top of page
English

Onward with Perseverance

December 2, 2021

Pia Allones

IMG_4807.jpg

Upon reaching the peak of the mountain, you glance across the Sierra Madre Mountain Range, basking in the sun as you feel its warmth and take in the wonderful green scenery. Who else would you thank for helping you hike the peak? None other than Willie Lopez, a dedicated tour guide with Mount Purro Nature Reserve (MPNR).

Jonathan Lopez, otherwise known as “Willie,” started his journey as a tour guide as young as fourteen years old. He was a scholar of the Bayanihan sa Kabuhayan program under the MPNR Foundation. With gratitude for this opportunity, Willie deemed it fit to give back to the people who funded his schooling by working as a tour guide together with their foundation. Aside from this motivation, he also began working to earn allowance as he finished his education. Now, he is a full time tour guide not only because of his realized passion, but also because of his desire to give back to the people who helped him. In addition, his work allows him to help his family in their everyday needs.

With the COVID-19 pandemic, it has been less common for people to travel around.

This leaves us with less opportunities to meet talented and passionate tour guides such as Willie who have invaluable knowledge on areas we can explore and great kindness towards people he encounters. Having spent a hefty twenty-two years of service as a tour guide even throughout the current pandemic, Willie has become adept at accommodating guests of different backgrounds. As he assists more guests through the years, they have become his priority whenever he meets them since it is by their presence that Willie is given a job to do and a source of income.

“Bilang isang tour guide po, sa akin, masaya po ako kapag nag g-guide kasi po yung mga guests namin na pumupunta dito... nagkakaroon po kasi sila minsan ng mga tanong tungkol sa mga bundok, kung ano mga puno iyon,” he said. (As a tour guide, for me, I am happy whenever I guide because of the guests that come here… they sometimes have questions about the mountain, what trees are here.)

Willie happily narrates the history of the trees and the plants of their surrounding area. He can name the flora and fauna as they make their way on the tours, either towards the top of the mountain reaching up to 419 meters at its peak or down by the river which flows from the mountains of Sierra Madre. 

 

Willie has always enjoyed servicing guests as he said, “Bilang isang guide pala, masaya po ako pag nakakatulong ako sa mga guests tapos inaalalayan ko sila tapos nakakabalik po sila nang maayos dito po sa amin [mula sa mga paglilibot].” (As a guide, I am happy whenever I get to help guests and guide them as they return [from the tours].)

When asked about his favorite experiences of being a tour guide, Willie said, “yung mag hike po ng madaling araw.” (to hike at dawn.) 

 

Being a tour guide has been a dream of Willie’s since he was young. What inspires and continuously motivates him in his work is his family.

 

“Unang-una po yung pamilya ko. Syempre habang nagtatrabaho po ako kasi, iniisip ko ang pamilya ko. Doon po ako kumukuha ng lakas po para sa kanila,” he shared. (Of course when I am working I think first of my family. They are my source of strength.)

He has always enjoyed his work as a tour guide. Together with his colleagues, Willie talks about the beautiful things in life as they also help one another get through challenging times. While he does not find any difficulty coming to work or interacting with the guests, the pandemic has left them with less guests to serve and guide on mountain and river treks. 

 

IMG_4811.jpg

With fewer guests who are visiting their area and supporting their livelihood, Willie finds himself amidst a great adversity. “Malaki po ang epekto sa amin kasi po una-una po hindi lang sa akin, pati po yung mga kasamahan kong mga nag g-guide, kasi po wala po kaming extra income ngayon, wala po kaming bisita kaya po hirap po kami sa financial,” he said. (The pandemic has affected us in a big way, not just for mebut also my fellow tour guides, because we don’t have extra income right now, we don't have visitors so we are facing financial difficulties.) 

Taken aback by the pandemic, Willie has expressed how he rarely hikes at the moment. This is the current reality he is facing as a tour guide in the midst of the pandemic. Due to the community quarantine, he is limited in where he can go and how often he can move around their area which becomes challenging given his work as a tour guide. He misses being able to frequently interact with his guests, accompany them in hikes, and educate them on the environment surrounding MPNR. Nevertheless, he finds ways to continuously earn income through planting trees and fixing the plants within their area. This action also stems from his concern for the environment. Through being a tour guide he has learned to protect nature’s beauty for others to enjoy when they hike amongst the mountains and rivers. With this, Willie continues to work towards restoring the forest from deforestation and cleaning the river when it gets littered with trash from occasional hikes and tours that he gives.

Asked what advice he can share with others with his experience, Willie said, “sa experience ko lang kasi, magsikap nang maganda… kailangan tiyaga lang po talaga,” he said. (In my experience, we make efforts well … we really need perseverance.)

IMG_4808.jpg
IMG_4810.jpg

The wise words of Willie, drawn from his work as a tour guide, remind us that we all can make simple, yet meaningful efforts for our communities and for ourselves to keep going forward. Despite the setback of the pandemic, Willie continues to share stories of his hikes while advocating for the protection and upkeep of the environment. Let us continuously be encouraged to explore and appreciate our beautiful landscapes while being guided by hardworking and passionate individuals such as Willie to also help them overcome the adversity they experience with the pandemic. 

 

There is always a reason to continue persevering whether it is for one’s family, income, or passion. Taking that bold step to explore every possibility for one’s dreams and livelihood, you find yourself in a better place than where you started.

Filipino

Patuloy na Magpunyagi

December 2, 2021

Pia Allones

Translated by Kathrine Anne Dizon

IMG_4807.jpg

Pagdating sa rurok ng bundok, sumulyap ka sa kahabaan ng Sierra Madre Mountain Range, hayaan mong maramdaman ang init ng araw at lasapin ang kamangha-manghang berdeng tanawin. Sino pa ba ang iyong pasasalamatan sa pagtulong sa iyo na maglakad sa rurok ng nasabing bundok? Walang iba kung hindi si Willie Lopez, isang taga-gabay o tour guide mula sa pangkat ng Mount Purro Nature Reserve (MPNR).


Si Jonathan Lopez, o mas kilala bilang "Willie" ay nagsimulang maging tour guide sa edad na labing-apat na taong gulang. Siya ay isang iskolar ng programang Bayanihan sa Kabuhayan sa ilalim ng MPNR Foundation. Bilang pasasalamat sa oportunidad na ibinahagi sa kanya, naisip ni Willie na dapat lang na ibalik ang pasasalamat niya sa mga taong nagpaaral sa kanya sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang tour guide. Bukod sa pagiging tour guide, nagsimula rin siyang magtrabaho upang kumita ng karagdagang allowance na makakatulong sa pagtatapos niya ng kanyang pag-aaral.

Ngayon, siya ay isang dedikadong tour guide hindi lamang dahil sa kanyang kagustuhan, kung hindi dahil na rin sa kanyang hangaring mabalik ang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya. Bukod pa roon, nakatutulong ang kanyang pagtrabaho sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.​ 

Dahil sa pandemyang naidulot ng COVID-19, hindi na gaanong karaniwan para sa mga tao ang maglakbay sa iba’t-ibang lugar. Mula rito, nalilimitahan tayo ng mga pagkakataon upang makakilala ng mga may talento at masigasig na tour guide tulad ni Willie na may napakahusay na kaalaman sa mga lugar na maaari nating matuklasan at may kabaitan sa mga taong nakasalamuha niya. Sa karanasan niyang maging tour guide ng mahigit dalawampu't dalawang taon na serbisyo kahit sa pagragasa ng pandemya, mas naging maalam si Willie sa tamang pagtanggap ng mga panauhin mula sa iba't ibang pinagmulan. Dahil sa kanyang karanasan sa pagtanggap sa mga iba’t-ibang panauhin sa mga nakaraang taon, sila ang naging prayoridad niya tuwing makakasalamuha niya sila. Kung hindi dahil sa mga taong iyon ay hindi mabibigyan si Willie ng trabaho at mapagkukunan ng kita.

“Bilang isang tour guide po, sa akin, masaya po ako kapag nag g-guide. Kasi po yung mga guests namin na pumupunta dito... nagkakaroon po kasi sila minsan ng mga tanong tungkol sa mga bundok, kung anong mga puno iyon,” ulat niya.

Masayang ikinuwento ni Willie ang bawat kasaysayan ng mga puno at halaman sa kanilang paligid. Nakakaya niyang pangalanan ang flora at fauna habang patungo sila sa mga destinasyon nila, kahit pa patungo sa tuktok ng bundok na umabot hanggang 419 metro sa tuktok o pababa man sa may ilog na dumadaloy mula sa mga bundok ng Sierra Madre.


Umaapaw ang tuwa ni Willie habang pinaglilingkuran ang mga panauhin, sabi nga niya, “Bilang isang guide pala, masaya po ako pag nakakatulong ako sa mga guests tapos inaalalayan ko sila tapos nakakabalik po sila nang maayos dito po sa amin [mula sa mga paglilibot].”

Kapag siya ay natatanong kung ano ang kanyang pinakapaboritong karanasan sa pagiging tour guide, sinasabi ni Willie, “Yung mag hike po ng madaling araw.”


Ang pagiging isang tour guide ay ang matagal nang pangarap ni Willie mula pagkabata. Ang kanyang naging motibasyon sa pagtatrabaho ay ang kanyang pamilya.

 

“Unang-una po yung pamilya ko. Syempre habang nagtatrabaho po ako kasi, iniisip ko ang pamilya ko. Doon po ako kumukuha ng lakas po para sa kanila,” ani niya.

Lagi siyang nasisiyahan, mula pa noon, sa kanyang pagiging tour guide. Kasama ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, kinukuwento ni Willie ang mga magagandang bagay sa buhay habang tinutulungan din nila ang bawat isa na makayanan ang mga mapaghamong panahon. Marahil hindi man siya nakakaharap ng anumang kahirapan sa pagtatrabaho o pakikipag-ugnay sa mga panauhin, nag-iwan naman ang pandemya ng mas mahirap na pagsubok kung saan mas kumonti ang kanilang mga sineserbisyo sa paglakbay sa mga bundok at ilog.

IMG_4811.jpg

Sa mas kaunting mga panauhin na dumadalaw sa kanilang lugar at sumusuporta sa kanilang kabuhayan, nahahanap pa rin ni Willie ang kanyang sarili sa gitna ng isang malaking kahirapan. “Malaki po ang epekto sa amin kasi po una-una po hindi lang sa akin, pati po yung mga kasamahan kong mga nag g-guide, kasi po wala po kaming extra income ngayon, wala po kaming bisita kaya po hirap po kami sa financial,” kuwento niya.

Nang dahil sa biglang pag-ahon ng pandemya, ipinahayag ni Willie kung paano siya bihirang umakyat sa ngayon. Ito ang kasalukuyang katotohanan na kinakaharap niya bilang isang tour guide sa gitna ng pandemya. Dahil sa pagtupad ng quarantine sa bawat komunidad, limitado na kung saan siya nakakapunta at kung gaano kadalas siya makalibot sa kanilang lugar na naging hamon sa kanyang trabaho. Naiisip niya madalas ang kanyang dating gawi, ang madalas na pakikipag-ugnayan sa kanyang mga panauhin, samahan sila sa mga paglalakad, at turuan sila sa kapaligiran na nakapalibot sa MPNR. Gayunpaman, nakakahanap pa rin siya ng mga paraan upang patuloy na kumita sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pag-aayos ng mga halaman sa loob ng kanilang lugar. Ang pagmamalasakit sa kapaligiran ay isa sa mga rason niya. Sa pamamagitan ng pagiging isang tour guide, natutuhan niyang protektahan ang kagandahan ng kalikasan upang masiyahan ang mga tao kapag naglalakad sila sa gitna ng mga bundok at ilog. Sa pamamagitan nito, patuloy na nagtatrabaho si Willie upang mapigilan ang pagkalbo ng kagubatan at maipatuloy ang paglinis ng ilog tuwing nilagyan ito ng basura mula sa paminsan-minsang pag-akyat at paglibot na kanyang mga panauhin.

Tinanong kung anong payo ang maibibigay ni Willie sa ibang tao mula sa kanyang pagiging tour guide, sabi niya, “Sa experience [karanasan] ko lang kasi, magsikap nang maganda… kailangan tiyaga lang po talaga.”

Mula sa matalinhagang payo ni Willie na nag-ugat sa kanyang karanasan, pinapaalala sa atin na lahat tayo ay maaaring gumawa ng simple, ngunit makabuluhang pagsisikap hindi lang para sa komunidad, kung hindi para na rin sa ating mga sarili tungo sa magandang kinabukasan.

IMG_4808.jpg
IMG_4810.jpg

Sa kabila ng pandemya, patuloy na nagbabahagi si Willie ng mga kuwento tungkol sa kanyang mga paglalakad habang pinapahalagahan ang proteksyon at pangangalaga ng kapaligiran. Patuloy nating hikayatin at pahalagahan ang ating magagandang tanawin habang ginagabayan ng masisipag at masisigasig na mga indibidwal tulad ni Willie upang matulungan din silang mapagtagumpayan ang kahirapan na nararanasan nila sa pandemya.

 

Palaging mayroong dahilan upang magpatuloy sa pagtitiyaga; maaaring ito man ay para sa isang pamilya, para sa kita, o para man sa isang hilig. Sa pagtuklas ng mga posibilidad na nakatago sa bawat pangarap at pangkabuhayan, matatagpuan mo ang iyong sarili sa isang mas magandang lugar kaysa sa kung saan ka nagsimula.

bottom of page