Promised Land

September 9, 2021

Bianca Mandapat

IMG_1227.JPG
Remini20210909174101000.jpg

Liberty Jocelyn Abalos has many names. To her Chinese employers, she is “Libeti.” To the children in Singapore, she is “Yaya.” To her children in Abra, she is “Mama.” Each a story, amalgamating into the chapters of her life, molding her into the person she is today.

Being the eldest child, Liberty was the ordained breadwinner of her family from the moment she was born. She spent her days refining dirt into gold in the mining sites of Loakan, Itogon. Fearful of the dark and winding tunnels, she preferred staying above the ground, sifting through soil until the precious minerals would emerge.

As years passed, miners began to come home with less and less until the mines could no longer sustain the community. With seven mouths to feed back home, Liberty had to seek other ways to provide. One of which was going abroad. This idea, however, terrified her.

“Noong una, talagang natatakot ako kase ang dami nilang sinasabi na ganon ganon yung mga amo— baka hindi ka nilang pakainin, baka plantsahin ka.” (At first, I was really scared because they said a lot about how the employers are— they might not feed you, they might burn you with an iron.)

Yet any fear she had of entering a foreign land was drowned out by her sense of duty. So with fervent prayer and her life savings, she booked a one-way ticket to Singapore.

“Nung dumating ako diyan, by God’s grace, mabait naman yung mga amo ko. Sila yung nagsundo sa akin sa airport.” (When I arrived, by God’s grace, my employers were kind. They were the ones who picked me up in the airport.)

Liberty had the task of caring for three children, aged 3, 5, and 7. Through their role plays and chatter, she learned a few Chinese words. Unfortunately, one could not use the words pingguo (apple) or  jiejie (elder sister) in day-to-day conversations. At their request, she also taught them a little Filipino and the occasional Ilocano word. Through slow repetitions, the children mastered words like “yaya” and “manang.” After much debate, they collectively decided to call her Yaya.

Remini20210909103636819.jpg

She often found humor in the way her Chinese employers struggled to pronounce the r’s in her name. Often correcting them, she would repeat, “My name is Liberty. There is an r.” With much frustration, they would eventually settle with, “No, it’s just Libeti!” Little things like this helped lighten the load that came with being far away from home​. 

 

 Through time and careful observation, Liberty gradually grew accustomed to the culture and traditions of Singapore. As Chinese New Year approached, families from around the country would throw away their old things for new ones. However, she and other OFWs greeted the new year much differently. In the dumpsite, they would scavenge for the next great find of flat-screen televisions, rice cookers, and maletas (suitcases). These were to be stashed in balikbayan (repatriation) boxes for those back home. They would sift through the mountains of used and worn-down things in hopes that they would strike gold this time around. From this holiday, she brought home bags for her mother and books that her children would eventually use. 


Over meals of Chinese soup and oatmeal porridge, Liberty listened to their family dinner conversations day after day. With each “cleansing meal” and exotic dish of chicken rice and spicy dumpling, she longed for Filipino food and even more for home. Instead of igado, she had to settle for noodles.

Instead of jeeps, she frequented underground trains. Instead of listening to Ilocano conversations in the public market, she was lost in the bustle of foreign words thrown across the dinner table. With no cellphones and only 5-minute landline conversations, Liberty was constantly homesick. 

“Hirap kaya pero you have to. Tiisin para lang mabuhay ang pamilya mo.” (It’s difficult but you have to endure it just so your family can live.)

Up to this day, she still remembers other domestic workers’ harrowing stories of struggle and abuse. In the condo right beside hers, a fellow OFW was locked up and starved. She would get nothing but a parcel of bread and on good days they gave her water.

 

When Liberty heard of this, she made her way to the building next door with a garbage bag in one hand and a meal in another. Reporting to authorities was not an option, and so she did what she could— giving food when she was supposed to take out the trash. 

IMG_1225.JPG

Liberty would often say, “Swertahan lang talaga sa mga amo mo doon.” (It’s really just luck with your employers there.) In her five years abroad, she witnessed the sickness of friends due to sleep deprivation and a mother’s constant longing for home as she cares for someone else’s child. One of her colleagues even died of starvation. The stories that were blasted on the news back home were passed on through quiet whispers in the streets of Singapore.

When she flew back to the Philippines in 2009, a two-week break stretched to years. She was going to get married, and raise children of her own. Today, she has long traded in her title of Yaya with that of Mama. From time to time, she still hears from the three Singaporean children who have now grown into adults. Sometimes she still receives calls from long lost friends who are finally coming home after 17 years of putting their children through school. While Liberty’s days of Chinese soups and balikabayan boxes are long behind her, the fruits of her labor and the bonds she formed still very much remain.

 When asked if she has any plans of going back, with arms folded, she laughed, “Eh, sa tanda ko na ito, Diyos ko! Ayoko na.” (Eh, at this age, my God! I don’t want to anymore.) She has decided to settle for work in the country. It is much closer to home and at least she speaks the language. 

Many Filipinos, just like Liberty, journey far and wide in search for better soils to dig. Some eventually find what they are searching for. Yet, some spend years toiling in vain. Sometimes the search comes to nothing and OFWs end up never returning from the shores that promised to provide. 

And yet, they toil on. If only for the chance at a sliver of a better life, a promised land, a piece of gold to take back home. If only our shores had enough to provide then maybe they wouldn’t have had to search in the scrap heaps of others.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

 

Lupang Pinangako

September 9, 2021

Bianca Mandapat

Translated by Jascha Leana

IMG_1227.JPG
Remini20210909174101000.jpg

Si Liberty Jocelyn Abalos ay kilala sa maraming pangalan. Para sa kanyang mga amo na Chino, siya si “Libeti.” Para sa mga alaga niya sa Singapore, siya si “Yaya.” At para sa mga anak niya sa Abra, siya si “Mama.” Bawat pangalan ay may kuwento, na bumubuo sa mga kabanata ng kanyang buhay, na humuhubog sa kung sino siya ngayon.

Bilang panganay, si Liberty ay itinadhana nang maging tagapagtaguyod ng kaniyang pamilya sa sandalli ng kaniyang kapanganakan. Kaniyang ginugol ang mga araw sa pagpino ng mga dumi hanggang sa maging ginto ito sa mga minahan ng Loakan, Itogon. Takot sa dilim at mahanging mga lagusan, mas pinili niyang manatili sa ibabaw ng kalatagan, na nagsasala ng lupa hanggang lumitaw ang mga natatanging mineral dito.

 

Sa paglipas ng ilang taon, ang mga minero ay paunti na nang paunti ang naiuuwi hanggang sa hindi na sila kayang suportahan pa ng mga minahan. Bilang mayroong pitong pinapakain, kinailangang maghanap ni Liberty ng ibang paraan upang may maihanda sa hapag. Isa na rito ang pagpunta sa ibang bansa. Subalit, kinatakutan niya ang ideyang ito.

“Noong una, talagang natatakot ako kase ang dami nilang sinasabi na ganon ganon yung mga amo— baka hindi ka nilang pakainin, baka plantsahin ka.”

Ngunit, lahat ng mga kinatatakutan niya sa pagpasok sa isang dayuhang bansa ay nilunod ng kaniyang responsibilidad. Kaya sa pamamagitan ng taimtim na dasal at ng kaniyang ipon, bumili siya ng isang pasadang tiket patungo sa Singapore.

“Nung dumating ako doon, by God’s grace, mabait naman yung mga amo ko. Sila yung nagsundo sa akin sa airport.”

 

Si Liberty ay naatasang mag-alaga ng tatlong bata, edad 3, 5, at 7. Sa pamamagitan ng kanilang mga dula at daldalan, natuto siya ng ilang mga salitang Chino. Sa kasamaang palad, hindi magagamit ng isang tao ang mga salitang pingguo (mansanas) o jiejie (nakatatandang ate) sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Sa hiling ng mga bata, tinuruan din niya ang mga ito ng kaunting Filipino at iilang mga salitang Ilokano. Sa marahan na pag-uulit, naunawaan ng mga bata ang mga salitang "yaya" at "manang." Matapos ang isang masugid na balitaktakan, napagdesisyunan nilang tawagin siya na Yaya.

Remini20210909103636819.jpg

Madalas siyang natutuwa sa kung paano nahihirapan ang kaniyang mga Chino na amo sa pagbigkas ng titik R sa kaniyang pangalan. Sa madalas niyang pagtama sa kanila, uulitin niya ang mga katagang, "Ang pangalan ko ay Liberty. Mayroong r." Dahil sa pagkabigo, napagkasunduan nila na, "Hindi, Libeti lang!" Ang mga maliliit na bagay gaya nito ang nakatulong na magpagaan sa bigat na dala ng pagiging malayo niya sa pamilya.

 

Sa paglipas ng oras at maingat na pagsusuri, unti-unti ring nasanay si Liberty sa mga kultura at tradisyon ng Singapore. Sa pagpasok ng Chinese New Year, ang mga pamilya sa bansang iyon ay nagtatapon ng mga lumang gamit upang palitan ng bago. Samantala, sinalubong niya at ng ibang mga OFW ang bagong taon sa ibang paraan. Sa tambakan, sila ay naghahalukay ng maituturing na kayamanan gaya ng flat-screen TV, rice cooker, at mga maleta. Diretso ang mga ito sa mga balikbayan box na ipadadala sa kanilang mga pamilya. Tatahakin nila ang mga gabundok na gamit at sirang bagay sa pag-asang makakikita sila ng ginto sa pagkakataong ito. Sa kapistahang ito, nakapagpadala siya ng mga bag para sa kaniyang ina at mga libro na magagamit ng kaniyang mga anak.

Sa hapag-kainan na may nakahandang Chinese soup at oatmeal porridge, nakikinig si Liberty sa pag-uusap ng pamilya araw-araw. Sa bawat “cleansing meal” at kakaibang putahe ng chicken rice at maanghang na dumpling, siya ay nag-aasam ng pagkaing Pilipino at lalo pa ang kaniyang kinalakihan.

Imbis na igado, kailangan niyang kumain ng noodles. Imbis na jip, madalas siyang sumakay sa mga underground train. Imbis na nakikinig sa mga pagtatalastasan sa wikang Ilokano sa pampublikong pamilihan, siya ay nahihilo sa mga magugulong banyagang salita sa hapag-kainan. Sa pagtitiis sapagka’t walang cellphone at limang minutong pag-uusap sa telepono lamang, si Liberty ay laging nangungulila sa kanyang tahanan.

“Hirap kaya pero you have to. Tiisin para lang mabuhay ang pamilya mo.”

Hanggang sa araw na ito, naaalala pa rin niya ang mga nakapanlulumo na karanasan sa hirap at kalapastangan ng ibang mga domestic workers. Sa tabi ng kanilang tinitirahan, isang kapwa OFW ang kinandado at ginutom. Wala siyang makukuha kung hindi kapirasong tinapay lamang, at sa mabubuting araw ay binibigyan siya ng maiinom.

Nang margining ito ni Liberty, pumunta siya sa tabing silid na may hawak na basura sa isang kamay at pagkain sa kabila. Hindi naman maaaring iulat ito sa mga awtoridad, kaya ginawa niya ang kaniyang makakaya – ang pagbigay ng pagkain sa oras na siya ay dadaan habang ilalabas ang basura.

 

Madalas sabihin ni Liberty na, “Swertehan lang talaga sa mga amo mo doon.” Sa loob ng limang taon niya sa ibang bansa, nakita niya ang pagkakasakit ng kaniyang mga kaibigan dulot ng kakulangan sa tulog, at ang patuloy na pangungulila ng isang ina sa kaniyang tahanan habang siya ay nag-aalaga ng anak ng ibang tao. Isa nga sa kaniyang mga kasamahan ang namatay dahil sa gutom. Ang mga kwentong ito na nagiging ingay sa kanilang bayan ay bulung-bulungan lamang sa mga kalye ng Singapore.

IMG_1225.JPG

Nang siya ay lumuwas pauwi sa Pilipinas noong 2009, ang dalawang linggong bakasyon ay umabot ng ilang taon. Siya ay ikakasal na, at sariling mga anak na ang kaniyang aalagaan. Sa kasalukuyan, matagal na niyang pinalitan ang kaniyang titulo bilang Yaya sa Mama. Paminsan-minsan, nakaririnig pa siya ng balita mula sa kaniyang tatlong alaga sa Singapore na ngayon ay malalaki niya. Minsan, siya ay nakakukuha ng mga tawag mula sa mga naglaon niyang mga kaibigan na sa wakas ay uuwi na matapos ipag-aral nang 17 taon ang kanilang mga anak. Bagaman ang mga araw ni Liberty sa Chinese soup at balikbayan box ay matagal na niyang iniwan sa nakaraan, ang bunga ng kaniyang paghihirap at ang mga relasyong nabuo ay patuloy na mananatili.

Nang tinanong siya kung may balak pa ba siyang bumalik, habang nakatiklop ang mga bisig, tumawa siya, “Eh, sa tanda ko na ito, Diyos ko! Ayoko na.” Napagdesisyunan niyang manatili na lamang at magtrabaho sa bansa. Sapagkat, ito ay mas malapit sa tahanan at mahigit ay sinasalita niya ang wikang opisyal.

 

Maraming Pilipino, gaya ni Liberty, ang naglalakbay sa malayo sa pag-asang makakahanap sila ng mas mayamang lupang mapaghuhukayan. Ang ilan man ay nakikita ang kanilang hinahanap. Sa kabilang banda, ang iba ay inaabot ng ilang taong pagpapakahirap at pasakit. Minsan ang paglalakbay ay napupunta sa wala at ang mga OFW ay hindi na nakababalik sa mga baybayin na nangakong sila ay paglalaanan.

 

Gayunman, patuloy silang nagpapakasakit. Kung para sa pagkakataon na guminhawa  ang buhay, isang pinangakong lupain, isang pirasong ginto na maiuuwi. Kung sanang ang ating mga baybayin ay mayroon lamang sapat na maipagkakaloob, baka sana ay hindi na nila kailangan pang mangalakal sa bundok ng basura ng iba.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon,

mag email po sa connect@adversityarchive.com