Nude Content Creation:
A Teenage Conversation Between Teenagers
December 17, 2021
Rigel Portales
*Alias
Disclaimer: Conversations about Nudity/Sex work/Harassment are included sincerely and with respect within this interview between two 19-year-olds. It may not be appropriate for all AA audiences but it remains a universally important conversation to have.
The poet, Kamilah Aisha Moon, once said that
“the deepest sacrifice— / being a miracle is far from the glory / of receiving one. No longer blessed, / you live on as a blessing.”
I would argue that Ysabel*, a 19-year-old NSFW (sexual) content creator, is a blessing. She takes part in providing for her aging and jobless relatives while managing the sacrifices that come with a highly-stigmatized and criminalized occupation in the Philippines.
Ysabel lives a double life as an SHS student during the day and as an “alter” content creator on Twitter at night. To explain briefly, the alterverse/alter is a vibrant community of sexual content creators, sex workers, people who want to feel comfortable in their bodies, and people who enjoy seeing other people’s bodies. Most people are there to enjoy themselves but Ysabel comprises a diverse group that actively sells pictures and videos of themselves “doing the deed.” She explains that she sells nudes, costumed photoshoots, and videos where she uses sex toys for the discerning taste of her clients.
Four months, and around five thousand followers later, something was definitely right with how she was running her business. The conversation we had about the specifics was enlightening if not a bit light-hearted. First things first, in a household where she lives with other people, how does she manage her props? Sex toys such as dildos and vibrators go in the yellow M.Y. San Butter Cookies tupperware and lingeries and costumes are washed and dried in the bathroom when everyone else is in their rooms. She tells me with a laugh that fortunately, her relatives don’t ask too much about her packages and that they’re too hard-of-hearing for her to worry about making noise while creating her content.
Meanwhile, looking good, especially looking good enough naked for people to buy your nudes, takes a lot of work for Ysabel who has her schoolwork and confidence issues to deal with. A typical day of work for her looks like clocking in for classes from 7AM to 2PM, doing chores and assignments in the afternoon, and filming at night around 9-10PM. As for editing, she does it in gaps of free time the day after, critically assessing her performance while making sure she stays anonymous by cropping out her face.
She admits that she sometimes feels like a “hipon.” [shrimp or somebody who has an attractive body but an unattractive face] Though, it’s because of her time on alter that she feels more confident about her body and looks with the heaps of praise (along with tips) she receives whenever she posts. Overall, the alter community has been nothing but positive and supportive to her side gig and more personal issues. Ysabel stresses that alter isn’t just a place for sexual activity but for ranting, conversing, and being yourself whether you’re “makalat or malungkot.” [a horny mess or just plain sad]
It is important; however, to have boundaries and to be careful with the people you interact with.
There are the usual, but nonetheless disturbing unsolicited dick pics and there are clients that overstay their welcome by repeatedly asking questions. She takes most of these situations in stride due to her emotional distance but there are some special cases that infuriate her and her moral compass. The worst client interaction she had was when, after the transaction, the client dropped the bomb that he was actually married. This is quite common in the community with her fellow creator talking about a client that had a girlfriend who proceeded to blame the content creator and not the boyfriend.
For Ysabel, harassment isn’t something restricted to the alter community. Harassment and situations harmful to her mental health come out of the blue during her regular life as well. Someone she was conversing with on FB suddenly told her “matigas titi ko.” [My cock is hard.] Another conversation involved revealing to her ex that she was an NSFW content creator. She remembers her ex being disgusted with her, guilt-tripping her for not telling him sooner. A close friend of Ysabel’s who knows her secret countered his claim saying that if he really would have accepted you, he would have accepted you regardless of when you revealed it.
Thankfully, Ysabel opens up about these things to her close friend: bad client interactions, harassment, and mental health issues. Apparently, her friend knew what alter was beforehand. “Teh okay lang yan, nung dati binalak ko din.” [Girl, that’s okay. In the past, even I thought of doing it.] The security of open-minded relationships can’t be understated for teens like us. Ysabel tells me that ever since her mom died due to her sickness worsening under the pandemic, she loved her friends even more. Conversations she used to have with her mom have a new home in her friends. Alter is just another conversation, another part of herself that she’s unashamed of.
She also maintains a close and loving relationship with her extended family who actually motivated her to find a well-paying job like this in the first place. With conviction, she told me she was broke. I was surprised to hear that at one point, she couldn’t buy napkins for herself. She wasn’t getting an allowance from her OFW aunt because the money was for other household needs and well, she was too shy to ask. Instead of being dependent on her new family, she wanted to give back their kindness. Nobody was hiring people as young as her so having no alternative, she decided to push through with her thoughts of selling nudes.
Being an NSFW content creator pays surprisingly well and for a family of four that lives on pensions and the salary of an OFW relative, having a job eases the entire family. She glows when she tells me the first time she bought groceries for her entire family with the money she earned: crackers, a 10 kg sack of jasmine rice, noodles, and canned goods. We both laugh about how crackers always seem to be the first to run out in a mainly middle-aged household and about how we’re both softies at heart when it comes to our families.
Thank yous come by rarely in her household but she does hold what she remembers close to her heart.
“Bel, binili mo pala ako ng shampoo?” [Bel, you bought me shampoo?]
“Opo.” [Yes, uncle]
“Thank you.”
She tells me that she spoils her aunt and uncle so much because when her mother was still alive, she didn’t have a job so she couldn’t spoil her. Her mother had died, September of last year and she didn’t know who her dad was. She was left to her maternal relatives and so far, they make it work. Pensions and their OFW relative’s salary go into the electricity, water, and wifi bill while Ysabel’s earnings go into groceries. I ask sheepishly about how much she earns and she says with pride that in four months she earned over 30,000 pesos in total. The majority of which is allocated for the people closest to her. Recently, it was her first time paying the water bill instead of her relatives and she sent an entire box of snacks, chips, and coffee to her friend.
The financial independence and confidence she gained as a result of her double life, has allowed her to spread her wings farther, for longer. Having been stuck in the nest of her mother and her relatives, she tells me she has dreams of flying abroad and finding a job. That is what wings are for, after all.
In the meantime, she’s still 19 years old. She hasn’t graduated from SHS yet and she tells me that she thinks college isn’t for her which is why she plans to work straight out of college, maybe short-term at a call center. None of that matters for the moment however, class starts early the next day and she has to cook some pancakes for her TVL-Cookery class. A few weeks later, I scroll through her alter Twitter feed finding her usual rants, a water bill she paid for, and finally a stack of 5 beautifully toasted flapjacks, glazed with a generous amount of maple syrup, and an unashamed dollop of butter on top. She may not have been blessed with a lot in her life but she manages to live on as a blessing, one shared pancake, and one wealthy client at a time.
While interviewing Ysabel, there were times I completely forgot that she was a nude content creator. It’s hard to imagine her as a 19-year-old but once you meet her, it feels just like talking to a classmate before class. Believe it or not, trauma, mental health, and financial issues enter our generation’s conversations just as easily as what to order from the ihawan [barbecue street stall] behind the school. Some of my friends make applications for financial aid. Most of us comment condolences on each other’s frequent FB grieving posts. Pretty much all of us have some sort of side gig: commissions, tutoring, editing, etc. It just so happens Ysabel found a comfortable place in NSFW content.
Not that NSFW work is bad per se. If I was her friend, and she sent me a care package she bought with her hard-earned money and a body she finally felt confident in, how could I ever say that she’s a bad person?
Paggawa ng Maselang Nilalaman:
Isang Pangkabataan na Pakikipagtalastasan sa Pagitan ng mga Kabataan
November 17, 2021
Rigel Portales
Translated by Jascha Leana
Pagtatatuwa: Ang mga pag-uusap tungkol sa kahubaran/maselang pagtatrabaho/panliligalig ay isinama nang may taos-pusong paggalang sa loob ng panayam na ito sa pagitan ng dalawang labing-siyam na taong gulang. Maaaring hindi ito angkop para sa lahat ng mambabasa ng AA ngunit nananatili itong isang mahalagang usapin na nararapat pag-usapan ng lahat.
.
Minsang sinabi ng makatang si Kamilah Aisha Moon,
"the deepest sacrifice— / being a miracle is far from the glory / of receiving one. No longer blessed, / you live on as a blessing." (ang pinakamalalim na sakripisyo—/ maging isang milagro ay malayo sa kaluwalhatian / na makatanggap ang isa. Hindi na pinagpala, / nabuhay ka bilang isang pagpapala.)
Aking pagtatalunan na si Ysabel*, isang labing-siyam na taong gulang na NSFW o gumagawa ng mga sekswal na nilalaman, ay isang biyaya. Tumutulong siya sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga nakatatanda at walang trabahong mga kamag-anak habang kinakaya ang mga sakripisyong dumarating sa isang ikinahihiyang at inaayawang trabaho sa Pilipinas.
Si Ysabel ay namumuhay ng dalawang buhay, bilang isang SHS na mag-aaral sa umaga at bilang isang "alter" na gumagawa ng content sa Twitter sa gabi. Sa madaling salita, ang "alterverse/alter" ay isang matunog na komunidad ng mga sekswal na content creator, sex worker, mga taong nais maging komportable sa kanilang katawan, at mga taong nasisiyahan sa pagtingin sa mga ibang katawan. Karamihan sa mga tao roon ay naroon upang aliwin ang kanilang sarili ngunit kabilang si Ysabel sa isang pangkat na nagbebenta ng mga larawan at bidyo ng kanilang sarili "na ginagawa ang mga gawain." Kanyang ipinaliwanag na nagbebenta siya ng hubad na larawan, costumed photoshoots, at mga bidyo kung saan gumagamit siya ng mga sex toys para sa mga nais ng kanyang mga kliente.
Apat na buwan at limang libong followers ang nakalipas, naniniwala siya na tila wasto ang pagpapatakbo niya sa kanyang negosyo. Ang aming pag-uusap tungkol sa mga detalye nito ay nakakapagpaliwanag kung hindi man nakakagaan ng loob. Unang una sa lahat, sa sambahayan kung saan siya nakatira kasama ang ibang tao, paano niya naitatago ang kanyang mga kagamitan [props]? Ang mga sex toy gaya ng dildo at vibrator ay nakalagay sa isang dilaw na lalagyan ng M.Y. San Butter Cookies habang ang mga lingerie at kasuotan [costume] ay nilalabhan at pinapatuyo sa loob ng banyo tuwing ang lahat ay nasa kani-kanilang mga kwarto. Patuwa niyang kinuwento sa akin na sa kabutihang palad, ang kanyang mga kamag-anak ay hindi naman palatanong tungkol sa kanyang mga package. Bukod pa roon, hindi gaano kalakas ang kanilang pandinig kaya't hindi na siya nag-aalala pang maririnig siya habang gumagawa ng content.
Samantala, ang pagmumukhang maganda, lalo na ang pagiging maganda habang nakahubad upang bilhin ng mga tao ang iyong mga larawan, ay matrabaho para kay Ysabel na pinagtutuunan din ng pansin ang pag-aaral habang kinikimkim ang isyung tungkol sa pagtitiwala sa sarili. Mistulang ang tipikal na araw ng trabaho para sa kanya ay pagpasok sa paaralan mula alas siyete ng umaga hanggang alas dos ng hapon, paggawa ng mga gawaing bahay at takdang aralin sa hapon, at pagkuha naman ng bidyo sa gabi mula alas nuwebe hanggang alas dyes. Ukol naman sa pag-edit, ginagawa niya ito sa gitna ng kanyang libreng oras kinabukasan. Talagang sinusuri niya ang kanyang pagtatanghal habang pinapanatiling tago ang kanyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pag-alis ng kanyang mukha sa bidyo.
Kanyang inamin na minsan niyang nararamdaman na siya ay isang "hipon" (isang taong mayroong magandang katawan ngunit hindi magandang mukha). Gayunpaman, ang nilalaan niyang panahon sa alter ay ang nagbibigay sa kanya ng kumpyansa sa sarili kasama ang mga papuri (at mga tip) na kanyang natatanggap sa tuwing siya ay nagpopost. Sa pangkalahatan, ang komunidad ng alter ay naging positibo at suportado sa kanyang side gig at mga personal na isyu. Kanyang isinaad na ang alter ay hindi lamang lugar para sa sekswal na aktibidad ngunit para rin ito sa paghiyaw, pakikipag-usap, at pagpapahayag ng sarili kung magulo ka man o malungkot.
Gayunpaman ay, mahalaga pa rin na magkaroon ng limitasyon at pag-iingat sa mga taong nakakasalamuha. Mayroong mga madalas na nakagagambala at hindi kanais nais na imahe ng mga pribadong bahagi ng katawan. Mayroon ding mga kliyente na sumusobra sa pamamagitan ng pagbato ng maraming katanungan.
Madalas, siya na lang ang lumalayo at dumidistansya sa mga sitwasyong ito ngunit mayroong mga kasong kanyang ikinagagalit. Ang kanyang pinakamalubhang pakikipag-ugnayan sa kliyente ay noong matapos ang kanilang transaksyon; inamin ng kliyente na kasal na siya. Ito naman ay karaniwan sa komunidad ayon sa kuwento ng kanyang kapwa content creator kung saan sinisi ng kasintahan ng kanyang kliyente ang content creator at hindi ang kanyang boyfriend.
Para kay Ysabel, ang panliligalig ay isang bagay na hindi ipinagbabawal sa komunidad ng alter. Ang panliligalig at ang mga sitwasyon na nagpapasama sa kanyang kalusugang pangkaisipan ay madalas ding umaapekto sa kanyang pang araw-araw na buhay. Mayroon siyang nakausap sa FB na bigla na lang siyang sinabihan ng “matigas titi ko.” Minsan din niyang naengkwentro ang pagsabi sa kanyang ex na isa siyang NSFW content creator. Naaalala niyang nandidiri sa kanya ang kanyang ex; pinaramdam pa sa kanya na kasalanan pa niya na hindi niya ito sinabihan agad. Ang payo naman ng malapit na kaibigan ni Ysabel, na alam ang kanyang lihim, ay kung tunay nga siyang tatanggapin ng kanyang ex, tatanggapin dapat siya kahit kailan pa man ito sinabi ni Ysabel sa kanyang nakaraang kasintahan.
Buti na lang, naibabahagi ni Ysabel sa kanyang matalik na kaibigan ang patungkol sa mga bagay na ito: hindi magagandang interaksyon sa mga kliyente, panliligalig, at mga isyu tungkol sa kalusugang pangkaisipan. Alam ng kanyang kaibigan kung ano ang alter dati pa kaya ani niya, "Teh okay lang yan, nung dati binalak ko din." Ang kasiguraduhan ng isang bukas na pag-iisip sa isang relasyon ay hindi mamamaliit para sa mga kabataan tulad natin. Sinabi sa akin ni Ysabel na magmula nang mamatay ang kanyang ina dahil sa kanyang sakit na lalong lumala dahil sa pandemya, higit pa niyang minahal ang kanyang mga kaibigan. Ang kanyang mga kadalasang usapan sa kanyang ina ay ngayo'y pinag-uusapan na niya sa kanyang mga kaibigan. Ang alter ay isa lamang na usapin, isa pang bahagi ng kanyang sarili na hindi niya ikinakahiya.
Mayroon din siyang malapit at magiliw na relasyon sa kanyang malayong pamilya na silang umudyok sa kanya na maghanap ng isang mapagkakakitaang trabaho. Nang may pananalig, sinabi niya sa akin na walang wala siya. Nagulat ako nang marinig kong umabot siya sa punto kung saan hindi siya makabili ng napkin para sa kanyang sarili. Hindi man siya nakakakuha ng baon mula sa kanyang tita na OFW dahil kailangan din ng ang pera ng iba pang pamilya, at dahil nahihiya siyang magtanong. Sa halip na umasa siya sa kanyang bagong pamilya, ninais niya sanang ibalik ang kanilang kabutihan. Wala namang tumatanggap sa mga taong kasingbata niya. Dahil wala na siyang ibang magawa pa, napag-isipan niyang ipatuloy ang kanyang ideya sa pagbebenta ng mga larawan ng kanyang katawan.
Nakagugulat man ngunit bilang NSFW content creator ay malaki ang kanyang kinikita, at para sa isang pamilya na umaasa sa mga pensyon at sa padala ng isang kamag-anak na OFW, ang pagkakaroon ng trabaho ay nagpapagaan sa buong pamilya. Siya'y nagalak nang ikinuwento niya sa akin ang una niyang pagkakataong na bumili ng grocery para sa kanyang buong pamilya gamit ang pera na kinita niya: crackers, isang sampung kilong sako ng Jasmine na bigas, noodles, at mga de lata. Pareho kaming natuwa tungkol sa kung paano palaging unang nauubos ang mga crackers sa isang sambahayan kung saan halos ang lahat ay nasa edad na, at sa kung paano kami parehong mayroong malambot na puso pagdating sa aming mga pamilya.
Madalang man siyang makatanggap ng mga pasasalamat sa kanilang sambahayan ngunit pinapahalagahan niya ang kanyang mga malapit sa kanyang puso.
“Bel, binili mo pala ako ng shampoo?”
“Opo.”
“Thank you.”
Kinuwento niya sa akin kung gaano niya nilalayaw ang kanyang tita at tito dahil noong buhay pa ang kanyang ina, hindi niya ito magawa sa kadahilanang wala pa siyang trabaho. Namatay ang kanyang ina, noong Setyembre nang nakaraang taon at hindi niya nakilala ang kanyang ama. Naiwan siya sa kanyang mga kamag-anak sa bahagi kanyang ina at hanggang ngayon ay nakakayanan naman nila. Ang mga pensyon at padala ng kanilang kamag-anak na OFW ay dumediretso sa pambayad ng mga bayarin ng kuryente, tubig, at wifi, habang ang kita naman ni Ysabel ay nakalaan sa mga grocery. Mahiya kong tinanong kung magkano ang kanyang kinikita, at sinagot niya nang may dangal na sa loob ng apat na buwan ay kumita na siya ng 30,000 pesos sa kabuuan. Ang karamihan nito ay nakalaan para sa mga taong malapit sa kanya. Kamakailan lamang, ito ang kanyang unang pagkakataon na magbayad ng singil sa tubig sa halip na ang kanyang mga kamag-anak, at nagpadala siya ng isang buong kahon ng meryenda, chips, at kape sa kanyang kaibigan.
Ang pampinansyal na kalayaan at kumpiyansa na kanyang nakamit bilang bunga ng kanyang dalawang buhay, ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong malapad na ibuka ang kanyang mga pakpak, sa mas mahabang panahon. Dahil sa katagalan sa pananatili sa pugad ng kanyang ina at mga kamag-anak, sinabi niya sa akin ang kanyang pangarap na lumipad sa ibang bansa at makahanap ng trabaho. Iyon naman talaga ang layunin ng ating mga pakpak, hindi ba.
Gayunpaman, siya ay labing-siyam na taong gulang pa lamang. Hindi pa siya nakakapagtapos ng SHS at sinabi niya sa akin na hindi para sa kanya ang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman balak niyang magtrabaho nang matapos ang pag-aaral, maaring panandalian sa call center. Wala sa mga bagay na iyon ang mahalaga sa ngayon subalit, ang klase ay maagang magsisimula bukas at kailangan niyang magluto ng ilang mga pancake para sa kanyang klase sa TVL-Cookery. Matapos ang ilang linggo, dumaan ako sa feed ng kanyang alter sa Twitter. Nakita ko ang kanyang mga karaniwang hiyaw, ang singil ng tubig na binayaran niya, at sa wakas ay isang plato ng limang magagandang hain ng toasted flapjacks na pinatamis ng maple syrup, at isang kutsara ng mantikilya sa itaas. Hindi man siya napalad ng marami sa buhay ay nakakayanan naman niyang mamuhay bilang isang biyaya sa iba, isang pancake, at isang mayaman na kliyente sa bawat pagkakataon.
Habang kapanayam si Ysabel, may mga pagkakataon na nakakalimutan kong isa siyang nude content creator. Mahirap isipin na isa siyang labing-siyam na taong gulang ngunit kapag nakilala mo na siya, para ka lang nakikipag-usap sa isang kamag-aral bago magsimula ang klase. Maniwala man kayo o hindi, trauma, kalusugang pangkaisipan, at isyung pinansyal ay pumapasok na sa mga usapan ng ating henerasyon gaya lang ng pakikipag-usap sa kung ano ang bibilhin sa ihawan sa likod ng paaralan. Ilan sa ating mga kaibigan ay nag-aapply sa mga tulong pinansyal. Karamihan sa atin ay nagbibigayan ng pakikiramay ng "condolences" sa ating mga madalas at malungkot na post sa FB. Halos lahat sa atin ay mayroong side gig: mga komisyon, pagtuturo, pag-edit, at iba pa. Nangyari lamang na nakahanap si Ysabel ng isang komportableng lunan sa NSFW content.
Hindi naman sa masamang trabaho ang NSFW. Kung kaibigan niya ako, at binigyan niya ako ng regalo gamit ang kanyang pinaghirapang kinita at katawan na kanyang pinaniniwalaan na sa wakas, paano ko masasabi na siya ay isang masamang tao?