top of page

Weight of Choice

English

October 11, 2021

Anya Isabelle Lopera

Remini20211010150745513_edited.jpg

In March 2020, as COVID-19 began spreading all over the world, the citizens of the Philippines began feeling scared about the idea of a pandemic that would sweep out the possibility of school, work, and recreation. Naturally, the Philippine government followed in other countries’ footsteps and took their first precautionary measures to keep the people safe.

 

Nearly two years later, the Philippines remains in a perpetual lockdown.

 

And yet, if you’re reading this, chances are, both you and I have the luxury of complaining about the pandemic’s poor handling in the Philippines while getting food delivered straight to our house, or utilizing the very lockdown(s) we fuss over to get more rest and relaxation, more time at home. 

 

Melchor Fuentes does not have that luxury. His wife, Aiza, and their five kids, do not have that luxury. Based in Naga for 10 years after living in Lagonoy, Camarines Sur, Melchor started with a job at sea before moving on to construction.

Finally, seven years ago, he settled on his current and main profession as a padyak or pedicab driver. 

 

Even before the pandemic, Melchor encountered trials in his job. He shared with me that he would get sick often, and a minor injury early in his career as a padyak driver caused him to walk weakly for around a month. 

 

Nowadays, he gets up at around five or five-thirty, showers, and goes out to get breakfast. Most of the time, he pedals around his area instead of parking to increase his chances of getting passengers, usually those who work or go to school early. His lunch break is spent in his pedicab. He shares that even if he’s tired or hungry towards the end of his shift, he can’t afford to stop—the money he earns these days is set aside for their needs. 

 

But most importantly, he stated, his main challenge is and has always been earning money and raising his kids — sending them to school and, in the case of his one-year-old, making sure she doesn’t get sick.


Melchor shared that on the slower days, he revisits his old construction work to receive additional money. He did not deny the exhaustion that he feels on such days, and emphasized how difficult the burden is to juggle being a padyak driver and a construction worker.

 

But, he said simply, he knows he doesn’t have much of a choice.

The blow of the pandemic affected Melchor and similar daily wage earners hard. He shared that at the beginning of the pandemic, the government funded his family with P5000 — presumably to aid them for the lockdown, which was then supposed to be two weeks long — but they never received assistance of any kind after that until now. Melchor is doubling his efforts to earn, especially with the lack of passengers lately.

 

Moreover, Melchor believes that he doesn’t need to get vaccinated. He thinks that it’s relatively useless because, as he says, vaccines don’t ensure the elimination of face masks and face shields, and that the pandemic will be able to pass on its own without the immediate need for everyone to get vaccinated. As we conversed, he didn’t seem to change his mind on this subject, and reiterated how he simply did not want to get the vaccine.

 

Melchor, who usually gets his news from online sources or word of mouth, also believes that COVID does not really exist.

He thinks the government’s handling of the pandemic is okay — but feels like he’s stuck in a loop, like the things around him keep repeating themselves. “Walang nagbabago,” he shared. He wishes for the current administration to distribute time for other issues — issues that citizens like him are relying on the government for.

Remini20211010150648159.jpg
Remini20211010150530090.jpg

Still, the pandemic’s effect worries him: he worries for his other loved ones, who operate in Metro Manila under a no work, no pay policy. He worries about how this pandemic will affect his and his family’s near future. 

 

He wants our readers, and the Filipino people, to develop a deeper sense of knowledge and respect for padyak drivers — for people to stop belittling their profession, which requires enduring physical and mental tenacity. He often feels like many people think they are “just” pedicab drivers, thus reducing his job to something small.

 

He wants people to know that padyak drivers, who work tirelessly everyday, are owed that basic decency and respect.

 

Melchor’s story is a very important inquiry into how information and misinformation can spread in a pandemic. In a time of limited physical contact — in classrooms, workplaces, even outings with friends—the spreading of news online has become all the more rampant. It’s become easier to spread fake news about the issues plaguing our country — COVID, most importantly — through mildly reputable-looking news sources on platforms like Facebook and Twitter.

Nowadays, we see many edited pictures and videos of supposed effects or existence of the vaccine and virus. Melchor holds a steadfast opinion that the vaccine is relatively ineffective to the apparently nonexistent virus, which he learned from, as he stated, his usual news sources. 

Melchor, and other people who cannot easily access more credible news sources, often fall victim to this type of misinformation. This influences their opinions and beliefs and, on a deeper level, the public safety of themselves and the people around them. Filipinos are fighting an uphill battle for more truth in the journalism that the general public can access, especially in a time where information is crucial. 

 

Nonetheless, Melchor's story is one of hard work and passion, and a jarring reflection into how the brunt of this two-year, underfunded, frequently mishandled pandemic hits those who have no choice but to bear it.

 

Raising five kids and sending them to school while juggling other expenses is not easy.

 

You can help Melchor, his community and other marginalized communities out by subscribing to The Adversity Archive today.

Filipino

Bigat ng Pinili

October 11, 2021

Anya Isabelle Lopera

Translated by Jascha Leana

Remini20211010150745513_edited.jpg

Noong Marso 2020, sa simula ng paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo, ang mga mamamayang Pilipino ay nagsimulang makaramdam ng takot sa ideya ng isang pandemya na tatangay sa bisa ng pag-aaral, pagtatrabaho, at paglilibang. Natural lamang, na ang gobyerno ng Pilipinas ay sumunod sa yapak ng ibang mga bansa at ipinatupad ang kanilang unang mga hakbang sa pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang mga tao.

 

Makalipas ang halos dalawang taon, ang Pilipinas ay nananatili sa isang walang hanggang lockdown.

 

At ngayon, kung binabasa mo ito, maaaring parehong ikaw at ako ay mayroong kakayahan na magreklamo tungkol sa mahinang pamamahala ng Pilipinas sa pandemya, habang nagpapahatid ng pagkain diretso sa ating tirahan.

 

Si Melchor Fuentes ay walang ganoong kakayahan. Ang kanyang asawa, si Aiza, at ang kanilang limang mga anak, ay wala ring ganoong karangyaan. Nakabatay sa Naga sa loob ng sampung taon matapos manirahan sa Lagonoy, Camarines Sur, si Melchor ay nagsimulang magtrabho sa dagat bago lumipat sa konstruksiyon.

Sa wakas, pitong taon ang nakararaan, siya ay namalagi na sa kanyang kasalukuyan at pangunahing propesyon bilang isang padyak o pedicab drayber.

 

Bago pa man ang pandemya, nakaranas na si Melchor ng mga pagsubok sa kanyang trabaho. Kanyang ibinahagi sa akin na madalas siyang magkasakit, at isang menor na kapansanan mula sa umpisa ng kanyang karera bilang isang drayber ng padyak ay nagdulot sa kaniya na maglakad nang mahina sa loob ng halos isang buwan.

 

Sa kasalukuyan, siya ay maagang tumatayo sa loob ng alas singko o alas singko y medya ng madaling-araw, naliligo, at lumalabas upang kumuha ng agahan. Madalas, siya ay patuloy na pumapadyak sa ligiran ng kanyang pwesto kaysa sa pagparada upang madagdagan ang kanyang tsansa na makakuha ng mga pasahero, na kadalasan ay mga taong papunta sa kanilang trabaho o mga maagang pumapasok sa paaralan. Kanya ring ginugugol ang kanyang tanghalian sa loob ng pedicab. Kanyang ibinahagi na kahit siya ay pagod o gutom sa dapit ng oras ng trabaho, hindi niya makayanang tumigil — ang kanyang kinikita sa mga araw na ito ay isinasantabi para sa kanilang mga pangangailangan.

 

Ngunit ang pinakamahalaga, kaniyang isinaad, ang kaniyang pangunahing hamon ay at lagi na lang ay ang pagkita ng pera at pagpapalaki sa mga bata — pagpapaaral sa kanila at para sa kanyang isang taong gulang na anak, ay paninigurado na hindi siya nagkakasakit.

 

Binahagi ni Melchor na sa mga matutumal na araw, bumabalik siya sa dati niyang trabaho sa konstruksiyon para kumita ng karagdagang halaga. Hindi niya itinanggi ang kapaguran na nararamdaman niya sa mga araw na iyon, at binigyang diin kung gaano kahirap ang pasan na pagsabayin ang pagiging padyak drayber at manggagawa sa konstruksiyon.

 

Ngunit, hindi siya nag-atubiling sabihin, alam niyang wala na siyang ibang magagawa pa.

Matinding pinsala ang dulot ng suntok ng pandemya kay Melchor at sa mga katulad niyang umaasa sa araw-araw na kita. Kaniyang ibinahagi na noong simula ng pandemya, binigyan ng gobyerno ang kanilang pamilya ng P5000 o limang libong piso — marahil upang tulungan sila sa loob ng lockdown, na noon ay dapat dalawang linggo lamang ang tagal — ngunit hindi na sila muling nakatanggap pa ng anumang uri ng tulong matapos noon hanggang ngayon. Dinodoble ni Melchor ang kanyang pagsisikap upang kumita, lalo na sa kakulangan ng mga pasahero kamakailan.

 

Sa karagdagan, naniniwala si Melchor na hindi niya kailangan na magpabakuna. Iniisip niya na ito ay mukhang walang kabuluhan, aniya, ang mga bakuna ay hindi nakatitiyak sa pag-alis ng mga face mask at face shield, at ang pandemya ay kayang mapuksa sa kanyang sarili nang walang agarang pangangailangan na mabakunahan ang lahat. Sa aming pag-uusap, mukhang hindi nagbago ang kanyang palagay sa paksa, at inulit kung paano lamang niya hindi gustong magpabakuna.

 

Si Melchor, na kadalasan nakukuha ang kanyang mga balita mula sa mga online na sanggunian o mga bali-balita sa kanilang lugar, ay naniniwala rin na hindi totoo na mayroong COVID.

Remini20211010150648159.jpg
Remini20211010150530090.jpg

Para sa kanya, maayos naman ang pamamahala ng gobyerno sa pandemya — ngunit nararamdaman niyang tila ba siya ay naiipit sa isang siluan, tila ba ang mga bagay sa kanyang paligid ay patuloy na inuulit ang kanilang mga sarili. "Walang nagbabago," aniya. Ang kanyang nais para sa kasalukuyang pamamahala ay ibaling ang oras sa iba pang mga isyu — mga isyu na ang mga mamamayan na tulad niya ay inaasa sa gobyerno.

 

Gayunman, siya'y nababalisa sa epekto ng pandemya: inaalala niya ang iba pa niyang mga mahal sa buhay, silang mga nagtatrabaho sa Metro Manila na mayroong patakaran na "walang trabaho, walang sweldo". Siya'y nag-aalala sa kung paano makakaapekto ang pandemyang ito sa nalalapit na hinaharap niya at ng kanyang pamilya.

 

Ang nais niya para sa ating mga mambabasa, at sa mga mamamayang Pilipino, ay makabuo tayo ng mas malalim na pag-unawa at respeto sa mga drayber ng padyak — para sa mga tao na tumigil na sa pagmamaliit sa kanilang propesyon, na nangangailangan ng pagtitiis sa pisikal at mental na pagpapakasakit. Madalas niyang nararamdaman na maraming tao ang nag-iisip na sila ay mga pedicab drayber "lamang," kaya lumiliit ang tingin sa kanyang trabaho.

Nais niyang malaman ng mga tao na ang mga padyak drayber, na napapagod sa pagtatrabaho araw-araw, ay nararapat ring makatanggap ng kagandahang-asal at galang. 

Ang kuwento ni Melchor ay isang napakahalagang pag-uusisa sa kung paano lumalaganap ang impormasyon at maling impormasyon sa gitna ng pandemya. Sa panahon na limitado ang pisikal na pakikipag-ugnayan — sa mga silid-aralan, lugar ng trabaho, maging paglabas kasama ang mga kaibigan — mabilis ang pagkalat ng balita sa online na pamamaraan. Naging mas madali na rin ang paglaganap ng pekeng balita tungkol sa mga isyung nakakasama sa ating bansa — lalo na ang COVID — sa pamamagitan ng mga hindi gaanong kapani-paniwalang mapagkukunan ng balita sa mga plataporma gaya ng Facebook at Twitter. Sa panahon ngayon, nakakakita tayo ng maraming mga nai-edit na mga larawan at mga bidyo tungkol sa mga pinaghihinalaang epekto o pag-iral ng mga bakuna at virus. Nananatili si Melchor sa kanyang paniniwala na hindi mabisa ang bakuna sa wari ba ay virus na hindi totoo, na kanyang natutunan, aniya, mula sa kanyang karaniwang pinagkukunan ng balita.

 

Si Melchor, at ang iba pang mga tao na hindi agad nakakatamo ng mas kapani-paniwalang mapagkukunan ng balita, ay madalas na nahuhulog sa patibong ng ganitong uri ng maling impormasyon. Naiimpluwensiyahan nito ang kanilang mga opinyon at paniniwala, at sa mas malalim na antas, ang kanilang pampublikong kaligtasan at ng sa mga taong nakapaligid sa kanila. Lumalaban ang mga Pilipino sa isang umaalsang laban patungo sa mas masaganang katotohanan sa larangan ng pamamahayag na kayang matamo ng publiko, lalo na sa panahon kung saan mahalaga ang impormasyon.

 

Gayunman, ang kuwento ni Melchor ay isa sa pagsusumikiap at dedikasyon, at isang mabagsik na repleksyon sa kung gaano katindi natatamaan ang mga taong walang nagagawa kundi tiisin na lang itong dalawang-taong, hindi sapat sa pondo, madalas na walang kaayusan sa pamamahala na pandemya.

Hindi madaling magpalaki ng limang bata at ipadala sila sa paaralan habang tinutustusan din ang iba pang mga gastusin.

 

Maaari mong tulungan si Melchor, ang kanyang komunidad at iba pang mga nangangailangan na komunidad sa pamamagitan ng pag-subscribe sa The Adversity Archive ngayon.

bottom of page