Typhoon Odette on Bohol:
This isn’t a resilience story
February 16, 2022
Rianne Motas
Oftentimes, when the disaster seems too far from our own lives, we forget that real people were brought down. It is quite easy to feel a tinge of remorse for the victims of such tragedies while watching the news, but we will never know of their first-hand pain.
Jairus Zim, an 18-year-old Red Cross Volunteer, posted on Facebook speaking about the grave aftermath that Typhoon Odette left them in after it wreaked havoc. Last December 2021, Typhoon Odette devastated the popular tourist destination of Bohol with violent rain showers and destroyed their means for livelihood. Hundreds of families watched the natural disaster slam right into their households with no mercy as they were fleeing, their hearts surely breaking as they seek refuge elsewhere while their homesteads crash down to the ground.
Jairus’ passion to help stems from his patriotic love for his locale, the innate desire to protect his people oozes out especially during times like these. That being said, Jairus’ heart truly poured out for his community as he watched everything unfold.
“We mistakenly took the warning for granted,” Jairus shares about his area’s readiness when it came to preparing for Odette; as Bohol isn’t necessarily the usual hot spot for Typhoons, they just shrugged off Typhoon Odette as they anticipated it wouldn’t cause much destruction like Typhoon Yolanda. Jairus expresses how he regretted and detested the leniency as it was a bit too late when the responders took the warning seriously.
Citizens in coastal areas were already being evacuated the morning before the typhoon's peak. Unfortunately for evacuators and first responders, there was no visibility, which rendered them immobile because it was unsafe to move, let alone travel further into unreachable areas.
Around 9 p.m. on the same day, Jairus even went out on his own to try and evacuate citizens, but to no avail since it was already the height of the typhoon. Like the rest of the responders, they all had to wait out the storm with heavy hearts.
The emotional gravitas of the situation made the hours seem longer as they waited and waited for the storm to pass; every minute made their hearts drop as they saw houses and buildings get destroyed. Houses that probably took years and years to build. Houses that catered to families of five, six, or more.
From the eyes of a Red Cross volunteer, the pain was unbearable. They wanted to go out and help, but how could they when they were immobilized themselves?
Rescue operations were their top priority following the typhoon. However, most rescuers were unable to enter flood-prone locations since they were unable to navigate the aftermath of the disaster.
Despite the difficulties, courage and empathy propelled these volunteers to continue; Jairus was even the first to access the peninsula of Bien Unido, despite the route being completely blocked by debris. Jairus’ heart sank when he saw that these people were still left with no aid even a week after the storm. The absence of the national government’s presence in the situation made them feel that they were alone in this.
“When it comes to operations, the [help of the] private sector is felt more,” Jairus says. Since 2020, the private sector has performed admirably in the face of disasters; most organizations don't hesitate to mobilize their vast variety of resources and staff when calamities strike. However, one is left to wonder, why our government is very inactive in comparison to them; why is it that the private sector is compelled to take on the responsibility of our government? Isn’t it the duty of the government to protect and assist our most vulnerable?
Two months have already passed, but Bohol is still struggling.
Is it not urgent that a whole region and its people were devastated to the point of homelessness and starvation?
Most areas still don’t have electricity which constricts their ability to resume their daily lives. Right now they need shelter kits and tool kits to build homes again.
“During Typhoon Odette, there was no COVID-19,” 18-year old Jairus Zim says. “How could people think of that when they lost their homes?” The victims still have to act and make do with what they currently have despite the ongoing pandemic which also endangers them.
We’ve been dealing with storms ever since, but somehow the government’s response remains the same as if they had just accepted that it’s a natural phenomenon bound to happen. We shouldn’t forget the devastation that has occurred. We should be cognizant that more will come, especially when the death toll and missing persons cases just continue to go up. We must demand more from our leaders. Our people deserve long-term solutions.
“Honestly speaking, the death count of the province can be outdated [and inaccurate] because most of us [rescuers] can’t penetrate the towns,” Jairus continues to explain that the town of Obai, ground zero of Typhoon Odette, has yet to be reached. There are more or less eight island barangays that are only accessible by boat, and right now, they don’t have the means to reach those areas.
The damage was already grave in places that they can actually reach, local responders are sure that it’s much worse in places they can’t.
To subscribe, click here.
To donate more than 100 php, click here.
If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com
When volunteers don't have the resources to carry out their response, they can only get so far. They need national aid as well as media coverage so that the public can witness what our fellow countrymen have been forced to endure so that those with kind hearts could also lend out a hand. These people were left defenseless, distraught, and on their own due to a lack of national aid. There was no time to mourn the death of loved ones, houses, and memories, or a beloved community. Only the will to survive remained.
These people are facing loss on all and different kinds of levels – whether that be their homes, friends, or family. There is no resilience story here, just pure heartbreak and grief.
As Jairus carries on with helping rebuild Bohol, he urges the people to find it in themselves to also give what they can. He urges the national government to take notice and recognize the loss, not an opportunity to just seem charitable.
The residents are trying everything they can to get back on their feet, but it isn't enough. They shouldn't have to do it by themselves. They need help.
Bagyong Odette sa Bohol:
Hindi ito Isang Kuwento ng Katatagan
February 16, 2022
Rianne Motas
Translated by Elizabeth Cambay
Madalas, kapag ang sakuna ay tila napakalayo sa ating sariling buhay, nakakalimutan natin na may mga taong naapektuhan. Madaling makaramdam ng awa sa mga biktima ng mga trahedya tuwing nanonood ng balita, ngunit hindi natin malalaman ang kanilang pinagdaraanang sakit.
Si Jairus Zim, isang 18-taong-gulang na Red Cross Volunteer, ay nag-post sa Facebook tungkol sa malubhang resultang iniwan ng Bagyong Odette matapos nitong magdulot ng pinsala sa kanila. Noong nakaraang Disyembre 2021, sinalanta ng Bagyong Odette ang sikat na destinasyon ng turista ng Bohol sa pamamagitan ng marahas na pag-ulan at sinira ang kanilang mga pinagkakakitaan. Daan-daang pamilya ang nanood ng natural na sakuna na tumama sa kanilang mga tahanan ng walang awa habang sila ay tumatakas. Ang kanilang mga puso ay tiyak na nadudurog habang sila ay naghahanap ng kanlungan sa ibang lugar habang ang kanilang mga kabahayan ay bumagsak sa lupa.
Ang hilig ni Jairus na tumulong ay nagmula sa kanyang makabayang pagmamahal sa kanyang lugar. Ang likas na pagnanais na protektahan ang kanyang mga kababayan ay pumupukaw lalo na sa mga panahong tulad nito. Kung kaya, ang bukal na puso ni Jairus ay sadyang bumubuhos para sa kaniyang komunidad habang pinanonood ang lahat ng nangyayari.
"Kami ay nagkamali na kinuha ang babala na parang wala lang," pagbabahagi ni Jairus tungkol sa kahandaan ng kanyang lugar pagdating sa paghahanda para kay Odette; dahil ang Bohol ay kalimitang hindi tinatamaan ng bagyo. Ipinagkibit-balikat na lamang nila ang Bagyong Odette dahil inaasahan nilang hindi ito magdudulot ng malaking pinsala tulad ng Bagyong Yolanda. Ipinahayag ni Jairus kung paano niya pinagsisihan at kinasusuklaman ang pagpapabaya dahil medyo huli na nang seryosohin ng mga rumeresponde ang babala.
Inilikas na ang mga mamamayan sa baybayin nang umaga bago ang rurok ng bagyo. Sa kasamaang-palad, para sa mga evacuator at unang rumeresponde, wala silang makita, na naging dahilan upang hindi sila makaaksyon dahil hindi ligtas gumalaw, lalo na ang paglalakbay sa mga hindi maabot na lugar.
Bandang ika-siyam nang gabi, noong araw ding iyon, lumabas pa si Jairus nang mag-isa para subukang ilikas ang mga mamamayan, ngunit wala itong naging epekto dahil kasagsagan na ng bagyo. Tulad ng iba pang mga tumugon, lahat sila ay kailangang maghintay na humupa ang bagyo nang may bigat sa puso.
Ang kabigatan ng sitwasyon ay tila mas pinahaba pa ang mga oras habang sila ay naghihintay nang naghihintay para lumipas na ang bagyo; bawat minuto ay nadudurog ang kanilang mga puso habang nakikita nilang nasisira ang mga bahay at gusali. Mga bahay na malamang nangailangan ng maraming taon upang maitayo. Mga bahay na tumulong sa mga pamilyang may lima, anim, o higit pang tao.
Mula sa mga mata ng isang boluntaryo ng Red Cross, ang sakit ay hindi matiis. Nais nilang lumabas at tumulong, ngunit paano nila ito magagawa kapag sila mismo ay hindi makakilos?
Ang rescue operations ang kanilang pangunahing prayoridad kasunod ng bagyo. Gayunpaman, karamihan sa mga rescuer ay hindi nakapasok sa mga lugar na madaling bahain dahil hindi nila nagawang abangan ang resulta ng sakuna.
Sa kabila ng mga paghihirap, lakas ng loob at pakikiramay ang nagtulak sa mga boluntaryong ito na magpatuloy; Si Jairus pa nga ang unang nakarating sa peninsula ng Bien Unido, kahit na ang ruta ay ganap na hinaharangan ng mga debris. Nadurog ang puso ni Jairus nang makita niyang wala pa ring tulong ang mga taong ito kahit isang linggo na ang lumipas matapos ang bagyo. Ang kawalan ng presensya ng pambansang pamahalaan sa sitwasyon ay nagparamdam sa kanila na nag-iisa sila dito.
“Pagdating sa operations, mas nararamdaman ang [tulong ng] pribadong sektor,” sabi ni Jairus. Mula noong 2020, kahanga-hanga ang presensya ng pribadong sektor sa harap ng mga sakuna; karamihan sa mga organisasyon ay hindi nag-aatubili na pakilusin ang kanilang mga kawani at iba’t ibang resources kapag may mga kalamidad. Gayunpaman, nakapagtataka na bakit ang ating gobyerno ay hindi aktibo kung ihahambing sa kanila; bakit napipilitan ang pribadong sektor na gampanan ang responsibilidad ng ating gobyerno? Hindi ba't tungkulin ng gobyerno na protektahan at tulungan ang ating mga pinaka-mahina?
Dalawang buwan na ang lumipas, ngunit ang Bohol ay nahihirapan pa rin.
Hindi ba ito nangangailangan ng agarang aksyon na ang buong rehiyon at ang mga tao nito ay lugmok sa punto ng kawalan ng tirahan at gutom?
Karamihan sa mga lugar ay wala pa ring kuryente na humahadlang sa kanilang kakayahang ipagpatuloy ang kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa ngayon kailangan nila ng mga shelter kit at tool kit para muling makapagtayo ng mga tahanan.
“Noong Bagyong Odette, walang COVID-19,” Sabi ng 18-anyos na si Jairus Zim. “Paano iyon maiisip ng mga tao kung nawalan sila ng tirahan?” Kailangan pa ring kumilos ng mga biktima at matutong mamuhay kung anuman ang mayroon sila sa kabila ng patuloy na pandemya na naglalagay din sa kanila ng panganib.
Mula noon ay humaharap na tayo sa mga bagyo, ngunit kahit papaano ay nananatiling pareho ang tugon ng gobyerno na parang tinanggap lang nila na ito ay isang natural na trahedya na tiyak na mangyayari. Hindi natin dapat kalimutan ang nangyaring pagkalugmok mula sa bagyo. Dapat nating malaman na mas marami ang darating, lalo na kapag patuloy na tumataas ang bilang ng mga namatay at nawawala. Dapat tayong humingi ng higit pa sa ating mga pinuno. Ang ating mga kababayan ay karapat-dapat para sa mga pangmatagalang solusyon.
“Sa totoo lang, ang bilang ng mga namatay sa lalawigan ay maaaring luma na [at hindi tama] dahil karamihan sa atin [mga rescuers] ay hindi makapasok sa mga bayan.” Patuloy na ipinaliwanag ni Jairus na ang bayan ng Obai, ground zero ng Bagyong Odette, ay hindi pa naaabot. Mayroong higit pa o mas mababa sa walong isla na barangay na mapupuntahan lamang sa pamamagitan ng bangka, at sa ngayon, wala silang paraan upang marating ang mga lugar na iyon.
Malubha na ang pinsala sa mga lugar na maaari nilang mapuntahan, sigurado ang mga lokal na rumeresponde na mas malala ito sa mga lugar na hindi nila maabot.
Kapag ang mga boluntaryo ay walang mga mapagkukunan upang isagawa ang kanilang tugon, makakarating lamang sila hanggang sa kakayanin. Kailangan nila ng national aid (pambansang tulong) at pati na rin ng media coverage para masaksihan ng publiko kung ano ang pinilit na tiisin ng ating mga kababayan upang ang mga may mabait na puso ay makapagbigay din ng tulong. Ang mga taong ito ay naiwang walang pagtatanggol, nalilito, at nag-iisa dahil sa kakulangan ng pambansang tulong. Walang oras upang magluksa sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay, bahay, at alaala, o isang minamahal na komunidad. Tanging ang kalooban upang mabuhay ang nanatili.
Ang mga taong ito ay nahaharap sa kawalan sa lahat at iba't ibang uri ng antas - maging iyon man ang kanilang mga tahanan, kaibigan, o pamilya. Walang kuwentong katatagan dito, puro pighati lamang.
Habang nagpapatuloy si Jairus sa pagtulong sa muling pagtatayo ng Bohol, hinihimok niya ang mga tao na hanapin sa kanilang sarili na ibigay din ang kanilang makakaya. Hinihimok niya ang pambansang pamahalaan na pansinin at kilalanin ang pagkawala, hindi isang pagkakataon upang magmukhang kawanggawa.
Ang mga residente ay sinusubukan ang lahat ng kanilang makakaya upang makabangon muli, ngunit hindi ito sapat. Hindi nila dapat gawin ito nang mag-isa. Kailangan nila ng tulong.
Upang mag-subscribe, click here.
Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.
Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com