conditions they find themselves in, they are resilient. And this is evident from their refusal to let fear prevent them to push action and change the status quo. As Trisha puts it, "Don't let your fear of the unknown hinder you from taking steps toward things you are passionate about".

 

The Adversity Archive acknowledges the challenges that this pandemic has brought on the founders of Labang Pangkalusugan and all students alike, however, we proudly congratulate them for using their time in quarantine as an opportunity to serve and educate the Filipino people. “People tend to look down on young people but we're the future, we have a voice and we have all the power to make a change and it's really cool that we get to do it. Even with all these inequalities and all the issues in the world. . . at least we know we can do something about it even in our own way and [even if] we're not in a high position, we can still make a change”, shares Ley. They are a true testament to the youth’s power to spark change.

Filipino

Labang Pangkalsugan :
Aleynah, Gaby, Lyaa, Miren, and Trisha

September 30, 2020

Lorenzo Ortega

"Ang bawat malaking bagay ay nagsisimula nang maliit at kung mayroon kang pagnanasa na palaguin [ito], ito ay lalago sa laki na gusto mo, basta manindigan ka at tunay na radikal tungkol dito", pagbabahagi ni Lia.

Sa mga unang araw ng pandemiya, napakahirap na makahanap ng maaasahang impormasyon sa social media. Habang pinagtatalunan ng mga pulitiko ang paggamit ng mga tema tulad ng "Kung-Flu" o "Chinese flu", na mas pinagtuunan ng pansin kaysa sa pagbigay ng dekalidad  na serbisyong pangkalusugan, limang estudyante sa kolehiyo ang nagsumikap na turuan at magpalaganap ng kamalayan sa karapatan ng Pilipino sa kalidad ng pangangalagang pangkalusugan. Ang Labang Pangkalusugan (LP) ay ang proyekto nina Aleynah Prieto, Lyaa Pineda, Gaby Silao, Miren Legarda, at Trisha Ching. Ito ang kanilang paraan upang magamit ng mabuti ang kanilang kaalaman at kasanayan upang maibigay ang maaasahang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng paggamit ng social media bilang instrumento ng pagbabago .

 

Ang organisasyon ay nagsimula sa panahon na kakaunti lamang ang nalalaman ng publiko tungkol sa virus. Ang misyon ng koponan ay magpalaganap ng kapani-paniwalang  impormasyon batay sa katotohanan upang mapagaan ang pag-iisip ng mga mamamayan. Ngunit habang tumatagal ang quarantine, natanto ng koponan ang masaklap na katotohanan na ang problema ay nagmumula sa mas malaki pang problema. Natanto nila na ang ating sistema ay napaka-mapribilehiyo, at iilan lamang ng mga tao ang may access sa impormasyon tungkol sa mga balita at mga impormasyon sa COVID-19. Ito ang nagtulak sa organisasyon na gawing Ingles at Filipino ang kanilang mga post upang lahat ng Pilipino ang makabasa at makaunawa nito. 

IMG_0499.JPG

"Isa sa aming pangunahing adbokasiya sa LP ay para mas maraming Pilipino at mga taong naninirahan sa margninalized areas na magkaroon ng access sa healthcare at edukasyon, na isa sa pinakamahalagang katangian ng pangangalaga sa sarili sa pandemiyang ito", sabi ni Trisha.

 

Habang dumarami ang impormasyon sa social media (na naglilimita ng ating atensyon at pagnanasa para sa mga paraan na makabago ang sanhi kung bakit palipat-lipat tayo sa pagitan ng mga paksa) naging halatang hakbang para sa koponan na panatilihing maikli at tuwid sa punto ang kanilang mga post, kaakibat ng mapaglarong visuals upang matiyak na maalala ng kanilang mga tagapagsubaybay ang mga mahahalagang impormasyon. "Kapag nag-scroll ka [sa social media] at nakikita mo [ang mga post ng] DOH o WHO, babasahin mo [lang] ang headline at ayun lang. Kaya't nararamdaman kong babasahin nila ito kung ang impormasyon ay nasa isang parisukat na may mga “bullet points”. Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa naming tuwid sa punto ang aming impormasyon at sa parehong mga wika upang ang mga taong walang background sa agham ay mahahanap pa rin ang parehong impormasyon sa madaling paraan pagbabahagi ni Gaby.

 

Bukod sa kanilang pamamahala sa social media, nagsimula din ang koponan ng mga kawanggawa tulad ng #kitaforkits kung saan nagtipon sila ng mga donasyon upang makapagbigay ng mga COVID-19 test kits sa mga marginalized at mahihirap na maabot na mga lugar sa Hilagang Luzon at Silangang Kabisayaan. Nag-host rin ang organisasyon ng 2-week long na webinar na dinaluhan ng higit sa 1,500 na mga kalahok. Sa pamamagitan ng webinar, inaasahan nila na nabigyan ng kapangyarihan ang mga miyembro ng pamayanan, lalo na ang kabataan na gawin ang kanilang bahagi.

 

Dahil iba't-iba ang kanilang mga karanasan, iba't-iba ang mga kurso sa kolehiyo, at iba’t-iba ang kanilang mga interes, ang bawat miyembro ng Labang Pangkalusugan ay may kakaiba at natatanging bagay na ibinabahagi sa orgnanisasyon. "Ang aming mga pagkakapareho at mga pagkakaiba ang naghubog sa kung ano man kami ngayon", pagbabahagi ni Miren. Habang patuloy na lumalaki ang samahan at nagiging mas kumplikado ang pang-araw-araw na pagpapatakbo ng organisasyon, lahat sila ay tulong-tulong sa kanilang bawat obligasyon sa LP o "salo", ang salita na ginamit ni Trisha. Ngunit sa kabila ng mga obligasyon sa paaralan at buhay org, ang LP ay may mabisang “dynamic”, na kitang-kita sa etika ng trabaho na pinamamalas ng bawat miyembro ng koponan.

 

Habang pinagninilay ng koponan ang epekto ng kanilang organisasyon, mas malinaw na ang problema ay hindi lamang tungkol sa healthcare, ngunit nagmumula sa malawak na hanay ng mga isyu na panglipunan, pangkabuhayan, at pampulitika. "Nararamdaman ko na bilang kabataan at bilang tagapagtaguyod para sa isang bagay na labis na isang ma-pulitikang isyu tulad ng healthcare, mahalaga na magsalita tayo tungkol dito", pagbabahagi ni Ley. Sinabi ng grupo sa The Adversity Archive na hindi sila nag-aalangan na magsalita tungkol sa mga kontrobersyal na isyu tulad ng Anti-Terror Bill hangga't nananatili sila sa katotohanan at pipigilan nila ang mga sarili sa paggamit ng nakakainsulto o mabangis na tono. Inaasahan ng mga nagtatag ng LP na ang mga tao na may parehong mga opinyon ay mabuhayan ng loob na hindi sila nag-iisa at mayroon silang plataporma upang ipahayag ang kanilang mga hinaing, upang ipahayag at ipakita sa iba na ang aktibismo ay hindi terorismo.

 

"Kaya't lalaban pa rin tayo gamit ang ating kaalaman sapagkat ito ang buong batayan kung bakit itinatag ang LP: pagbibigay kapangyarihan sa mga tao sa pamamagitan ng kaalaman, at kung ang kaalaman ay batay sa katotohanan, kung gayon, walang masama doon,"  bahagi ni Gaby.

 

Ang patuloy na pagkabigo ng gobyerno sa ilalim ng kasalukuyang pamamahala na lalong nagpapahina sa diwa ng malayang pag-iisip ay ang ‘new-normal’ na nararanasan ng kabataan ngayon sa panahon ng pandemiya. Ngunit sa kabila ng mga kundisyon na pumapaligid  sa kanila, sila ay nananatiling matatag. At maliwanag ito mula sa kanilang pagtanggi na hayaan ang takot na pumigil sa pagnanais ng aksyon at pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon. At gaya ng sabi ni Trisha, "Huwag hayaan ang iyong takot na humadlang sa pag simula ng mga hakbang patungo sa mga bagay na iyong pinakamamahal."
 

Kinikilala ng Adversity Archive ang mga hamon na idinulot ng pandemiya sa mga nagtatag ng Labang Pangkalusugan at lahat ng mga mag-aaral, gayunpaman, nais din naming ipagmalaki sila sa paggamit ng kanilang oras sa quarantine bilang isang oportunidad para paglingkuran at turuaan ang sambayanang Pilipino. "Mababa ang tingin ng karamihan sa kabataan ngunit tayo ang literal na kinabukasan, mayroon tayong boses at mayroon tayong kapangyarihan na gumawa ng pagbabago at napaka-cool na magagawa natin ito kahit na may covid, mga inequalities at mga isyu na hinaharap ang mundo at maganda lang isipin na may magagawa tayo dito kahit na sa ating sariling pamamaraan at wala tayo sa mataas na posisyon, makakagawa pa rin tayo ng mga pagbabago”, pagbabahagi ni Ley. Sila ay patunay na may kapangyarihan ang kabataan na magsimula ng pagbabago.

bottom of page