top of page

A Big Heart with Big Dreams

English

August 4, 2022

Julia Florendo

Children would often dream of becoming something out of the ordinary. May it be a princess, an astronaut, a doctor, or even a policeman. Dreams help foster creativity and positivity in a child which helps to encourage them to reach for the stars and explore endless possibilities. 

 

However, the reality of the world we live in can sometimes put these dreams to a halt. Injustices and prejudices shadow the good, and hope loses its shine. It is hard to stay on the same path where our aspirations take us, but for Danise Carlos, her heart is set on following a path where both her and others' dreams are fulfilled. 

Scoring goals and catching waves

At 11 years old, Danise is helping around the community and at home. Being the youngest of 10 children, she helps out in the house by sweeping the floor and washing the dishes. 

 

When she is not doing her household chores, she is out on the beach helping with beach clean-ups, playing soccer with her friends, or surfing. She is currently in the sixth grade and enjoys going to school. 

 

When asked what her favorite subject in school is she replies that it is “Edukasyon sa Pagpapakatao” or EsP where she learns how to be a better citizen in the community and how to help others. Now, she is on summer break which gives her more time to spend on her hobbies.

Helping the community

Danise was introduced to Alon & Araw when she saw people surfing on the beach one day.

“Nagsusurfing lang po kasi (members of Alon & Araw) sila so nakikita ko po yun [...] ‘tas one time po sumama po ako sa kaklase ko po (in one of Alon & Araw’s activities) ‘tas yun po pinagpatuloy ko lang po yung pagsasama sa Alon & Araw hanggang naging member na po ako,” she said.

“I would always just see them (members of Alon & Araw) surfing [...] and one time, I joined my classmate (in one of Alon & Araw’s activities) and I just continued to join Alon & Araw until I become a member.”

photo1658389594.jpeg

Alon & Araw has helped her keep busy giving back to the community and the environment. Her favorite activities include picking up trash along the beach and learning how to segregate the trash she collects. She finds joy in being able to help with even the smallest of tasks. More than that, she feels inspired whenever she is tasked to do something for Alon & Araw. 

 

She is grateful for the opportunity she was given by joining Alon & Araw and thanks Ms. Gabrielle Del Rosario who she says inspires her the most. 

 

“Kung wala po siya (Ate Gab), tutok lang po ako sa cellphone ngayon,” she said.

“If (Ate Gab) were not here, I would just always be on my cellphone.”

Dreaming big 

 

Danise was recently part of a photoshoot by Her Light Studios where she said she learned how to pose for the camera and how to take pictures. 

 

“Nag-enjoy po ako dun kase madami po akong natutunan,” she told Adversity Archive.

(“I enjoyed it because I learned a lot from it.”)

She said she did not feel insecure or scared because she felt like she was accepted by the people around her during the photoshoot.

Never did she feel like she was ugly or different because

she felt comfortable enough to be in her own skin.

 

Her favorite part of the photoshoot was not posing for the camera but rather the beach clean-up they participated in after. 

 

While she enjoyed posing for the camera, Danise said that it is not what she aspires to do in the future. Instead, she dreams of becoming an architect or a professional soccer player. 

“Kasi po yung teacher ko po sa school magaling mag drawing. Nung nakita ko po siya nag d-drawing nagustuhan ko na rin po.” 

(“My teacher in school is very good at drawing. When I saw her drawing I took interest in it as well.”_

 

“Lagi po kami nag s-soccer at yun po talaga ang kinasisiyahan ko po [...] yung pagkasipa sa bola at pagtakbo,” she explained.

(“We always play soccer which is something I really enjoy doing [...] like kicking the ball and running.”)

 

While she has plans and aspirations already set for the future, her dreams go beyond her desires for herself. 

 

“Gusto ko po maipagawa yung bahay namin at mapagamot si mama dahil nagka-mild stroke na siya noon,” she said.

(“I want to be able to get my family’s house built and to be able to get my mom treated because she suffered from a mild stroke in the past.”)

 

She says she always wants what is best for her family and to be able to help them while achieving her goal of becoming an architect or a professional soccer player.

 

Despite the difficulties she has experienced, Danise is still hopeful for the future. Right now, she finds joy in helping not only her family but also her community.  She also continues to do her best in her studies. 

 

“Gagalingan ko po sa school ngayon, para puwede po akong maging architect,” she said with a shy smile.

(“I will do my best in school now so that I can become an architect (in the future).”_

It is hard to find courage when faced with many difficulties that hinder you to continue pursuing something you have dreamed of for so long. However, the root of every passion, dream, or goal is centered around giving back to the community. There is hope where there is goodness and where there is goodness, there are dreams. Dreams that are not only for ourselves but for the people we care for. 

 

Even if her dreams do change and take her on another path in the future, Danise knows that one thing will remain constant and that is her dedication to helping others. She has shown how big her heart is by being selfless and continuing to volunteer for beach clean-ups which she has said many times has made her the happiest aside from playing soccer. 

 

As she continues to work on her dream of becoming an architect or a football player, she says that she will continue being a good daughter, sister, and friend.

“Nakakatulong na rin po ang pagiging mabuting tao at pagiging mabait sa iba.”

“It still helps to be a good and nice person to others.”

Filipino

Malaking Pusong may Malaking Pangarap

Agosto 4, 2022

Julia Florendo

Translated by MC Sanchez

Madalas na nangangarap ang mga bata nang malayo sa nakasanayan. Mapa-prinsesa, astronaut, doktor, o kahit isang pulis. Ang mga pangarap ay nakatutulong upang mapalago ang pagiging malikhain at positibo ng mga bata na tumutulong din upang sila ay mahikayat na abutin ang mga bituin at suungin ang walang hanggang posibilidad.

 

Ngunit, ang realidad ng mundong ating ginagalawan ay madalas humahadlang sa mga pangarap na ito. Ang kawalan ng katarungan at pagtatangi ay nalililiman ang kabutihan, at ang pag-asa ay nawawalan ng kinang. Mahirap manatili sa landas na magdadala sa atin sa ating hinahangad, ngunit para kay Danise Carlos, ang kanyang puso ay nakatakda na sa landas kung saan ang pangarap niya, at maging ng iba, ay matutupad.

Pagpuntos at paghuli ng mga alon

Sa edad na labing-isang taong gulang, si Danise ay tumutulong sa komunidad at sa tahanan. Bilang bunso sa sampung magkakapatid, siya ay tumutulong sa bahay sa pamamagitan ng pagwawalis at paghuhugas ng pinggan.

 

Kung wala namang gawaing-bahay, siya ay nasa baybayin, tumutulong sa paglilinis nito, naglalaro ng futbol kasama ang kanyang mga kaibigan, o nagse-surf. Siya ngayon ay nasa ika-anim na baitang at masayang pumapasok sa paaralan.

 

Noong naitanong kung ano ang paborito niyang asignatura sa paaralan, ang sagot niya ay Edukasyon sa Pagpapakatao o EsP kung saan siya ay natututo kung paano maging mas mabuting mamamayan sa komunidad at kung paano makatulong sa iba. Ngayon, siya ay nasa bakasyon mula sa paaralan kaya naman nagkaroon siya ng mas maraming oras na mailalaan sa kanyang mga hilig.

Pagtulong sa komunidad

Nakilala ni Danise ang Alon & Araw nang may nakita siyang mga taong nagse-surf sa baybayin isang araw.

 

“Nagsu-surfing lang po kasi sila (miyembro ng Alon & Araw) so nakikita ko po yun [...] ‘tas one time po sumama po ako sa kaklase ko po (sa isa sa mga aktibidad ng Alon & Araw) ‘tas yun po pinagpatuloy ko lang po 'yung pagsasama sa Alon & Araw hanggang naging member na po ako,” aniya.

photo1658389594.jpeg

Ang Alon & Araw ay nakatulong sa kanya upang maging abala sa pagbibigay pabalik sa komunidad at sa kapaligiran. Kasama sa kanyang mga paboritong gawain ay ang pagpupulot ng mga basura at pag-aaral kung paano pagbukurin ang mga nakolektang basura. Siya ay nakahahanap ng kasiyahan sa pagtulong maging sa mga pinakamaliliit na gawain. Higit pa doon, siya ay nagagalak sa tuwing siya ay nabibigyan ng gawain para sa Alon & Araw.

 

Siya ay nagpapasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya sa pagsali sa Alon & Araw at laking pasasalamat kay Bb. Gabrielle Del Rosario, ang taong higit na nagbibigay-inspirasyon sa kanya.

 

“Kung wala po siya (Ate Gab), tutok lang po ako sa cellphone ngayon,” sabi niya.

Pangangarap nang malaki

Kamakailan lamang, si Danise ay kasama sa photoshoot ng Her Light Studios kung saan ayon sa kanya, siya ay natutong pumostura para sa kamera at kung paano kumuha ng mga larawan.

 

“Nag-enjoy po ako dun kasi madami po akong natutunan,” pagbabahagi niya sa Adversity Archive.


Ayon sa kanya, hindi raw siya napanghinaan ng loob o natakot dahil pakiramdam niya ay tanggap siya ng mga taong nakapaligid sa kanya sa photoshoot.

Kailanman ay hindi niya naramdaman na siya ay pangit o kakaiba sapagkat siya ay naging kumportable sa kanyang sariling balat.

 

Ang paborito niyang parte ng photoshoot ay hindi ang mismong pag-postura sa harap ng kamera kung hindi ang paglilinis sa baybayin na kanilang dinaluhan pagkatapos.

Bagaman natuwa siya sa pag-postura para sa kamera, nasabi ni Danise na hindi ito ang nais niyang gawin sa hinaharap. Sa halip, nangangarap siyang maging isang arkitekto o propesyonal na manlalaro ng futbol.

 

“Kasi po 'yung teacher ko po sa school magaling mag-drawing. Nung nakita ko po siya nag d-drawing nagustuhan ko na rin po.”

 

“Lagi po kami nag s-soccer at 'yun po talaga ang kinasisiyahan ko po [...] 'yung pagkasipa sa bola at pagtakbo,” paliwanag niya.

Habang may mga plano at pangarap na siyang nakatakda para sa kinabukasan, ang mga pangarap niya ay higit pa sa mga kagustuhan niya para sa kanyang sarili.

“Gusto ko po maipagawa 'yung bahay namin at mapagamot si mama dahil nagka-mild stroke na siya noon,” saad niya.

 

Sinabi niya rin na nais niya palagi ang pinakamabuti para sa kanyang pamilya at makatulong sa kanila habang inaabot niya ang kanyang pangarap na maging arkitekto o propesyonal na manlalaro ng futbol.


Sa kabila ng mga hirap na kanyang pinagdaanan, puno pa rin si Danise ng pag-asa para sa kinabukasan. Sa ngayon, nakahahanap siya ng ligaya sa pagtulong hindi lamang sa kanyang pamilya, ngunit maging sa kanyang komunidad. Ipinagpapatuloy niya rin ang pagbibigay ng kanyang lahat sa pag-aaral.

“Gagalingan ko po sa school ngayon, para puwede po akong maging architect,” sabi niya na may kasamang nahihiyang ngiti.

Mahirap humanap ng tibay ng loob kung ikaw ay humaharap sa maraming pagsubok na pumipigil sa iyo upang abutin ang mga bagay na matagal mo nang pinapangarap. Ngunit, ang ugat ng bawat hilig, pangarap, o layunin ay sumesentro sa pagbibigay pabalik sa komunidad. Mayroong pag-asa kung saan may kabutihan, at kung saan may kabutihan, may mga pangarap. Mga pangarap na hindi lamang para sa ating sarili, kung hindi maging para sa mga taong mahalaga sa atin.

Magbago man ang kanyang pangarap at dalhin siya nito sa ibang landas pagdating ng panahon, alam ni Danise na may isang bagay ang mananatili, at iyon ang dedikasyon niya sa pagtulong sa iba. Ipinakita niya kung gaano kalaki ang kanyang puso sa pamamagitan ng pag-uuna sa iba at pagpapatuloy na pagsali sa paglilinis ng baybayin na ilang beses niyang nabanggit na lubos na nagpapasaya sa kanya maliban sa paglalaro ng futbol.

Habang ipinagpapatuloy niya ang pagsisikap na maabot ang kanyang pangarap na maging arkitekto o manlalaro ng futbol, sinabi niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagiging mabuting anak, kapatid, at kaibigan.

“Nakakatulong na rin po ang pagiging mabuting tao at pagiging mabait sa iba.”

bottom of page