top of page
English

A Young Voice of Impact

September 15, 2021

Amiel Zaulda

One needs not be born of royalty or wealth to let the minority’s voice be heard. One only needs their will and passion to stand up for the underprivileged. And yes, Alen Benedict Buco is proof of these sentiments. Being a 19-year-old student reform advocate and utilizing his platform for raising awareness of social issues, he is a true example to his fellow youth and Filipinos in general.
 

Alen’s beginnings as a student-activist might not be as deep as others’, but he has the will to fight for the marginalized. Ever since he was younger, he believes that activism has been instilled in his heart and has always been his mission in life. It has been the essence of his existence — the blood that runs through his veins and keeps him driven. Eventually, his passion for activism fueled up because, during his younger years, he got inspired by one of his friends’ family as they were all activists. This further kindled his already-burning fire for activism and change. He, then, started to utilize his social media presence to express his standpoints on social issues.

“As a Christian and also because Jesus was an activist, he commanded us to love our neighbors just like how we love ourselves. It is my responsibility to take care of others.”

Alen Benedict Buco Photo 2.jpg
Remini20210914214429595.JPG
Remini20210914214705645.JPG

However, being an activist is not a walk in the park. Alen has experienced challenges — the pandemic being the first. With social distancing strictly implemented, physical activities prohibited, and rallies halted, he had to find ways of continuing activism at home. Fortunately, his social media platforms became his medium of making his firm stand heard by people anywhere, at any time. 

 

Despite the heavy workload of online classes and duties as a member of various organizations, Alen finds time to participate in rallies. Even amid the pandemic, he took part in a rally held at Kalibo’s plaza, while, of course, following health and safety protocols. Additionally, he co-organized one of Kalibo’s community pantries. He has been vocal about the rights of the Lumad community, an indigenous group in Mindanao, promoting good governance, fighting corruption, ending police brutality, pointing out incompetent leadership during the pandemic, defending the press, pursuing children and women’s rights, and LGBTQIA+ rights, etc.

 

“Age is not a limit to becoming an activist in any way. However, when joining groups, one must be of the right age.”

Every time he posts his viewpoints on social and political issues on social media, people with opposing views retaliate by throwing hate speech and slurs at him, condemning him “wala pang alam sa buhay (inexperienced in life)” due to his young age. What is worse is that he, and activists in general, even receive death threats and are victims of red-tagging.

He also added that activists are targets of stereotyping. He cited that activists are prejudiced as namumundok (they go to the mountains) — although he said that going to the mountains is a choice for some; bayarán (compensated); terrorists; tinalikuran ang pag-aaral (disregarded education); and walang patutunguhan (would not move ahead in life). Nevertheless, these don’t make his firm stand and views weak. In fact, he does not let himself be devoured by these traps.

“At first I was afraid, but my co-activists told me, ‘It’s not the time to be cowards. Kung magpapadala ka lang sa pananakot nila (If you just let their comments get into your head), you are letting them win.”

 

Aside from hate speech, death threats, and red-tagging, Alen has also encountered people of the same or different age group as him whose opinions differ from his. Still, Alen keeps his mind open when discussing and debating others with opinions far from his, provided that their views stay sensible and justifiable. He believes that everyone has the right to express their opinions, and everyone is responsible for acknowledging and respecting our differences.

Remini20210914214621506.JPG

In addition, Alen added the generation gap as one of the challenges activists also face. Sometimes, the clashing opinions of younger and older generations due to differences in culture, ideas, and experiences often spark tension between the two generations, unfortunately forcing one of the generations to despise the other and vice versa. In Alen’s opinion, the differences between the two generations must be set aside. Moreover, the two groups must focus on pursuing reforms, rather than despising one another. Yet, fortunately, Alen maintains a healthy relationship with his parents; they are aware of him being a student-activist and have always had his back in all he does.

“If we collaborate, exchange ideas, and discuss them without contempt toward one another with love and empathy, we could achieve a greater goal. We all have the same goal since we all live in the same country, in the same world.”

 

As the 2022 National Elections are fast approaching, Alen’s role as an activist will be greater than ever, besides being a first-time voter. He believes that the responsibility of encouraging Filipinos to choose the right candidates falls on him. As someone who has always advocated for social causes, he strives to make every voter and non-voter knowledgeable of the country’s true state — the deep truths that are often pushed under the rug by the people in power. For Alen, and other activists too, this is a one-time shot, for the senatorial elections only happen every three years and the national elections every six.

Remini20210914214507950.JPG

“Voting is just one smaller step toward a bigger change. Voters must read and research about the candidates [and their platform], especially that all of the information they need is given and already there.  And when we vote, we need to vote for those who have the capacity to lead, the capacity to serve, and the capacity to change things that need changing.”

 

Speaking of privilege, Alen firmly states that those who have the privilege must stand up for the underprivileged. And at the same time, their privilege must not be abused. He repeatedly encourages Filipinos to actively participate in social and political matters, for everything that is happening in the world concerns all of us — regardless of our socio-economic status and beliefs.

 

In the future, Alen aspires to become an educator and start organizations fighting for social causes. Then as an educator, he hopes to teach the lessons he has learned in his lifetime to his future students. According to him, he will teach them to be advocates, too.

 

Activism is fighting for the people with the people. It is not just hatred toward the government; rather, activism challenges the government and agencies to change the status quo to benefit all citizens, especially the vulnerable. Activists like Alen fight for human rights and social reforms. Although Alen thinks that social change or improvement happens in decades, he remains hopeful that the Philippines will achieve the stature every Filipino has always aspired for the country.

 

“I may be disappointed [with our country’s current state], but I do not lose hope. If public servants listen to the people, I think our society would greatly improve.”

Filipino

A Young Voice of Impact

September 15, 2021

Amiel Zaulda

Translated by Heaven Danielle Homeres

Hindi kinakailangan ng isang taong ipanganak sa yaman upang maiparinig ang boses ng minorya. Kinakailangan lamang na mayroong kagustuhan ang isang tao upang itaas ang bandera ng mga hindi nakararanas ng mga pribileheyo. At si Alen Benedict Buco ay isa sa mga patunay ng sentimyentong ito. Bilang isang labing siyam na taong mag-aaral na reform advocate at ginagamit ang kaniyang mga plataporma upang ikalat ang kamalayan patungkol sa iba’t ibang isyung panlipunan, siya’y isang halimbawa sa kapwa niya kabataan at mga Pilipino sa kabuuan. 

 

Ang pinagmulan ni Alen ay maaring hindi man kasing lalim ng mga iba, ngunit naroon ang kaniyang kagustuhang lumaban para sa mga naiiwan sa laylayan. Mula pa naman noong kabataan niya, naniniwala siyang ang aktibismo ay nakatatak na sa kaniyang puso at nanatiling misyon ng kaniyang buhay. Ito na ang naging esensiya ng kaniyang pagkakabuhay — tila dugong dumadaloy sa kaniyang mga ugat na siyang nagtutulak sa kaniyang magpatuloy. Noong tumagal, ang kaniyang puso sa aktibismo ay mas lalong nag-umapaw dahil noong kabataan niya, siya’y nabigyang inspirasyon ng pamilya ng isa sa mga kabigan niyang pamilya ng mga aktibista. Pinaigting nito ang nag-aapoy na niyang dedikasyon sa aktibismo at pagbabago. Mula noo’y nagsimula na siyang gamitin ang kaniyang presenya sa social midya upang maipahayag ang kaniyang mga paninindigan sa mga isyung  panlipunan.

Alen Benedict Buco Photo 2.jpg

“Bilang isang Kristiyano at  dahil na rin aktibista si Hesus, tayo’y inutusan niyang mahalin ang ating mga kapitbahay, sa paraan kung paano natin minamahal ang ating mga sarili. Kaya’t responsibilidad ko ang pag-aalaga sa iba.”

Remini20210914214429595.JPG
Remini20210914214705645.JPG

Ngunit ang pagiging isang aktibista ay hindi isang lakad sa parke. Nakaranas si Alen ng mga pagsubok — kung saan una na rito ay ang pandemya.  Dahil sa  mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, ang mga pisikal na aktibidad at mga rally ay natigil, at kinailangan niyang maghanap ng paraan upang ipagpatuloy ang aktibismo sa tahanan. Sa kabutihang palad ay naroon ang kaniyang mga social media platforms upang magsilbing midyum upang marinig ang kaniyang mga paninindigan ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar sa kahit anong oras. 

 

Sa kabila ng mga mabibigat na trabahong dala ng mga klase online at mga gawain bilang miyembro ng iba’t ibang organisasyon, nakahahanap pa rin ng oras si Alen upang sumama sa mga rally. Kahit sa gitna ng pandemya, siya’y nakisama sa rally na naganap sa plaza ng Kalibo, habang sumusunod sa mga health at safety protocols. Dagdag pa rito, isa rin siya sa mga nag-organisa ng mga community pantry sa Kalibo. Siya ay bokal din sa mga karapatan ng komunidad ng Lumad, isang grupong katutubo mula sa Mindanao, pagtataguyod ng mabuting pamamahala, paglaban sa korapsyon, pagbibigay tapos sa pagiging brutal ng kapulisan, ang hindi magandang pamumuno sa gitna ng pandemya, pagtatanggol sa press, paglulunsad ng karapatan ng mga kabataan, kababaihan, at LGBTQIA+ at iba pa.

“Ang edad ay hindi hangganan upang maging aktibista sa kahit anong paraan. Ngunit sa pagsali ng mga grupo, kinakailangang nasa tamang edad na.”

Sa bawat pagkakataong siya’y nagpopost ng kaniyang mga perspektibo sa mga sosyal at politikal na isyu sa social media, ang mga taong may salungat na pananaw ng kaniya’y nagbibitiw sa kaniya ng mga pagkamuhi at insulto, at hindi sumasang-ayon sa kaniya dahil siya’y “wala pang alam sa buhay” dahil sa murang edad. Ang malala pa rito’y siya, at ang mga aktibista sa kabuuan, ay nakatatanggap ng mga banta na nagsasabing sila’y papatayin at biktima ng red-tagging. 

“Noong una’y takot ako, ngunit ang mga kapwa ko aktibista’y nagsabi sa aking, 'Hindi ito ang oras na maging duwag. Kung magpapadala ka lang sa takot nila, hinahayaan mong manalo sila.”

Dagdag niya ri’y ang mga aktibista ay puntirya ng estereotipo. Binanggit niya ring ang mga aktibista ay kadalasang iniisip bilang mga namumundok — bagamat ang pagpunta sa bundok ay kagustuhan ng iilan; bayaran; terorista; tinalikuran ang pag-aaral; at walang patutunguhan. Gayunpaman, hindi pinahihina ng mga ito ang kaniyang paninindigan at pananaw. Sa katunayan, hindi niya hinahayaang kainin siya nang buhay ng mga patibong na ito.

Remini20210914214621506.JPG

Bukod pa sa pagkamuhi, mga banta na sila’y papatayin, at red-tagging, nakakilala rin si Alen ng mga tao sa pareho at magkaiba edad sa kaniya na salungat ang mga opinyon sa kaniya. Nananatili lamang na bukas ang isipan ni Alen sa pakikipagdiskusyon at debate sa mga taong malayo ang paniniwala sa kaniya, hangga’t ang mga pananaw ng mga ito’y may laman at katanggap-tanggap naman. Naniniwala siyang ang lahat ay may karapatang magpahayag ng kanilang mga opinyon, at ang lahat ay responsable sa pagbibigay-pansin at respeto sa ating mga pagkakaiba.

Dagdag pa rito, ayon kay Alen, ang generation gap ay isa sa mga pinakamahirap na pagsubok na hinaharap ng mga aktibista. Minsan, ang mga opinyon ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon dahil sa pagkakaiba sa kultura, mga ideya, at mga karanasan ay siyang nagbibigay apoy sa tensiyon sa pagitan ng dalawang henerasyon, sa kasamaang palad ay napipilitan ang isa sa mga henerasyong kainisan ang isa, at ganun din para sa isa. Sa palagay ni Alen, ang mga pagkakaiba ng dalawang henerasyong ito ay dapat na isinasantabi. Higit pa roon, ang dalawang grupong ito ay dapat na tumutupad ng mga reporma, sa halip na kainisan ang bawat isa. Ngunit, sa kabutihang palad, napanatili ni Alen ang magandang relasyon sa kaniyang mga magulang; at alam nilang siya’y estudyanteng aktibista, at laging nakaalalay ang mga ito sa kahit ano pa mang gawin niya. 

 

“Kung tayo’y magsasama-sama, magpapalitan ng mga ideya, at pagusapan ang mga ito nang walang disgusto sa isa’t-isa at may pagmamahal at pakikiramay sa isa’t-isa, mas makaaabot tayo ng mas magandang layunin. Magkapareho lang naman ang ating layunin dahil tayo’y naninirahan sa isang bansa, at sa parehong mundo.”

 

At habang papalapit ang darating na eleksiyong National sa 2022, ang papel na ginagampanan ni Alen bilang aktibista ay mas lalong napagigting nang husto, higit pa sa kahit anong pagkakataon, bukod pa sa pagiging botante niya sa unang pagkakataon. Naniniwala siyang ang responsibilidad sa paghihikayat sa mga Pilipino sa pagboto ng mga tamang kandidato ay nasa kaniya. Bilang isang taong nagtataguyod ng adbokasiya hinggil sa mga kaganapang panlipunan, pinipilit niyang maging maalam ang mga botante at hindi botante sa tunay na kalagayan ng bansa — iyong mga katotohanang madalas na hindi na nabibigyang-pansin dahil sa kapangyarihan ng mga taong may kapangyarihan. Para kay Alen, at iba pang aktibista, ito ay isang beses na pagkakataon lamang, dahil ang eleksyon para sa mga senador ay nagaganap lamang sa loob ng tatlong taon, at ang nasyonal naman ay tuwing anim.

Remini20210914214507950.JPG

“Ang pagboto ay isa lamang hakbang sa mas malaki pang hakbang tungo sa pagbabago. Ang mga botante ay dapat na magbasa at magsaliksik tungkol sa mga kandidato at kanilang mga plataporma, lalo na’t ang mga kailangan nilang malaman ay naroon na. Pagkatapos ay kung boboto na, kailangan nating iboto ang mga may kakayahang mamuno, magsilbi, at baguhin ang mga kailangang baguhin.”

 

At sa usapang pribeleheyo naman, matibay ang paniniwala ni Alen na ang mga nakararanas ng mga pribileheyo ay dapat na tumayo para sa mga hindi nabibigyan nito. Kasabay nito, dapat na hindi nila abusuhin ang mga nakukuha. Paulit-ulit niyang hinihikayat ang mga Pilipino sa aktibong pakikilahok sa mga sosyal at politikal na mga usapin, sapagkat ang lahat ng mga nangyayari sa mundo ay dapat nating bigyang pakialam — ano man ang sosyo-ekonomikong estado at paniniwala ng isang tao. 

 

Sa hinaharap, nais ni Alen na maging educator at magsimula ng organisasyong lumalaban sa mga kaganapang sosyal. At bilang isang educator, umaasa siyang makapagtuturo siya ng mga leksyong natutuhan niya sa buong buhay niya sa mga mag-aaral. At ayon sa kaniya, tuturuan niya ang mga itong magkaroon din ng adbokasiya. 

 

Ang aktibismo ay ang paglaban para at kasama ang mga tao. Hindi ito pagkamuhi sa gobyerno; sa halip, ang aktibismo’y sumusubok sa gobyerno at mga ahensiya ng pagbabago sa mga kinasanayan na (status quo) na siyang magbibigay ginhawa sa lahat ng mga mamamayan, higit na ang mga vulnerable. Ang mga aktibista tulad ni Alen ay lumalaban para sa karapatang pantao at panlipunan na reporma. Kahit pa iniisip ni Alen na ang mga pagbabagong sosyal o pagpapabuti ay magaganap pa sa loob ng dekada, nananatili siyang kumbinsido na maaabot ng Pilipinas ang tayog na nais maabot ng bawat Pilipino para sa bansa. 

 

“Maaring hindi ko nagustuhan [ang kasalukuyang lagay ng ating bansa], ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kung ang mga nagbibigay serbisyo sa publiko ay nakikinig sa mga tao, palagay ko’y mas mapagbubuti ang ating lipunan.” 

bottom of page