top of page

Rippled with Passion

English

July 26, 2022

Isabelle Ona

Imagine this, the soft sand brushes against your feet, the coldness of the water hits you abruptly, cooling you from the piercing rays of the sun, and only you and the ocean are face-to-face. Saltwater alleviates the body and mind, and this poses a way for the majority of us to seek out a beach to relax. Only a few will identify this as an opportunity to undertake a venture to uplift a community forward into progressiveness. 

 

As proper disposal of waste is still unavailable in major parts of the Philippines, Alon & Araw steps up to the challenge through innovative community-engaging activities. They are a non-profit organization situated in Cabangan, Zambales, that aims to provide children with different opportunities to better improve their life. Alon & Araw regulates coastal clean-ups, ensures accessibility to sports (E.g. Surfing, soccer), and motivates the youth to better their education and self. This organization allows children to explore endless possibilities, albeit not all children have this opportunity. 

Having 40 million youth belonging to impoverished communities in the Philippines, innumerable children are deprived of living out and growing in a holistic environment with only a few opportunities for education.

 

Providing support to the needs of the youth promotes a good background for a child to enjoy and yearn to learn. 

With the current situation of the Philippines — having numerous underprivileged children not given the liberty to further explore their potential, Alon & Araw has worked a way to combat this issue. They develop relationships with children in their community to present them with endless opportunities, and encouragement. 

Someone who has risen above these challenges is Jhanet Magdayao. Jhanet Magdayao possesses an optimistic attitude to learn. Being in a family of 9, and the third eldest, at the age of 14 — she is asked to look after her siblings, yet she has a passion for surpassing what is expected of her in the family.  Currently, she is enrolled in San Isidro Integrated School, studying the eighth grade. Blessed with the opportunity of attending face-to-face classes, she continues to fall in love with the subject, Mathematics. Jhanet appreciated Math at a young age, having her mother teach it to her during the early stages of her childhood.

Aside from her academic interests, Alon & Araw uncovered a particular athletic side to her. After beach clean-ups, they would play sports together as a group. Jhanet likes to play soccer and sometimes volleyball, but she favors surfing the most as it’s a sport that poses as a venue to continue learning.

 

How can one continue to be passionate about a multitude of things? “Determinasyon at inspirasyon ang aking pinagkukunan ng lakas para galingan at mas galingan pa.”

 

(“Determination and inspiration are where my strength comes from to be better.”) This coupled with the admiration, and the support of Ma’am Gabi and her parents helps her continue to grow in her athletic endeavors. 

 

With the current state of the environment, it is timely that kids like Jhanet learn to care for nature at such an early age. The organization started out and continues to integrate beach clean-ups and eco-awareness in all its projects. This bonds the whole community to act against pollution, an ever-so-demanding opponent to a healthy environment. Helping the hands of the Alon & Araw Team, Jhanet and others clean up the coast of scattered plastic. They learn to segregate and understand why this is an issue that needs the utmost attention. 

Jhanet is proud of the strength and diligence she has developed while volunteering for Alon & Araw. Without Ma’am Gabi,  whom she admires, she wouldn’t be here to inspire others to aim for something bigger than themselves. The one aspect Jhanet likes about herself is that she is responsible. She, along with the help of others, is responsible for how far she has come. She is responsible for the person she is, and the dreams she has. Alon & Araw is responsible for giving her more than a dream, a future that needs to be shared with others. “Dahil po sa kanila, wala po ang Alon at Araw Club, then dahil po sa kanila, madumi pa po rin yung tabing dagat po namin.”(Because of them, Alon and Araw Club would’ve never existed, and because of them, the beach would remain polluted.”) We still have a big fight against pollution, but the Alon & Araw club is doing its part to make an impact for the betterment of society.

The future that Jhanet Magdayao envisions for herself is one where she is an engineer. As for her plans as a future engineer, she wishes to create, “Gusali sa pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran para maging mabuting halimbawa sa kabataan.” (“A structure to assist in cleaning the environment, so I can become a good example to the youth.”) Alon & Araw influenced Jhanet to share the same values, she hopes she can be an example to the youth as Alon & Araw was for her, accompanied with the same love of the environment. This organization paves ways for children to better think of what they are capable of, and what they can achieve.

“Dahil sa Alon at Araw, ako natuto na lumaban sa buhay kahit mahirap.”

 

(Because of Alon & Araw, I learned to fight in life even when it's difficult.)

 

Alon and & Araw which started as an organization to care for an environment has gone above and beyond their initial goal. It continues to inspire the community it touches, giving them the mindset that grows and develops into a bigger goal as they age. Any simple act truly impacts the youth and causes a ripple effect. Alon & Araw is a venue to give hope to those who need a guiding light to get through the darkness. 

 

Jhanet is a product of continuous support from the people who guided her to become the person she is. There must be a call for more organizations that will inspire the youth, similar to how Alon & Araw impacted Jhanet’s life. Children have every right to be what they want to become, they need examples like Jhanet, role models, who can kick-start their goals — they need a support system. The youth need proper influences who help them develop and grow into better persons. Influences that reached their decisions and plans. Children need influences like a droplet falling down a puddle of water, a ripple of inspiration. 

Filipino

Mumunting mga Alon ng sa Silakbo ng Damdamin

Hulyo 26, 2022

Isabelle Ona

Translated by Amanda Garcia

Larawin mo ito, ang mayuming buhangin ay humihipo sa iyong mga paa, ang lamig ng dagat ay biglaang pumalo, ika’y binigyang ginhawa mula sa sinag ng araw, at ikaw lamang at ang karagatan ang mag-kaharap. Tubig alat ay nakakapag-pagaan ng katawan at isip, at ito ay nagbibigay paraan para sa karamihan upang hangarin ang dalampasigan para magpahinga. Iilan lamang ang kikilalanin ito bilang pagkakataon upang magsagawa ng pangahasan para paunlarin ang pamayanan patungong kaunlaran.

 

Bilang ang tamang pagtatapon ng basura ay hindi laganap sa malaking bahagi ng Pilipinas, ang Alon & Araw ay gumawa ng hakbang upang harapin ang hamon na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pamayanan at pagkakaroon ng mga malikhaing mga aktibidad na hihikayat ang kanilang partisipasyon. Sila ay isang non-profit organization na nakabase sa Cabangan, Zambales, at pakay nitong magbigay sa mga bata ng mga pagkakataon upang mas mapabuti ang kanilang buhay. Ang Alon & Araw ay nangangasiwa sa paglilinis ng baybayin, pagbigay daan sa pagkakakilala sa mga isports (halimbawa ay Surfing at putbol), at inuudyok ang mga kabataan para mas mapabuti ang kanilang edukasyon at ang sarili. Ang organisasyong ito ay hinayaan ang mga batang magsaliksik ng mga walang hanggang posibilidad, kahit na hindi lahat ng mga bata ay mayroong ganitong oportunidad. 

 

40 milyong mga kabataan ay kabilang sa mahihirap na pamayanan ng Pilipinas. Hindi mabilang ang mga batang ipinagkait mabuhay at lumaki sa isang komprehensibong  pamumuhay na mayroon lamang kaunting oportunidad pang edukasyon.

 

Sa pagbibigay ng tulong sa pangangailangan ng mga kabataan ay nahihikayat ang magandang pamumuhay ng mga bata na magsaya at manabik pang matuto.

Sa kasalukuyang kinatatayuan ng Pilipinas-pagkakaroon ng maraming batang kapos-palad ang hindi nabibigyan ng kalayaan na lalong matuklasan ang kanilang potensyal. Ang Alon &  Araw ay gumawa ng paraan upang labanan ang suliraning ito.Pinagsikapan nilang magkaroon ng mabuting relasyon sa mga bata sa lugar nila upang mabigyan sila ng lakas ng loob at ipaalam sa kanila ang mga walang hanggang oportunidad.

Isa sa mga nakaraos mula sa suliraning ito ay si Jhanet Magdayao. Si Jhanet Magdayao ay mayroong taglay na pagkasabik na matuto. Siya ay ang pangatlong pinakamatanda sa magkakapatid sa isang malaking pamilya na binubuo ng 9 na miyembro. Sa edad na 14 binibigyan na siya ng responsibilidad na bantayan ang kanyang mga kapatid. Gayun pa man, magilliw niyang hinihigitan kung anong inaasahan sa kanya ng pamilya. Sa kasalukuyan, siya ay nagaaral sa San Isidro Integrated School, bilang isang estudyante sa ikawalong baitang. Pinalad siya sa oportunidad ng pagdalo sa face-to-face na klase, at patuloy niyang minamahal ang paksa na Matematika. Natutunang pahalagahan ni Jhanet ang Matematika sa murang edad, bilang itinuro ito ng kanyang ina noong siya’y musmos pa lamang.

Bukod sa kanyang hilig sa akademiko, natuklasan ng Alon & Araw ang natatanging atletikong interes ni Jhanet. Matapos ang paglilinis ng dalampasigan, sila ay nagsasama-sama upang maglaro ng isports bilang isang grupo. Gusto ni Jhanet maglaro ng putbol at minsan balibol, ngunit mas pabor niya ang surfing bilang ito ay isang isports na nakikita niya ang kanyang sariling patuloy na inaaral.

 

Paano ipinagpatuloy ng isa upang maging madamdamin sa maramihang mga bagay? “Determinasyon at inspirasyon ang aking pinagkukunan ng lakas para galingan at mas galingan pa.”

 

Pinagsama pa nito ang paghanga at suporta ni Gng. Gabi. Patuloy rin siyang tinutulungan ng kanyang mga magulang sa paglago ng kanyang interes pangatletiko.

 

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, napapanahon na ang mga batang katulad ni Jhanet ay matutong pangalagaan ang kalikasan sa murang edad. Nagsimula ang organisasyon at magpapatuloy itong pagsamahin ang paglilinis ng dalampasigan at kamalayan sa kapaligiran sa lahat ng kanilang proyekto. Ipinagkakaisa nito ang buong pamayanan upang kumilos laban sa polusyon na napakahirap na kalaban para sa isang mabuting kapaligiran. Sa pagtulong sa grupong Alon & Araw, nililinisan nila Jhanet at ng iba pa, ang baybayin na maraming nagkalat na mga plastik. Natuto silang paghiwalayin ang mga basura at unawain kung bakit ito ay isang suliranin na nangangailangan ng sukdulang pansin.

Ipinagmamalaki ni Jhanet ang lakas at sipag na kanyang nabuo habang siya ay nag boluntaryo sa Alon & Araw. Kung wala si Gng. Gabi, na kanyang hinahangaan, wala siya rito para magbigay ng inspirasyon sa iba upang maghangad ng mas higit pa sa kanilang sarili. Ang isang aspetong gusto ni Jhanet sa kanyang sarili ay ang pagiging responsable at ang mga pangarap na kanyang taglay. Ang Alon & Araw ay naging responsable sa pagbigay sa kanya ng higit pa sa pangarap, isang kinabukasan na kinakailangang ibahagi sa iba. “Kung hindi po dahil sa kanila, hindi po magkakaroon ng Alon at Araw Club, at kung hindi rin po dahil sa kanila, madumi pa rin sana yung tabing dagat po namin.” Mayroon pa rin tayong malaking laban na haharapin sa polusyon, ngunit ang Alon & Araw Club ay ginagawa ang kanilang bahagi upang gumawa ng epekto para sa ikabubuti ng lipunan.

Ang kinabukasan na iniisip ni Jhanet Magdayao para sa kanyang sarili ay pagiging isang inhinyero. Para sa kanyang mga plano bilang inhinyero sa kinakaharap, ninanais niyang lumikha ng, “Gusali sa pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran para maging mabuting halimbawa sa kabataan.” Nahikayat ng Alon & Araw si Jhanet upang magbahagi ng parehong mga asal. Umaasa siya na maging isang halimbawa sa mga kabataan gaya ng ginawa ng Alon & Araw sa kanya, na may kasamang parehong pagmamahal para sa kapaligiran. Nagbigay daan ang organisasyong ito para sa mga kabataan na mas pagisipang mabuti ang kanilang mga kakayahan at ano ang kaya nilang makamit.

 

  “Dahil sa Alon at Araw, ako natuto na lumaban sa buhay kahit mahirap.”

 

Ang Alon & Araw, na kung saan ay nagsimula bilang isang organisasyon na pinapangalagaan ang kapaligiran, ay itinaas at hinigitan pa and kanilang layunin.Nagpapatuloy itong magbigay inspirasyon sa pamayanang nakaksalamuha, binigyan sila ng kibot ng isip upang lumago at magbuo ng mas malaking layunin habang sila ay tumatanda. Anumang simpleng kilos ay tunay na nakakaapekto sa mga kabataan at nagiging sanhi ng epekto katulad ng mga alon–sunod-sunod na pagimpluwensiya sa kapwa. Ang Alon & Araw ay nagiging daan upang makapagbigay ng pag-asa sa mga taong nangangailangan ng gabay na liwanag para malagpasan ang kadiliman.

 

Si Jhanet ay isang produkto ng tuluy-tuloy na tulong mula sa mga taong gumagabay sa kanya upang maging kung sino siya ngayon. Dapat magkaroon ng tawag para sa karagdagang organisasyon na magbibigay inspirasyon sa mga kabataan. Katulad na lamang ng magandang epekto at impluwensiya ng Alon & Araw sa buhay ni Jhanet. Ang mga bata ay may karapatan na maging kung sino ang gusto nila maging. Kailangan nila ng halimbawa na katulad ni Jhanet, mga huwaran na  tutulong sa pagsisimula ng daan patungo sa kanilang mga layunin — kailangan nila ng komunidad na sususporta sa kanila. Kinakailangan ng kabataang mga impluwensya na katulad ng isang patak ng tubig na nahuhulog sa sanaw, isang inspirasyon na patuloy ang epekto at naipapaabot sa iba pang kabataan.

bottom of page