Reach for the Stars:
Alon & Araw’s Impact to Purok 7, San Isidro
July 24, 2022
Nicole Kyna I. Santos
In Philippine society, we take great pride in being globally recognized for our Pinoy talent in sports, fashion, and music (to name a few), our extensive cuisine, and our hospitable communities. We enter competitions that rank us against other countries and we emerge victorious, proving to billions of people across the world that our nation is not just like any other. Yet if there is one international category where we significantly rank high that we should not be proud of, it’s being the third-largest contributor of plastic to our oceans.
Our country is an archipelago, which means that the majority of our land is surrounded by water. This makes our seas a major and vital part of our culture and livelihood. With over 1.5 million people involved in the fishing industry, the amount of pollution we release to our oceans will definitely affect the quality of life of a significant number of Filipinos. Such is the case in one of the barangays affected by such pollution: Purok 7, San Isidro in Cabangan, Zambales.
I had the opportunity to have a conversation with Magdalena “Baby” Dado, the Purok 7 barangay kagawad of 8 years. She highlighted one of the concerns that really plagued her community was the amount of trash that was scattered all throughout their local shores. Aside from the garbage on their coasts, they were also having dilemmas with trash segregation as most of the citizens were uninformed on proper waste disposal.
That was until Alon & Araw,, came into the picture. Founded by two like-minded individuals, Sir Donn and Ma’am Gab, the organization has paved the way for Purok 7 to become a barangay that values a clean and healthy environment. “Nakita ko ang malaking pagbabago na pagpupunta ka sa tabing-baybay-dagat, makikita mo na malinis. Wala kang makikita na mga basura … at yung mga [pumupunta] ditong mga tourist ay natutuwa sila … andon yung [pagpupuri] nila na napakalinis ng beach ng San Isidro, Cabangan,” said Kagawad Baby when asked about the impact of Alon & Araw with Purok 7’s environment cleanliness. The local chief also added that the organization is also coordinating with the barangay where, with their help, Purok 7 now has its own recycling station. This partnership has even led to the barangay having an additional source of income of their own!
Alon & Araw’s influence on Purok 7 did not stop there. The organization’s founders quickly realized that there was more to be done in the community, specifically in the empowerment of its children. At first, Kagawad Baby reached out to them for aid regarding giving children opportunities for joy such as simple Christmas parties where they can receive candies and other gifts. However, Alon & Araw saw another opportunity aside from holiday get-togethers to give the Purok 7 children enjoyable activities: its very own Surfing Borrowing Program.
Kagawad Baby, who is also a mother herself to an Alon & Araw kid, recalled the moment when parents in the barangay participated in an orientation for the program. The aim of the project is to keep the youth active in sports, where they were taught to surf in exchange for picking up coastal trash. This program was especially helpful to Kagawad Baby’s child, who became a bit more reserved and shy because they were forced to stay indoors for a few months for their safety. But because of this new program where the kids are playing sports and interacting with one another, Kagawad Baby noticed that when her child goes back to their house after a long day of play, they would bring with them stories of nothing but fun and excitement. As a parent, there is definitely nothing sweeter and more fulfilling than seeing your child enjoy their youth!
With this, Kagawad Baby also shared that these empowerment programs have helped the children become more confident in their own skin.
With constant training and play, the children develop their own skill sets that enable them to see themselves in a better and much more positive light.
This does not only include how they see themselves physically but also how the children envision themselves in the future. When I asked the Kagawad what she believes to be the importance of self-esteem of children in the community, she expressed how vital this is to the development of the child because having self-confidence would not give the children the impression that their socio-economic status dictates one’s inclusion in society.
Thus, having self-confidence gives the children the ability to dream of a future outside their current reality. The children’s minds will not only be caged in the present, but they can also explore the unknown. Speaking from personal experience, Kagawad Baby recalled a brief moment when she asked her child what they want to be when they grew up, and the child replied that they wanted to work in the IT industry because they were now being exposed to computers and software.
From the environment to children empowerment,
Alon & Araw has changed Purok 7, San Isidro for the better.
— not only in the previous years but for the many decades to come. As such, Kagawad Baby wants other areas across the whole world to take note of the good work that they did in their small community. She wants to spread the message that with hard work and passion, change can definitely happen and can reach the homes of many.
Hopefully in the future, when we once again receive the whole world’s recognition, may it be because of our country’s commitment to Mother Nature and our children.
Abutin ang mga Bituin:
Pagbabagong Bitbit ng Alon & Araw sa Purok 7, San Isidro
Hulyo 24, 2022
Nicole Kyna I. Santos
Translated by Sean Andrei Mendros
Lubos na ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipino ang pagkilala ng buong mundo sa talentong Pinoy sa mga larangang tulad ng isports, disenyo, at musika. Gayundin pagdating sa iba’t ibang luto ng pagkain at ang maayos na pakikitungo ng ating mga komunidad. Sa pagsali natin sa mga kompetisyong niraranggo tayo laban sa iba’t ibang mga bansa kung saan naiuuwi natin ang pagkapanalo ay patunay lamang sa bilyon-bilyong tao sa mundo na ang ating bansa ay natatangi. Sa kabila nito, sadyang may mga bagay na satin ay hindi kapuri-puri. Sa mata ng kalikasan, pangatlo ang ating bansa sa may pinakamalaking bilang ng plastik na naitatapon sa karagatan.
Ang ating bansa ay isang arkipelago, karamihan sa ating lupain ay napapaligiran ng tubig. Dahil dito, ang ating mga dagat ay may malaking parte sa ating kultura at kabuhayan. Sa mahigit 1.5 milyong taong kabilang sa industriya ng pangingisda, ang polusyong inilalabas natin sa karagatan ay tiyak na makakaapekto sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino. Sa katunayan, saksi ang isang barangay sa epektong dulot ng naturang polusyon: ang Purok 7, San Isidro sa Cabangan, Zambales.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Magdalena “Baby” Dado, ang barangay kagawad ng Purok 7 ng 8 taon. Binigyang-diin niya ang isa mga suliraning lumalason sa kanilang pamayanan - ang dami ng basurang nagkalat sa kanilang lokal na baybayin. Maliban dito, matinding problema din sa kanila ang pagbubukod ng kanilang mga basura dahil ang malaking bilang ng kanilang mamamayan ay hindi batid ang wastong pagtatapon ng mga it
yon ay hanggang sa dumating ang Alon & Araw. Itinatag ng dalawang indibidwal na may iisang hangarin - Sir Donn and Ma’am Gab - ang organisasyong ito ay nagbigay-daan upang ang Purok 7 ay makilala bilang isang barangay na may pagpapahalaga sa isang malinis at maayos na kapaligiran. “Nakita ko ang malaking pagbabago na ‘pag pupunta ka sa tabing-baybay-dagat, makikita mo na malinis. Wala kang makikita na mga basura … at yung mga [pumupunta] ditong mga tourist ay natutuwa sila … andon yung [pagpupuri] nila na napakalinis ng beach ng San Isidro, Cabangan,” sagot ni Kagawad Baby nang tanungin siya sa epekto ng Alon & Araw sa Purok 7 sa kalinisan ng kapaligiran. Dagdag pa niya, ang organisasyon ay nakipag-ugnayan sa barangay kung saan, sa kanilang tulong, nagkaroon na ng sariling recycling station ang Purok 7. Higit pa rito, ang kanilang pagsasanib-pwersa ay naging dahilan din upang mabigyan sila ng sariling pagkakakitaan!
Ang impluwensiya ng Alon & Araw ay hindi natatapos doon. Hindi matagal bago napagtanto ng mga tagapagtatag ng organisasyon na marami pang dapat gawin sa komunidad, partikular na sa pagpapayabong ng kakayahan ng mga kabataan. Noong una, dumulog si Kagawad Baby sa kanila upang mabigyan sana ng pagkakataon ang mga bata na magsaya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Christmas parties kung saan makakatanggap sila ng mga kendi at iba pang regalo. Gayunpaman, nakakita ang Alon & Araw ng oportunidad bukod sa pagsasama-sama tuwing holidays na mabigyan ang kabataan ng Purok 7 ng aktibidad na kanilang kagigiliwan: ang kanilang Surfing Borrowing Program.
Binalikan ni Kagawad Baby ang mga sandaling nakilahok ang mga tulad niyang magulang sa barangay sa oryentasyon para sa mga gagawing programa ng Alon & Araw, na ngayo’y kinabibilangan na ng kaniyang anak. Layunin ng proyekto na mapanatiling aktibo ang kabataan sa isports, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila mag-surf kapalit ng pagpulot ng basura sa baybayin. Higit na nakatulong ito lalo na sa anak ni Kagawad Baby na naging mahiyain matapos ang ilang buwang pananatili nila sa tahanan para sa kanilang kaligtasan. Pero dahil sa bagong programang ito na nagbigay ng pagkakataon na makapaglaro at makasalamuha nila ang ibang bata, napansin ni Kagawad Baby na sa tuwing uuwi ang kaniyang anak matapos ang mahabang araw ng paglalaro ay wala silang ibang bitbit kundi mga kwento ng saya at galak. Kaya naman bilang isang magulang, wala nang mas hihigit pa sa makita ang iyong anak na nalalasap ang kaniyang pagkabata!
Sa labas ng isports, naging malaking tulong din ang Alon & Araw sa pagbibigay ng mga karagdagang kagamitang medikal at pang-edukasyon.
Tuwing nalalapit ang pagbabalik-eskwela, nagbibigay ang organisasyon ng mga gamit sa paaralan tulad ng kuwaderno at panulat na makakatulong sa kanila upang matuto at maunawaan nang mas mabisa ang mga aralin.
Nagsasagawa rin ng digital literacy classes ang Alon & Araw upang makasabay ang mga bata sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Kasabay nito, ibinahagi rin ni Kagawad Baby na nakatulong din ang mga nabanggit na programa upang maiangat ang tiwala ng kabataan sa kanilang sarili. Sa tulong ng tuloy-tuloy na pagsasanay at paglalaro, nalilinang ng mga bata ang natatangi nilang galing na makakatulong sa kanila upang makita ang kanilang sarili sa mas naaangkop at positibong kalagayan.
Hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili sa hinaharap. Nang tanungin ko ang Kagawad kung ano sa tingin niya ang kahalagahan ng self-esteem sa mga kabataan, ipinaliwanag niya ang gampanin nito sa pag-unlad ng mga bata dahil ang pagkakaroon aniya ng tiwala sa sarili ay hindi mag-iiwan ng impresyon sa mga bata na nakabatay sa ating katayuang sosyo-ekonomiko ang halaga natin sa lipunan. Bagkus, ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay maghihikayat sa mga bata na mangarap nang walang limitasyon. Ang isipan ng mga bata ay hindi lamang nakakulong sa iisang konsepto ng kasalukuyan dahil mabibigyan sila ng kakayahan na tuklasin ang mga bagay na hindi pa napupuntahan ng isipan. Patunay dito ang naging usapan ni Kagawad Baby at ng kaniyang anak nang tanungin niya ito tungkol sa ano ang nais niya sa kaniyang paglaki. At dahil unti-unti nang nahuhubog ang kanilang interes sa mga kompyuter at software, sa industriya ng IT ang naging sagot nito sa kaniyang ina.
Mula sa kalikasan hanggang sa pagtulong sa mga kabataan, binago ng Alon & Araw ang Purok 7, San Isidro sa mabuting paraan
— hindi lamang sa mga taong lumipas kundi sa mga susunod pang dekada. Dahil dito, hiling ni Kagawad Baby na maging inspirasyon ang kabutihang nagawa sa kanilang maliit na komunidad sa ibang lugar sa buong mundo. Nais niya ring ipabatid ang mensahe ng pagsusumikap, dahil sa tulong nito, ang pagbabago ay tiyak na makakamtan at kusang kakatok sa pintuan ng marami.
Nawa ay dumating ang panahon na ang ating bansa ay maging tanyag naman dahil sa pagpapahalaga sa Inang Kalikasan at sa kabataan.