top of page

Sheltered to Oblivion

English

December 1, 2020 

Stephannie Ybera

Every parent has a unique way of raising their child. Some give too much freedom, others give too many rules, and the successful ones, in my opinion, give a balance of both. When enforcing rules and conditions, most parents explain that they do it out of love and concern, aiming to give their children only the best things in life. But, while this intention is valid, we fail to ask some important questions: What rules are considered healthy? What rules can be destructive? How good is “the best for my kids”? Two young adults opened up about their life as sheltered young adults and how it influenced their growth.

 

Edgar (18), an only child, shared that his parents don’t allow him to go out unless it’s for choir or other school-related activities. He also needs to be home before 6PM and has to invite his classmates over to his house for group projects because he’s not allowed to go to theirs. While he feels thankful that these rules prevent him from getting involved in harmful situations, it sometimes makes him sad and jealous that he doesn’t get to hangout with friends and it causes him to compare his parents to those who are less strict.

Edgar.jpg
Justine.jfif

On the other hand, Ally* (22) has more freedom to go out with friends. However, her parents don't let her drive, travel or go out alone, drink alcohol, and even pursue goals that require her to be apart from her parents. Being the only girl of 3, she noticed that most of the rules imposed on her don’t apply to her younger brothers. Ally* has had to justify almost all of her actions and decisions, while her brothers barely receive any questions from their parents. This only taught her how to filter what she tells her parents. Her parents don’t allow her to hangout with guy friends unless her younger brothers or other girls are present, and it makes her feel both dependent and less than her brothers. Being raised as the one who always needs to be protected made her feel weak and incapable of protecting herself.

At first, they might sound like little inconveniences that some have to endure for just a couple of minutes, but for Ally* and Edgar, it has hampered their social life, self-esteem, and personal development. Parents impose these rules to keep us from harm, but what if it also keeps us from growth?

 

“Yung fear ng parents ko sakin, I feel like it rubbed off on me. So now I’m also scared even though initially, I wasn’t.”

Ally* recalled how ambitious and fearless she was younger. She used to take opportunities that could benefit her growth, like the debate club and student council, and had a lot of personal interests that she wanted to pursue, such as acting and flying lessons. But her parents dwelled in fear and overprotectiveness. They gave her rules and advice rooted in fear which often restricted Ally* from doing things that she believes would have been good for her. Ally’s* parents didn’t even allow her to go to her dream university because of the distance, which left her crushed. Eventually, the fear of her parents got the best of Ally* and she lost the spark for the things she loved. “If I grew up on my own lang, pag tatanggalin mo yung fear ng parents ko (if you remove the fear of my parents) growing up, I would have grown up to be a different person,” she added. Ally* believes that her knowledge about the world is not enough for her age and that she could have been a better version of herself if she was given autonomy. The deprivation of independence, experience, and ability to work on her dreams made her feel unequipped for the real world.

 

With all of the missed opportunities and suppressed abilities, Ally* describes being sheltered as a disadvantage and limitation in being able to reach one’s full potential. 

 

This is also true for Edgar who, as a result of being kept inside a box by his parents, developed self-doubt and shyness; he became unable to show his inner confidence. It was the countless rejections that concealed Edgar’s abilities. His parents didn’t agree with him studying in UP due to the misconceptions about activism. He couldn’t tell his parents that he wanted to try joining debates to have more experience in public speaking, because he didn’t know if they would allow him. And lastly, they were initially against his dream of becoming a music teacher because they wanted him to take IT, in which he was disheartened and cried. Consequently, Edgar started to struggle making his own decisions as he had to consider his parents’ opinion to make sure that they would not be against it. He also often assesses whether he will regret making a particular decision. In addition, Edgar grew to have difficulties in voicing out his opinions due to the fear that it would contradict those of others. He emphasized that these issues affect him as a person and his daily life.

 

“Sa tingin ko, naaapektuhan yung personality ko sa pagiging overprotective nila at some point.” 

(I think my personality is affected by their overprotectiveness at some point.)

 

Considering all of those factors that restrict their growth, Ally* and Edgar can’t help but see other people with stained lenses. Ally* often finds herself amazed with people who have more freedom because they seem wiser to her. But at the same time, she feels jealous of people her age who get to live on their own, especially since she’s in the age that craves for more of life. Likewise, Edgar saw how other people received the kind of parenting he wished he got from his parents. The failure to be nurtured in a way that was tailored to his personal needs brought him confusion, to the point that he wondered, at 12 years old, if he was adopted. It may sound hilarious as many of us probably did the same, but his idea of love wasn’t met and he couldn’t help but not feel like their child.

 

Truly, it is a privilege to have a family that cares enough to give you what they deem right. Edgar believes that his parents gave him protection and awareness of the things he shouldn't do. He also appreciated their advice when he opened up about his plans for college. Similarly, Ally* is thankful that, despite everything, her parents are not as controlling as others and that she at least has some control over her time, money, and privacy. There certainly is no perfect family or parenting style, there is always room for improvement. Thus, if there was one thing that they wished was different about the way they were raised, Edgar says that it would be the way his parents set boundaries on his decisions about his dreams. He wishes they gave him a balance of parental guidance and freedom to decide for himself. Meanwhile, Ally* wishes she was treated equally as her brothers, with the same freedom they were given.

 

Ally* and Edgar’s story is one that people commonly hear, but rarely listen to. The frustration of being sheltered is so often concealed until it appears in what most parents see as a rant or complaint. However, this concern goes far beyond wanting to have fun with friends or stubbornly demanding control over our life. The way we are raised affects our growth and self-image. And, when we are deprived of the experiences to grow and establish ourselves in the world, we struggle to discover where we stand in life; and more terrifyingly, we don’t know how to stand alone. Most times, young adults who want the hooks off their throat are people who desire growth—the one thing that is often lost in the pursuit of  “the best for my kids.”

 

*A pseudonym was used for confidentiality. 

Filipino

Labis na Pag-aalagang Nagdulot sa Kawalan ng Kamalayan

December 1, 2020 

Stephannie Ybera

Translated by Treziel Mae Mayores

Ang bawat magulang ay may kanya-kanyang paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ang iba ay nagbibigay ng labis na kalayaan habang ang ilan naman ay nag-iimplementa ng maraming patakaran.  Sa aking palagay, ang pinakamabisa ay ang pagbabalanse ng dalawang paraang ito. Sa pagbibigay ng mga patakaran at kondisyon, kadalasang paliwanag ng mga magulang na ito ay dahil lamang sa pagmamahal at pag-aalala o sa kagustuhang ibigay ang lahat na makabubuti sa kanilang buhay. Kahit ito ay umuugat t sa magandang intensyon, nakakalimutan nating tanungin ang mahahalagang katanungan ukol dito: Anong mga patakaran ang maituturing na mabuti? Anong mga patakaran ang mapaminsala? Gaano kaganda ang “para sa ikabubuti ng mga bata”? Isang dalaga at binata, na parehong may mga magulang na labis na nag-aalala, ang nagbahagi ng kanilang buhay at kung paano ito nakaimpluwensya sa kanilang paglaki?

Edgar.jpg

Ibinahagi ni Edgar (18), nag-iisang anak, na hindi siya pinapayagan ng kanyang magulang na lumabas ng bahay maliban lang kung ito ay para sa koro (choir) o ibang mga aktibidad na may kaugnayan sa kanyang eskwela. Kinakailangan din niyang umuwi bago mag-ala sais ng gabi. Bukod pa roon, iniimbitahan na lamang ang kanyang mga kamag-aral sa kanilang bahay upang gumawa ng mga proyekto dahil hindi siya pinapayagang pumunta sa bahay ng mga ito. Bagaman nagpapasalamat ang binata na nilalayo siya sa kapahamakan ng mga panuntunang ito, minsan ay hindi niya maiwasang malungkot at mainggit dahil hindi niya nagagawang makipagkita sa kanyang mga kaibigan. Ito rin ay naging sanhi kung bakit g ikumpara niya ang kanyang mga magulang sa ibang hindi gaanong strikto sa kanilang mga anak.

Justine.jfif

Sa kabilang banda, si Ally* (22) naman ay mas may kalayaang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Gayunpaman, hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na magmaneho, maglakbay, lumabas mag-isa, uminom ng alak at maging tuparin ang kanyang mga pangarap na kakailanganing lumayo sa kanyang magulang. Bilang kaisa-isang babae sa tatlong magkakapatid, napansin niyang karamihan ng mga patakarang ipinataw sa kanya ay hindi ipinapataw sa kanyang mga nakababatang lalaking kapatid. Kinakailangan pa ni Ally* na pangatwiranan ang halos lahat ng kanyang kilos at desisyon, samantalang ang kanyang mga kapatid ay bihirang makatanggap ng pag-uusisa mula sa kanyang mga magulang. Hindi siya pinapayagan ng mga ito na lumabas kasama ang kanyang mga lalaking kaibigan kung hindi kasama ang kanyang mga kapatid o mga kaibigang babae. Dahil dito, nararamdaman niya na umaasa  at mas mababa siya kaysa sa kanyang mga kapatid. Dahil pinalaki siyang tila bilang isang taong kinakailangang laging protektahan, tinitignan ni Ally* sa kanyang sarili ay waring mahina at walang kakayahang protektahan ang sarili.

Sa simula, maaring maging tila maliliit na abala lamang ang mga ito  at dapat tiisin ng iba ng ilang minuto, ngunit para kina Ally* at Edgar*, naging hadlang ito sa kanilang pakikipagkapwa, pagpapahalaga sa sarili at personal na kaunlaran. Ginagawa ng mga magulang ang patakarang ito upang ilayo tayo sa kapahamakan, ngunit paano naman kung nagiging hadlang ito sa ating sariling pag-unlad?

“Yung fear ng parents ko sakin, I feel like it rubbed off on me. So now I’m also scared even though initially, I wasn’t.”

(Yung takot ng magulang ko para sa akin, sa tingin ko ay nakuha ko na rin. Kaya natatakot na rin ako kahit nung una ay hindi naman.)

 

Naalala ni Ally kung gaano siya katapang at ambisyosa nung siya ay bata pa lamang. Dati niyang sinusunggaban ang mga oportunidad na maaaring makatulong sa kanyang sariling pag unlad, katulad ng pagsali sa debate club at student council. Marami rin siyang mga personal na interes na nais niyang subukan , tulad ng pag-arte at flying lessons. Gayunpaman ay labis sa pagiging protektibo at pagkatakot ng kanyang mga magulang. . Binigyan siya ng mga patakaran na naging ugat sa kanilang mga pangamba na kadalasang pumipigil kay Ally* na gawin ang mga bagay na alam niyang makabubuti para sa kanya. Maging ang pagpasok  sa unibersidad na pinapangarap ni Ally* ay pinahintulutan ng mga magulang niya dahil sa layo nito. Ito ay naging sanhi naman sa pagkalungkot ng dalaga. Kinalaunan, nilamon si Ally* ng mga pangamba ng kanyang magulang at naubos ang siklab ng damdamin para sa mga bagay na kanyang minahal. “If I grew up on my own lang, pag tatanggalin mo yung fear ng parents ko growing up, I would have grown up to be a different person,” (Kung lumaki lang ako ng mag-isa , ‘pag tatanggalin mo yung takot ng magulang ko para sa akin habang lumalaki, siguro lalaki akong ibang tao [kumpara sa kung ano siya ngayon]) dagdag pa niya. Naniniwala si Ally* na ang mga kaalaman niya tungkol sa mundo ay hindi sapat para sa kanyang edad at kung nabigyan ng awtonomiya ay marahil na nakamit niya ang mas magandang bersyon ng kanyang sarili. Ang paggigipit sa kalayaan, karanasan, at abilidad upang gampanan ang kanyang mga pangarap ang nagparamdam sa kanya na hindi siya handa para sa tunay na mundo. 

 

Dahil sa lahat ng mga nasayang na oportunidad at nagiit na abilidad, inilarawan ni Ally* na ang pagiging anak ng mga magulang na labis ang pagprotekta ay isang limitasyon upang makamit ang buong potensyal ng isang tao. 

 

Ito rin ay totoo para kay Edgar na, dahil sa paghihigpit ng kanyang mga magulang, ay nagbunga ng pag-aalinlangan sa sarili at pagkamahiyain; hindi niya nagawang ipakita ang kanyang nakatagong tapang. Ang labis na paglilimita ang nagkubli sa kakayahan ni Edgar. Hindi sang ayon ang mga magulang niya na mag-aral siya sa UP dahil sa mga maling palagay  nila tungkol sa aktibismo. Hindi niya masabi sa kanyang magulang na nais niyang sumali sa mga debate upang magkaroon ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla  dahil hindi niya alam kung papayagan siya ng mga ito. Sa simula pa lamang ay kontra na sila sa kanyang pangarap na maging guro ng musika sa kadahilanang nais nilang kunin ni Edgar ang kursong Information Technology (IT), kung saan pinanghihinaan  naman ng loob si Edgar at kaya umiyak. Sa ganitong paraan, si Edgar ay nahihirapan gumawa ng kanyang sariling desisyon dahil kailangan niyang isaaalang-alang ang opinyon ng kanyang mga magulang upang masigurong hindi sila magiging laban dito. Minsan ay sinusuri muna niya kung pagsisisihan niya ang gagawing desisyon. Bilang karagdagan, lumaki si Edgar na hirap sa pagbibigay ng kanyang opinyon dahil sa takot na ito’y sumasalungat sa opinyon ng iba. Binigyan diin niya na ang mga isyung ito ay nakaaapekto sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay at sa kanyang sarili, bilang tao. 

 

“Sa tingin ko, naaapektuhan yung personality ko sa pagiging overprotective nila at some point.” 

(sa tingin ko, naaapektuhan ang personalidad ko sa pagiging labis na pagprotekta  nila.)

 

Sa pag-iisip sa  lahat ng mga kadahilanang  humahadlang sa kanilang sariling pag- unlad, hindi maiwasan nina Ally* at Edgar na makita ang mga tao ng may malabong pagunawa. Kadalasang namamangha si Ally* sa mga taong mayroong kalayaan dahil sa kanyang paningin, sila ay mas may kakayahan sa kanya. Samantala, siya rin ay nakakaramdam ng kainggitan sa mga ka-edad niyang nagagawang mabuhay ng mag-isa, lalo na’t nasa edad na siya kung saan sabik na maranasan ang buhay. Gayundin, nakikita ni Edgar sa iba ang ninanasa niyang uri ng pag-alaga  mula sa kanyang mga magulang. Ang kabiguang pangalagaan sa paraang angkop para sa kanyang personal na pangangailangan ay nagdulot sa kanya ng pag-aalinlangang nagdala sa kanya sa punto na mag-isip, sa edad na labindalawa, kung siya ba ay inampon. Ito ay nakakatuwang isipin sapagkat maaring marami sa atin ang nag-iisip din nito, ngunit ang ideya niya ng pagmamahal ay hindi niya naranasan at dahil dito ay hindi niya mapigilang maramdaman na tila hindi siya tunay na anak ng kanyang mga magulang. 

 

Tunay na isang pribilehiyo ang magkaroon ng isang pamilyang may pagmamalasakit upang ipadama  sa iyo na ang akala nila ay para  sa ikabubuti mo . Naniniwala si Edgar na ang kanyang mga magulang ay naglaan ng proteksyon at kamalayan tungkol sa mga bagay na hindi niya dapat gawin. Pinahahalagahan din niya ang mga payo nito sa kanya noong naglahad siya ng kanyang plano para sa kolehiyo. Tulad ni Edgar, si Ally* ay nagpapasalamat sapagkat sa kabila ng lahat, ang kanyang mga magulang ay hindi masyadong kontrolado sa ibang mga bagay at mayroon siyang kontrol pagdating sa kanyang oras, pera at pribadong buhay. Totoong walang perpektong pamilya o istilo ng pagiging magulang, palaging mayroong aspetong  mapapabuti pa. Kaya’t kung mayroong nais ang dalawa na maiba sa paraan na sila ay pinalaki, pinili ni Edgar ang paraan ng kanyang magulang na maglaan ng mga limitasyon sa kanyang sarili desisyon tungkol sa mga  pangarap niya. Hiling niya na sana ay mayroong balanse sa paggabay at pagpasiya para sa sarili niya. Sa kabilang banda, nais naman ni Ally na tratuhin siya ng tulad ng kanyang mga lalaking kapatid; bigyan siya ng parehong kalayaan. 

 

Ang kwento nina Ally* at Edgar ay ang mga karaniwang pinag-uusapan at napapakinggan, ngunit hindi madalas dinidinig. . Ang poot sa labis na pag-aalala at pag-alaga ng mga magulang ay madalas lubos na nakatago hanggang sa lumitaw ito bilang reklamo o hinaing sa mga mata nila. Gayunpaman, ang daing na ito ay hindi lamang tungkol sa paghangad na magsaya kasama ang mga kaibigan o sutil na hiling na kontrolin ang ating sariling buhay. Ang paraan ng pagpapalaki sa atin ay nakakaapekto sa ating paglaki at pagkilala sa sarili. Bukod pa rito, kapag tayo ay pinagkaitan ng karanasan upang umunlad at hulmahin ang sarili natin sa mundo, mahihirapan tayong matuklasan ang kinatatayuan sa buhay. Ang mas malala pa rito, hindi natin malalaman kung paano tatayo ng mag-isa. Madalas, ang mga dalaga at binatang nasa wastong gulang, na nais mawala ang mga kawit sa kanilang lalamunan ay ang mga taong may hangaring sumulong at umunlad--ang isang bagay na madalas nawawala sa paghahangad ng “nakabubuti para sa aking mga anak.”

 

*Isang palayaw ang ginamit upang mapanatili ang konpidensyalidad. 

bottom of page