Defining Beauty by Defying Standards
August 8, 2022
Princess Nicolette Catbagan
In a society that shuns those who do not fit its standards of what's beautiful and appropriate, how can unique individuals express themselves without fear of judgment and prejudice?
Before answering that question, let us take a look at Dave's story. A 16-year-old student born to a fisherman father and a stay-at-home mother living on the shores of Cabangan, Zambales. As the third of seven siblings, his errands usually revolve around drawing water from a well outside their home and schoolwork. When outside, he plays sports such as volleyball and football, and participates in beach clean-up drives held by one of the local organizations in the area, Alon & Araw.
Prior to joining the organization, Dave usually saw its members surfing, which immediately caught his interest. Hearing about their advocacy and purpose of providing opportunities and tools to the disadvantaged children of coastal areas eventually convinced him to to become a part of their community. Dave says that Alon & Araw helped him since they taught children good morals, such as how to care for the environment. Through their coastal clean-ups and other activities, they managed to make their beaches beautiful again. He recalls his experiences before the organization came with melancholy. A time wherein the beaches were full of trash and pollution and children rarely engaged in activities together.
Outside of Alon & Araw, Dave is a responsible student. He's an incoming grade 11 pupil in the Immaculate Conception Academy, and when asked what school is like for him, he says, "Nakakastress siya, pero kinakaya naman (Stressful but manageable)." Dave works hard in school to achieve his dream of becoming a flight attendant. He says that seeing vloggers on Youtube has inspired him as he dreams of traveling to other countries when he grows older. He also expressed his desire to lift his family from poverty and support his younger siblings and nieces/nephews with their education.
In addition, Dave is someone who prides himself on his confidence. He states that he loves taking pictures and is rarely insecure about his physical appearance (also adding that he thinks his most attractive feature is his nose). On the other hand, despite his confidence in his looks, Dave recognizes that true beauty is found in one's character. When asked who he thinks is the most beautiful person he knows, Dave says his mother, who—despite all their hardships—continued to persevere and support her family. The depth of her love for him and his siblings made Dave perceive his mother as such, suggesting that his definition of beauty is not determined by outward features but by character, compassion, and resilience.
Admittedly, despite his confidence in himself, he still has no control over those who wish to bring him down through insults and ridicule.
"Wala kang ambag sa lipunan. Ang pangit mo. Mahina ka, salot ka! Walang ginagawa ang Diyos na bakla, makasalanan ka..." ("You have no contribution to society. You are ugly. You are weak, you are a pest! God made no one gay, you are a sinner ...")
According to Dave, these are some things people have said to him over the years. However, despite being a victim of such bitterness, he says that "All those words makes me strong and I always say to myself that never mind them dahil kahit kailan wala silang naging ambag sa buhay ko." he also adds, "Hinahayaan ko nalang din naman kasi nga...confidence pa rin talaga dapat ang mas manguna!"
("All those words make me strong and I always say to myself to never mind them, because they have [and would] never contribute anything to my life." he also adds, "I just let what they say go because...confidence should still take the lead!")
In spite of Dave's positive response to the situation, it's still unfortunate that coming out as gay and valuing this freedom came with the downside of people condemning him. Before coming out, Dave says that the experience was challenging due to the constant fear of rejection, but when he did, he describes the experience as "the word accept is not only a word for them, it's an action that they showed to me." It truly is a shame that we live in a society wherein the cost of not fitting in its standards is to endure discrimination for the rest of your life; as people preach equality and acceptance, there are just as many that applaud bigotry and injustice. Dave may have received a positive response from his loved ones, but those who have been in his situation are often not as fortunate.
However, like Dave, many refuse to be bystanders and victims of such hate.
"Judging people isn't helping them, mas maganda na bigyan niyo nalang sila ng compliment kesa ijudge niyo sila. Kasi sa pagjujudge ninyo, marami silang pwedeng gawin [na makakasakit sa sarili nila]. Kaya bago niyo ijudge ang iba, tingnan niyo muna ang sarili niyo." Dave says.
("Judging people isn't helping them, it's better to just compliment them instead. Because when you judge someone, they can do things [that might hurt themselves]. So before you criticize others, take a look at yourself first.")
To add to his statement, we must remind ourselves that a difference in ideals isn't enough reason to be cruel. Instead of forcing others to fit into general beauty standards (or in this case, heteronormative ideals), it's better to encourage them to discover their definition of beautiful and help them be comfortable in their skin.
Gay, Bi, or Straight.
White, Black, or Brown.
Short or Tall. Fat or Skinny.
These words are not meant to be dividers and dictators of our positions in society. Regardless of our gender, color, or even height and shape, we are beautiful not because of our physical traits but because of the confidence we emanate—how beautiful we can be is only determined by one person: ourselves.
On the other hand, for those who relate to Dave's own experiences, you are a flower that blooms in adversity. In a society that continues to reject and judge you, may his story inspire you to hold your head high and appreciate your beauty despite all the harsh things people say, just like how Dave, despite all the criticism about his gender, stood up to his bullies and expressed himself confidently.
However, we also need to recognize that Dave didn't develop his confidence overnight nor achieve it alone—through the support of his family and the Alon & Araw organization, he became part of an accepting community where his strong personality could freely flourish.
Alon and Araw's advocacy of providing children tools to improve their quality of life doesn't only pertain to paving a better future for themselves but also to develop their self-esteem; one of their organization's pillars—personal development, focuses on conducting workshops for children to gain confidence in themselves. It aims to help them address their insecurities and provide a safe space for the kids to acknowledge their individuality and embrace their uniqueness instead of growing up thinking it's something they need to hide.
The lesson taught by Dave's story is that despite the negativity, we mustn't suppress our uniqueness to cater to other people's opinions, as it would only damage us in the long run.
Like Alon & Araw, we must find it in ourselves to lift others (especially the youth) up.
Because, like Dave, there are just as many 16-year-old children who deserve to live in an environment wherein they could be confident and proud.
Society is full of people with harmful mindsets—who would look at those like Dave and turn their heads away in disgust. But if we continue to let fear of them weigh more than self-love, we are also held back from finding people who would appreciate our uniqueness and love us for it. This is why, like Dave, we must find the courage to take pride in our identity and take up space in a world that continues to reject us.
Pagtakda sa Kagandahan sa Pamamagitan ng Paglabag sa Pamantayan
Agosto 8, 2022
Princess Nicolette Catbagan
Translated by Jascha Leana Tanael
Sa isang lipunang binabalewala ang mga hindi umaangkop sa mga pamantayan ng kung ano ang magandang inaasahan, paano maipapahayag ng mga namumukod tanging kariktan ang kanilang sarili nang walang takot sa panghuhusga at tiyak na pagkiling sa pamantayan ng lipunan?
Bago sagutin ang tanong na iyon, tingnan natin ang kuwento ni Dave. Isang 16-anyos na estudyanteng isinilang sa ama na mangingisda at isang ina na maybahay na naninirahan sa dalampasigan ng Cabangan, Zambales. Bilang pangatlo sa pitong magkakapatid, ang kanyang mga gawain ay karaniwang umiikot sa pag-igib ng tubig sa isang balon sa labas ng kanilang tahanan at mga gawain sa paaralan. Kapag nasa labas, naglalaro siya ng mga isport tulad ng balibol at futbol, at nakikilahok sa paglinis ng tabing-dagat na ginaganap ng isa sa mga lokal na organisasyon sa kanilang lugar, ang Alon & Araw.
Bago siya sumali sa organisasyon, karaniwang nakikita ni Dave ang mga miyembro nito na nagsu-surf, na agad na pumukaw ng kanyang interes. Ang pagdinig at kaalaman tungkol sa kanilang adbokasiya at layunin ng pagbibigay ng mga oportunidad at kasangkapan sa mga mahihirap na bata ng mga baybaying-dagat ay ang nangumbinsi sa kanya na maging bahagi ng kanilang komunidad. Sinabi ni Dave na natulungan siya ng Alon & Araw dahil tinuruan nila ang mga bata ng mga magagandang aral, gaya ng pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng kanilang mga aktibidad na paglinis sa tabing-dagat at iba pa, nagawa nilang mapagandang muli ang kanilang mga dalampasigan. Naalala niya ang kanyang mga karanasan bago dumating ang organisasyon nang may kapanglawan. Isang panahon kung saan ang mga tabing-dagat ay puno ng basura at polusyon at ang mga bata ay bihirang magsama-sama.
Sa labas ng Alon & Araw, si Dave ay isang responsableng estudyante. Isa siyang papasok na mag-aaral sa ika-11 na baitang sa Immaculate Conception Academy, at nang siya'y kumustahin sa kanyang pag-aaral, aniya, "Nakakastress siya, pero kinakaya naman." Si Dave ay nagsisikap sa paaralan upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang tagapaglingkod sa eroplano (flight attendant). Aniya, ang napapanuod niyang mga bidyo ang nagtulak sa kanya dahil pangarap niyang makabiyahe sa ibang bansa kapag siya ay tumanda na. Ipinahayag din niya ang kanyang pagnanais na maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan at suportahan ang kanyang mga nakababatang kapatid at pamangkin sa kanilang pag-aaral.
Bilang karagdagan, si Dave ay isang taong ipinagmamalaki ang kanyang sarili sa kanyang kumpiyansa. Sinabi niya na mahilig siyang kumuha ng mga larawan at bihirang ikinahihiya ang kanyang pisikal na hitsura (idinagdag din na sa tingin niya ang kanyang pinaka-kaakit-akit na katangian ay ang kanyang ilong). Sa kabila ng kanyang tiwala sa kanyang hitsura, kinikilala ni Dave na ang tunay na kagandahan ay matatagpuan sa pagkatao ng isang tao. Nang tanungin kung sino sa tingin niya ang pinakamagandang taong kilala niya, para kay Dave ang kanyang ina, na—sa kabila ng lahat ng kanilang paghihirap—ay patuloy na nagpupursige at sumusuporta sa kanyang pamilya. Ang lalim ng pagmamahal nito sa kanya at sa kanyang mga kapatid ay naging dahilan upang mawari ni Dave ang kanyang ina bilang ganoon, iminumungkahi na ang kanyang kahulugan ng kagandahan ay hindi tumutukoy sa panlabas na mga katangian ngunit sa pamamagitan ng karakter, pakikiramay, at katatagan.
Aminado na sa kabila ng tiwala niya sa sarili, wala pa rin siyang kontrol sa mga gustong magpabagsak sa kanya sa pamamagitan ng mga panlalait at pangungutya.
"Wala kang ambag sa lipunan. Ang pangit mo. Mahina ka, salot ka! Walang ginagawa ang Diyos na bakla, makasalanan ka..."
Ayon kay Dave, ito ang ilang mga bagay na sinabi sa kanya ng mga tao sa mga nakaraang taon. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging biktima ng gayong kapaitan, sinabi niya na "All those words makes me strong and I always say to myself that never mind them dahil kahit kailan wala silang naging ambag sa buhay ko." dagdag din niya, "Hinahayaan ko nalang din naman kasi nga...confidence pa rin talaga dapat ang mas manguna!"
("Lahat ng mga salitang iyon ay nagpapalakas sa akin at lagi kong sinasabi sa aking sarili na huwag pansinin ang mga iyon dahil kahit kailan wala silang naging ambag sa buhay ko." dagdag din niya, "Hinahayaan ko nalang din naman kasi nga...kumpiyansa pa rin talaga dapat ang mas manguna!")
Sa kabila ng positibong tugon ni Dave sa sitwasyon, nakalulungkot pa rin na ang pagladlad bilang bakla at pagpapahalaga sa kalayaang ito ay may kasamang mga taong tumutuligsa sa kanya. Ibinahagi ni Dave na ang karanasan niya noong bago pa siya magladlad ay mahirap "the word accept is not only a word for them, it's an action that they showed to me." ("ang salitang pagtanggap ay hindi lamang isang salita para sa kanila, ito ay isang aksyon na ipinakita nila sa akin.") Tunay na isang kahihiyan na nabubuhay tayo sa isang lipunan kung saan ang kabayaran ng hindi pagkakaangkop sa mga pamantayan nito ay ang pagtitiis ng diskriminasyon sa buong buhay mo; habang ipinangangaral ng mga tao ang pagkakapantay-pantay at pagtanggap, marami rin ang pumupuri sa bigotry (o ang pagkakabit ng hindi makatwirang paniniwala laban sa isang tao o mga tao batay sa kanilang pagiging kasapi ng isang partikular na grupo) at kawalang-katarungan. Maaaring nakatanggap ng positibong tugon si Dave mula sa kanyang mga mahal sa buhay, ngunit ang mga nakaranas na sa kanyang sitwasyon ay kadalasang hindi kasing pinalad.
Gayunpaman, tulad ni Dave, marami ang tumatangging maging tagamasid at biktima ng gayong pagkapoot.
"Judging people isn't helping them, mas maganda na bigyan niyo nalang sila ng compliment kesa ijudge niyo sila. Kasi sa pagjujudge ninyo, marami silang pwedeng gawin [na makakasakit sa sarili nila]. Kaya bago niyo ijudge ang iba, tingnan niyo muna ang sarili niyo." ani Dave.
“Ang paghusga sa mga tao ay hindi nakakatulong sa kanila, mas maganda na bigyan niyo nalang sila ng papuri kesa husgahan niyo sila. Kasi sa panghuhusga ninyo, marami silang pwedeng gawin [na makakasakit sa sarili nila]. Kaya bago niyo husgahan ang iba, tingnan niyo muna ang sarili niyo.”
Upang idagdag sa kanyang pahayag, dapat nating paalalahanan ang ating mga sarili na ang pagkakaiba sa mga mithiin ay hindi sapat na dahilan para maging malupit. Sa halip na pilitin ang iba na umangkop sa mga pangkalahatang pamantayan ng kagandahan (o sa kasong ito, mga mithiin ng heteroseksuwal na lipunan ang isinusulong bilang normal o gustong sekswal na oryentasyon), mas mabuting hikayatin silang tuklasin ang kanilang sariling kahulugan ng maganda at tulungan silang maging komportable sa kanilang balat.
Bakla, Silahis, o Tuwid.
Puti, Itim, o Kayumanggi.
Maliit o Matangkad. Mataba o Payat.
Ang mga salitang ito ay hindi naglalayong maghati at magdikta ng ating mga posisyon sa lipunan. Anuman ang ating kasarian, kulay, o kahit na tangkad at hulma, tayo ay magaganda hindi dahil sa ating mga pisikal na katangian kundi dahil sa kumpiyansa na mayroon tayo—kung gaano tayo kaganda ay natutukoy lamang ng isang tao: ating mga sarili.
Sa kabilang banda, para sa mga nakakaramdam sa karanasan ni Dave, isa kang bulaklak na namumukadkad sa kariwaraan. Sa isang lipunang patuloy na tinatanggihan at hinuhusgahan ka, nawa'y ang kanyang kwento ay maging inspirasyon sa iyo na iangat ang iyong ulo at pahalagahan ang iyong kagandahan sa kabila ng lahat ng masasakit na sinasabi ng mga tao, tulad ng kung paano si Dave, sa kabila ng lahat ng mga kritisismo tungkol sa kanyang kasarian, ay nanindigan sa mga nang-aapi sa kanya at ipinahayag ang kanyang sarili nang may kumpiyansa.
Gayunpaman, kailangan din nating kilalanin na hindi nabuo ni Dave ang kanyang kumpiyansa sa isang magdamag o nakamit ito nang mag-isa—sa pamamagitan ng suporta ng kanyang pamilya at ng organisasyong Alon & Araw, naging bahagi siya ng isang mapagtanggap na komunidad kung saan ang kanyang malakas na personalidad ay maaaring malayang umunlad.
Ang adbokasiya ng Alon & Araw na magbigay ng mga kasangkapan sa mga bata upang mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay ay hindi lamang tumutukoy sa paglalatag ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng kanilang pagpapahalaga sa sarili; isa sa mga haligi ng kanilang organisasyon—personal na pag-unlad, ay nakatuon sa pagsasagawa ng mga klase para sa mga bata na magkaroon ng tiwala sa kanilang sarili. Nilalayon nitong tulungan silang matugunan ang kanilang kawalan ng mababang tingin sa sarili at magbigay ng ligtas na espasyo para sa mga bata na kilalanin ang kanilang pagkatao at yakapin ang kanilang pagiging bukod-tangi sa halip na lumaki na iniisip na ito ay isang bagay na kailangan nilang itago.
Ang aral na itinuro ng kuwento ni Dave ay na sa kabila ng kapanglawan, hindi natin dapat pigilan ang ating pagiging bukod-tangi upang matugunan ang mga opinyon ng ibang tao, dahil ito ay makakasira lamang sa atin sa katagalan.
Tulad ng Alon & Araw, dapat nating hanapin sa ating sarili na iangat ang iba
(lalo na ang kabataan) pataas.
Sapagkat, tulad ni Dave, mayroong maraming 16-anyos na mga bata na nararapat na manirahan sa isang kapaligiran kung saan maaari silang maging makumpiyansa at mapagmalaki.
Ang lipunan ay puno ng mga taong may mapaminsalang pag-iisip—na titingin sa mga tulad ni Dave at iiwas ng tingin sa pagkasuklam. Ngunit kung patuloy nating hahayaan ang takot sa kanila na mas tumimbang kaysa sa pagmamahal sa sarili, pipigilan din tayo nito sa paghahanap ng mga taong magpapahalaga sa ating pagiging bukod-tangi at mamahalin tayo dahil dito. Ito ang dahilan kung bakit, tulad ni Dave, dapat tayong magkaroon ng lakas ng loob na ipagmalaki ang ating pagkakakilanlan at kumuha ng espasyo sa mundong patuloy tayong itinatakwil.