A Master of Adversity : Ed Gatchalian
July 22, 2020
Sachi Lozano
Maybe it was graduation, a wedding, or a summer trip, whatever it was, each of us had one thing we were looking forward to that was postponed or worse, cancelled. For Ed Gatchalian-- Tito Ed to most, it was the postponement of the developmental run of his upcoming original Broadway musical. Can you imagine how devastating this must be, to be so close to your dream only to have it postponed by an unexpected, uncontrollable situation? Tito Ed however, is no stranger to adversity.
After experiencing life’s many curveballs, Tito Ed claims that he learned not to “say no to something you can’t do.” In his 3rd year of high school, he got kicked off the baseball varsity team for failing his second semester. However, after repeating his third year of high school without baseball, the coaches told him that he would only be let back on the team as a catcher. While it wasn’t what he was used to, he ended up spending the summer before his fourth year of high school training to be a catcher. He eventually made it back on the team his fourth year. Another time, he was supposed to play the piano in a convocation but at 9:00 pm in the evening, he found out that there was no piano, only guitar. That very night he looked for the chords, and the next day, he played guitar. It is this consistent fighting spirit, his wife, Tita Bing, who he claimed “[has always] had more confidence in me than I had in myself,” and his refusal to give up in the face of adversity that has helped Tito Ed navigate the difficulties of the pandemic.
These little setbacks were only the beginning. In his life, Tito Ed has faced a mountain of different obstacles and perhaps the most challenging one would arguably be the unfortunate incident that happened in Singapore nearly 5 years ago. Tito Ed was commissioned to write the music for the 50th anniversary celebration of Singapore featuring the life of former Prime Minister, Lee Kuan Yew. “It was a huge artistic success!” Unfortunately, the ticketing company was swindled and the ticket revenue of their production was taken by an overseas bank. Needless to say, it was a difficult time for Tito Ed and his wife.
“But on those lowest points in my life,” he said, “It is just the grace of God that would make me go to him at night and say Lord I am so afraid of tomorrow but you know what, I want to tell you, I have not stopped loving you.”
After a year of taking a break from it all, that same fighting spirit that put him back on the baseball team, that taught him how to play the guitar, got him back to writing music. It was this brave decision to go back to music that gave birth to the story of his original Broadway musical.
“I sent this story to the producer not thinking of anything, but he answered!” The opportunity to write this original Broadway musical after an unfavorable situation in Singapore was such a huge win for Tito Ed. The opportunity in itself is a testament to how time and time again, God delivered him from what seemed like a hopeless situation.
Eventually after months of writing music and working with a playwright, he and his team were ready for their second table read, when the virus broke out and everything was postponed.
“If you’re weak on the inside and all of your dreams suddenly went ‘kaput’ it would be difficult, but that’s why I told you all of these stories. . . you [must] understand why, when Covid-19 broke out, I said, ‘Lord you’re in charge!’
In Tito Ed’s life, God has never failed to come through for him, so when news of the virus circulated, Tito Ed and his wife, Tita Bing were prepared. When asked what the biggest challenge of the lockdown was for him, he smiled enormously and said “wala eh!” (not a thing!). “As a matter of fact, Tita Bing and I are really enjoying ourselves. It didn’t happen overnight [but] because of the trials the Lord allowed me to have, I learned to turn to him. . .I didn’t realize it but God was preparing us for the lockdown. So my story is: I was prepared by God.”
Many of us are still learning how to deal with all the uncertainty and anxiety, and many of us are still figuring out how to cope with the lockdown, but Tito Ed is clearly a master of adversity. And if there’s one thing he would like to leave with everyone it’s that, “It all boils down to trusting in God and what He’s given you. Life has a lot of difficulties and a lot of joy. Every child dreams of Cinderella endings, [but] that’s not life. Climbing up the stairs is not easy sometimes. When the nature of the world hits you, you have to be prepared. The worst thing that can happen is that you’re not prepared. Everyday of your life is preparation for tomorrow.”
Master ng Adversity : Ed Gatchalian
July 22, 2020
Sachi Lozano
Maaaring ito ay pagtatapos sa kolehiyo,isang kasal na ating dadaluhan, o isang biyahe na matagal na nating pinaghandaan. Bawat isa sa atin ay may mga plano na hindi natuloy dahil sa pagdating ng Covid 19 sa mga buhay natin. Para kay Ed Gatchalian, na kilala ng marami bilang Tito Ed, ito ay ang pagpapaliban ng “developmental run” ng kanyang paparating na Broadway musical. Isipin mo na lang ang tindi ng pangyayaring ito na malapit na malapit ka na sa katuparan ng isang pangarap na matagal mong hinintay at tinrabaho, at sa isang idlap ito ay kailangan mo na naman na ipagpaliban dahil sa isang sitwasyon na wala kang kontrol. Kahit na paano mo isipin, wala kang maaaring gawain para baguhin ang takbo ng panahon.
”Paano ako hinanda ng Panginoon para dito? Wika nga niya, sa pamamagitan ng aking buhay at mga nakaraan na karanasan. Ayon sa kanya, ang kanyang makulay at makasaysayang buhay sa loob ng pitumpu’t-pitong (77) taon ay sapat na paghahanda para sa panahong ito.
Dahil sa daming naranasan na mga pagsubok sa buhay, sabi ni Tito Ed, natuto siyang hindi humindi sa isang bagay na hindi mo kayang gawain. Noong 3rd year highschool sya, nasipa siya sa baseball varsity team matapos ibagsak ang 2nd semester niya. Matapos ulitin ang kanyang 3rd year sa high school na walang baseball, kinausap siya ng mga coach niya at sinabihan na maaari siyang bumalik sa baseball team bilang catcher ng team. Hindi ito ang kanyang nakasanayan, kaya ang ginawa niya ay ginamit niya ang buong summer ng niya bago pumasok sa 4th year high school para mag-ensayo bilang isang catcher. Nakabalik siya sa baseball team nang magsimula ang ikaapat na taon niya sa high school. Noong minsan naman ay naanyayahan siya na tumugtog ng piyano sa isang seremonya ng pagtitibay, pero noong 9:00pm ng gabing iyon, nalaman niya na wala palang piyano doon sa paggaganapan ng seremonya. Ang meron lamang ay isang gitara. Ang ginawa niya ay hinanap niya noong gabing iyon mismo ang kords ng gitara, inaral niya ito at kinabukasan ay dumalo sa seremonya at tumugtog ng gitara. Ayon sa kanyang maybahay, na si Tita Bing, itong masugid na pagpupursige ni Tito Ed at ang kanyang “fighting spirit,” ito ang nakatulong sa kanyang mag-navigate sa mga kahirapan na dala ng pandemya. Ayon naman kay Tito Ed, “noon pa man, mas malaki ang tiwala ni Tita Bing sa mga kakayahan ko, kaysa sa sarili ko.”
Etong mga maliliit na aberyang ito, ay simula pa lamang. Sa buhay niya, maraming bundok ng mga hadlang at iba’t-ibang mga pagsubok ang hinarap ni Tito Ed at siguro ang pinakamalaking pagsubok niya ay ang isang kahina-hinayang na pangyayari na naganap sa Singapore, halos limang taon na ang nakalipas. Inatasan siyang isulat ang musika para sa ika-50th na anibersaryo ng Singapore kung saan itinampok ang buhay ng dating Prime Minister na si Lee Kuan Yew. Naging napakalaking tagumpay sa sining, gayon nga lang, ang kompanyang nagtinda ng mga tiket para sa palabas ay na-swindle at lahat ng kita ay nakuha ng isang bangko sa ibang bansa. "Hindi ko mailahad ang hirap ng panahon na iyon para sa amin ng aking asawa. Pero sa loob ng kahirapan at kalungkutan ng mga panahon na iyon,” wika ni Tito Ed, tanging ang biyaya ng Diyos lamang ang nakapagtulak sa akin na makipag-usap at manalangin sa kanya sa gabi, at sinasabi ko sa kanya na takot na takot ako para sa mga bukas na darating, pero Lord, gusto kong sabihin sa iyo na mahal na mahal kita at kahit minsan hindi ako tumigil sa pagmamahal ko sa iyo.”
Matapos ang isang taon ng pagpapahinga mula sa lahat, ang “fighting spirit” na nagbalik sa kanya sa baseball team noong 4th year high school, yung nag-udyok sa kanya na aralin ang pag-gigitara, itong “fighting spirit” na ito rin ang nagbalik sa kanya sa pagsusulat ng musika. Itong matapang na desisyon na bumalik muli sa pagsusulat ng musika ang siyang nagbunga ng kuwento ng kanyang “original Broadway musical.”
“Pinadala ko lang ang kuwento sa isang producer, di ko na masyadong inisip, tapos sumagot siya!” Ang pagkakataon na maisulat ang isang original Broadway musical, matapos ‘yung isang di kanais-nais na pangyayari sa Singapore ay isang napakalaking panalo para kay Tito Ed. Ang pagkakataon na ito ay isa na namang testamento sa patuloy na pagliligtas ng Panginoon sa kanya mula sa isang sitwasyon na tila ay wala ng pag-asa. Matapos ang ilang buwan ng pagsusulat ng musika at maraming oras ng pagtatrabaho kasama ang isang “playwright,” handa na si Tito Ed at ang kanyang pangkat na gawain ang pangalawang pagbasa. Naghahanda na sila para sa pangunahing “developmental run” ng musical, ng biglang dumating ang Covid 19 at muling nahinto ang lahat. Ipagpapaliban na naman.
“Kung mahina ang kalooban mo, at sa isang idlap ay naglaho ang iyong mga pangarap, siguradong mahirap itong tanggapin, kaya nga ikinuwento ko lahat ng mga nangyari sa akin bago pa man dumating ang pandemya para maunawaan mo kung bakit nang dumating ang Covid 19, sabi ko sa Panginoon, “Lord, you are in-charge!!”
Sa buhay ni Tito Ed, ni minsan hindi siya binigo ng Panginoon, sa lahat ng panyayari, parati siyang iniligtas at di pinabayaan, kaya naman ng dumating ang nakakabahalang balita tungkol sa virus, handa sila Tito Ed at Tita Bing. Nang tanungin naming siya kung ano ang pinakamalaking pagsubok na dala ng lockdown sa kanya, ngumiti siya ng isang napakalaking ngiti at ang sagot niya,
“Wala eh! Sa katunayan ay nag-eenjoy kami ni Tita Bing sa mga panahong ito. Hindi naman ito biglang nangyari para sa amin, pero dahil sa lahat ng mga pagsubok na pinahintulutan ng Panginoon, natuto akong pumunta sa kanya. Hindi ko natanto na matagal na kaming hindanda ni Lord. So ang kuwento ko ay, hinanda kami ni God.”
Marami sa atin ay ngayon pa lang natututo kung paano haharapin ang kawalan ng katiyakan at ang pagkabalisa. Marami pa rin ang nag-iisip kung paano kakayanin ang mga iba’t-ibang panyayari na dulot ng lockdown, pero malinaw na si Tito Ed ay master ng kahirapan at pagsubok. At kung may isang bagay siya na gustong iparating sa lahat ay ito, “lahat ito ay nagsisimula sa pagtitiwala sa Diyos at kung ano ang ibinigay Niya sa iyo. Maraming kahirapan ang buhay at maraming kagalakan. Bawat isa ay nangangarap ng magandang pagtatapos, pero hindi ganoon ang buhay. Minsan, hindi madali ang umakyat ng hagdanan. Kapag tinamaan ka ng bagyo ng buhay, kailangan ay nakahanda ka. Ang pinakamalala ay kung hindi ka nakapaghanda. Ang bawat araw ng buhay mo ay paghahanda sa bukas na darating.”