The Adversity Conqueror
July 23, 2021
Sachi Lozano
If there is anything that this COVID-19 pandemic has shown us, it is that one cannot possibly escape adversity. It is what one does in the midst of great adversity that distinguishes those that thrive from those that merely survive.
Eclin Manday is the epitome of one that rises above her present circumstances and looks towards the future to thrive in the midst of challenge and hardship. Between the devastating effects of typhoons and floods on her community, the sacrifices she has to endure to pursue her education, and the challenge of fitting in with the Tagalogs as a Mangyan. At 26, Eclin, has found herself very familiar with having to endure through difficulty.
As we asked her about her community and the challenges they face, Eclin explained that while many try to help them when typhoons strike, due to the number of people in their community, they always need more help than what is available and as such, they find themselves greatly struggling when floods occur in their area.
She continued to share that in order to pursue her education, she has to live in her school as Ezer school, which generously provides quality and free education, is quite far away from where she is originally from.
She also explained that as a Mangyan, it is sometimes a struggle to live and study alongside her Tagalog peers due to cultural differences that occasionally cause a divide among the students.
Despite all of these hardships, Eclin remains undeniably grateful for the mere opportunity to pursue her education. It was clear to us that Eclin is a determined, hopeful, and diligent student when she explained how tirelessly she works to overcome the challenges of the new learning set up brought about by the pandemic, and how even at 26, she has held off on pursuing a romantic relationship or having children as she wants to focus on doing excellently in her studies.
Eclin dreams of one day being able to impart all that she has learned since getting the opportunity to study at Ezer school with the next generation of Mangyan students.
She explained that when she first moved to Ezer, she was unfamiliar with things like welcoming guests who visited the school as Mangyans are typically quite shy and soft spoken. However, over time she has gotten to develop her communication skills and has since then grown confident in speaking to guests. This, along with reading, writing, counting, and other basic skills are some of the things she has learned and some of the things she hopes to impart to future Mangyan students.
She is currently a first year student in college pursuing a course in education with hopes of becoming a teacher. Eclin proudly told us that “natutuwa ako na ako ay isang katutubo at mas natutuwa ako na bilang isang katutubo umabot ko ang ganitong level ng pag-aaral” (I’m proud to be a Mangyan, and I’m even more proud that as a Mangyan I’ve attained this level of education)
Not only is her love for the Mangyan community evident through her dreams but also through the vibrant ways she described the culture that raised her. She talked about the work she does growing crops during the summer, and the meals she shares with other members of the community. She talked about the Mangyan spirit of cooperation, and she also proudly shared the products that are specialties of the community such as the woven mat or “banig”. Finally, Eclin explained that the term ‘Mangyan’ encapsulates many different tribes. She told us that in Mindoro alone, there are 8 different groups of Mangyans that all speak different languages and have varying beliefs and rituals.
Despite all the hardship that one must face being born into a community that is at times overlooked and limited in resources, Eclin chooses to look at all the positive and beautiful things about the people and culture that make the Mangyans who they are. It was refreshing to hear how much joy and contentment she finds in her simple yet abundantly complete life in the mountains.
The Adversity Archive is proud to share stories of people like Eclin who continue to remind us that contentment in the present and hope for the future is truly what sets those who thrive from those who merely survive, apart. All of us at The Adversity Archive continue to root for Eclin as she pursues her dream of being able to give back to her community as a teacher one day!
To subscribe, click here.
To donate more than 100 php, click here.
If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com
To sponsor the college education of a Mangyan student for 30,000php/year, click here.
The Adversity Conqueror
July 23, 2021
Sachi Lozano
Translated by Mykah Marquez
Kung mayroon man tayong natutunan ngayon sa pandemyang COVID-19, ito ay hindi natin maaaring matakasan ang paghihirap sa buhay. Ito ang ginagawa ng isa sa gitna ng matinding paghihirap kung paano nakikilala ang kaibhan ng mga umuunlad mula sa mga nakaligtas lamang.
Si Eclin Manday ay isang ehemplo na umangat mula sa kanyang kasalukuyang kalagayan upang humarap patungo sa kinabukasan at umunlad sa gitna ng hamon at kahirapan. Sa gitna ng matinding pagwasak ng mga bagyo sa kanyang komunidad, ang kanyang mga sakripisyo sa buhay ay ang nag udyok sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at ang pagsubok na umangkop sa mga Tagalog bilang isang Mangyan. Sa edad na 26, natagpuan ni Eclin sa kanyang sarili na maging pamilyar sa pagsubok na dala ng buhay.
Noong tinanong namin siya tungkol sa kanyang komunidad at ang mga pagsubok na kanilang hinaharap, ipinaliwanag ni Eclin na habang maraming nagsusumikap na tulungan sila kapag sumalakay ang mga bagyo, dahil sa dami ng mga tao sa kanilang komunidad, palagi silang nangangailangan ng higit na tulong kaysa sa kung ano ang magagamit, at tulad nito, ang kanilang komunidad ay labis na mahihirapan kapag may baha sa kanilang lugar.
Patuloy niyang ibinahagi na upang maipagpatuloy ang kanyang edukasyon, kailangan niyang tumira sa paaralan dahil ang Ezer School, na bukas-palad na nagbibigay ng kalidad at libreng edukasyon, ay malayo sa kanyang tinitirahan. Ibinahagi din ni Eclin na bilang isang Mangyan, minsan siya’y nahihirapan sa pakikipagsamahan at sa pag-aaral kasama ng mga kaibigan niyang Tagalog dulot ng pagkakaiba sa kultura na paminsan-minsan ay nagiging sanhi ng salungatan sa mga mag-aaral.
Sa kabila ng mga paghihirap na kanyang pinagdaanan, si Eclin ay nananatiling nagpapasalamat sa mga pagkakataon na nakuha niya para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Malinaw sa amin na siya ay isang masigasig at determinadong mag-aaral nang ipinaliwanag niya sa amin kung paano siya nagtatrabaho upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng bagong learning set-up dulot ng pandemya, at kung paano sa edad na 26, nakuha niyang pigilin ang kanyang sarili mula sa pagkakaroon ng relasyon at ng anak dahil nais niyang mag-focus ng mahusay sa kanyang pag-aaral.
Pinapangarap ni Eclin na balang araw ay maibahagi niya ang lahat ng kanyang natutunan mula ng makakakuha siya ng pagkakataong mag-aral sa Ezer School kasama ang susunod na henerasyon ng mga estudyanteng Mangyan. Kanyang ipinaliwanag na noong siya ay unang lumipat sa Ezer, hindi siya pamilyar sa mga bagay tulad ng pagtanggap ng mga panauhin na bumibisita sa paaralan dahil ang mga Mangyan ay karaniwang mahiyain at mahina ang pagsasalita. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon ay nakuha niyang paunlarin ang mga kasanayan sa komunikasyon at mula noon ay naging mahusay siya sa pakikisalamuha sa mga tao. Kasama nito, ang pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, at iba pang pangunahing kasanayan ay ilan sa mga bagay na nais niyang maibahagi sa mga darating na mga estudyanteng Mangyan.
Sa kasalukuyan, siya ay isang first-year college student na kumukuha ng kurso sa Edukasyon na may pag-asang maging guro. Ipinagmamalaking sabihin ni Eclin, “Natutuwa ako na ako ay isang katutubo at mas natutuwa ako na bilang isang katutubo naabot ko ang ganitong level ng pag-aaral.” (I’m proud to be a Mangyan, and I’m even more proud that as a Mangyan I’ve attained this level of education.)
Ang pagmamahal ni Eclin sa komunidad ng mga Mangyan ay hindi lamang malinaw sa kanyang mga pangarap kundi kitang-kita din sa masiglang paraan na inilarawan niya ang kultura na nagpalaki sa kanya. Pinag-usapan niya ang tungkol sa trabahong ginagawa niya sa pagtatanim tuwing tag-init, at mga pagkain na ibinabahagi niya sa iba pang mga miyembro ng pamayanan. Tinalakay din niya ang tungkol sa diwa ng mga Mangyan tulad ng kooperasyon, at buong-puso niyang ibinahagi ang mga produkto ng kanyang komunidad tulad ng banig. Sa wakas, ibinahagi ni Eclin ang salitang ‘Mangyan’ ay tumutukoy sa iba’t ibang mga tribo. Sinabi niya sa amin na sa Mindoro lamang, ay mayroong 8 magkakaibang pangkat ng mga Mangyan na nagsasalita ng magkakaibang wika at may magkakaibang paniniwala at ritwal.
Sa kabila ng mga paghihirap na hinaharap ng tao na ipinanganak sa isang pamayanan na kung minsan ay hindi napapansin at limitado sa mga mapagkukunan, pinili ni Eclin na tingnan ang positibo at magandang aspeto ng mga tao at kultura ng mga Mangyan. Napakaginhawang marinig kung gaano siya kasaya at maligaya sa kanyang simple, ngunit masaganang kumpletong buhay sa bundok.
Ipinagmamalaki ng The Adversity Archive ang pagbabahagi ng mga kwento ng mga taong tulad ni Eclin na patuloy na nagpapaalala sa atin na ang kasiyahan at pagiging kuntento sa kasalukuyan ay tunay na nagtatakda sa mga umunlad mula sa mga nakaligtas lamang. Kaming lahat sa The Adversity Archive ay patuloy na sumusuporta kay Eclin habang tinutugunan niya ang kanyang pangarap na balang araw, magbalik sa kanyang pamayanan bilang isang guro.
Upang mag-subscribe, click here.
Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.
Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com
Upang i-sponsor ang kolehiyo ng isang mag-aaral na Mangyan sa halagang 30,000php, click here.