MAGSASAKA: Kasama sa Laban para sa Agrikultura?
April 22, 2022
Katelyn B. Valera
As an agricultural country, there is a need for the Philippines to invest and put a premium on the promotion of inclusive growth, sustainable, and laborer-centered agriculture and food systems that are resilient to calamities and can respond to the effects of climate change. However, contrary to prioritizing this, the country’s agricultural problems are deeply rooted in the disadvantages shouldered by the farmers in the agriculture supply chain—from being put into the spotlight for their supposedly “shortcomings” to insufficient national funding. The agricultural situation here in the Philippines is not easy and has been a product of a decades-long system of injustice.
So where does MAGSASAKA Party-list come in?
Also known as Magkakasama sa Sakahan, Kaunlaran, MAGSASAKA party-list (MPL) aims to represent the farmers and fisherfolk in the House of Representatives. They seek to pursue a legislative agenda that would protect and ensure the welfare of the agricultural sector through development and reform.
Established in 2018, MAGSASAKA is motivated by crafting policies that serve the interests of their constituents; they aim to create policies that will be able to protect their livelihood and rights. Aware of the political climate, MAGSASAKA is also critical of policies that do not genuinely serve the agricultural sector, such as the Rice Tariffication Law (RTL). RTL was a controversial law that came under fire for its negative impact on the farmers; according to the Federation of Free Farmers and Action for Economic Reform last 2020, the passing of the RTL led to a decrease in the prices of palay and aggravation of the lack of safety nets for Filipino farmers. With this, MAGSASAKA calls for extensive support from progressive lawmakers in hopes of changing and replacing laws like this that have caused more harm than good.
Now, what differentiates MAGSASAKA Party-list from other agriculture party-lists?
According to them, their distinction from others ultimately lies in their inclusivity in representation and drive in putting forward the food sovereignty framework.
Ms. Len Dela Cruz expressed that “you do not have to be a member of the sector to serve the sector.” So long as a person believes in the same principles of genuine agricultural reform MAGSASAKA carries, they join in the fight for the interests of their constituents and become a member.
The Food Sovereignty Framework is the movement that MAGSASAKA pushes for and takes pride in. They see this framework as a necessary change that can improve agriculture and how food is seen in general. The Food Sovereignty Framework, which includes the true right to food and to produce food, affirms the people's right to safe, nutritious, and culturally appropriate food and food-producing resources and the ability to sustain them. It is the framework that holds the people, states, and governments accountable in the determination of set policies on food and agriculture.
“It decommodifies food, and our local producers will be at the center of the
decision-making.”
As it is a movement that started decades ago, they are aware that this push for the said framework is considered revolutionary and may not come easy. Still, they believe in its possibility and that for it to happen, there should be a series of changes that can lead to a better system.
How does MAGSASAKA ensure that their plans are in line with the experiences and needs of their constituents?
With MAGSASAKA representing farmers and fisherfolks alike, they conduct consultations with these communities regarding their concerns on proposed policies and programs. With a nationwide presence, they ensure that through their coordinators in different provinces and regions, they can talk to their constituents personally and monitor their responses and concerns. Expressed by Ms. Len Dela Cruz, their nominee, Rep. Argel Joseph T. Cabatbat, is one who
makes time for these consultations as these become the basis for the legislation. Just last March 31, MAGSASAKA held a discussion on their policies and programs with coconut farmers, fishermen, and members of the Maribojoc Organic Farmers in Bohol.
Aside from consultations, MAGSASAKA has also established correspondence with their constituents in cases where the latter are unable to attend consultations; constituents write to them and MAGSASAKA then endorses their concerns to the appropriate agencies, some of which are the Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, and Department of Education.
Lastly, MAGSASAKA lets their constituents have a presence at Committee Hearings, where resource speakers from the sector are invited to talk about the issues they face.
With that being said, the words of Ms. Len Dela Cruz ring true, and it is that “Hindi tama na gagawa ka ng isang batas para sa sector kahit na hindi mo naman alam kung ano ang kailangan nila.” MAGSASAKA recognizes what representation really is and the power that their constituents hold; only the constituents can say what their needs are and the issues that they currently face.
What results from these participative consultations, and what has been done for the constituents?
Consultations give relative ease to identifying core issues faced by the agriculture sector, and MAGSASAKA backs these up with up-to-date research. Two issues they see as highly detrimental to the local farmers are the effect of the RTL and the increasing importation of produce.
“...Since 2019 noong naisabatas siya, bumulusok ang presyo ng palay. From 12.46 pesos to 7 pesos per kilo; lugi ang mga magsasaka ng palay... Also, we are more than 7000 islands, but mag-iimport ka ng lagpas pa sa kailangan natin?”
The RTL and importation go hand-in-hand. In the actualization of said law, there was no seen gain for the consumers, and an estimate of 60 billion pesos was the loss of the producers; in retrospect, the importers and traders had the gains.
To add to that, fertilizers and irrigation systems were also other issues currently faced by the sector as these are included in the cost of production and crop production, respectively.
With all that said, it is highly evident that these issues result from the non-prioritization of the agriculture sector; this reflects in the share of the sector in the national budget, and the lack of funding and equipment given to the sector.
With all these issues present, what does MAGSASAKA have in store for their constituents?
The agriculture sector was identified to have a significant role in rebooting the Philippine economy; this was further emphasized during the height of the pandemic when imports and exports came to a halt due to strict restrictions laid out by the government to curb the transmission of COVID-19. In the words of Agriculture Secretary Dar, "...Economic growth in agriculture is more effective at reducing poverty and food insecurity than growth in other sectors." Empowering agriculture opens doors to agribusiness opportunities, rural employment, and rural development, among others; thus, MAGSASAKA asserts the importance of policy-making for the sector.
In the fight for the interests of their constituents, MAGSASAKA has forwarded their Five Primary Campaigns, namely: a review of the Rice Tariffication Law, implementation of the Coco Levy Act, land rights protection, fisheries and aquaculture, and putting forward the Food Sovereignty Framework.
In addition, some programs implemented by MAGSASAKA, such as Gabay-Agrikultura, bridge gaps between government programs and the constituents. They assert that there is no use for programs that are unknown to those who should be taking advantage of them, which is why MAGSASAKA also makes it a priority to make said programs accessible to those who need them.
As MAGSASAKA also advocates for the protection of their constituents, pertinent programs of theirs also include the signing of the memorandum of agreement with the Public Attorney's Office and the Philippine Coconut Authority. These ensure the protection of farmers' rights regarding legal issues as they are provided free legal services and guarantee that coconut farmers are registered under the National Farmers Registry System.
But the fight does not end here as MAGSASAKA aims to accomplish their Five Primary Campaigns and push forward their priority bills should they get a seat in the House come the 19th Congress. These bills include the One Town, One Product (OTOP) Philippines Program, Philippine Agricultural Growth and Stimuli Acceleration (PAGASA) Act, and the Agricultural Scholarship and Return Service Act.
“There is overwhelming support from all the House Representatives,” Ms. Len Dela Cruz mentioned as she talked about OTOP. Authored by Rep. Argel Joseph T. Cabatbat, OTOP was filed to promote inclusive and sustainable development that will encourage the growth of micro, small, and medium enterprises; this was passed on the third reading with a vote of 255-0.
With all these laid out by MAGSASAKA,
what exactly is their vision of the agriculture sector of tomorrow?
What MAGSASAKA visions is a tomorrow where the agriculture sector is prioritized, and climate-resilient; this prioritization encompasses all and will be able to lead to more support and funding. It is a vision where our farmers, fisherfolk, livestock, and poultry workers are not at the fringes of society, and they do not have
to worry about the plummeting prices of their produce due to newly established pro-worker policies. It is Philippine agriculture that can anticipate, prepare, and respond to changes brought by climate disturbances.
"We see a future where there is pride and dignity in being a farmer."
As prioritization entails access to basic social services, especially those concerning health, housing, and insurance, this gives their constituents access to the basic rights they are entitled to. Most of all, they see a future with the professionalization of agriculture, the very sector that feeds the nation; this abolishes the notion that those who live a life in agriculture live to be poor.
The land of the Philippines is rich in wealth, and it is farming, fishery, livestock, and poultry that sustain the people’s need for food. MAGSASAKA believes that the issue of agriculture is not an issue that only the workers shoulder; it is an issue of all, which is why even as hurdles come their way, they still continue to push forward for representation and active participation from people all over the country.
As they continue to improve and empower the agriculture sector of the country, as well as give their constituents a platform to voice out their concerns through their proposed bills and programs, one question presents, and it is how they can adapt to the ever-changing environments and economic industrialization that poses a problem, especially now that it is imperative for all concerned bodies to work together, prioritize innovation continuously, and collaborate in both research and development in moving forward and meeting the future challenges in agriculture. With only less than thirty days left until the May 2022 elections, all Filipinos must think critically about the country—its past, present, and future—before casting their votes. One vote is not a vote for the self; it is a vote backed up by platforms, messaging, character, and track record, cast for the Filipino people.
Your vote is power, and power is the people’s.
MAGSASAKA: Kasama sa Laban para sa Agrikultura?
April 22, 2022
Katelyn B. Valera
Translated by Amiel Zaulda
Bilang isang agrikultural na bansa, kailangan ng Pilipinas na mamuhunan at bigyan ng pagpapahalaga ang pagsulong ng malawakang pag-unlad, likas-kaya na nakasentro sa manggagawa ng agrikultura. Pati na rin ang mga pagkain na kayang mabuhay sa gitna ng mga kalamidad at maaaring mapaglabanan ang epekto ng mabilis na pagbabago ng klima. Gayunman, salungat sa pagbibigay-prayoridad dito, ang mga problemang pang-agrikultura ng bansa ay malalim ang ugat sa mga kapinsalaan sa agricultural supply chain na mismong mga magsasaka ang apektado at pumapasan–mula sa pagdidiin na mayroon silang pagkukulang hanggang sa hindi sapat na pambansang pondo. Ang kalagayan ng agrikultura dito sa Pilipinas ay hindi isang simpleng bagay. Ang agrikultura dito sa atin ay produkto ng ilang dekadang sistema ng kawalan ng katarungan.
Saan ngayon pumapasok ang MAGSASAKA partylist?
Kilala rin sila bilang Magkakasama sa Sakahan, Kaunlaran, layon ng MAGSASAKA party-list (MPL) na kumakatawan sa mga magsasaka at mga mangingisdang Pilipino sa Kongreso. Sinisikap nilang itaguyod ang isang lehislatibong adyenda na protektahan at pangangalagaan ang kapakanan ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pag-unlad at reporma.
Itinatag noong 2018, ang MAGSASAKA ay taos-pusong gumagawa ng mga polisiya na makabubuti sa kanilang mga nasasakupan; nilalayon nilang lumikha ng mga patakarang makaka pagprotekta sa kanilang kabuhayan at karapatan. Mulat ang MAGSASAKA sa lagay ng politika sa bansa at kritikal din sila sa mga polisiyang hindi nakabubuti sa sektor ng agrikultura, tulad na lamang ng Rice Tariffication Law (RTL). Ang RTL ay isang kontrobersiyal na batas na mariing pinupuna dahil sa negatibong epekto nito sa mga magsasaka; ayon sa Federation of Free Farmers and Action for Economic Reform noong 2020, ang pagpasa ng RTL ay nagresulta sa pagbaba ng presyo ng palay at kawalan ng proteksyon sa pangkabuhayan ng mga magsasaka at ng kanilang pamilya. Dahil dito, nananawagan ang MAGSASAKA ng malawakang suporta mula sa mga progresibong mambabatas para mabago at mapalitan ang mga batas tulad nito na nagdulot ng lubos na pinsala sa mga magsasaka kaysa kapakinabangan.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng MAGSASAKA Party-list sa ibang partylist pang agrikultura?
Ayon sa kanila, ang kanilang pagkakaiba ay makikita sa kanilang pagiging inklusibo sa pagrepresenta sa mga miyembro ng sektor at kagustuhan na isulong ang food sovereignty framework.
Ipinahayag ni Ms. Len Dela Cruz na "hindi mo kailangang maging miyembro ng sektor para makapaglingkod sa sektor." Hangga't ang isang tao ay naniniwala sa parehong mga prinsipyo ng tunay na repormang pang-agrikultura na dala ng MAGSASAKA, sila ay nagiging miyembro dahil nakikiisa at nagiging parte sila ng paglaban para sa interes ng kanilang mga nasasakupan.
Ang Food Sovereignty Framework ay isang balangkas na itinataguyod at ipinagmamalaki ng MAGSASAKA. Nakikita nila ang balangkas na ito bilang isang esensiyal na hakbang sa pagsasaayos ng agrikultura at pananaw ng tao sa pagkain. Ang Food Sovereignty Framework, na kinabibilangan ng karapatan ng tao sa pagkain at pag-produce nito, ay siniseguradong ligtas, masustansiya, at angkop sa kultura ang pagkain at mapagkukunan nito at ang kakayahan na mapangalagaan ito. Ito ang framework kung saan pinapanagutan ang tao, estado, at gobyerno sa paglikha ng mga polisiya sa pagkain at agrikultura.
"Ni-di-decommodify nito ang pagkain, at ang mga lokal na prodyuser ng pagkain na ang mangunguna sa paggawa ng mga desisyon."
Sapagkat isa itong kilusan na nagsimula deka-dekada na ang nakaraan, alam nila na ang pagpupursige para sa framework na ito ay bago at hindi madali. Ngunit naniniwala sila na magiging posibleng maganal ito, at para mangyari iyon, dapat mayroong serye ng mga pagbabago na hahantong sa mas mabuting sistema.
Paano nga ba sinisiguro ng MAGSASAKA na ang kanilang mga plano ay kaugnay sa karanasan at kailangan ng kanilang mga kasapi?
Kasama ang MAGSASAKA na kumakatawan sa mga magsasaka't mga mangingisda, nagsasagawa sila ng mga konsultasyon sa mga komunidad na ito ukol sa kanilang mga hinaing sa mga polisiya at programa. Sa kanilang nasyunal at lokal na presensiya, nasisegurado nilang nakikipag-usap sila sa mga nasasakupan nila. Pahayag ni Bb. Len Dela Cruz, kanilang nominee, na si Rep. Angel Joseph T. Cabatbat mismo ang gumagawa
ng mga konsultasyon na ito sapagkat nagiging basehan ito sa mga batas na ihahain. Kagaya noong Marso 31, nagkaroon ng diskusyon ang MAGSASAKA tungkol sa mga polisiya at programa kasama magsasaka ng buko, mangingisda, at miyembre ng Maribojo Organic Farmers sa Bohol.
Bukod sa mga konsultasyon, nakikipag-ugnayan din ang MAGSASAKA sa kanilang kasapi kung hindi sila makadadalo sa mga konsultasyon; sinusulatan sila ng mga constituent nila at idinudulog ng MAGSASAKA ang kanilang mga hinaing sa mga angkop na ahensiya, kagaya ng Kagawaran ng Agrikultura, Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at Kagawaran ng Edukasyon.
Panghuli, binibigyan ng MAGSASAKA ng pagkakataon ang kanilang mga constituent na dumalo sa mga committee hearing, kung saan magsasalita ang mga resource speaker tungkol sa mga isyung kanilang kinahaharap.
Kaugnay ng nabanggit, makatotohanan ang mga sinambit ni Bb. Len Dela Cruz: "Hindi tama na gagawa ka ng isang batas para sa sektor kahit na hindi mo naman alam ang kailangan nila." Kinikilala at pinahahalagahan ng MAGSASAKA ang representasyon at kapangyarihan na hawak ng kanilang mga constituent; tanging ang mga constituent lamang nila ang makapagsasabi kung ano ang kanilang kailangan at ano ang mga isyu na kinahaharap nila.
Ano ang naging bunga ng mga konsultasyon, at ano ang nagawa nito para sa mga constituent?
Pinapagaan ng mga konsultasyon ang pagtukoy sa mga pangunahing isyung kinahaharap ng sektor ng agrikultura. Pagkatapos, nilalakipan ito ng MAGSASAKA ng napapanahon at naaayong salik. Dalawang isyung ikinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang epekto ng RTL at ang pagtaas ng pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura.
"...Simula 2019 noong naisabatas siya, bumulusok ang presyo ng palay. Mula 12.46 piso, nahing 7 piso kada kilo; lugi ang mga magsasaka ng palay… Dagdag dito, mahigit pitong libo ang ating mga isla, pero mag-aangkat pa ng mga produktong mas lagpas pa sa kailangan natin?"
Direktang magkaugnay ang RTL at pag-aangkat (importasyon). Sa pagsasabatas nito, walang naitalang epekto ito sa mga konsumer, at tinatayang 60 bilyong piso ang nawala sa mga prodyuser; sa pagbabalik-tanaw, ang mga nag-aangkat mismo ang nakinabang dito.
Dagdag diyan, ang mga abono (pataba) at sistema ng irigasyon ay kasalukuyang hamon sa sektor na ito dahil kasama ito sa cost of production at crop production.
Sa pangkalahatan, ang hindi pagbibigay-atensiyon sa sektor ng agrikultura ang pangunahing dahilan ng mga isyung kinakaharap ng sektor; makikita ito sa bahaging nakukuha ng sektor sa taunang budget at sa kakulangan ng mga kagamitang ibinabahagi sa kanila.
Sa mga isyung ito, ano ang plano ng MAGSASAKA para sa kanilang mga constituent?
Tinukoy ang sektor ng agrikultura na may malaking ambag sa pagsasaayos ng ekonomiya ng Pilipinas; mas lalo itong napansin noong panahon ng pandemya kung saan natigil ang paglulwas at pag-aangkat ng mga produkto dahil sa mga restriksiyong iniutos ng pamahalaan para mapuksa ang COVID-19. Sa mga sinambit ni Agriculture Secretary Dar, "Mas mabisang pangontra sa kahirapan at kakapusan ng pagkain sa bansa ang paglago ng ekonomiya ng agrikultura kaysa sa ibang sektor." Ang pagpapalago ng agrikultura ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa mga agribusiness, rural employment, rural development, at iba; dahil dito, pinahahalagahan ng MAGSASAKA ang pagsasagawa ng mga polisiya para sa sektor.
Sa pakikipaglaban para sa mga interes ng kanilang mga constituent, narito ang "Five Primary Campaigns" ng MAGSASAKA: rebyu ng Rice Tariffication Law, implementasyon ng Coco Levy Act, pangangalaga sa karapatan sa lupa, isdaan, at aquaculture, at ang pagpapaprayoridad ng Food Sovereignty Framework.
Bukod dito, ilan lamang sa mga proyektong naipatupad ng MAGSASAKA, kabilang ang Gabay-Agrikultura, ay nakatulong para maiparating ang proyekto ng gobyerno sa kanilang mga constituent. Naninindigan silang walang silbi ang mga proyekto kung hindi naman ito alam at makararating sa mga benepisyaryo, kung kaya prayoridad ng MAGSASAKA na gawing accessible ang mga proyekto sa mga dapat makinabang.
Bilang tagapagtuguyod ng proteksiyon ng mga constituent nito, ang MAGSASAKA at may mga programa kung na kinalalahukan ng pagpapapirma ng memorandum of agreement kasama ang Public Attorney's Office at sa Philippine Coconut Authority. Dahil dito, nasisegurado ang proteksiyon ng mga magsasaka sa tuwing may mga legal na suliranin sapagkat nagbibigay sila ng libreng serbisyong legal sa mga magsasaka ng buko at siniseguradong rehistrado sila sa National Farmers Registry System.
Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban sapagkat layon ng MAGSASAKA na maisakatuparan ang kanilang "Five Primary Campaigns" at ipursige ito bilang mga priority bill kapag mabigyan sila ng puwesto sa ika-19 Kongreso. Ilan sa mga bill na ito ay ang mga sumusunod: One Town, One Product (OTOP) Philippines Program, Philippine Agricultural Growth and Stimuli Acceleration (PAGASA) Act, at ang Agricultural Scholarship and Return Service Act.
"Umaapaw ang suporta mula sa mga kinatawan sa Kongreso," binanggit ni Bb. Len Dela Cruz nang ipinaliliwanag niya ang OTOP. Pinasa ni Rep. Argel Joseph T. Cababat, ang OTOP ay ipinasa upang itaguyod ang mas inklusibo at "sustainable" na pag-unlad na magpapalago rin sa mga micro, small, at medium na mga enterprise; pumasa ito sa third reading na may botong 255-0.
Sa kabila ng lahat ng ito, ano ang tinatanaw ng MAGSASAKA sa sektor ng agrikultura para sa kinabukasan?
Ang nakikita ng MAGSASAKA ay isang bukas kung saan ang sektor ng agrikultura ay prayoridad at climate-resilient; kabilang ang lahat sa proseso ng pagprayoridad na ito kung saan hahantong ang lahat sa mas maraming suporta at paglalaan ng badyet. Isa itong pananaw kung saan ang mga magsasaka,
mangingisda, at mga nagtatrabaho sa paghahayupan ay hindi nasa laylayan at hindi na rin nag-aalala sa pagbaba ng presyo ng kanilang produkto dahil sa mga kakapasang mga polisiyang pro-worker. Tanging ang agrikultura lang ng Pilipinas ang makapaghahanda at makakapaglaban sa mga pagbabagong buhat ng climate change.
"Layon namin ng isang bukas kung saan may pagmamalaki at dignidad sa pagiging isang magsasaka."
Dahil ang pagprayoridad ng agrikultura ay magbibigay ng access sa pangunahing serbisyong sosyal, lalo na sa kalusugan, pabahay, at insurance, makapagbibigay ito sa kanilang mga constituent ng pagkakataong makatamasa ng mga pangunahing karapatan na nararapat nilang matamasa. Higit sa lahat, nakikita ng MAGSASAKA ang isang kinabukasan kung saan ang agrikultura ng bansa ay ma-i-professionalize, ang sekto na mismong nagpapakain sa buong bansa; buburahin din nito ang ideyang ang mga taong namumuhay malapit sa agrikultura ay mga mahihirap.
Mayaman ang lupain ng Pilipinas, at ang pagsasaka, pangingisda, at paghahayupan ang nagpapakain ng mga mamamayan nito. Naniniwala ang MAGSASAKA na ang isyu sa agrikultura ay hindi lang suliranin na dapat pasanin ng mga trabahador; isyu ito ng lahat, kung kaya kahit anoman ang hahadlang sa kanila ay minimithi nila ang pansin, representasyon, at partisipasyon ng lahat ng Pilipino.
Habang patuloy sila sa pagpapabuti at pagpapalago ng ekonomiya ng agrikultural na sektor sa Pilipinas at mabigyan ang kanilang mga constituent ng plataporma para maipahayag ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mga bill at programa, isang katanungan ang umuusbong, at ito ang kung paano sila aaksiyon at tutugon sa patuloy na pagbabago sa kapaligiran at industriyalisasyon na sanhi ng mga suliranin, lalo ja ngayon na kailangan ng lahat na magkaisa at manguna sa pagbabago sa research at pagpapabuti ng agrikultura para matugunan nito ang mga problema sa hinaharap. Sa natitirang tatlumpung araw bago ang halalan sa Mayo 2022, lahat ng Pilipino ay dapat mag-isip nang kritikal para sa bansa—pagsasaalang-alang ng nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan—bago bumoto. Ang isang boto ay hindi isang boto lang; isa itong boto na may mga plataporma, mensahe, karakter, at track record para sa mga Pilipino.
Ang boto mo ay makapangyarihan; at kapangyarihan ito ng mga mamamayan.