The Golden Girl
September 24, 2021
Jan Ashely Cay
Gold is a commodity that is of intrinsic value. Malleable yet also firm and pure, it speaks volume to the masses as those of higher power wear it to show pride, honor and power. But unlike the foolish greed of Midas when he first struck gold, a golden girl possesses something greater than the material wealth of this realm. If Midas' touch was the curse of greed, our golden girl has touched the hearts of those she holds dearest, especially for a family that she would do anything for.
Our story focuses on an 18 year old scholar named, Althea Danielle Guerra, who has just graduated top of her class at Lyceum of the Philippines University, Batangas, school year 2020-2021. She is a scholar of both the government and her university, entailed with requirements and expectations to be met in order to be deemed worthy. Danielle had applied for being an ESC grantee in order to receive financial assistance from her local government, they asked that scholars would be consistent in being in the honor ranks, while Lyceum of the Philippines, Batangas, had given benefits to students who placed in the top 5. Each respective ranking had a corresponding benefit or discount.
One might say, the winner takes all with a 100% discount to the valedictorian. She was triumphant in the battle of brains, wit and talent. Our golden girl sounds like the epitome of a youthful scholar, but she claims that she is only a human who strives and does her best, for herself and the greater good of all.
Scholars are deemed the cream of the crop, the select few given the privilege of free, quality education. As many who excel in academics, sports and fields of creativity, individuals are given this platform to be given financial assistance, that not only the scholar could benefit from, but their family as well.
But how do scholars define themselves?
"Para po sa akin, maidedescribe ko ang isang scholar bilang competitive and trustworthy…" (For me, I could say that a scholar is someone who is competitive and trustworthy…)
It is in her belief that a person gains the trust of her benefactor through being "extra." Extraordinary in showcasing her capabilities and putting in the extra effort in academics. Benefactors think of children with potential as an investment to society and scholars in return, must show what they can bring to the table.
There is a weight that comes with the privileges given to the chosen few. Scholars strive to live up to the expectations of their peers and benefactors and they must provide consistent, satisfactory results in order to maintain the spot they’ve claimed through their efforts and intellect. They doubt whether they can live up to what others want for them and disappointment is a lingering feeling that pressures them to either overcome or succumb to it. But worry not about these victors, Danielle says that these are one of the many hurdles they face and she continues to rally on and persevere to get what she wants.
As Danielle articulates, being a scholar is both a reward and responsibility. The financial assistance she receives is what she calls "the visible, materialized proof of effort". It brings joy and boosts Danielle’s morale when she sees the fruits of her hard work.
"Ako ay natutuwa pag nakikita ko na ang efforts ko ay nagmamaterialize into the benefits na nakakatulong sa akin at sa aking mga magulang."
(It brings me joy to see my efforts materialize into something beneficial to my parents and I)
Danielle emphasizes that the trust of her parents is a big deal. They have faith in her capabilities, as the youngest of three children who are all scholars and perform dutifully well in school, she feels the need to step up and present what she can bring to the table. It eases the worries of her parents that she is capable of doing something worthwhile and beneficial for her future. However, she fears the disappointment of not being the best her parents want her to be.
"Pag natikman mo ba yung fruits of your rewards, yung mga pinaghirapan mo, andun yung pressure syempre kasi alam mo pag hindi mo pinag-igihan, may madidisappoint ka."
(When you get to taste the fruits of your labor, you'll feel pressured because if you do not work hard enough, you might end up disappointing someone.)
Danielle strives to be consistent in delivering a satisfactory academic performance in order to maintain her standing in the honor roll. Scholars like her put their time, effort, skill and brains on the line. There is a misconception on the dedication they have to their studies, as they are perceived as people who take academics too seriously. But in reality, they are just people who exert twice the effort in order to be deemed worthy of the given opportunity. It is a need of theirs to show that they have what it takes to be on top and the summit is not the pinnacle of honor and recognition, but rather to prove that they are worthy of a right that few cannot afford to have which is a good education.
From Danielle's own words, when you taste the fruit of your effort, you'll want to keep going in order to keep it and not be taken from you or else you might disappoint someone.
These are people who have to put in more than what they can offer in order to keep the education that will lead them to a better tomorrow, not just for themselves, but also for their loved ones who hope that they can have something more promising than what they have today. It's not just about the glittering glamour of medals, but the certainty of a bright future that puts them and their families at ease.
Nevertheless, scholars are very much human. Individuals who know how to have fun, laugh and rest when things in life become too overwhelming. Life is a playing field where people grapple towards the same goal, yet only some prevail when they have given their all in order to achieve greatness. These are people who have put more than what meets the eye of spectators and deserve the fruits of their labor.
Danielle sought out the future she wanted for herself, despite challenges and personal inhibitions. She tells us in her short triumphant tale that she enjoys what she does. It's not only because there are benefits after work, but there is satisfaction when you know that you are capable of helping your loved ones and that you may provide comfort in your own little way. There is redemption in knowing that the roads in life may be rough, but this is a journey to greater heights.
There may be obstacles but you have the courage to forge your own path and be the person you want to be.
Scholars are more than ores that seem like they are inconsequential, but they bear such promise and hope. Understanding what they have to go through makes you realize that dedication, perseverance and tenacity will bring you much happiness when you have reaped your rewards. Scholars are like the gold mines that seem hard to find, but they are all around us, it is not enough to just scratch through the surface, but to dig deeper into their heart of gold, filled with purpose, knowledge and even love.
The Golden Girl
September 24, 2021
Jan Ashely Cay
Translated by Mae Mayores
Ang ginto ay isang kasangkapang may pangunahing halaga. Malambot ngunit ito rin ay matatag at puro, malakas ang dating sa masa dahil sa ang may mga mataas na katungkulan ang nagsusuot nito upang magpakita ng karangalan, kahalagahan at kapangyarihan. Ngunit taliwas sa hangal na kasakiman ni Midas ng siya’y unang humawak ng ginto, ang ginintuang dalaga ay nagtataglay ng mas malaking yaman kaysa materyal na kayamanan ng lupaing ito. Kung ang haplos ni Midas ay sumpa ng kasakiman, sa kabilang banda, ang ating ginintuang dalaga ay nahaplos ang puso ng mga taong pinakamahalaga sa kanya. Lalo na ang pamilyang handa niyang gawin ang lahat para.
Ang ating istorya ay pumapalibot sa isang labing-walong taong gulang na iskolar na nagngangalang, Althea Danielle Guerra, na nagtapos bilang pinakamataas sa kanyang klase sa Lyceum of the Philippines University, sa Batangas, taong 2020-2021. Siya ay parehong iskolar ng gobyerno at ng kanyang Unibersidad, na may kaakibat na requirements at ekspektasyong kailangan makamit upang maituring na karapat-dapat. Naging ESC grantee si Danielle upang makatanggap ng pinansyal na suporta mula sa kanyang lokal na gobyerno,
tagubilin nila sa mga iskolar na panatilihin ang posisyon sa honor ranks, habang ang Lyceum of the Philippines, Batangas, ay nagbigay ng benepisyo para sa mga estudyanteng kasama sa limang pinaka nangunguna. Bawat ranggo ay may kaakibat na benepisyo at diskwento.
Maaring sabihin ng iba, ang panalo ay makukuha ang lahat na may 100% diskwento sa balediktoryan. Siya ay wagi sa labanan ng utak, talas ng isip at talento. Ang ating ginintuang dalaga ay parang katunog ng isang ehemplong kabataang iskolar, ngunit kanyang sambit na siya ay isa lamang taong nagsusumikap at binibigay ang kanyang buong kakayanan, para sa kanyang sarili at sa ikabubuti ng lahat.
Ang mga iskolar ay itinuturing na pinakamahusay sa kanilang klase, ang ilang napili ay binigyan ng pribilehiyo ng libre at kalidad na edukasyon. Dahil sa marami ang nangingibabaw pagdating sa akademya, laro at larangan ng pagkamalikhain, ang mga indibidwal ay nabigyan ng entablado upang mabigyan ng pinansyal na suporta, na hindi lamang ang mga iskolar ang makikinibang ngunit pati rin ang kanilang mga pamilya.
Ngunit paano nga ba binibigyang kahulugan ng mga iskolar ang kanilang sarili?
"Para po sa akin, maidedescribe ko ang isang scholar
bilang competitive and trustworthy…"
Nasa kanyang paniniwala na ang isang tao ay nakukuha ang tiwala ng kanilang benepaktor sa pagiging “extra.” Maging kahanga-hanga sa pagpapakita ng kanyang mga abilidad at paglalaan ng labis na pagsisikap sa larangang akademya.Tingin ng mga benepaktor sa mga batang may potensyal ay puhunan sa lipunan at ang mga iskolar bilang kapalit, ay dapat ipamalas kung ano ang maiaambag nila.
Mayroong bigat na nakaakibat sa pribilehiyong ibinigay sa mga napili. Ang mga iskolar ay nagsusumikap na gampanan ang mga inaasahan ng kanilang kapwa mag-aaral at mga benepaktor, at kailangan nilang magbigay ng tuloy-tuloy at kasiya-siyang resulta upang mapanatili ang posisyong nakamit sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap at talino. Sila ay nag aalinlangan kung makasasatuparan ba nila ang mga kagustuhan ng iba para sa kanila at ang pagkabigo ay isang damdaming nanatili at pinipilit silang papiliin kung tatapusin o susukuan ito. Ngunit hindi dapat mag alala sa mga kampeong ito, ayon kay Danielle, ito ang isa sa mga balakid na kanilang hinaharap ngunit patuloy pa rin siyang nagtitiyaga at nagsusumikap upang makuha ang gusto niya.
Gaya ng sambit ni Danielle, ang pagiging iskolar ay parehong gantimpala at responsibilidad. Ang pinansyal na suportang natatanggap niya ay tinatawag niyang “nakikitang konkretong patunay ng pagtitiyaga”. Nagbibigay ito ng lakas sa morale ni Danielle kapag nakikita niya ang bunga ng kanyang pagsusumikap.
"Ako ay natutuwa pag nakikita ko na ang efforts ko ay nagmamaterialize into the benefits na nakakatulong sa akin at sa aking mga magulang."
Binigyang diin ni Danielle na ang tiwala ng kanyang magulang ay isang malaking bagay. Mayroon silang tiwala sa kanyang kakayahan, bilang bunso sa tatlong magkakapatid na mga iskolar at ginagampanang mabuti ang kanilang pag aaral. nararamdaman niyang kailangan niyang ipamalas ang kaya niyang iambag. Pinapagaan ang mga pagaalala ng kaniyang magulang na siya ay may kakayahan gumawa ng isang bagay na makakatulong sa kanyang kinabukasan. Subalit, siya ay natatakot na mabigong ipakita ang rurok ng kaniyang kakayanan na gusto ng kanyang magulang para sa kanya.
"Pag natikman mo ba yung fruits of your rewards, yung mga pinaghirapan mo, andun yung pressure syempre kasi alam mo pag hindi mo pinag-igihan, may madidisappoint ka."
Pinagsusumikapan ni Danielle ang pagbibigay ng tuloy-tuloy na kaaya-ayang akademikong pagganap upang mapanatili niya ang kanyang posisyon sa honor roll. Ang iskolar na katulad niya ay isinasapalaran ang kanilang oras, sikap, kahusayan, at talino. Walang maling kuro-kuro sa dedikasyong inaalay nila sa kanilang pag-aaral, sa kadahilanang sila ay tinitignan bilang mga taong, sobrang sineseryoso ito. Ngunit ang totoo, sila ay tao lamang na nagbibigay ng dalawang beses na higit sa kanilang pagsisikap upang ituring na karapat-dapat ng oportunidad na ibinigay sa kanila. Pangangailangang ipakita na mayroon silang kakayahan upang makamit ang tuktok at ang rurok ay hindi ang tugatog ng karangalan at pagkilala, ngunit isang paraan ng pagpapatunay na karapat dapat sila ng karapatan na hindi lahat ay kayang magkaroon, ang magkaroon ng kalidad na edukasyon.
Mula sa sariling mga salita ni Danielle, kapag natikman mo ang lasa ng bunga ng iyong pagsisikap, nanaisin mong magpatuloy upang mapanatili ito at hindi maagaw sayo dahil kung hindi, maaring mayroon kang mabigo.
Ito ang mga taong kailangang maglaan ng higit sa kanilang kakayahan upang manatili sa edukasyon na magdadala sa mas magandang hinaharap, di lamang sa kanilang sarili, ngunit ganun din sa kanilang mga mahal sa buhay na umaasa na mayroon silang maipapakita na mas mahusay kaysa sa kung anong mayroon sila ngayon. Hindi ito tungkol lamang sa akit at kinang ng medalya, ngunit pati na rin ang kasiguraduhan ng nagniningning na kinabukasan na magdadala sa kanila at kanilang pamilya sa kaginhawaan.
Gayon pa man, ang mga iskolar ay tao parin. Mga indibidwal na marunong magsaya, tumawa at magpahinga kung ang buhay ay nagiging labis na. Ang buhay isang lugar-palaruan kung saan ang mga tao ay nakikipag buno tungo sa iisang layunin, ngunit iilan lamang ang nagwawagi, kapag ibinigay ang kanilang buong kakayahan upang makamit ang kabantugan. Ito ang mga taong naglaan ng higit sa kung anong nakikita ng mga nanonood, mga taong karapat-dapat sa bunga ng kanilang paghihirap.
Hinangad ni Danielle ang kinabukasan ginusto niya para sa kanya, sa kabila ng mga pagsubok at personal na pagtitiis. Ibinahagi niya sa amin sa kanyang munting kwento ng tagumpay, na masaya siya sa kanyang ginagawa. Hindi dahil lamang sa mga benepisyo pagkatapos ng kanyang ginawa, ngunit may kasiyahan kapag alam mong ikaw ay may kakayanang tulungan ang mga mahal mo sa buhay at na maaari kang magbigay ng ginhawa sa iyong sariling munting paraan. Mayroong pagbangon, sa pag iisip na ang landas man sa buhay ay mahirap, ngunit ito ay isang paglalakbay tungo sa mas mataas na patutunguhan.
Mayroon mang mga balakid, subalit mayroon kang tapang na pandayin ang sarili mong landas at maging ang taong nais mong maging.
Ang mga iskolar ay higit sa mga mineral na maaring tignan bilang walang halaga, ngunit sila ay nagdadala ng pangako at pag-asa. Sa pag-unawa sa mga bagay na kanilang dinanas ay makapagpapaunawa sa iyo na ang dedikasyon, tiyaga at determinasyon ang magbibigay sa iyo ng tuwa kapag na inani mo na ang iyong gantimpala. Ang mga iskolar ay parang mga minahan ng ginto na mahirap mahagilap, ngunit ito ay nasa nasa paligid natin, hindi sapat na gumawa lamang ng gasgas sa ibabaw, ngunit maghukay ng mas malalim sa kanilang ginintuang puso, na puno ng hangarin, karunungan, at pati narin ng pagmamahal.