She is Teacher Juliet
November 18, 2021
Reine Uy
Limited education is one of the pandemic's primary consequences in the Philippines.
This concern is exacerbated when it involves sectors that are more susceptible than others. While other countries have implemented face-to-face classes, the Philippines continues to depend on modules and online classes. This new arrangement has been very difficult for students and teachers. This story focuses on a public school teacher who shares her views, opinions, and experiences.
Juliet Blanch F. Servano is a teacher at the Department of Education's Manticao National High School. She earned a bachelor's degree in education from Mindanao State University-Main Campus-Marawi and a master's degree in educational management from St. Peter's College (Iligan). She has been teaching for almost a decade. Being a teacher has been her long-held aspiration.
Many may disagree with DepEd’s decision for the school year: online classes and modular learning mainly because we live in a third-world country where not everyone, particularly pupils from low-income households, has access to the necessary resources. Some teachers may opt that the students have a gap year since the learning standard isn’t the same. However for Teacher Juliet, she said “Okay na rin yun kaysa naman wala, pero hindi ma-achieve yung level ng proficiency ng mga bata kaya lang sayang lang din yung taon kung wala silang matututunan.” (That's better than nothing, but the students can’t achieve a certain level of proficiency, so it's just a pity for the child if they haven't learned anything.)
For almost two school years in this setup, she has learned to adapt to the current situation. But internet connection is one of the significant problems, “Yung ibang mga bata wala naman silang load or walang gadget, aside from that maraming mga distractions- playing Mobile Legends or doing house chores.” (The other kids don't have load or gadgets, aside from that there are many distractions: playing Mobile Legends or doing house chores).
For almost ten years as a teacher, teaching was her bread and butter. However, the epidemic shifted both her daily schedule and teaching approach. Working at a public school has been very challenging. She said, "Because I teach in a public school, we selected modular learning, particularly because the majority of kids do not have their own devices or access to the internet. However, we also provide online consultations and lectures to children with internet access." These students are able to pick up their modules every Monday. When asked if these students were having a hard time, she said, “It’s a big yes." We cannot deny the fact that these students are struggling since even pre-pandemic they cannot cope up with the lesson, what more modular learning. We should keep in mind that some people are slow learners and that not all parents can help them since they can’t read or write. It is an advantage to those students whose parents are college graduates or are professionals. Because of the lack of resources in the Philippines, she even personally delivered the modules to one of her students since the student was not able to get their modules for almost 3 weeks, “Para walang maiwan na bata” (so no kid will be left behind) she explained that even if the students don’t want to learn, she still does her part in trying. She even visits some of her students to catch up with them.
In today's society, teachers are considered frontliners.
As a result, some teachers get hazard pay if they teach in remote locations, but this is not the case for Teacher Juliet; nevertheless, she is okay with income not increasing this year as long as their workload stays the same. In comparison to other countries, the wage of a teacher in the Philippines is very low, especially since there is a high workload and there are limited teachers available. She believes that it is insufficient for all of the jobs. “Bilang isang guro, hindi naman kami pinapabayaan ng DEPED. Yung mga concerns namin ay priority nila. Pero sa mga nasa taas na posisyon ng gobyerno, sana naman gumawa sila ng batas na taasan and sahod ng mga Pilipinong guro. Kompara sa ibang Asian countries, mga guro sa Pilipinas lang yata yung may mababang sahod pero napakaraming trabaho. Hindi madali yung trabaho namin kaya kahit man lang batas na magpapataas sa sahod namin ay gawin ng mga nanunungkulan sa itaas.” (As teachers, DEPED does not neglect us. Our concerns are their priority. However, for those in high government positions, I hope they make a law to increase the salaries of Filipino teachers. Compared to other Asian countries, it seems only teachers in the Philippines have low salaries but a lot of job opportunities. Our job is not easy, so the least the law and those in charge can do is increase our wages.). However, she is glad to have a stable job amid this epidemic.
Given that this pandemic is inevitable. Her ultimate hope for her students is that the government prioritizes immunizations for minors so that we may all return to the normal we once knew. As a teacher whose biggest duty is to educate children, it is constantly on her mind to help her students, yet there are some impediments because of the continuing epidemic.
Given the chance to speak to those in power, “Pakinggan ninyo ang boses ng mga tao. Gamitin ninyo sana ang puso at malasakit sa paglilinkod sa mga taong pinangakuan ninyo na tutulungan at poprotektahan.”
(Listen to the voice of the people. Please use your heart and concern to serve the people you have promised to help and protect.)
Her message to all students at the moment is to be resilient. “We, students, are not alone in our struggles; what is happening around us should not hinder or deter us. Let us make every effort to move forward, like the adaptable people we are”, she said. Avoid dwelling on the negative aspects of life; if we get exhausted, we should pause and relax before continuing the battle. Parents, teachers, and students must work together to ensure the success of each. “It's just a matter of time; we all have challenges, but we are intelligent and capable of overcoming them.”
She is Teacher Juliet
November 18, 2021
Reine Uy
Translated by Reine Uy
Ang limitadong edukasyon ay isa sa pangunahing mga kahihinatnan ng pandemya sa Pilipinas.
Ang problemang ito ay lumala dahil mas madaling apektohan ang mga sektor na ito kaysa sa iba. Habang ang iba pang mga bansa ay nagkaroon na ng mga face-to-face na klase, ang Pilipinas ay patuloy pa ring umaasa sa mga modyul at online na klase. Ang bagong pag-aayos o setup na ito ay napakahirap para sa mga mag-aaral at mga guro. Ang kuwentong ito ay nakatuon sa isang guro mula sa pampublikong paaralan na nagbahagi ng kanyang mga pananaw, opinyon, at karanasan.
Si Juliet Blanch F Servano ay isang guro sa Manticao National High School ng Kagawaran ng Edukasyon. Nakatamo siya ng bachelor’s degree sa edukasyon mula sa Mindanao State University-Main Campus-Marawi at isang master’s degree sa pamamahala sa edukasyon mula sa St. Peter's College (Iligan). Halos isang dekada na siyang nagtuturo. Ang pagiging isang guro ay ang kanyang matagal nang hangarin .
Marami ang maaaring hindi sumasang-ayon sa desisyon ng DepEd para sa kasalukuyang taon ng pag-aaral, mga klaseng online at modular na pag-aaral, higit sa lahat dahil nakatira tayo sa isang third-world na bansa kung saan hindi lahat, lalo na ang mga mag-aaral mula sa kahirapan, ay may sapat na materyales para dito. Nais ng ilang mga guro na kumuha na lamang ng isang taong gap year ang mga mag-aaral sapagkat hindi kasinbuti ang pamamaraan ng pagtuturo ngayon kaysa sa nakaraan. Gayunman ay para kay Teacher Juliet, "Okay na rin yun kaysa wala na, ngunit hindi ko ma-aabot ang antas ng kahusayan ng mga bata kaya lang din sila sa taon kung wala silang matutunan."
Halos dalawang taon na ang nakalipas sa setup na ito, natuto siyang umangkop sa bagong sitwasyon na ito. Pero ang koneksyon sa internet ay isa sa mga pinakamahirap na problema, “Yung ibang mga bata wala naman silang load or walang gadget, aside from that maraming mga distractions- playing Mobile Legends or doing house chores."
Sa loob ng halos sampung taon bilang isang guro, ang pagtuturo ay ang pangunahing pangkabuhayan ng binibini. Gayunpaman, ang epidemya ay nagbago sa kanyang pang-araw-araw na iskedyul at diskarte sa pagtuturo. Ang pagtatrabaho sa isang pampublikong paaralan ay napakahirap. Sinabi niya, "Because I teach in a public school, we selected modular learning, particularly because the majority of kids do not have their own devices or access to the internet. However, we also provide online consultations and lectures to children with internet access.” (Dahil nagtuturo ako sa isang pampublikong paaralan, pinili namin ang modular na pag-aaral, lalo na dahil ang karamihan sa mga bata ay walang matibay na koneksyon ng internet. Gayunpaman, nagbibigay din kami ng mga online na pagkonsulta at lektura sa mga batang may koneksyon ng internet.) Maaaring kunin ng mga mag-aaral ang kanilang mga module tuwing Lunes. Nang tanungin kung nahihirapan ba ang mga mag-aaral, sinabi niya, "Malaking oo". Hindi namin maitatanggi ang katotohanan na ang mga mag-aaral na ito ay nahihirapan dahil kahit pre-pandemik pa ay hindi nila nakakaya ang mga aralin, higit pa na modular na pag-aaral sa kasalukuyan. Dapat nating tandaan na ilan sa mga estudyante ay nangangailangan ng mas matagal na oras upang matuto at hindi lahat ng mga magulang ay nakakatulong sa kanila dahil hindi sila marunong magbasa o magsulat. Ito ay isang benepisyo para sa mga mag-aaral na ang mga magulang ay nakapagtapos sa kolehiyo o mayroon propesyon. Dahil sa kakulangan ng mga mapagkukunan na gamit o resources sa Pilipinas, personal niyang inihatid ang mga modyul sa isa niyang mag-aaral marahil hindi nakuha ng mag-aaral ang kanyang mga module sa loob ng halos tatlong linggo, "Para walang maiwan na bata," ipinaliwanag niya na kahit na ayaw ng mga mag-aaral matuto, ginagawa pa rin niya ang kanyang bahagi bilang isang guro. Binibisita pa nga niya ang ilan sa kanyang mga estudyante upang makahabol sa aralin.
Sa kasalukuyang lipunan, ang mga guro ay itinuturing ding frontliners.
Dahil dito, ang ilang mga guro ay nakatatanggap ng hazard pay kung nagtuturo sila sa mga malalayong lokasyon, ngunit hindi ito ang kaso para kay Bb. Juliet. Ayos lang siya sa kanyang kita kahit hindi ito dadagdagan sa kasalukuyang taong subalit hiling niya ay mananatiling pareho pa rin ang bigat ng kanyang trabaho. Kung ihahambing sa ibang mga bansa, ang sahod ng isang guro sa Pilipinas ay napakababa, lalo na't marami ang gawain ngunit kakaunti lang ang bilang ng mga guro. Naniniwala siya na hindi sapat ang sweldo sa anumang trabaho. “Bilang isang guro, hindi naman kami pinapabayaan ng DepEd. Yung mga concerns namin ay priority nila. Pero sa mga nasa taas na posisyon ng gobyerno, sana naman gumawa sila ng batas na taasan ang sahod ng mga Pilipinong guro. Kumpara sa ibang Asian countries, mga guro sa Pilipinas lang yata yung may mababang sahod pero napakaraming trabaho. Hindi madali yung trabaho namin kaya kahit man lang batas na magpapataas sa sahod namin ay gawin ng mga nanunungkulan sa itaas.” Gayunpaman, nagpapasalamat siyang magkaroon ng isang matatag o stable na trabaho sa gitna ng pandandemyang ito.
Dahil hindi maiiwasan ang pandemyang ito, ang kanyang hangarin para sa kanyang mga mag-aaral ay unahin muna ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga menor de edadupang maaari na tayong bumalik muli sa normal na dati nating alam. Bilang isang guro na ang pinakamalaking tungkulin ay turuan ang mga bata, palaging nasa kanyang isip na tulungan ang kanyang mga mag-aaral, subalit may ilang mga hadlang buhat ng pandemya.
Kapag binigyan ng pagkakataong makausap ang mga may kapangyarihan, “Pakinggan ninyo ang boses ng mga tao. Gamitin ninyo sana ang puso at malasakit sa paglilingkod sa mga taong pinangakuan ninyo na tutulungan at poprotektahan.”
Ang kanyang mensahe sa lahat ng mga mag-aaral ay maging matatag. “We, students, are not alone in our struggles; what is happening around us should not hinder or deter us. Let us make every effort to move forward, like the adaptable people we are,” aniya niya (Tayong, mga mag-aaral, ay hindi nag-iisa sa ating mga pakikibaka; ang anomang nangyayari sa paligid natin ay hindi rapat maging hadlang para sa atin Gawin nating magsikap na sumulong, tulad ng pagkakakilanlan sa atin). Iwasan ang negatibong pag-isip sa anomang aspeto ng buhay; kung napapagod tayo, dapat tayong magpahinga bago magpatuloy sa laban. Ang mga magulang, guro, at mag-aaral ay dapat magtulungan upang matiyak ang tagumpay ng bawat isa. “It's just a matter of time; we all have challenges, but we are intelligent and capable of overcoming them.” (Lahat tayo ay nakararanas ng paghahamon ngunit matatalino tayo at may kakayahang manaig).