Job Over Jab?
September 20, 2021
Xyzma Kryshel Bober
Ka Puti* is a 54-year-old government worker, a husband, a father of 3, and the sole breadwinner of their family who is fortunate enough to live in a private subdivision, but vulnerable enough to lose all his savings if he were to ever be sent to the hospital.
Despite the threat of the COVID-19 pandemic, Ka Puti willingly goes to work everyday, earns money, and exposes himself to the virus to provide for his family.
Yet, even now that the government has rolled out vaccines for the priority eligible A, including individuals with comorbidities and frontline personnel in government offices, like himself, Ka Puti insists on not being vaccinated.
“Pinatigil ko na muna sa trabaho si misis. Mahirap magkacovid, napakadelikado. Higher risk acquiring the virus if both of us go out on a daily basis.” Ka Puti said with a look of both worry and relief on his face. (“I asked my wife to stop working. She might contract the virus, it is too risky.”)
“Wala akong magawa kahit gipit sa income, para din naman sa ikabubuti namin. Priority ang health ng family namin.” Ka Puti’s wife, Rose*, added. (“I had no choice even if we are struggling financially. This is for the best. We prioritize our family’s health.”)
This was a choice they made as a family, but not a choice many other Filipinos like them can make. Some may describe Ka Puti as an anti-vaxxer because of his resistance to the vaccine. He fears not being able to meet the needs of his family because of possible vaccine side effects. So while some may consider this a selfish act, this is the most selfless act a father believes he can do for his family.
Be that as it may, he believes that the COVID-19 vaccines are still unsafe for they can still be improved and studied more.
“Noong nakaraan na buwan nga nag-ikot na mga taga baranggay para magpalista para sa bakuna. Sabi nila pag nag-waive na, hindi na puwedeng maisama sa listahan ng mababakunahan. Hindi pa rin ako nagpalista,” he said. (“Last month, baranggay workers roamed around and conducted a house-to-house visit to gather information of residents who want to be included in the list of people to be vaccinated. They said once we waive, we cannot be included in the list anymore. But I still did not sign up for it.”)
When asked why, Ka Puti answered readily with confidence, “I would rather maintain my careful lifestyle kaysa magpabakuna para sa covid. Alcohol minu-minuto, suot ng face mask, face shield, doble ingat sa mga hinahawakan, ligo sa labas ng bahay bago makapagpahinga at makakain ng hapunang handa ni misis.” (“I would rather maintain my careful lifestyle than get the COVID-19 vaccine. I use alcohol every minute, wear a face mask and face shield, be extra cautious in touching objects outside, take a bath at the garage before I rest and eat whatever my wife prepared for dinner.”)
Ka Puti’s personal choice may come off as a very selfish decision, not only to his family but to the whole nation. Since even after the longest lockdown period, the Philippines still battles COVID-19 surges around the clock and there is no end in sight to this struggle.
But to Ka Puti, this is one of the most selfless things he can do for his family. He remains determined and says, “mas delikado i-risk ang kalusugan at buhay ko kung magpapabakuna ako dahil sa akin din nakasalalay ang buhay ng pamilya ko.” (It would be more dangerous if I risk my own health and life by getting vaccinated because I am the breadwinner of my family — their life depends on me.)”
The recent rise in COVID-19 cases in the Philippines alarms many, including Ka Puti’s wife and sons. More so because the supposed pillar of the family refuses the free vaccination of their LGU.
“Kinausap ko na si Papa na mababa naman ang chance na may negative effects sa pagpapabakuna. Sinabi ko na rin na mas mabuti pa rin na may bakuna siya kaysa wala, lalo na’t siya yung mas exposed.” said Joseph*, Ka Puti’s eldest son. (“I already told him that the chances are low of having side effects from the vaccine. I also told him that it would be better if he would be vaccinated because he is the most exposed among all of us.”)
However, Ka Puti remains unmoved. “Alam mo naman na neto lang nakaraan naospital yung kaibigan ko ng ilang linggo two days matapos mabakunahan. Nasa abroad pa yun ha. (“You are aware that my friend abroad was hospitalized for several weeks, just two days after being vaccinated.”)
Although the extreme side effects Ka Puti’s friend experienced is unusual, it is a natural and valid reason for a breadwinner like Ka Puti to refuse COVID-19 vaccination.
“Kung maospital ako, para na din tayong nasunugan ng bahay at naubos lahat ng ari-arian sa isang iglap.” (“We would live like we lost all our belongings in a house fire if I get hospitalized because I took the COVID-19 vaccine.”)
“Ikalawang taon palang ni Joseph* sa kolehiyo, senior high pa lang yung pangalawa ko, at Grade 5 pa lang si bunso. Hindi ko pwede ilagay ang sarili ko sa walang katiyakan na magandang dulot ng bakuna.” (“Joseph is just a second-year college student, my second child is just in senior high, and my youngest child is just a fifth grader. I cannot put myself in a situation without assurance that the vaccine will benefit us.”)
Redefining the definition: “anti-vaxxer”
Anti-vaxxer online communities are relatively small yet they continue to grow with misinformation and vaccine myths circulating the web.
Which makes Ka Puti unusual as far as anti-vaxxers go, because he recognizes the legitimacy of COVID-19 vaccines.
“Alam ko naman na rare case ang matinding side effects mula sa vaccine. Iyong mga kapatid ko naman na nabakunahan na ay maayos lang ang pakiramdam. Pinagkaiba lang namin, hindi sila ang bumubuhay sa pamilya nila at afford ng mga asawa nila kung maospital man sila.” (I know that it is rare for people to experience extreme side effects from the vaccine. My siblings who are vaccinated say they are feeling just fine. Our only difference is, they are not the breadwinners of their families and their husbands can afford to pay the hospital fees.)
While the state encourages and prioritizes senior citizens and persons with comorbidities to be vaccinated due to their vulnerability to the virus, Ka Puti holds a different belief. He believes in letting the younger generation have the vaccine instead of taking it for himself.
“Mas matagal na kaming buhay at mas marami din kaming responsibilidad na kailangan gampanan. Mas mabuti pa na sila nalang ang makinabang. Hindi pa maisasaalangala ang kinabukasan ng pamilya ko.” (We already lived long enough and that also means we have more responsibilities. It would be better for them [the kids] to be vaccinated. In that way, my family’s future would not be at risk too.)
To some, this may just be another excuse from an anti-vaxxer. But to Ka Puti this is his expression of a father’s unconditional and selfless love.
“Naririnig rinig ko na sa trabaho yung salitang anti-vaxxer. Sa tingin ko naman hindi tama na tawagin akong anti-vaxxer if I believe in the science behind these vaccines. Sadyang mas malaki lang ang takot ko para sa hirap na pagdaanan ng pamilya ko.” he said. (“I’ve been hearing the word anti-vaxxer at work. I think it is not fair to call me one if I believe in the science behind these vaccines. It just so happens that my fear for my family’s possible misery overpowers everything else.”)
There is still a great number of Filipinos, like Ka Puti that opt out of the state provided vaccination. Most of the stories we hear are of those who doubt the safety and efficacy of vaccines. But some of them are like Ka Puti who cannot run the risk of losing a few day’s worth of income.
As selfish as it may seem, we cannot blame the people who share the same conviction and opinion as Ka Puti. The administration ignored and underestimated the threat of the virus and kept our borders open to maintain foreign relations healthy. But they also ignored its citizens' safety and overused the “Filipinos are resilient” narrative. Now, Filipinos are fighting tooth and nail for survival because the Philippine government continues to fall short of their duty. Ka Puti is only one of the many Filipinos who do not have the luxury of staying at home and missing work even for a few days. His story draws attention to the reality of many Filipinos under this pandemic.
As a nation, it is our goal to strive for herd immunity but we hope that Ka Puti’s story reminds you of the administration’s neglect and incompetence in handling the virus. COVID-19 is a health problem but the failure is political.
Demand for rightful accountability while encouraging the people around us to be vaccinated. This jab might just save many of us from any more losses.
Job Over Jab?
September 20, 2021
Xyzma Kryshel Bober
Translated by Elizabeth Cambay
Si Ka Puti ay isang limampu’t apat na taong gulang na nagtatrabaho sa gobyerno, isang asawa, ama ng tatlo, at ang tanging inaasahan ng kaniyang pamilya. Siya ay sapat na mapalad na manirahan sa isang pribadong subdibisyon, ngunit maaari ring maubos ang lahat ng kanyang naipon kung sakaling siya ay maospital.
Bagaman ang gobyerno ay nagsisimula na mamigay ng bakuna para sa mga kabilang sa kategoryang A, kasama na rito ang mga indibidwal na mayroong comorbidities at frontline personnel sa kagawaran ng gobyerno na gaya niya, gayunpaman, si Ka Puti ay tumangging mabakunahan.
Sa kabila ng banta ng pademyang dulot ng CoViD-19, si Ka Puti ay patuloy na nagtatrabaho araw-araw, kumikita ng pera, at inilalantad ang kaniyang sarili sa virus upang buhayin ang kaniyang pamilya.
“Pinatigil ko na muna sa trabaho si misis. Mahirap magkacovid, napakadelikado. Higher risk acquiring the virus if both of us go out on a daily basis. (Mataas ang tiyansang magkaroon at mahawa ng virus kapag kaming dalawa ang lalabas” ‘Yan ang pahayag ni Ka Puti na may bakas ng pangangamba at ginhawa sa kaniyang mukha.
“Wala akong magawa kahit gipit sa income, para din naman sa ikabubuti namin. Priority ang health ng family namin,” dagdag pa ng kaniyang asawa na si Rose.
Ito ay isang desisyong kanilang ginawa bilang isang pamilya, ngunit hindi isang desisyong maaaring gawin ng maraming Pilipino na tulad nila. Isang makasariling kilos sa pananaw ng marami, ngunit isang napakalaking sakripisyo na magagawa ng isang ama.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga bakuna ay isa sa pinakaligtas at pinakamabisang interbensyon para labanan ang mga nakahahawang sakit.
Maaaring ilarawan ng ilan si Ka Puti bilang isang anti-vaxxer dahil sa kaniyang pagtanggi sa bakuna. Nangangamba siyang hindi niya matutugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya dahil sa mga posibleng epekto ng bakuna.
Naniniwala siya na ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi pa ligtas at ang mga ito ay maaari pa ring mapabuti at mapag-aralan nang higit pa.
“Noong nakaraan na buwan nga, nag-ikot na ang mga taga baranggay para magpalista para sa bakuna. Sabi nila pag nag-waive na, hindi na puwedeng maisama sa listahan ng mababakunahan. Hindi pa rin ako nagpalista,” sabi niya.
Nang tanungin kung bakit, agad sumagot si Ka Puti ng may kumpiyansa, “I would rather maintain my careful lifestyle kaysa magpabakuna para sa Covid. Alcohol minu-minuto, suot ng face mask, face shield, doble ingat sa mga hinahawakan, ligo sa labas ng bahay bago makapagpahinga at makakain ng hapunang handa ni misis.” (Mas gugustuhin kong panatilihin ang maingat na pamumuhay kaysa magpabakuna laban sa CoViD.)
Ang personal na paninindigan ni Ka Puti ay maaaring di maunawaan ng kaniyang pamilya, pati na rin ang buong bansa. Maaaring isipin na ito ay isang napaka-makasariling desisyon, dahil kahit na matapos hiranging may pinakamahabang lockdown, nakikipaglaban pa rin ang Pilipinas sa pagtaas ng kaso ng CoViD-19 buong oras at tila ba walang katapusang paghihirap na ito.
Ngunit para kay Ka Puti, ito ang isa sa pinaka-hindi makasariling bagay na magagawa niya para sa kaniyang pamilya. Nanatili siyang determinado at sinabing, “Mas delikado i-risk ang kalusugan at buhay ko kung magpapabakuna ako dahil sa akin din nakasalalay ang buhay ng pamilya ko.”
Ang pag-angat ng mga kaso ng may CoViD-19 sa Pilipinas kamakailan ay nakapagpaalarma ng marami, kabilang ang asawa at mga anak na lalaki ni Ka Puti. Higit pa, sapagkat tumanggi ang dapat na haligi ng pamilya sa libreng pagbabakuna ng kanilang LGU.
“Kinausap ko na si Papa na mababa naman ang chance na may negative effects sa pagpapabakuna. Sinabi ko na rin na mas mabuti pa rin na may bakuna siya kaysa wala, lalo na’t siya yung mas exposed. ” saad ni Joseph, ang panganay na anak ni Ka Puti.
Ngunit hindi nagpatinag si Ka Puti, “Alam mo naman na neto lang nakaraan naospital yung kaibigan ko ng ilang linggo, two days matapos mabakunahan. Nasa abroad pa yun ha.”
Bagama’t hindi pangkaraniwan ang matinding epekto na naranasan ng kaibigan ni Ka Puti, natural lamang at wastong dahilan para sa isang breadwinner tulad ni Ka Puti na tanggihan ang pagbabakuna sa COVID-19.
“Kung maospital ako, para na rin tayong nasunugan ng bahay at naubos lahat ng ari-arian sa isang iglap.”
“Ikalawang taon palang ni Joseph sa kolehiyo, senior high pa lang yung pangalawa ko, at Grade 5 pa lang si bunso. Hindi ko pwede ilagay ang sarili ko sa walang katiyakan na magandang dulot ng bakuna.”
Ang takot ni Ka Puti ay ang pag-aalala ng bawat magulang: malalagay sa panganib ang hinaharap ng kanilang anak dahil sa isang malaking desisyon sa buhay.
Ang pagiiba ng kahulugan ng “Anti-vaxxer”:
Ang mga online communities na kontra sa bakuna ay maliit, ngunit patuloy silang lumalaki sa maling impormasyon at mga alamat ng bakuna na kumakalat sa internet.
Hindi pangkaraniwan si Ka Puti, sapagkat kinikilala niya ang pagiging lehitimo ng mga bakuna sa COVID-19.
“Alam ko naman na rare case ang matinding side effects mula sa vaccine. Iyong mga kapatid ko naman na nabakunahan na ay maayos lang ang pakiramdam. Pinagkaiba lang namin, hindi sila ang bumubuhay sa pamilya nila at afford ng mga asawa nila kung maospital man sila.”
Habang hinihikayat at inuuna ng estado ang mga nakatatandang mamamayan at mga taong may mga comorbidity na mabakunahan dahil sa kanilang kahinaan laban sa virus, may ibang paniniwala si Ka Puti. Naniniwala siyang dapat ibigay sa mga nakababatang henerasyon ang bakuna kaysa sa kaniyang sarili.
“Mas matagal na kaming buhay at mas marami din kaming responsibilidad na kailangan gampanan. Mas mabuti pa na sila nalang ang makinabang. Hindi pa maisasaalang-alang ang kinabukasan ng pamilya ko.”
Sa ilan, maaaring ito ay isa pang palusot mula sa isang anti-vaxxer.
Ngunit kay Ka Puti, ito ang kaniyang pagpapahayag ng isang walang pasubali at pagmamahal na walang katumbas ng isang ama.
“Naririnig-rinig ko na sa trabaho yung salitang anti-vaxxer. Sa tingin ko naman hindi tama na tawagin akong anti-vaxxer if I believe in the science behind these vaccines (kung naniniwala ako sa agham sa likod ng mga bakunang ito). Sadyang mas malaki lang ang takot ko para sa hirap na pagdaanan ng pamilya ko,” ang kaniyang tinuran.
Marami pa ring bilang ng mga Pilipino, tulad ni Ka Puti, na piniling huwag sumali sa pagpapabakuna ng gobyerno. Karamihan sa mga kwentong naririnig natin ay sa mga nagdududa sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna. Ngunit ang ilan sa kanila ay katulad ni Ka Puti na hindi kayang ipagsawalang-bahala na mawala ang kita ng ilang araw.
Kahit na parang makasarili ito, hindi natin masisisi ang mga taong may parehong paniniwala at opinyon tulad ni Ka Puti. Hindi pinansin at minaliit ng administrasyon ang banta ng virus at pinanatiling bukas ang ating bansa upang mapanatili ang ating magandang ugnayan sa ibang bansa. Ngunit, hindi rin nila pinansin ang kaligtasan ng mga mamamayan at labis na ginamit ang salaysay na “matatag ang mga Pilipino”. Ngayon, pakikipagsapalaran ang mga Pilipino para mabuhay sapagkat ang gobyerno ng Pilipinas ay patuloy na nagkukulang sa kanilang tungkulin.
Si Ka Puti ay isa lamang sa maraming mga Pilipino na walang pribilehiyong manatili sa bahay at nawawalan ng trabaho kahit sa ilang araw. Ang kaniyang kwento ay nakakukuha ng pansin sa katotohanan na hinaharap ng maraming mga Pilipino sa ilalim ng pandemiyang ito.
Bilang isang bansa, layunin nating magsikap para sa kaligtasan ng karamihan (herd immunity). Inaasahan namin na ang kuwento ni Ka Puti ay magsilbing paalala sa inyo sa kawalan ng kakayahan at mga kapabayaan ng administrasyon sa tugon upang masupil ang virus. Ang COVID-19 ay isang problemang pangkalusugan ngunit ang pagkabigo ay pampulitika.
Humiling ng makatuwirang pananagutan mula sa pamahalaan, habang hinihimok ang mga tao sa paligid natin na mabakunahan. Ang jab na ito ay maaaring makapagligtas ng karamihan sa atin sa karagdagang pagkawala.