top of page

Think Before You Click

English

March 30, 2022

Jan Ashely Cay

The outspoken people of this proud country are given a task of electing leaders to represent them and guide them towards an envisioned future of improved Filipino livelihood. With the major developments in society, the heart and mind can grow fickle, so easily influenced by change, especially in a fast paced world where one click can make a difference. 

 

CLICK Partylist, though relatively new to the political scene, wishes to make a difference this election. The partylist is vocal about taking a forward approach on all sectors of the country through the lens of innovation, technological advancements and digitization and have further expressed these plans through their 4 Pillar Platform.

 

Programs that have helped them forward their plans in the mentioned 4 Pillar Platform include supporting scholars and donating equipment that not only students, but teachers and those in barangays can use when they need them. CLICK also conducts job hunting seminars to help people find jobs after they graduate and computer training seminars to educate participants who wish to be more computer literate. 

276036463_131521332727179_2104359402798888010_n.jpg

They take a leap of faith from promoting eSports to putting action behind the intention in making a change in Filipino daily living. It is in CLICK partylist’s belief that the country though reactive and globally competitive, lacks initiative, legislation and support from the government in addressing long standing issues that the current pandemic had given light to.

 

These issues regarding connectivity, the lack of  digital resources and many more related to technology have hindered the country’s progression and have caused the Philippines to be “left behind again.”

 

CLICK had given their opinion on the government’s mismanagement of the Philippines’ technological sector, "We would like to bring a more holistic plan for infrastructure and development that can be driven by the government to address problems related to technology that were caused by decades of neglect or corruption…” and in order to achieve their plans for development, the partylist wishes to involve everyone, from community leaders to those in authoritative power in Malacanang. In that way, the support and inclusion of everyone’s efforts can bring their vision of a better future closer to reality than just a laid out plan. 

 

CLICK has yet to pass any bills of their own, but the organization has expressed their support for the initiatives taken in Congress even with threading through the sensitive issue of foreign ownership. They have expressed their approval for the recent amending of the law on foreign ownership saying that, “this as a means to invite foreign investors and allow investment in multiple technologies for the country’s benefit” aside from the raised their concerns regarding the matter of national cyber security and with critics scrutinizing foreign ownership as a compromise to data security.

 

 CLICK also gives emphasis on the educational sector of the Philippines, as it is in their belief that, “This is where it starts and this is how we can change the next generation." The foundation that young people lay out for their future starts out with their education as this is where they uncover their potential, talents, and skills. Reading and writing are considered a norm for youngsters to learn before they lay out said foundation, but as times are changing, the norm for the youth is also evolving into something much more complex than what we have always known.

275973589_131295599416419_1003132923994552179_n.jpg

“CLICK is computer literacy.” 

 

The partylist aims for computer literacy to be a norm in order to cope with the requirements of most school curriculums and careers. CLICK desires for computer literacy to be on par with reading and writing. The Filipino people have shown exemplary skills in reading and writing, having a high literacy rate compared to other neighboring Southeast Asian nations, by 91.6, recorded last 2019, yet injecting digital literacy into the curriculum with the evident lack of gadgets pose a problem in a now tech-dependent environment. To be computer literate, you must own a computer or a technological device at least and many Filipinos have no stable finances to purchase and own one, pushing them to remain analogue. The pandemic has further made access to technology a critical issue and the lack of resources put many Filipinos at a disadvantage.

“Computer literacy is not an elite problem, it’s an ‘everyone’ problem.” 

 

CLICK refutes critics when it comes to computer literacy being an “elite problem''.  They believe that change is inevitable for every sector and the world will not wait for the Philippines. It is imperative, CLICK says, to start now. 

 

The incorporation of computer literacy at a young age and in the existing educational system of the country may be considered as an advantage in academics and in the workplace, yet the lack of resources have Filipino families at a digital divide, something that has been recently given emphasis during distance learning and the new online setting. Though it is imperative to start now, the inability to provide said resources to learn the skills, for one’s education and requisites to be tech-ready and be part of a modern, forward-thinking society will create a larger drawback for the country.

 

Since time waits for no man, issues in technology will grow more complex and CLICK will have to face many more criticisms about this, even those relating to the issue of connectivity. They plan on taking a proactive approach on the matter so that plans that were junked before can finally bear results like the National Broadband Plan.

 

“It’s not gonna be a one solution fits all.” 

 

Connectivity in the country is also greatly affected by the country’s archipelagic state that is often visited by typhoons. CLICK has taken into account local perspectives on the ground for what is best for each particular area. The partylist proposes a disaster resilience plan that can further assist people in communicating during calamities and disseminating news more efficiently. 

 

“Satellite technology is something we can adapt for areas that are badly hit and that require critical speed communication help, to get to those areas,” explained Sir Ian Bangayan regarding their proposition on technology for disaster control in the country. CLICK seeks to improve existing cell sites and surrounding areas so that they may provide a better range and signal for people in the area. 

 

“What would the ideal world look like for CLICK? Assuming all goes well.” This interviewer asks.

 

It is a lingering question, not only when all goes well for CLICK but even for the Filipino people who align with their vision. People seek promise in words and expect actions motivated by good intentions. 

“We want to do a lot, but what can you achieve in three years? It’s little, but we will do the best we can.” 

 

CLICK partylist challenges themselves to  make a difference in a timely world powered by the net and motivated by online forums, subcultures and a whole new realm of staying in the virtual loop. As a partylist they challenge the existing issues that are in need of attention. The question is: if given the chance to win a seat in office, will they be able to turn their visions into concrete plans in progress or make evident changes in the lives of Filipinos?  The candidates mentioned their first step to be getting local governments to provide internet connection for barangays. It is a small step with hopes to make a bigger difference for everyone,and will prove whether  branching out to improve health services and education via tech is possible.  

 

“The possibilities are endless once everyone is connected.” 

 

CLICK aims to bring the Filipino people together one step at a time with digitization and digital readiness for the convenience of many, but are the people ready for the change that is evidently seen day by day? The opportunities and hopes for this fast track to convenience are tempting and people want nothing more but a better way of living for themselves, even if it risks venturing into something they’re not used to. Change is as bottomless as the seas and the internet’s trench-like webs that will take you to places, ones you are bound to learn from or not. This election, do we venture into the unknown? Or will we fall prey to clickbait officials that seem too good to be true? Think before you click.

274571888_126502769895702_2564527798584506939_n.jpg
Filipino

Think Before You Click

March 11, 2022

Jan Ashely Cay

Translated by 

Naatasang maghalal ang mga Pilipino ng mga pinunong kakatawan sa kanila at gagabayan sila tungo sa inaasam na mas pinaigting na pangkabuhayang Pilipino. Sa patuloy na pag-unlad ng lipunan, ang puso at isipan ay madaling naimpluwensyahan ng mga pagbabagong ito, lalo na sa mundong ginagalawan natin kung saan ang isang pag-click ay maaaring maging marka ng pagbabago.

 

Bagama’t bago ang CLICK Partylist sa eksenang pampulitika sa Pilipinas, nais nilang magdala ng pagbabago ngayong eleksyon. Kilala ang CLICK sa kanilang paninindigan na makakamit ang tunay na pagunlad ng lahat ng sektor ng lipunan sa pamamagitan ng inobasyon, teknolohikal na pag-asenso, at digitisasyon. Isinusulong nila ang 4 Pillar Platform para sa pagsasakatuparan ng mga planong ito.

Mula sa pagsulong ng eSports hanggang sa pagkilos para pagbutihin ang pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino, naniniwala ang CLICK sa abilidad ng Pilipinas na makipagsabayan at makipag tagisan sa global na lebel. Sadyang kulang lang ang inisiyatibo, lehislatura, at suporta ng gobyerno na nakalaan upang maresolba ang mga isyung matagal nang hinaharap ng bansa—mga isyung mas nabigyang linaw sa pagsapit ng pandemya.

276036463_131521332727179_2104359402798888010_n.jpg

Ilan sa mga isyung ito ay teknolohikal, tulad ng Internet connectivity at kakulangan sa iba pang digital resources, na nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa: tila ba'y napapabayaan at napagiiwanang muli ang Pilipinas.

 

Nagbigay opinyon din ang CLICK patungkol sa maling pamamahala ng gobyerno sa technological sector ng Pilipinas at ninanais nilang “...maglahad ng mas holistic na plano para sa imprastraktura at pag-unlad na maaaring gamitin at suportahan ng pamahalaan upang matugunan ang mga problema na may kaugnayan sa teknolohiya na dulot ng mga dekada ng kapabayaan o katiwalian…”. Upang makamit ang kanilang mga plano, nais ng CLICK na maging intensyonal ang lahat ng mga lider ng mga komunidad hanggang sa mga nakaupo sa pagkamit ng pag unlad na ito. Sa pamamagitan ng kanilang suporta at pagsisikap, ang panukala ng CLICK ay mas magiging makatotohanan at hindi mananatili bilang isang plano lamang.

 

Wala pang naisasabatas ang CLICK ngunit naghayag naman ang organisasyon ng kanilang suporta para sa mga inisiyatiba ng Kongreso, pati narin sa sensitibong isyu ng foreign ownership. Ipinahayag nila ang kanilang pagsang-ayon sa pag-amyenda ng batas sa foreign ownership kamakailan lamang, “ito ay isang paraan upang manghikayat ng mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa iba’t-ibang klase ng teknolohiya para sa ikauunlad ng bansa". Ngunit labas sa pagsang-ayon nila ang kanilang mga alalahanin tungkol sa usapin ng pambansang cyber security at ang posibilidad na ang dayuhang pagmamay-ari ay magiging dahilan ng pagka kompromiso sa seguridad ng impormasyon.

275973589_131295599416419_1003132923994552179_n.jpg

“Ang CLICK ay tumitindig para sa computer literacy.” 

 

Layunin ng partylist na maging pamantayan sa mga eskwelahan ang computer literacy upang matuto at maging handa ang mga Pilipino sa mga kinakailangan na kakayahan sa iba’t-ibang trabaho pati narin sa kurikulum ng paaralan. Ninanais ng CLICK na kilalanin ang pangangailangan ng computer literacy bilang kasing importante ng pagbabasa at pagsusulat. Kahit na mataas ang literacy rate ng Pilipinas kumpara sa iba pang mga kalapit na bansa sa Southeast Asia (Timog-silangang Asaya) ng 91.6%? na naitala noong nakaraang 2019, ang kakulangan ng resources o gadgets ay isa sa mga dahilan kung bakit may iilan parin na hindi nakaka-access sa edukasyon, impormasyon, o mga klase ng kabuhayang nakadepende sa teknolohiya. Upang maging marunong sa kompyuter, dapat mayroon ka munang isang kompyuter o isang teknolohikal na aparato. Maraming Pilipino ang walang sapat na pera para dito. Ito ang nagtutulak sa kanila na manatiling analogue. Naging dagdag pa sa mga balakid na ito ang pandemya at mas lalong nagiging dehado ang mga Pilipino pagdating sa pagkatuto, paghahanap buhay, o miski maging konektado ngayong nakadepende na ang araw-araw sa digitalization at teknolohiya.

“Ang computer literacy ay isang problemang kinakaharap ng lahat, hindi lamang ng mga elitista”

 

Pinabulaanan ng CLICK ang mga kritikong sinasabi na “problemang elitista” ang pagiging marunong sa kompyuter. Naniniwala sila na ang pagbabago ay hindi maiiwasan sa bawat sektor at hindi na hihintayin ng mundo ang Pilipinas. Kinakailangan na magsimula ngayon, sabi ng CLICK.

 

Ang pagkakaroon ng computer literacy magmula sa murang edad at sa sistemang pang-edukasyon ng bansa ay maituturing na kapakipakinabang sa akademya at sa trabaho. Ngunit ang kakulangan ng akses ng mga pamilyang Pilipino ay nagiging dahila ng digital divide, isang bagay na kamakailan lamang ay binigyang pansin dahil sa distance. Bagama't kailangang magsimula ngayon, ang kawalan ng kakayahang magbigay ng nasabing mga mapagkukunan upang matutunan ang mga kasanayan, para sa edukasyon at mga kinakailangan ng isang tao na maging handa sa teknolohiya at maging bahagi ng isang modernong, mapagpatuloy na lipunan ay lilikha ng mas malaking sagabal para sa bansa.

 

Dahil hindi hinihintay ng oras ang sino man, mas magiging komplikado ang mga isyung panteknolohiya at mas marami pang kritisismo ang maririnig at kailangang harapin ang CLICK tungkol dito. Nagpaplano silang gumawa ng maagap na diskarte sa usaping teknolohiya upang ang mga planong hindi inaprubahan noon ay makapagbigay ng mga resulta katulad ng National Broadband Plan.

 

"Hindi lang iisa ang solusyon pagkat iba iba ang kondisyon ng bawat Pilipino."

 

Lubos na naapektuhan ang connectivity sa Pilipinas dahil sa heograpikal na posisyon nito na madalas dinadaanan at tinatamaan ng bagyo. Isinasaip at tinatanggap din ng CLICK ang perspektibo ng mga residente kung ano ang mga nararapat na gawin sa kanilang lugar/tinitirhan. Nilalayon din ng partylist na gumawa ng disaster resilience plan na makatutulong sa mga tao sa pakikipagkomunikasyon nila sa panahon ng kalamidad upang maraming buhay ang hindi mapapahamak sa bawat pagkakataong walang balitang nangangalap tungkol sa kanilang kalagayan at kaligtasan sa mga kalamidad.

 

“Satellite technology is something we can adapt for areas that are badly hit and that require critical speed communication help, to get to those areas,” paliwanag ni Sir Ian Bangayan ukol sa kanilang proposisyon para sa disaster control ng bansa. Ninanais ng CLICK na palawakin ang sakop (range) at palakasin ang signal ng mga cell site para makapagbigay para sa mga taong naninirahang malayo sa mga ito.

"Ano ang inaaakit naming kinabukasan sa CLICK? Kung mabuti ang kalabasan ng lahat ng ito."

Isa itong paulit-ulit na katanungan, hindi lang para sa CLICK kundi sa lahat ng mga Pilipinong may parehong pananaw sa kanila. Minimithi ng mga tao ang katuparan sa mga salitang kanilang binibitawan at mga aksiyong may magandang intensiyon.

“Marami kaming gustong gawin pero ano ba naman ang maatim mo sa loob ng tatlong taon? Maigsi ang panahon pero gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.”

 

Napapanahon ang pangako ng CLICK sapagkat ang planeta natin sa kasalukuyan ay konektado ng net at mga online forum, subculture, at ang panibagong mundo na kinakailangang pasukin para makasabay sa mga birtuwal na trend. Bilang isang partylist, hinahamon nila ang mga kontemporaryong isyung nangangailangan ng atensiyon. Ang tanong: kung pagbibigyan ng puwesto, kakayanin ba nilang gawing kongkretong aksiyon ang kanilang mga pangako o kahit man lang gumawa ng malaking pag-unlad sa buhay ng mga Filipino? Ibinahagi ng mga kandidato na ang kanilang unang hakbang ay ang makapagbigay ng internet connection para sa mga baranggay. Maliit man itong hakbang para magkakaroon ito ng malawakang pag-unlad sa lahat. Bukod dito, mabibigyan ng pagkakakataong mapatunayang posibleng pagbutihin ang mga serbisyong-pangkalusugan at edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya.

“Kung lahat ay konektado na, walang hanggang mga posibilidad ay kayang abutin.”

 

Nilalayon ng CLICK na pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng digitization at kahandaang-digital para sa ikabubuti ng lahat, ngunit handa na ba ang mga tao para sa mga pagbabagong ito? Ang mga oportunidad at pag-asa para sa digitization ng bansa ay nanunukso, at wala nang ibang ninanais ang mga tao kundi ang maayos na pamumuhay, kahit walang ideya sa kung ano ang nasa ating hinaharap. Kasinglalim ng mga dagat ang posibilidad para sa pagbabago sa bansa, at ang mga trench sa dagat na maihahalintulad sa internet ang makapagdadala sa iyo sa maraming lugar, mga lugar na iyo mang pinaghandaang mapuntahan o hindi. Ngayong halalan, naglalakbay ba tayo sa hindi natin nakikita? O papalamon lang tayo sa mga pangako ng mga trapong politiko. Mag-isip muna bago mag-click (Think before you click.)

274571888_126502769895702_2564527798584506939_n.jpg
bottom of page