top of page

Dropping Pins

June 21, 2022

Jan Ashely Cay


Confronting people is one thing. Complicated? Yes. Overbearing? Maybe. Avoidable? Factual. But to confront your raw, authentic, and vulnerable self is a challenge that many dare not to take. There is something about the fear of acknowledging who you are as if it were a secret that was never meant to be found out in the first place. It is the wailing desire inside your head that wants to be let out, yet you silence it, afraid that if anyone were to hear, see or know, it would signify the end for you.


Many of us suppress these voices to survive a world plagued by prejudice, indifference, and hostility. These voices move along with those who hide in the shadows, waiting for their turn to be accepted. They become too hushed for anyone to make out the fiery declarations of love, hope, and ambition. They seek refuge and safety, wishing that someday their desires are not only to be likened to the sound of dropping pins.

Coming out is two sides of the same coin, while it is a warm and accepting experience for the fortunate, it is also an ordeal where many face the harsh and bitter truth of the world's hostility. It is the courageous pursuit of being who you are in a world where they expect you to act and be a certain way. This pursuit is no easy feat, especially when you are influenced by customs, religion, and social norms. Take the Philippines for example, considered as a "gay-friendly" country despite its conservative and religious views against homosexuality. In this day and age, is this acceptance masked as tolerance in order to keep up faces? Or are those coming of age finally safe to come out not only to their loved ones, but to the real world as themselves?

Dropping pins was a popular term used around the 60's by gay men to drop hints or clues about their sexual orientation around those who were closeted or to see if it was safe to come out. This was a precaution to test the waters as homosexuality was viewed as a social problem. Being gay connoted a lot of bad things at the time but homosexuality did not just start during the 60's. For as long as anyone could remember or historians could recall, homosexuality was evident in the 1800's or perhaps earlier on, yet why are people against the idea of it when it has existed alongside what people considered as the "norm"?

Though the times have changed and the world has slowly opened up to the existence of this colorful community, their hues still dull at the face of homophobia and apathy.

Equal rights are still withheld within the community, if not in the face of society and the law, then at home, where the real battles start. Dropping pins still exist today, for the young and closeted folk that hope that it is okay to be themselves even when those around them tell them it is not.

Coming out is a special journey of self-discovery and acceptance. Many venture into this lifelong process aware of the gains and losses they will obtain along the way, courageous as they are, there are still those that need a push forward. The closeted folk are no cowards, society has norms that have repressed their choices of freedom and love. Cisheterosexism, sexism, and misogyny is still evident in today's time, it has been instilled in the minds of every living and breathing person the moment they were born. People have already been assigned to a certain role they must partake in society and fulfilling this role is a must. To act "appropriate" is essential, but how do you become appropriate when you have never fit society's criteria or standards?


Is homosexuality inappropriate? Is loving someone of the opposite sex inappropriate? Is identifying yourself out of the masculine and feminine gender roles inappropriate? Is being yourself inappropriate especially when you have done nothing wrong.



Members of the LGBTQIA+ community ask these questions and ruminate about their self-worth. So do children, those who wallow in the non-directional path of finding themselves, wonder if being true to yourself is the right choice when it is deemed as aberrant. If the world has been opening up their existence as a community, then why is it still unsafe?


Coming out starts at home. It is a mental warfare of choices and suppression, based on how someone is brought up or made to believe how the world works. Home is not just your immediate family, but it is the people you feel safe with and that choice defines you and your relationship with them, whether or not they accept you. Is their love conditional after you have divulged the truth? The answer differs from person to person. There are people who have been shunned and cast aside for choosing themselves over their own loved ones. It may be deemed a selfish act, but it is better than living a life that is not yours. To love and live in accordance with what others expect of you is submitting your own will and mentally speaking, it will cease your growth, happiness, and betterment.

As heartbreaking as that sounds, all hope is not lost. Developments have been made in accepting the colorful members of this community as well as recognition of their rights in Congress and acknowledgement of their plights as citizens that contribute to the greater good of society and their own governments. Those who have fought for that hope wished to see the progressive changes they had long wanted when they were alive. These changes had benefited generations to thrive in a space that no longer marginalizes them.

“Acceptance is a lengthy process,” they say.

The Philippines is no stranger to the LGBTQIA+ community and was part of the magnanimous change in societal beliefs and norms. The country had been considered a "gay-friendly" country, welcoming all walks of life to the melting pot of colors and culture, despite the bias against them. It is a conceived act of tolerance in the guise of accepting these people for the sake of alleviating issues on global divide due to this community.

On a personal opinion, Filipinos are quite homophobic. Filipinos consider them to be immoral. The gay-friendly narrative is far from the rise in hate crimes in the country. During the first half of the year 2011, 28 LGBT-related killings were recorded in the Philippines.

It had struck fear into the hearts of those in the community, it felt unsafe for them. There is a continuous struggle of being ridiculed, discriminated against and slaughtered as if their rights did not matter. Hate crimes say a lot about how people perceive a certain minority group and it was loud and clear for young and old LGBT community members that acceptance is a far stretch. To be tolerated is one thing, there is a limit to it and when people have had enough, they would clamp down their given freedom.


Hate crimes are not just heinous acts committed against members of the LGBTQIA+ community in forms of abuse, violence, and aggression, but this is isolating and dictating younger people that if they were to be unruly or anything other than straight, it would cost them.

Instead of encouraging these people to grow into fine citizens that will assist the country's betterment, they are forced back into the closet to reflect on emotions that they have to avoid in order to survive.


Whether someone chooses to come out or not, it is an imperative choice that aids their growth in understanding who they are. There will always be aggressions and preconceived notions about everyone's identities, morals, beliefs, and stands, but it will always be up to you. The world may be full of uncertainties but what you can be sure of is yourself. By the end of each day, what matters the most is what you want in life, who you choose to love, and who you wish to be in the near future.


In the face of fear, I personally have learned one thing from coming out. It's not just the pride marches that people partake every June of every year, it is not the fluttering feeling in your chest when you soon realize that you don't like a certain sex that way and you prefer the other. It's about finding the courage to face yourself, to acknowledge that you will always be you in a world where they want you to be someone else.

Remember today: If this world still has you dropping pins, remember someone will pick it up and hand them to you with kindness, acceptance, and proud love.


Happy Pride!


Paghulog ng Aspile

Hunyo 21, 2022

Jan Ashely Cay


Ang pagkompronta sa ibang tao ay isang bagay. Mahirap. Oo. Mapaniil? Maaari. Maiiwasan? Tama. Subalit, ang pagharap sa totoo at tunay na sarili ay isang hamon na hindi lahat ay mayroong lakas na loob para gawin. May kakaibang pakiramdam na maiuugnay mo sa takot ng pagkilala sa sarili na tila ito ay isang sikreto na hindi dapat kailanman malaman ng sinoman. Ito ay ang humihiyaw at nagpupumiglas na pagnanasa sa loob ng iyong kaisipan, subalit ito’y pinatatahimik mo, takot na may nakarinig, nakakita, o nakaalamdahil parang ito na rin ang magiging katapusan mo.

Kinikimkim ng karamihan sa atin ang mga boses na ito para maligtas ang sarili sa mundong nababalot ng pagtanggi, pagkawalang-bahala at poot. Ang mga tinig na ito ay gumagalaw kasama ang mga tumatago sa lilim ng mga anino, naghihintay sa pagkakataong matanggap. Sila ay masyadong napatatahimik para magdeklara ng kanilang matinding pagmamahal, pag-asa at ambisyon. Sila ay naghahanap ng kanlungan at kaligtasan, nangangarap na balang araw ay hindi maihahalintulad ang kanilang hangarin sa tunog ng paghulog ng mga aspile.

Ang paglalantad ay para bang dalawang harap ng piso, habag ito ay masarap at magaan na karanasan para sa mga mapalad, ito rin ay isang pagsubok kung saan karamihan ay nakakaranas ng masaklap at mapait na katotohanan ng kaharasan ng mundo. Ito ay ang magiting na pagtahak ng daan ng pagiging totoo sa iyong sarili sa mundo kung saan may tiyak na pamantayan silang inaasahan na susundin mo. Ang hangarin na ito ay hindi madaling gawain, lalo na kapag naiimpluwensyahan ka ng mga kaugalian, relihiyon, at mga pamantayan ng lipunan. Kunin na lamang natin ang Pilipinas bilang isang halimbawa, itinuturing na isang "gay-friendly" na bansa sa kabila ng mga konserbatibo at relihiyosong pananaw nito laban sa homosexuality. Sa panahon ngayon, ang pagtanggap na ito ay tapat ba? O sinasabi lamang na "tanggap ka" para magmukhang progresibo ang bansa kung ikukumpara sa iba? Ligtas na bang maglantad ang mga kabataan hindi lamang sa kanilang mga mahal sa buhay, ngunit ligtas narin ba silang lumabas at magpakilala sa mundo bilang kanilang mga sarili?

Ang ‘pagbagsak ng mga aspile’ ay isang kilalang terminolohiya na ginagamit ng mga baklang lalaki noong 60’s upang magbigay ng senyas ukol sa kanilang sekswal na oryentasyon sa ibang taong tinatago pa ito (closeted) o hindi kaya para tantsahin kung ligtas ba na maglantad. Ito ay isang pag-iingat upang pakiramdaman ang daloy ng usapan ukol sa homosexuality dahil ang paksang ito ay itinuturing na suliraning panlipunan. Ang pagiging bakla ay nahahalibilo sa maraming masasamang bagay. Maraming pangit na implikasyon ang maiuugnay sa pagiging bakla noong panahong iyon subalit hindi tunay na nag-umpisa ang homosexuality noong 60’s. Hangga’t naaalala ng sinoman o natatandaan ng mga mananalaysay, ang homosexuality ay lumitaw noong 1800’s o maaari pa ngang mas maaga rito, ngunit bakit hindi matanggap-tanggap ng mga tao ito kung dati naman ay itinuturing ito bilang normal na parte ng lipunan?

Bagaman nagbago na ang panahon at paunti-unti nang tinatanggap ng mundo ang pag-iral ng makulay na komunidad, ang mga kulay na ito ay kumukupas at pumuputla pa rin sa harap ng homophobia at kawalang-interes.

Ang pantay na karapatang pantao ay hindi pa rin ipinagkaloob sa taong-bayan, hindi man sa pamayanan at ng batas, kundi sa bahay kung saan nagsimula ang mga totoong laban. Ang paghulog ng mga aspile ay umiiral pa rin sa kasalukuyan, para sa kabataan at sa mga nagtatagong indibidwal na ninanais pa ring ilabas ang kanilang tunay na kulaykahit pa man hindi sumasang-ayon ang mga nasa paligid nila.

Ang paglantad ay isang natatanging lakbayin ng paghahanap sa sarili at ng pagtanggap. Marami ang nakikipagsapalaransa panghabang buhay na prosesong ito kahit at alam nila na mayroon silang maaaring  mapakinabangan o wala sa paglalakbay na ito. Magiting man sila, mayroon pa ring iba na nangangailangan ng kaunting tulak. Hindi duwag ang mga nagtatago pa na mga tao (closeted people),  sadyang may mga pamantayan ang lipunan  na sumusupil sa kanilang kalayaan at pagmamahal. Malinaw pa rin na palatandaan ang cisheterosexism, sexism and misogyny sa panahon ngayon, dahil ito ay nakatatak sa utak ng bawat bagay na buhay at taong humihinga mula sa kanilang kapanganakan. Ang bawat tao ay may nakatakdang tungkulin na kailangan nilang tuparin para sa komunidad at ang pagtupad nito ay mahalaga at nararapat. Ang pagkilos nang “maayos” ay mahalaga ngunit paano mo ito magagawa nang maayos kung ito ay hindi naaayon sa pamantayan ng lipunan?


Mali ba ang homosexuality? Hindi ba angkop ang pagmamahal sa kasalungat na kasarian? Hindi ba tama ang pagkilala sa sarili sa labas ng panlalaki o pambabae? Ang pamumuhay ba bilang tunay na sarili ay hindi nararapat kahit pa wala ka namang masamang ginagawa.

Ang mga tanong na ito ay sumasagi sa isip ng  mga kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+ at nagmumuni-muni sila ukol sa kanilang kahalagahan. Ganoon din ang mga kabataang palaboy-laboy sa walang takdang landas upang hanapinang kanilang sarili,  nagtataka sila kung ang pagiging tunay  ba sa sarili ay ang tamang desisyon kung ito ay itinuturing na taliwassa normal. Kung ang mundo ay bukas upang kilalanin ang komunidad na ito, bakit hindi pa rin ligtas?

Ang paglalantad ay nagsisimula sa bahay. Ito ay isang mental na laban ng mga desisyon at pagkikimkim na nakabase sa paglaki ng isang tao o ang paniniwala niya ukol sa pagtakbo ng mundo. Ang bahay ay hindi lamang tumutokoy sa kadugong kapamilya, kundi ito ay ang mga taong nagpaparamdam sa iyo ng pagkupkop o kaligtasan. Ang desisyong ito ay humuhubog sa iyong relasyon kasama ng mga taong iyon tinatanggap ka man nila o hindi. Ang kanila bang pagmamahal ay kondisyonal pagkatapos mong ilabas ang katotohanan? Ang kasagutan dito ay iba para sa bawat tao. Mayroong mga indibidwal na pinapalayas at tinatanggi dahil sa pagpili sa kanilang sarili sa halip na sa pamilya. Maaari itong tingnan na maramot subalit ito ay mas maganda kaysa sa mamuhay nang hindi para sa sarili. Ang pagmamahal at pamumuhay batay sa pamantayan ng ibang tao ay maituturing na pagsuko ng iyong kalayaan at kapayapaan, ito ay pipigil sa iyong pag-unlad, kasiyahan, ang kaunlaran.

Nakakadurog man sa puso, hindi nawawala ang pag-asa. May mga pagpapabuti na tinupad para sa pagtanggap ng mga makukulay na miyembro ng komunidad. Pati na rin ang pagkilala sa kanilang karapatang pantao sa Kongreso at ang pagtanggap ng positibong kontribusyong maibibigay nila sa pagbuti ng kanilang komunidad at mga pamahalaan. Ang mga nagpasiya para sa mga progresibong pagbabagong ito ay naghahangad makita ang bunga ng matagal na nilang pinagtatanggol. Ang mga pagbabagong ito ay naging benepisyo sa mga generasyon upang magtagumpay sa lugar kung saan hindi sila minamaliit.

"Ang pagtanggap ay isang mahabang proseso,” ani ng iba.

Hindi bago ang komunidad ng LGBTQIA+ sa Pilipinas at naging kasapi sa mapagbigay na pagbabago sa paniniwala ng panlipunan at pamantayan. Ang bansa ay kilala bilang isang “gay-friendly” na bansa,  tinatanggap ang kahit anomang antas ng buhay mula sa pagkakaiba sa kulay at kultura sa kabila ng mga bias laban sa kanila. Ito ay isang kaisipang  niyayakap upang itago ang pagbabalat kayong pagtanggap sa mga ganitong uri ng tao upang pagaanin ang usaping ito.  Isinasagawa ito upang maiwasan ang sosyal at global na pagkakawatak watak ng ating lipunan.

Ito ay aking personal na opinyon lamang, pero may pagka-ayaw ang Pilipinas sa mga bakla. Tinuturing sila ng mga Pilipino bilang immoral. Ang naratibo ukol sa pagiging gay-friendly ay malayo sa pagtaas ng hate crime sa bansa. Sa unang kalahati ng 2011 sa Pilipinas, naitala na nagkaroon ng 28 na pagpatay hinggil sa LGBT.  


Ito ay bumuong katakutan sa puso ng mga taong kasapi sa komunidad na ito, hindi nila ramdam ang kaligtasan. Patuloy ang paghihirap dahil sa pangungutya, diskriminasyon, at pagpatay na para bang walang halaga ang kanilang mga buhay at karapatang pantao. Maraming implikasyon ang hate crimes ukol sa pagtingin ng mga tao sa minoridad na pangkat at ito ay malinaw na malinaw para sa kabataan at nakatatanda sa komunidad ng LGBT na malayo pa bago makamtan ang pagtanggap sa kanila. Ang paghintulot ng mga ganitong bagay ay may limitasyon,  dahil kapag napuno na ang mga tao, ipaglalaban nila ang kanilang komunidad at kanilang kalayaan.


Ang hate crimes ay hindi lamang matinding kasalanan laban sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa anyo ng pag-abuso at karahasankundi ito rin ay naghihiwalay at nag didikta sa mga kabataan na kung sila ay susuway o hindi straight, hindi ito magiging mabuti para sa kanila.

Ang desisyon ng isa na magpakatotoo man o hindi ay isang mahalagang desisyon na tutulong sa kanilang pag-usbong sa pag-unawa sa kanilang sarili. Palaging nariyan ang agresyon at mga nakadiktang mga paniniwala ukol sa pagkakakilanlan, moralidad, paniniwala at pananaw subalit ang huling desisyon ay parating nasa sa iyo. Punong puno man ng kawalang katiyakan ang mundo ngunit ang matitiyak mo ay iyong sarili. Sa katapusan ng bawat araw, ang pinakamahalaga sa buhay ay iyong kagustuhan, ang sinomang gusto mong mahalin at ang sinomang gusto mong kasama sa kinabukasan.

Sa harap ng takot, may natutuhan akong isang personal na aralin mula rito. Hindi lamang ito tungkol sa  mga pride marches na ginaganap bawat Hunyo, hindi lamang sa kilig na nararamdaman sa dibdib tuwing napagtatanto mo na hindi mo nagugustuhan ang kasalungat na kasarian. Ito ay tungkol sa paghahanap ng kalakasan upang harapin ang sarili, upang kilalanin na ikaw ay palaging magiging ikaw sa isang mundong nagpupumilit na ibahin ka.

Alalahanin mo ang araw na ito. Kung pinapahulog ka pa rin ng mundo ng mga aspile, alalahanin mo na mayroong pupulot nito upang ibalik sa iyo nang may kasamang kabaitan, pagtanggapat pinagmamalaking pag-ibig.


Maligayang Pride!

bottom of page