The Body as a Tidal Wave
August 23, 2022
Nichole Quintos
The stigma against morena skin is one of the most common issues on physical beauty in the Philippines. From being compared to creatures and charcoal or keeping them from being further exposed to the sunlight, having dark skin is often teased in Filipino groups and communities. The media is no exception: “transformation stories” of a dark-skinned girl eventually having lighter skin, and comedies or parodies centering on a dark-skinned person. The stigma constantly made victims become insecure of their bodies and coerced them into using several whitening products just to be accepted.
For generations, women have always been subjected to following a set of rules in order to better “fit” society–such as standards on beauty influenced by our colonial history and exposure to media. The new generation of Filipinos are called to resist, to break the stigma and empower each other by embracing the varied features of Filipinos, one wave at a time.
The Ate of the Alon & Araw
Helping its members uplift each other's self-esteem and unlearn the stigma against morena skin is one of the many advocacies that Alon & Araw champions. They believe that this is vital for the majority of its young members.
As the Ate of the group, however, 22-year-old Sheilo Carlos had long embraced her skin. She is grateful that she is healthy and physically capable of doing anything she wants. “Para sakin po masaya ako kung anong meron ako eh. Nagpapasalamat po ako na wala akong kapansanan, gano’n, nagagawa ko po lahat ng gusto kong gawin. Happy po ako kung anong meron ako ngayon. Kuntento na po ako kung anong binigay ni God.” (I am already happy with what I have. I am thankful that I don’t have any disabilities, I can do everything I want to. I am content with what God gave me.)
Sheilo is 6th from her family of 9 siblings, her parents are the caretakers of a beachfront resort. She is also a Grade 12 student undergoing online classes where they are merely given modules to answer, thus, reducing their learning experience. Nonetheless, for Sheilo, what makes her online classes worthwhile are the cooking lessons they are tasked to do. At home, because she doesn’t work yet, she does the usual household chores as her way to help her family but prioritizes taking care of her 2-year-old child. When outside, she joins the activities of the Alon & Araw club, where she spends most of her time.
In 2020, Sheilo moved back to Zambales after staying in Manila for the last 4 years. Her sister, Danise, invited her to be a part of Alon & Araw. At first, she was merely interested in joining their beach clean-ups. She was hesitant in joining because it was neither something she knew nor what she was known to do, but she says there is no harm in trying. Not long after, she eventually grew to love cleaning the beach, learning to recycle trash into chairs and tables. Because of Alon & Araw, she also grew a passion for surfing and soccer. “Kasi po dati, gawain ko lang po talaga gala lang. Nailabas ko yung skill ko sa paglalaro, na dati po hindi ako mahilig sa paglalaro sa sports.” (Because before, all I usually did was hangout. I was able to bring out my skills for playing, when I used to not like playing sports.)
She appreciates how Alon & Araw helped her community in Brgy. San Isidro with their projects, from thoroughly cleaning the beach and teaching the kids to simply creating a collaborative community that makes the children more empathic. “Para din dito sa mga bata na maturuan din po nang maayos. Kasi karamihan po sa kanila hindi pa po masyadong magaling magbasa, tsaka dati po, sa mga ibang kilalang mga bata na nandito palasagot po talaga sa magulang. Medyo bumait-bait sila, kasi ‘pag may naririnig na nagmumurahan napapagsabihan na, dati talagang murahan kung murahan. Ngayon, limit na lang yung mga bad words na lumalabas sa kanila. Tapos yung iba, natututo na rin po tumulong sa kani-kanilang mga bahay na dati po puro gala, laro.” (It is also for the children to be taught properly. Because most of them are not yet good at reading, and before, some children used to be rude towards their parents. They eventually learned to be kind, they will be reprimanded when someone is heard swearing, back then people would usually leave it as it is. Their bad words are limited now. While others learned to help in their respective households, when they used to just play and hangout.)
Listening to Sheilo’s story, the beauty Alon & Araw initially advocated for went beyond the physicalities of bodies and their attractiveness.
It started a wave of creating a safe space for children to be their authentic and empathic self, a wave that grew and moved them to become a better version of themselves.
Reclaiming the Body
Sheilo finds beauty in her strength. Strength that resists the notion of women to be demure and weak: “Yung lakas ko po. Kahit hindi ako katangkaran, nagagawa ko pa rin po yung magbuhat, magbilad ng palay ganyan.” and this similar strength is something she sees and admire from the person behind Alon & Araw, Ate Gab, and her relentless strength of empathy for the people in Sheilo’s community: “Para sakin po si ate Gab. Kasi na-kuwento niya po na ilang taon pa lang po siya nagagawa na niyang mag-business. Sarili niyang business para makapag-ipon. Yung gusto niyang mabili na gusto niyang mga bagay, halimbawa po mga laptop gano’n, pag-iipunan niya po ‘yun hindi po siya hihingi ng pera sa magulang niya. Syempre po yung naranasan niya na rin yung hirap. Yung iba po dito samin tinutulungan niya po.” (For me it’s Ate Gab. Because she once told me she’s been doing business since she was young. Her own business to save. When there is something she wants to buy, like a laptop, she would save money instead of asking for her parents. She also experienced hardship here. She helps the people here.)
Sheilo is an aspiring chef and architect–she likes to cook just as much as she likes to draw. She has a taste for spicy adobo, an addition to the eccentric Filipino recipes for the dish. If given the chance, building a simple 1-story home for her family is one of the first things she would do as an architect. Her strength roots from her desire to help her family and give her best for her child.
A strong Ate that she is, Sheilo accepts her body as it is. Not once did she waver as she talked about herself, nor did she hesitate when she said she is content with what she has.
The stigma against morena skin causes Filipino women to be insecure and humiliated by their own skin, they become detached because the idea of a “beautiful” skin is different from what they see and have. The conflict of insecurity and detachment is further amplified on the realities of being a woman in a patriarchal society, where every aspect of her existence is watched, interrogated, regulated. It is all the more integral for women to talk about their bodies, not just to acknowledge its physicality and existence, but more importantly to reclaim them. From every strand of hair, every pimple or uneven skin tone–to reclaim them is to see them as our own, every nook and cranny of our bodies makes us uniquely beautiful.
To tell Sheilo’s story, and the many stories of women and their bodies, is to help people in believing that all these years, our bodies are trying to speak to us–that there is an innate strength and beauty within them that people fail to recognize because the attention is solely focused on the idea of a “perfect” body. Telling Sheilo’s story is akin to a tidal wave that would hopefully expand–a wide enough space where more people can start seeing their bodies as they are.
The Body as a Tidal Wave
Agosto 23, 2022
Nichole Quintos
Translated by Gabrielle Marie Camaymayan
Ang estigma laban sa morenang kutis ang isa sa pinaka laganap na isyu sa pisikal na kagandahan sa Pilipinas. Mula sa paghahambing nito sa mga nilalang at uling o sa pagpigil sa karagdagang pagkabilad sa araw, ang pagiging kulay kayumanggi ay kadalasang tinutukso sa mga grupo at pamayanang Pilipino. Ang midya ay hindi eksepsyon: “mga kuwento ng pagbabago” ng isang babaeng morena na sa kalaunan ay nagkakaroon ng maputing kutis, at mga komedya o parodya na nakasentro sa isang taong kulay kayumanggi. Ang mga biktima ng estigma ay patuloy na nawawalan ng kapanatagan sa kanilang katawan na naguudyok sa kanilang gumamit ng mga produktong pampaputi upang matanggap.
Sa mga nakaraang henerasyon, palaging kinailangan ng kababaihan na sumunod sa hanay ng mga tuntunin upang maging mas “angkop” sa lipunan–tulad ng mga pamantayan sa kagandahan na naiimpluwensyahan ng ating kolonyal na kasaysayan at pamantayan na naidikta na sa atin ng midya. Ang bagong henerasyon ng mga Pilipino ay hinihikayat na lumaban, upang mawasak ang estigma at mapalakas ang bawat isa sa paraan ng pagyakap sa ating magkakaibang katangiang Pilipino, paisa-isang daluyong lamang.
Ang Ate ng Alon & Araw
Ang pagtulong sa mga miyembro nito na iangat ang tiwala sa sarili ng bawat isa at ang pagtiwalag sa estigma ng morenang kutis ay ilan sa mga adbokasiya na pinaninindigan ng Alon & Araw. Naniniwala sila na ito ay mahalaga para sa karamihan ng kabataang miyembro nito.
Gayunpaman, bilang Ate ng grupo, matagal nang niyakap ng 22-anyos na si Sheilo Carlos ang kanyang kutis. Siya ay nagpapasalamat na siya ay malusog at may pisikal na kakayahang gawin ang anumang gusto niya. “Para sakin po masaya ako kung anong meron ako eh. Nagpapasalamat po ako na wala akong kapansanan, gano’n, nagagawa ko po lahat ng gusto kong gawin. Happy po ako kung anong meron ako ngayon. Kuntento na po ako kung anong binigay ni God.”
Si Sheilo ay pang-anim sa siyam na magkakapatid sa kanyang pamilya, ang kanyang mga magulang ang tagapangalaga ng isang resort sa tabing-dagat. Isa rin siyang estudyante sa ikalabing-dalawang baitang na sumasailalim sa online classes kung saan binibigyan lamang sila ng mga modyul na kailangan nilang sagutan, na nagpapababa ng kanilang kakayahang matuto. Gayunpaman, para kay Sheilo, ang dahilan kung bakit nagiging sulit ang kanyang online classes ay ang mga aralin sa pagluluto na tinuturo sa kanila. Sa bahay, dahil hindi pa siya nagtatrabaho, siya ang madalas na gumagawa ng mga gawaing-bahay upang matulungan ang kanyang pamilya ngunit inuuna pa rin niyang alagaan ang kanyang anak na dalawang taong gulang. Tuwing nasa labas, sumasali siya sa mga aktibidad ng Alon & Araw, kung saan madalas niyang linalaan ang kanyang oras.
Noong 2020, bumalik si Sheilo sa Zambales matapos manatili sa Maynila noong huling apat na taon. Inimbitahan siya ng kapatid niyang si Danise na maging bahagi ng Alon & Araw. Noong una, interesado lamang siyang makilahok sa kanilang paglinis ng tabing-dagat. Siya ay nag-alangan sa pagsali dahil wala siyang alam tungkol dito, ngunit sinabi rin niya na walang masama sa pagsubok muna rito. Hindi nagtagal, nakahiligan niyang maglinis ng tabing-dagat, natutong mag-recycle ng basura upang ito ay gawing mga upuan at lamesa. Dahil sa Alon & Araw, naging hilig din niya ang surfing at soccer. “Kasi po dati, gawain ko lang po talaga gala lang. Nailabas ko yung skill ko sa paglalaro, na dati po hindi ako mahilig sa paglalaro sa sports.”
Ikinagagalak niya kung paano tinutulungan ng Alon & Araw ang kanyang komunidad sa Brgy. San Isidro sa kanilang mga proyekto, mula sa masusing paglilinis ng tabing-dagat at pagtuturo sa mga bata hanggang sa simpleng paglikha ng isang nagbabayanihang komunidad na mas nanghihikayat ng empatiya sa kabataan. “Para din dito sa mga bata na maturuan din po nang maayos. Kasi karamihan po sa kanila hindi pa po masyadong magaling magbasa, tsaka dati po, sa mga ibang kilalang mga bata na nandito palasagot po talaga sa magulang. Medyo bumait-bait sila, kasi ‘pag may naririnig na nagmumurahan napapagsabihan na, dati talagang murahan kung murahan. Ngayon, limit na lang yung mga bad words na lumalabas sa kanila. Tapos yung iba, natututo na rin po tumulong sa kani-kanilang mga bahay na dati po puro gala, laro.”
Sa pakikinig sa kuwento ni Sheilo, ang kagandahang unang itinaguyod ng Alon & Araw ay lumampas sa pisikalidad ng mga katawan at kanilang pagiging kaakit-akit.
Nagsimula ito ng isang alon ng paglikha ng ligtas na espasyo para sa kabataan upang sila ay maging awtentik at may empatiya sa sarili, isang alon na lumaki at nag-udyok sa kanila na maging mas mahusay na bersyon ng kanilang sarili.
Ang Pagtubos sa Katawan
Nakahanap si Sheilo ng kagandahan sa kanyang lakas. Lakas na lumalaban sa pagtingin sa kababaihan na mahinhin at mahina: “Yung lakas ko po. Kahit hindi ako katangkaran, nagagawa ko pa rin po yung magbuhat, magbilad ng palay ganyan.” at ang lakas na maihahalintulad dito ay nakikita at hinahangaan rin niya mula sa taong nasa likod ng Alon & Araw, si Ate Gab, at sa kanyang walang humpay na lakas ng empatiya para sa mga tao sa komunidad ni Sheilo: “Para sakin po si ate Gab. Kasi na-kuwento niya po na ilang taon pa lang po siya nagagawa na niyang mag-business. Sarili niyang business para makapag-ipon. Yung gusto niyang mabili na gusto niyang mga bagay, halimbawa po mga laptop gano’n, pag-iipunan niya po ‘yun hindi po siya hihingi ng pera sa magulang niya. Syempre po yung naranasan niya na rin yung hirap. Yung iba po dito samin tinutulungan niya po.”
Si Sheilo ay nangangarap na maging isang kusinera at arkitekto–ang hilig niya sa pagluto ay maihahalintulad sa kanyang hilig sa pagguhit. Paborito niya ang adobong maanghang, isang karagdagan sa mga naiibang lutong ginagawa sa putaheng Pilipinong ito. Kung bibigyan ng pagkakataon, ang pagtatayo ng isang simpleng bahay na mayroong isang palapag para sa kanyang pamilya ang isa sa kanyang mga unang gagawin kapag siya ay naging arkitekto. Ang kanyang lakas ay nakaugat sa kanyang pagnanais na tulungan ang kanyang pamilya at ibigay ang lahat ng makakaya para sa kanyang anak.
Bilang isang malakas na Ate, tanggap ni Sheilo ang kanyang katawan sa kung ano ito. Ni minsan ay hindi siya nagpatinag habang nagsasalita tungkol sa kanyang sarili, ni hindi siya nagdalawang-isip nang sabihing kuntento na siya sa kung anong mayroon siya.
Ang estigma laban sa morenang kutis ang dahilan kung bakit ikinahihiya ng kababaihang Pilipino ang sarili nilang kulay, sila ay napapahiwalay dahil ang pagkakaroon ng “magandang” kutis ay naiiba sa kung ano ang nakikita at mayroon sila. Ang salungatan ng kawalan ng kapanatagan sa sarili at detatsment ay higit na pinalala ng mga realidad ng pagiging babae sa isang patriyarkal na lipunan, kung saan ang bawat aspeto ng kanyang pamumuhay ay pinapanood, kinekwestyon, kinokontrol. Mas lalong mahalaga para sa kababaihan na pag-usapan ang kanilang katawan, hindi lamang kilalanin ang kanilang pisikalidad at eksistensya, ngunit ang mas importanteng pagtubos rito. Mula sa bawat hibla ng buhok, bawat tagihawat o hindi pantay na kulay ng kutis–ang pagtubos rito ay ang pagtingin sa katawan bilang iyo, bawat parte ng ating katawan ay ginagawa tayong bukod-tanging maganda.
Ang pagkuwento sa istorya ni Sheilo, at ng marami mga istorya ng kababaihan at kanilang mga katawan, ay pagtulong sa mga taong paniwalaan na sa lahat ng mga taong ito, sinusubukan ng ating mga katawan na kausapin tayo–na mayroong likas na lakas at kagandahan sa loob nila na hindi nakikita ng mga tao dahil ang kanilang atensyon ay nakatuon lamang sa ideya ng isang "perpektong" katawan. Ang pagkukuwento sa istorya ni Sheilo ay maihahalintulad sa isang daluyong na sana ay mas lalong lalawak–isang sapat na lawak para sa espasyo kung saan mas maraming tao ang maaaring magsimulang makita ang kanilang mga katawan para sa kung ano sila.