Environment’s Catalyst of Change
December 03, 2021
Abby Gayle Repote
Advocacies are discovered within no exact timing and from different backstories. Despite this, what matters most is how one person acts upon it. Today’s star of the story, Trisha Claire Sapiter, has the perfect story to share. The people that surround her, the organizations that she’s involved in, and the vision that she sees for society, embodies her passion towards achieving a positive change for the environment. While patiently tackling her path towards her environmental advocacy, Trisha starts to discover herself more, describing her passion to help the environment as her purpose in life.
Before being an advocate for the environment, Trisha first is a loving daughter. It was through her father that she built her own perspective of the environment. Damaged, but could be mended. At a very young age, she became knowledgeable of ‘reusing’. Her father’s business was literally built through reselling reworked scrap materials. What fascinated her the most was the fact that she eventually realized how those things, sometimes regarded as useless, could be repurposed and still be used as is.
“Lumaki akong naniniwala na kung kaya pa, dapat pang gamitin. No need to renew things palagi. Palagi rin kami gumagamit ng secondhand items, hindi naman kasi dapat ikinakahiya ang mga lumang bagay.”
(I grew up believing that if it could still be used, then it should be used. No need to renew things all the time. We also always use secondhand items, because using old things should not be embarrassing.)
Trisha’s curiosity became more intense as she started to age. She started widening her reach, joining Rotaract Club of Marikina Central.
Frankly speaking, she initially joined the organization because of its public image, focused on building strong connections that could be beneficial over time. Eventually, she saw the real deal that the organization was truly offering, openness and a platform for different advocacies.
She realized that what made RACMC known was not the connections but the push that this organization gives so that the members could take action towards their own advocacies. With various projects in line with positive change, RACMC emphasized how society needed a collective response to make a sustainable difference.
The projects that they do, relative to her environmental advocacy, are close to Trisha’s heart.
Instead, they settled with what they could use, which was different online meeting platforms to conduct webinars. These online discussions mostly tackle environmental issues such as fast fashion, bokashi composting, green composting, and electronic waste. Despite being in a difficult position, Trisha was able to provide her fair share of effort in this series of talks. Through conceptualizing, contacting the speakers involved, and even hosting some of these webinars, Trisha shows how she is passionate enough to not let the pandemic hinder her from acting upon her vision for society.
Furthermore, Trisha and her other members pioneered a project during the year 2020, reiterating the more beneficial use of urban spaces.
Project Productive Living and Nature Transform or Project PLANT is a collaborative work between RACMC, together with Rotaract clubs from other areas of NCR. This fundraising project focuses on producing urban gardens to be located in NCR. In this way, polluted areas could now slowly have a breath of fresh air.
Through the projects that she proposed for RACMC, she stumbled upon Bokashi Pinoy Composting. Despite being a small community of 9 members, their actions still strongly manifest their belief of saving the environment one bucket at a time. From being one of the participants of the organization’s challenge, she became a co-mentor, another big step for her advocacy.
“Ang pagbo-bokashi, before I get to teach it, I really did it muna. Nag-participate ako sa 30-day challenge kahit na may conflict sa time because of school.” (Before I got to teach about bokashi composting, I really exerted my effort to do it too first. I participated in the 30-day challenge even if there was a time conflict because of school.”
It has become Trisha’s responsibility to impart her knowledge about the basics of bokashi composting to various chosen households, communities, and school-based institutions. According to her, it is through this composting process that garbage can actually turn into a garden. Through bokashi composting, she explained, the people involved could divert their food waste, let it ferment within the soil, and avoid junk in landfills. Notwithstanding the pandemic, Trisha continues with this agenda through online meetings and occasional site visits to keep track of her learners’ progress.
Even with the weight of dealing with her academics, she never thought of her organization work as a job. Instead, she willingly does it out of her love for the environment. It was through the exposure that she got from these organizations that she finally found her purpose. Despite the hard work and effort that she constantly exerts, she never really regrets any of what she does as her lifestyle is now also linked with what she fights for. Even on a normal day, it has become Trisha’s passion to live by her own advocacy and continue with her life with a low-waste impact on the environment.
Within the short time of her journey at Rotaract Club of Marikina Central and Bokashi Pinoy Composting, she came across more undiscovered details about herself. She discovered a new hobby that landed her a part-time job (being the emcee of Bokashi Composting Pinoy’s seminars and on-site tutorials). Other than this, she found herself in a happier place, surrounded by people sharing the same advocacy as her. She never really thought of fighting for her advocacy as a self-discovery process but she was really glad that she now understood this as time passed by.
It was through her immense work and effort that she found an identity, one that she wants to sustain over time.
As for people who have not found their advocacy yet, Trisha leaves a reminder that they should not fret and just wait for it to come. Although most people now know what they are passionate about, one must not worry about doing it too out of pressure. As Trisha highlights, nobody should advocate for something that they do not believe in.
“Explore lang nang explore. You will find things that would soon be your own purpose and iba-iba talaga siya depende sa tao. You just have to educate yourself and find what interests you.” (Just explore continuously. You will find things that would soon be your own purpose and it really is different depending on the person. You just have to educate yourself and find what interests you.”
As much as we adore the courage of people like Trisha, we tend to forget those who have the same advocacy but not having any platform. Organizations such as the Rotaract Club of Marikina Central and Bokashi Pinoy Composting proves that collective change roots from the connection with people sharing the same passion. If these organizations make a change by working together, what more if all people who have the utmost desire to provide positive change gain a platform?
Although hearing endless overwhelming news about our environment being close to its end, we should not fail to recall the presence of people who continuously fight against it. Trisha’s story is a manifestation of the fact that there are a few more catalysts of change left on our planet. Their efforts bring so much relief to us that we forget to acknowledge them for it.
They are the people that we should thank, those who represent the change that we need for us to have a future.
Rather than just appreciating the hard work of environmental advocates like Trisha, we should also do our part as the receiving end. Little by little, the things we do should also be in line with what would be best for the environment and its inhabitants. Soon, these little efforts would have a great impact. By this day, we have fully returned the favor to our catalysts of change.
Ang Mga Nangunguna sa Pagbabago Para sa Kapaligiran
December 03, 2021
Abby Gayle Repote
Translated by Heaven Homeres
Ang mga adbokasiya ay ating nadidiskubre sa walang tiyak na panahon at ito ay nagmumula sa iba’t-ibang kuwento o karanasan sa ugat nito. Sa kabila ng mga nabanggit, ang pinakamahalaga rito ay kung paano ito nabibigyang aksyon ng isang tao. Ang bida sa kwentong ito na si Trisha Claire Sapiter ay may perpektong istoryang maibabahagi tungkol dito. Ang mga taong nakapaligid sa kanya, mga organisasyong kasapi siya pati na rin ang mga pangitaing kanyang nabuo para sa sosyedad ang siyang naging paraan upang maisabuhay niya ang kanyang dedikasyon sa pagtupad ng positibong pagbabago sa paligid. Habang matiyagang itinuturo ang kanyang adbokasiya ukol sa kapaligiran, mas maraming nadiskubre si Trisha tungkol sa kanyang sarili. Ito ang siyang naglalarawan ng kanyang dedikasyon sa pagtulong sa paligid bilang kanyang layunin sa buhay.
Bago pa man maging tagapagtaguyod para sa kapaligiran, si Trisha ay isang mapagmahal na anak muna.
Sa pamamagitan ng kanyang ama ay nagkaroon siya ng sariling pananaw ukol sa kapaligiran; sira ngunit maaring ayusin. Sa murang edad ay naging maalam siya sa ideya ng pagre-reuse. Ang negosyo ng kanyang ama ay literal na nabuo sa pamamagitan nang pagbebenta ng mga reworked na mga materyal na scrap. Siya ay namangha at kanyang napagtanto ang mga bagay na siyang inaakala niya na wala nang silbi ay maaari pa rin palang ayusin at muling gamitin.
“Lumaki akong naniniwala na kung kaya pa, dapat pang gamitin. No need to renew things palagi (Hindi kailangan magbago ng mga bagay palagi.).
Palagi rin kami gumagamit ng secondhand items, hindi naman kasi dapat ikinakahiya ang mga lumang bagay.”
Ang kuryosidad ni Trisha ay mas lalong umigting habang siya’y lumalaki. SInimulan niyang palawakin ang kanyang naaabot sa pamamagitan ng pagsali sa Rotaract Club ng Marikina Central. Sa katotohanan, sumali lamang talaga siya sa organisasyong nabanggit dahil sa kilala nitong reputasyon. Nakapokus siya sa pagbuo ng matatag na mga ugnayan na siyang magiging kapaki-pakinabang sa paglipas ng panahon. Kalaunan ay napagtanto niya na ang tunay na nais ng organisasyon ay ang pagbibigay plataporma sa iba’t-ibang adbokasiya. Napagtanto niya na ang nagpatanyag sa RACMC ay hindi ang mga kaugnayan nito, kundi dahil sa pag-udyok ng organisasyon sa kanilang mga miyembro na kumilos ayon sa kanilang mga adbokasiya. Sa pamamagitan ng iba’t-ibang proyektong nagtataguyod ng positibong pagbabago, ang RACMC ay nagbigay diin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng sosyedad upang magkaroon ng sustainable difference.
Ang mga proyektong kanilang ginagawa na may kinalaman sa kapaligiran ay malapit sa puso ni Trisha. Bagaman napatigil ang iminungkahing proyekto dahil sa pandemya, hindi kailanman pumasok sa kanilang isipan na sumuko na lamang. Sa halip ay naging kuntento sila sa kung anomang maaari nilang magamit, kagaya ng iba’t-ibang mga online meeting platforms para makapagsagawa ng mga webinar. Ang mga diskyusyong online na ito ay kadalasang tumatalakay sa mga isyung pangkapaligiran tulad ng fast fashion, bokashi composting, green composting, at electronic waste.
Sa kabila ng paghahamon buhat nga kanyang mahirap na pangkasalukuyang posisyon, nakapagbibigay pa rin ng tulong si Trisha sa mga kaganapang ito.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ideya, sa pagtawag sa mga tagapagsalita at maging sa pag-host ng mga ilang mga webinar ay nakita ang kanyang sapat ng dedikasyon na mayroon siya. Hindi niya hinayaang mapigilan ng pandemya ang pagtupad ng kanyang hangarin para sa lipunan.
Bukod pa rito, si Trisha at ang kanyang mga ka-miyembro ay nagpasimuno ng proyekto noong taong 2020 na nagbigay paalala sa mas kapaki-pakinabang na paggagamit ng urban spaces. Ang Project Productive Living and Nature Transform o Project PLANT ay isang kolaborasyon kasama ang RACMC at iba pang Rotaract Clubs mula sa iba’t-ibang bahagi ng NCR. Ang fundraising project na ito ay nakapokus sa paggawa ng mga urban gardens na makikita sa NCR. Sa gayong paraan ay dahan-dahang magkakaroon ng pagkakataong pumasok ang preskong hangin sa mga marurumi o polluted na bahagi ng lugar.
Sa pamamagitan ng mga proyektong kanyang iminungkahi sa RACMC ay nakilala ang Bokashi Pinoy Composting. Sa kabila ng pagkakaroon ng maliit na komunidad na binubuo ng siyam na miyembro, ang kanilang mga gawain ay higit na nagpapakita ng kanilang pinaniniwalaan. Ang pagsalba sa kapaligiran ay ginagawa ng paunti-unti o “one bucket at a time”. Mula sa pagiging isang kasapi na lumahok sa challenge ng organisasyon, siya ay naging isang co-mentor na siyang naging malaking hakbang sa kaniyang adbokasiya.
“Ang pagbo-bokashi, before I get to teach it, I really did it muna. Nag-participate ako sa 30-day challenge kahit na may conflict sa time because of school.” (Ang pagbo-bokashi, bago ko itinuro ay talagang ginawa ko muna ng sarili. Sumali ako sa 30-day challenge kahit na may tunggalian sa oras dahil sa pag-aaral.)
Naging responsibilidad na ni Trisha na ibahagi ang kanyang kaalaman ukol sa mga pangunahing dapat na malaman sa bokashi composting sa iba’t-ibang kabahayan, komunidad, at mga institusyong pampaaralan. Ayon sa kanya, ang proseso ng pagco-compost ng basura ay siyang maaaring maging daan upang makagawa ng isang hardin. Paliwanag niya, sa tulong ng bokashi composting ay maaaring gamiting pampataba ng lupa ang mga basura mula sa pagkain at maiiwasan din ang pagtambak ng mga ito sa mga landfills. Sa kabila ng pandemya ay ipinagpatuloy ni Trisha ang mga layunin sa pamamagitan ng online meetings at miminsang pagpunta sa site upang masuri ang kanyang kaalaman.
Kahit sa kabila ng bigat ng kanyang gawaing pampaaralan, hindi niya itinuturing na trabaho ang mga gawain para sa organisasyon. Sa halip ay taos puso pa niyang ginagawa ito dahil sa pagmamahal niya para sa kapaligiran. Dahil sa pagkakaugnay nito sa mga organisasyon ay nahanap niya ang kanyang layunin. Sa kabila ng roong kasisipagang patuloy niyang ibinubuhos ay kailanman hindi niya pinagsisihan ang paraan ng kanyang pamumuhay sapagkat ito ay kanyang pinaglalaban. Kahit sa normal na araw ay nakasanayan na ni Trisha na mamuhay ayon sa sa kanyang adbokasiya at ipagpatuloy ang pamumuhay ng may low-waste impact sa kapaligiran.
Sa maikling panahon ng kanyang pagsali sa Rotaract Club of Marikina Central at sa Bokashi Pinoy Composting ay mas lalo pa niyang nakilala ang kanyang sarili. Nakatuklas siya ng panibagong libangang nakapagbigay sa kanya ng part-time na trabaho (at iyon ay ang pagiging tagapangasiwa ng programa sa mga seminar at on-site tutorial ng Bokashi Composting Pinoy). Bukod pa roon ay nahanap niya ang kanyang sarili sa mas masayang lugar na napapaligiran ng mga taong may parehong adbokasiya katulad niya. Hindi inakala ni Trisha na ang paglaban niya para sa kanyang adbokasiya ay isa ring proseso ng pagkilala niya sa kanyang sarili. Gayunpama’y masaya siyang mas naiintindihan niya ito sa paglipas ng panahon.
Ito ay dahil sa kanyang masigasig na pagtatrabaho at pagsisikap. Ito ang nagbigay daan upang mahanap niya ang kanyang identidad, na siyang magtatagal sa paglipas ng mga oras.
Para naman sa mga taong hindi pa nahahanap ang kanilang adbokasiya, nag-iwan si Trisha ng paalalang huwag dapat mag-alala at hayaan na lamang itong dumating. Bagaman alam ng karamihan ang kanilang nais o hangarin hindi dapat nila matuklasan ang kanilang adbokasiya dahil sa pressure ng pagsasagawa nito ng iba. Binigyan diin ni Trisha na hindi dapat maging tagapagtaguyod ng isang adbokasiya ang sinumang hindi naniniwala rito.
“Explore lang nang explore. You will find things that would soon be your own purpose and iba-iba talaga siya depende sa tao. You just have to educate yourself and find what interests you.”
(Patuloy lamang sa pagdiskubre. Mahahanap mo rin kalaunan ang mga bagay na siyang magiging dahilan mo sa buhay at iba-iba talaga siya depende sa tao. Kailangan mo lamang turuan ang sarili at alamin kung anong nakapagbibigay interes sa iyo.)
Kahit gaano pa natin hinahangaan ang katapangan ng mga taong tulad ni Trish ay nakalilimutan natin ang mga taong mayroong kaparehong adbokasiya ngunit walang kahit anong plataporma. Pinapatunayan ng organisasyong tulad ng Rotaract Club of Marikina Central at Bokashi Pinoy Composting na ang pagbabago ay nagmula sa maraming taong may nag-iisa ang adhikain. Kung ang mga organisasyong ito ay nakapagsimuno ng pagbabago sa pamamagitan ng pagtutulungan, ano pa kaya kung mas maraming tao na may matinding kagustuhang makagawa ng positibong pagbabago ay makahanap ng plataporma?
Kahit pa nakaririnig tayo ng walang katapusang nakalululang mga balita tungkol sa nalalapit na pagkasira ng ating paligid, palagi nating alalahanin ang presensya ng mga taong patuloy na lumalaban dito. Ang kuwento ni Trisha ay isang manipestasyon ng katotohanan na mayroon pa ring mga nangunguna para sa pagbabago sa ating planeta. Ang kanilang mga pagsisikap ay nagdadala ng kaalwanan na siyang nagiging dahilan kung bakit natin sila nakalilimutang bigyang pansin para rito.
Sila ang mga taong dapat bigyan ng pasasalamat, kasama na rin ang mga nagrerepresenta sa pagbabagong kailangan natin sa kinabukasan.
Higit pa sa pagbibigay halaga sa mga kasipagan ng mga environmental advocates tulad ni Trisha, dapat ay gawin din natin ang ating bahagi. Dapat ay dahan-dahan na nating gawin ang mga bagay na siyang pinakamabuti para sa ating kapaligiran at para na rin sa mga naninirahan dito. Balang araw, ang mga pagbabagong ito ay magbubunga ng malaking epekto. Sa araw na ito ay nating ibalik ang pabor na ginawa ng mga nanguna sa pagbabago.