top of page

Dancing Queens and Behind the Scenes

English

June 28, 2022

Pia Allones

Beginning Steps


It was the start of June, as I looked from my left to my right all I could see were costumes of every color, design, and pattern imaginable. I could hear music from all decades blast through the speakers with various melodies, rhythms, and forms. Standing amidst this sea of talented and confident dancers, I couldn’t help but feel pride for this art form and for the people I was with

 

Pride and allyship are like a dance. It unites and brings groups of people together to celebrate a common cause. But how exactly can someone be united with a community despite not being a part of it? Well, that is when people can turn to allyship which, according to Merriam-Webster, is defined as a person who gives support to a marginalized group despite not being a member of the group themselves. When being an ally of the LGBTQIA+ community, one should have the community as part of their self-interest. It is supporting and fighting for their rights and equality regardless of their sexual orientation and gender identity. Like dance, every person has their styles and preferences, but there is a universal appreciation and understanding of each’s art.

LGBT and advocates join the 12th Baguio LGBT Pride Parade_November 24 2018_Innabuyog photo

One evening, I sat down in front of my laptop and was ready to ring my close friend, *Ange. As she is a member of the LGBTQIA+ community, I steered the conversation towards her perspective on allies. Being used to our dynamics, she said,

“I feel like an ally would be not someone tolerant, but someone who is accepting and supportive.”

When faced with uncertainty, like learning a new dance or exploring the spectrum of sexual orientation and gender identity, it is not uncommon to doubt themselves and their actions. Not everything is black and white; wrong or right. Life is a spectrum filled with every color imaginable that seemingly blends into each other, yet is distinct all the same. 

Looking back on my journey side by side with my friends, I began to reflect on my past actions towards these conversations and movements. While Pride has been celebrated for many years, there is still so much for us to learn, educate, and accept as a society. To be an ally is to, “Be someone who can be trusted by people from the community,” *Ange expressed. 

baguio-pride-parade-november-23-2019-020.jpeg

An Intricate Pair: Moving Side by Side  


In dance, one takes years of education and dedication to one’s art form. Like in any community, trust and commitment are fostered towards each member with respect to their craft. The same sentiments go towards my friends or any other person I interact with; we all have our social obligations towards each other. 

In the LGBTQIA+ community, allies have a social responsibility to give space and foster understanding. As *Ange said, “They explain to those who are not tolerant or not accepting as well.” Given their disposition, allies work with the community to further educate themselves and others in an exchange of culture and celebration of Pride.

It can be daunting to delve oneself into a new concept that you have no prior experience with such as a new dance, movement, or community. What’s important to remember is to not be afraid of learning and growing as you continue forth in your journey and allyship. Even if you are not part of a particular community, “You can sympathize with them, empathize with them and take a stand when the community is taking a stand because you believe in what is the right thing,” *Ange expressed.

Allyship: A Never-ending Act

 

Many dances are performed with other people whether, in duos, trios, ensembles, or troupes, this bonding builds a community. You learn to get along and work together to create a beautiful piece to show to the world. In any situation when you build a relationship with others, you are tasked to listen, communicate, and understand one another to move harmoniously.

“An ally is able to be supportive if they are a friend. If they don't have any assumptions or stereotypes on people who are part of the [LGBTQIA+] community,” *Ange said. 

Everyone has different experiences with their families, friends, and peers when it comes to their gender identity and self-expression, but in *Ange’s experience, her encounters with allies have been all in all “amazing.” It has been less of a struggle to come out to her friends her age, “Because they listen and they know, and they're socially aware that the LGBTQ community exists and that we're not really doing anything wrong to damage society,” she shared. This let her feel empowered as her friends were listening, accepting, and sympathizing when dealing with *Ange’s identity and relationships. “It was reassuring me that who I am as a person, there's nothing wrong with me,” she said.

Just like how dance uses body language to convey a message, one’s own words are as powerful and influential in any cause. Allies can help destigmatize the prejudice against the LGBTQIA+ community by listening, empathizing, and sharing the stories of the community with others. *Ange shared that in instances where allies’ actions can be too pressing at times, “It’s never their intention to be harmful.” Although allies have a role to play, they are not the main characters of this story. Allyship must not come to the point that it eclipses the voices of the LGBTQIA+ community, rather they are directed to simply set the stage for the performance of a lifetime.

Photo-2-MMPride-787x1024.jpeg

Learning and listening to the LGBTQIA+ community, as well as breaking the stereotypes, we will come to realize that there is no right or wrong when it comes to gender identity and sexual orientation. There will always be growth in a process of figuring oneself out and empathizing with others. “You have nothing to lose when it comes to explaining what is right and in defending the ideology that you believe in,” said *Ange. 

We must all begin from somewhere. A step turns into a chase which eventually leads to a leap of faith.

MMP-Homepage-MF-uai-1363x1363.jpeg

All in all, we appreciate and interpret dance or art in different ways. Allyship is not limited to empathizing, but it also includes supporting and rallying together with the LGBTQIA+ community to demand better in the ongoing fight for their rights. Allies must come to realize that the discrimination, prejudice, and struggles the LGBTQIA+ community experiences is wrong and that they celebrate Pride alongside them in the name of what is just. “They are another community that we can trust; another group of people that we can trust outside the LGBTQ community,” *Ange expressed. While we may be dancing to our own different tunes, in the end, we all take part in the movement that brings us together. 

 

*A pseudonym was used in place of the interviewee’s real name to ensure anonymity. 

Mga Reyna ng Bayle sa Likod ng Kamera

Filipino

Hunyo 28, 2022

Pia Allones

Translated by Jascha Tanael

Mga Panimulang Hakbang


Sa pagsimula nang Hunyo, habang ako ay lumingon sa aking kaliwa’t kanan ang tanging nakita ko ay mga kasuotan ng bawat kulay, disenyo, at padron na naiisip. Naririnig ko ang musika mula sa iba’t ibang dekada na malakas na tumutugtog sa mga ispiker na may iba't ibang himig, ritmo, at anyo. Nakatayo sa gitna ng karagatang puno ng mga mahuhusay at nakangiting mga mananayaw, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagmamalaki para sa sining na ito at pati na rin sa mga taong kasama ko.

Ang Pride at allyship (pagkaalyado) ay parang sayaw. Pinagkakaisa at pinagsasama nito ang mga grupo ng tao upang ipagdiwang ang isang karaniwang layunin. Ngunit paano nga ba makikiisa ang isang tao sa isang komunidad ma hindi siya kabahagi? Syempre, iyon ay kapag ang mga tao ay maaaring tumungo sa pagkaalyado, na ayon sa Merriam-Webster, ay tinutukoy bilang isang tao na nagbibigay ng suporta sa isang marginalisado na grupo sa kabila ng hindi pagiging miyembro ng grupo mismo. Sa pagiging kaalyado ng komunidad ng LGBTQIA+, dapat maging kabahagi ng kanilang pansariling interes ang itinuturing na komunidad. Ito ay magagawa sa pagsuporta at paglaban para sa kanilang mga karapatan at kapantayan anuman

LGBT and advocates join the 12th Baguio LGBT Pride Parade_November 24 2018_Innabuyog photo

ang kanilang sekswal na oryentasyon  at pagkakakilanlang pangkasarian. Tulad ng sayaw, ang bawat tao ay may kani kanilang istilo at kagustuhan, ngunit mayroong pangkalahatang pagpapahalaga at pag-unawa sa sining ng bawat isa.

 

Isang gabi, naupo ako sa harap ng aking laptop at handa kong tawagan ang aking matalik na kaibigan, si *Ange. Dahil miyembro siya ng komunidad ng LGBTQIA+, pinangunahan ko ang pag-uusap patungo sa kanyang pananaw sa mga kaalyado. Dahil sanay na siya sa aming dinamiko, aniya, "Pakiramdam ko ang isang kaalyado ay hindi isang taong mapagpaubaya, kundi isang taong tumatanggap at sumusuporta.” [“I feel like an ally would be not someone tolerant, but someone who is accepting and supportive.”]

Kapag nahaharap sa pag-aalinlangan, tulad ng pag-aaral ng bagong sayaw o paggalugad sa espektro ng oryentasyong pansekswal at pagkakakilanlang pangkasarian, karaniwan na pagdudahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga aksyon. Hindi lahat ay itim at puti; mali o tama. Ang buhay ay isang espektro na puno ng anumang kulay na maiisip na tila ay naghahalo sa isa't isa, ngunit natatangi pa rin gayunpaman.

Sa pagbabalik-tanaw sa aking paglalakbay sa tabi ng aking mga kaibigan, sinimulan kong pagnilayan ang aking mga nakaraang aksyon patungo sa mga pag-uusap at paggalaw na ito. Habang ang Pride ay ipinagdiriwang sa loob ng maraming taon, marami pa rin tayong dapat matutuhan, turuan, at tanggapin bilang isang lipunan. Ang pagiging isang kaalyado ay ang, "Pagiging isang taong mapagkakatiwalaan ng mga tao mula sa komunidad," [“Be someone who can be trusted by people from the community,”] hayag ni *Ange.

baguio-pride-parade-november-23-2019-020.jpeg

Isang Detalyadong Pares: Pag-ugoy sa Kaliwa’t Kanan

 

Sa sayaw, nangangailangan ito ng maraming taon at dedikasyon para kanyang uri ng sining. Tulad ng anumang komunidad, ang tiwala at garantiya ay pinasisigla sa bawat miyembro na may paggalang sa kanilang gawain. Ganoon din ang aking sentimyento sa aking mga kaibigan o sinumang tao na aking nakakasalamuha; lahat tayo ay may mga obligasyong panlipunan para sa isa't isa.

Sa komunidad ng LGBTQIA+, ang mga kaalyado ay mayroong panlipunang responsibilidad na magbigay ng espasyo at pagyamanin ang pag-unawa. Tulad ng sinabi ni *Ange, "Nagpapaliwanag sila sa mga hindi mapagpaubaya o hindi rin tumatanggap." [“They explain to those who are not tolerant or not accepting as

well.”] Dahil sa kanilang disposisyon, nakikipagtulungan ang mga kaalyado sa komunidad upang higit pang turuan ang kanilang mga sarili at ang iba pa para sa kultura at pagdiwang ng Pride.

Maaaring katakotako ang paglalim ng sarili sa bagong konsepto na wala ka pang karanasan, tulad ng isang bagong sayaw, kilusan, o komunidad. Ngunit ang mahalagang tandaan ay huwag matakot sa pag-aaral at paglago habang nagpapatuloy ka sa iyong paglalakbay at pagkaalyado. Kahit na hindi ka bahagi ng isang partikular na komunidad, “Maaari kang makiramay sa kanila, makiramdam sa kanila at manindigan kapag ang komunidad ay naninindigan dahil naniniwala ka sa kung ano ang nararapat,” [“You can sympathize with them, empathize with them and take a stand when the community is taking a stand because you believe in what is the right thing”] hayag ni *Ange.

Pakikipag-alyansa: Isang Walang Hanggang Gawain

 

Maraming sayaw ang isinasagawa kasama ang ibang tao, maaaring sa pares, tatluhan, grupo, o tropa, ang pagbubuklod na ito ay bumubuo ng isang komunidad. Matututo kang makisama at makipagtulungan upang lumikha ng isang magandang piyesa na ipapakita sa mundo. Sa anumang sitwasyon kapag bumuo ka ng isang relasyon sa iba, ikaw ay naatasang makinig, makipag-usap, at unawain ang isa't isa para sa isang mapayapang dinamiko.

"Ang isang kaalyado ay maaaring magbigay ng suporta kung sila ay isang kaibigan. Kung wala silang anumang mga pagpapalagay o isteryotipo sa mga taong bahagi ng komunidad [ng LGBTQIA+],”

[“An ally is able to be supportive if they are a friend. If they don't have any assumptions or stereotypes on people who are part of the [LGBTQIA+] community,”] ani *Ange.

Ang bawat isa ay mayroong iba't ibang karanasan sa kanilang mga pamilya, kaibigan, at ka-edaran pagdating sa kanilang pagkakakilanlan ng kasarian at pagpapahayag ng sarili, ngunit sa karanasan ni *Ange, ang kanyang mga pakikipagtagpo sa mga kaalyado sa pangkalahatan ay naging "kamangha-mangha." Hindi gaanong mahirap sa kanya na sabihin sa kanyang mga kaibigan, "Dahil nakikinig sila at alam nila, at mayroon silang kamalayan sa lipunan na umiiral ang komunidad ng LGBTQ at wala talaga kaming ginagawang masama para makapinsala sa lipunan," [“Because they listen and they know, and they're socially aware that the LGBTQ community exists and that we're not really doing anything wrong to damage society,”] ibinahagi niya. Dahil dito, nagkaroon siya ng lakas habang nakikinig, tinatanggap, at nakikiramay ang kanyang mga kaibigan kapag nakikitungo sa pagkakakilanlan at mga relasyon ni *Ange. "Ito ay nagpapatibay sa akin na kung sino ako bilang isang tao, walang pagkakamali sa akin," [“It was reassuring me that who I am as a person, there's nothing wrong with me,”] sabi niya.

Tulad ng kung paano ginagamit ng sayaw ang kumpas ng katawan upang maghatid ng isang mensahe, ang sariling mga salita ay kasing lakas at maimpluwensya sa anumang adbokasiya. Makakatulong ang mga kaalyado na alisin ang pagtatangi laban sa komunidad ng

Photo-2-MMPride-787x1024.jpeg

LGBTQIA+ sa pamamagitan ng pakikinig, pakikiramay, at pagbabahagi ng mga kuwento ng komunidad sa iba. Ibinahagi ni *Ange na sa mga pagkakataon kung saan ang mga aksyon ng mga kaalyado ay maaaring masyadong mapilit kung minsan, "Hindi nila kailanman intensiyon na makapinsala." [“It’s never their intention to be harmful.”] Bagaman may papel na ginagampanan ang mga kaalyado, hindi sila ang pangunahing tauhan ng kwentong ito. Ang pagkaalyado ay hindi dapat dumating sa punto na nalalagpasan nito ang mga boses ng komunidad ng LGBTQIA+, sa halip ay inaatasan sila na ihanda ang entablado para sa isang panghabang-buhay pagtatanghal.

Nararapat tayong magsimula sa isang lugar. Ang isang hakbang ay nagiging hangarin na kalaunan ay humahantong sa isang lukso ng pananampalataya.

Sa pag-aaral at pakikinig sa komunidad ng LGBTQIA+, pati na rin sa pagwasak sa mga isteryotipo, mauunawaan natin na walang tama o mali pagdating sa pagkakakilanlan ng kasarian at oryentasyong pansekswal. Palaging magkakaroon ng paglago sa isang proseso ng pag-uunawa sa sarili at pakikiramay sa iba. "Walang mawawala sa iyo pagdating sa pagpapaliwanag kung ano ang tama at sa pagtatanggol sa ideolohiyang pinaniniwalaan mo," [“You have nothing to lose when it comes to explaining what is right and in defending the ideology that you believe in,”] sabi ni *Ange.

MMP-Homepage-MF-uai-1363x1363.jpeg

Sa kabuuan, pinahahalagahan at binibigyang-kahulugan namin ang sayaw o sining sa iba't ibang paraan. Ang pakikipag-alyansa ay hindi limitado sa pakikiramay, ngunit kabilang din dito ang pagsuporta at paninindigan kasama ang komunidad ng LGBTQIA+ upang humiling ng higit pa sa patuloy na pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. Dapat matanto ng mga kaalyado na hindi tama ang diskriminasyon, pagkiling, at ang pagpiglas na nararanasan ng komunidad ng LGBTQIA+ at ipinagdiriwang nila ang Pride kasama nila sa ngalan katarungan. “Sila ay isa pang komunidad na mapagkakatiwalaan natin; isa pang grupo ng mga tao na mapagkakatiwalaan natin sa labas ng komunidad ng LGBTQ,” [“They are another community that we can trust; another group of people that we can trust outside the LGBTQ community,”] ani *Ange. Bagama't tayo ay sumasayaw sa sari-sarili nating mga himig, sa huli, lahat tayo ay nakikibahagi sa kilusang nagbubuklod sa atin.

*Gumamit ng isang alyas bilang kapalit sa tunay na pangalan ng kinapanayam upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan.

bottom of page