top of page
English

Three Wheels of Life

October 28, 2021

Mykah Marquez

Only when the wheels turn does Kuya Crispin’s life begin its motion. Being a padyak driver is a valuable service to people and it is often overlooked and under-appreciated. Ready to take you wherever you want to go, this three-wheeled vehicle will come pedaling up when all other forms of transportation seemingly fail you. 

 

Life is a struggle for Crispin Garcia Jr. who relies mainly on the income he makes from being a padyak driver. He is undoubtedly a supportive husband to his wife Rowena, and a loving father to his 5 children. Though their life is certainly hurdled with difficulties and turns to come, Kuya Crispin sees hope that one day, he will build a better future for himself and his family. 

 

Being a 45-year-old padyak driver is definitely not an easy task, Kuya Crispin shares the realities of being a daily wage earner. Resembling a pedicab with three wheels, here are three powerful statements that take us through a journey of Kuya Crispin’s particular reality during the pandemic. 

Remini20211027175903929.jpg
Remini20211027175542651.jpg

1. His primary and only investment

is his strength. 

 

While most of us would say that our educational knowledge is our investment in life and in our future, Kuya Crispin’s would be his strength. Having just started his interview, Kuya Crispin immediately confessed his inability to read and write as he was not able to finish his schooling. Though many would find this an unimaginable hurdle in life, Kuya Crispin found reassurance in knowing that he has another quality that sets him apart. His unmitigated and utter strength. 

 

As he leaves his house at 5:00 am every morning, his mind is only ever fixated on one thought: to survive the day. He said, “Mahirap po kasi ang buhay ngayon. Gusto lang po namin makaraos bawat araw. (Life is hard nowadays. All I want is to survive each day.)” Prior to the pandemic, Kuya Crispin mentioned that his family was content with earning a daily income of 200PHP. But as the pandemic posed new and foreign obstacles for every man, Kuya Crispin’s family was one of those that were gravely affected. 

 

More effort was needed out of him. More time out of his day. More energy drained from his body. 

At times when being a padyak driver wasn’t enough to sustain his family, he resorted to pangangalakal—digging through garbage hoping to find items that were at least worth something when sold. Despite the agonizing pain of being under the scorching sun pedaling through the streets, what mattered most to him was having food to bring home to his family. Needless to say, life is never easy for Kuya Crispin these days, yet he continues to have courage and determination owing to his primary and only investment in life: his strength.

2. Amidst all worries, choose to smile. 

 

“Whenever you are faced with a problem or a trial, how are you able to cope with everything?” 

 

With absolute certainty, Kuya Crispin answered, “Pinipili kong ngumiti. (I choose to smile.)” A lesson that everyone deserves to hear from Kuya Crispin is the power of choosing to smile amidst all our worries. 

 

Growing up, all he ever dreamt of was becoming a heroic and courageous soldier. Fighting for his nation and contributing to our nation’s pride was what he envisioned for his future. But, this padyak driver of almost 30 years received no support to forge his dreams into reality ever since his parents passed away. From that day forward, he has then since been accustomed to living his life with joy in the face of all his misfortunes. 

 

Every week, he and his family designate Sunday for attending mass, but since the pandemic, Kuya Crispin said, “Hindi na ako gaano nagsisimba ngayon kasi inaatupag ko na ang aking hanapbuhay kahit linggo man. (I don’t attend mass that often now because I have to prioritize working even on a Sunday.)”  Still, he remains faithful and grateful for all that God has blessed him with. “Hinding hindi ko parin makakalimutan ang nasa taas, (I will never ever forget the Man above,) he shared. 

Remini20211027175810064.jpg

With the constant changes brought about by the pandemic, Kuya Crispin struggles to navigate his way through the confusing restrictions implemented by the government. His palms rough from the endless pedaling under the scorching sun. His mind was overwhelmed with debilitating emotions of the day’s problems. Kuya Crispin confided, “Kung hindi ko piniling ngumiti, puputok talaga ulo ko, (If I don’t choose to smile, my head will explode.)” reinforcing that, truly, his effort to stay positive is one of the only things keeping him alive.

Remini20211027175504002.jpg

3. For his family, nothing is impossible.

 

The struggle for day-to-day survival of searching for passengers and earning a decent income has increasingly caused his family to endure a more difficult and unfavorable lifestyle. He said, “Bago nagka-pandemic nakakakain pa kami ng karne, pero ngayon puro sardinas at tuyo nalang ang pagkain namin. (Before the pandemic, my family was still able to eat meat, but now we only ever eat sardines and dried fish.) Consequently, this prompted his family to pawn their only TV just to make ends meet for a few weeks.

 

When I asked him what his goal for his family was, he replied, “Ang tanging gusto ko lamang ay maka-aral at makatapos ang mga anak ko. (All I want is for my children to study and finish their schooling.)” Despite the harmful exhaust exuding from the cars and other vehicles inhaled by Kuya Crispin, he perseveres through the job to lay food on the table and earn the warm smiles of his four children. 

 

Although his responsibility as a provider is often wearisome, it is also the same responsibility—the same noble act—that brings smiles to the faces of his children and warmth to the heart of his wife. The pandemic took away so much from Kuya Crispin, yet his spirit remains firm because of his family’s unending love and support. 

Aside from the service that padyak drivers offer to commuters, we should not neglect to look into their nobility and commitment as providers for their families. In the midst of these unprecedented times, many daily wage earners like Kuya Crispin struggle to make ends meet yet still receive no government aid. With your help and support, Kuya Crispin and many other padyak drivers will have the means to provide for their families. By subscribing and donating to The Adversity Archive, you can help forge their dreams into reality.

Filipino

Tatlong Gulong ng Buhay

October 28, 2021

Mykah Marquez

Tanging sa pag-ikot lamang ng gulong ay muling nagsisimulang gumalaw ang buhay ni Kuya Crispin. Ang pagiging isang padyak driver ang isang mahalagang serbisyo sa mga tao bagamat, madalas itong hindi nabibigyang pansin at halaga. Handang dalhin ka kung saan mo nais pumunta, ang padyak ay palaging nakaabang para sayo kung ang lahat ng transportasyon ay tila nabigo ka. 

 

Ang buhay ay isang pakikibaka para kay Crispin Garcia Jr. na ang pangunahing mapagkukunan ng kita ay sa pagiging padyak driver. Siya ay tiyak na isang taga-suporta sa kanyang asawa na si Rowena, at isang mapagmahal na ama sa kanyang limang anak. Kahit na ang kanilang buhay ay puno ng paghihirap at pagsubok, nakikita ni Kuya Crispin ang pag-asa na balang araw, makakabuo siya ng isang mas magandang kinabukasan para sa kanya at sa kanyang pamilya. 


Ang pagiging isang 45-taong-gulang na padyak driver ay tunay na hindi isang madaling gawain. Ibinabahagi ni Kuya Crispin ang mga katotohanan ng mga katulad niya na umaasa sa pang araw-araw na kita. Tulad ng isang pedicab na may tatlong gulong, narito ang tatlong makabuluhang pahayag na maaaring magbigay sa atin sa panibagong paglalakbay sa realidad ng buhay ni Kuya Crispin.

Remini20211027175903929.jpg
Remini20211027175542651.jpg

1. Ang pangunahing at tanging pinuhunan ay ang kanyang lakas. 

 

Habang sinasabi ng karamihan na ang kanilang edukasyon ay ang kanilang puhunan sa buhay at kinabukasan, ang para kay Kuya Crispin ay ang kanyang kalakasan. Kasisimula lamang ng kanyang panayam, inamin agad ni Kuya Crispin ang kanyang kawalan ng abilidad na magbasa at magsulat dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Bagaman maraming mag-iisip na ito’y malaking sagabal sa buhay, napagtanto ni Kuya Crispin ang katiyakan na mayroon siyang ibang kalidad na nangingibabaw, ang kanyang ganap at lubos na kalakasan.

 

Sa pag-alis niya sa kanyang bahay ng 5:00 tuwing umaga, ang tanging nilalaman ng kanyang kaisipan ay: malagpasan ang hatid ng bawat araw. Ang sabi niya, “Mahirap po kasi ang buhay ngayon. Gusto lang po namin makaraos bawat araw.” Bago ang pandemya, nabanggit ni Kuya Crispin na kuntento ang kanyang pamilya sa kita ng 200PHP sa pang araw-araw. Gayunpaman, habang ang ang pandemya’y nagdudulot ng bago at mabigat na mga hadlang para sa bawat tao, ang pamilya ni Kuya Crispin ay isa sa mga naapektuhan. 

Mas higit pang pagsisikap ang kinailangan sa kanya. Mas maraming oras ang naubos sa kanyang araw. Mas maraming enerhiya ang nagamit l mula sa kanyang katawan. 


Sa mga oras na kung ang pagiging padyak driver ay hindi sapat upang maitaguyod ang kanyang pamilya, siya ay lumingon sa pangangalakal—paghahanap ng basura na sakaling may halaga kapag binenta. Sa kabila ng nakakapasong init ng araw para mag-pedal sa mga kalye, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang pagkakaroon ng pagkain upang maiuwi sa kanyang pamilya. Tunay, ang buhay ay hindi madali para kay Kuya Crispin sa mga panahong ito, ngunit patuloy ang kanyang pagkakaroon ng lakas ng loob at determinasyon na nauukol sa kanyang pangunahin at nag-iisang pamumuhunan sa buhay: ang kanyang lakas.

2. Sa gitna ng lahat ng pag-aalala,

piliing ngumiti. 

 

“Sa tuwing ika’y nahaharap sa isang problema o pagsubok, paano mo nakakayanan ang lahat?” 

 

Sa buong katiyakan, sinagot ni Kuya Crispin, “Pinipili kong ngumiti.” Isang aral na nararapat marinig ng lahat mula kay Kuya Crispin ay ang kahalagahan ng pagngiti sa gitna ng lahat ng ating pagkabalisa.  

 

Sa kanyang kabataan, pinangarap niyang maging isang magiting at matapang na sundalo. Ang pakikipaglaban para sa kanyang bansa at nag-aambag sa kapalaluan ng ating bansa ay ang kanyang hinangad para sa kanyang kinabukasan. Gayunpaman, ang padyak driver na ito, sa halos tatlumpung  taon, ay walang natanggap na suporta upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Mula noon, nasanay siyang mamuhay ng  puno ng kagalakan sa gitna ng kanyang kasawian. 

 

Sa bawat linggo, itinalaga niya at ng kanyang pamilya ang araw na  ito para sa pagdalo sa misa, ngunit mula noong pandemya, sinabi ni kuya Crispin, “Hindi na ako gaano nagsisimba ngayon kasi inaatupag ko na ang aking hanapbuhay kahit linggo man.” Gayunpaman, nananatili siyang tapat at nagpapasalamat sa lahat ng pagpapala sa kanya ng Diyos.  “Hinding hindi ko parin makakalimutan ang nasa taas,” pagbabahagi niya. 

Remini20211027175810064.jpg

Sa patuloy na pagbabago na dala ng pandemya, kinailangan ni Kuya Crispin matutuhan at masanay sa mga paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno. Gumaspang ang kanyang palad buhat ng walang katapusang pagpadyak habang nakababad sa matinding init ng araw. Nalulula na rin siya sa mga nakakabagabag na emosyong galing sa mga paghahamong buhat ng bawat araw. Nagtapat si Kuya Crispin, “Kung hindi ko piniling ngumiti, puputok talaga ang ulo ko,” pinapatibay na ang kanyang pagsisikap na maging positibo ay isa sa mga bagay na nagpapanatili sa kanya.

Remini20211027175504002.jpg

3. Para sa kanyang pamilya,

walang imposible. 

 

Ang pakikibaka para malagpasan ang bawat araw, ang paghahanap ng mga pasahero at ang pagkikita ng disenteng sahod ay lalong nagdulot ng mahirap at hindi kanais-nais na pamumuhay para sa kanyang pamilya. Ang sabi niya, “Bago nagka-pandemic nakakakain pa kami ng karne, pero ngayon puro sardinas at tuyo nalang ang pagkain namin.” Dahil dito, ito ang nag-udyok sa kanyang pamilya na isangla ang kanilang nag-iisang TV upang masuporta ang kanilang pamilya ng ilang linggo. 

 

Nang tanungin ko kung ano ang pangarap niya para sa kanyang pamilya, sagot niya, “Ang tanging gusto ko lamang ay maka-aral at makatapos ang mga anak ko.” Sa kabila ng masamang tambutso na lumalabas mula sa mga sasakyan sa kalsada na nahihinga ni Kuya Crispin, tiniis niya ang trabaho para may maihapag siyang pagkain sa mesa at makakuha ng matatamis na ngiti ng kanyang limang anak.  

 

Bagaman ang kanyang responsibilidad bilang tagapagtustos ay madalas na nakakapagod, ito rin ang responsibilidad—ang parehong marangal na kilos—na nagbibigay ng mga ngiti sa mukha ng kanyang mga anak at pagmamahal sa puso ng kanyang asawa.

Madaming nakuha ang pandemya sa buhay ni Kuya Crispin, ngunit ang kanyang diwa ay nanatiling matatag dahil sa walang katapusang pagmamahal at suporta ng kanyang minamahal na pamilya. 

Bukod sa serbisyong dala ng mga padyak driver, hindi natin dapat pabayaan ang kanilang marangal na pangako bilang tagapagbigay para sa kanilang mga pamilya. Bagaman mahirap ang buhay sa mga panahong ito, maraming pamilya tulad kina Kuya Crispin ang hindi kailanman nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno. 


Sa inyong tulong at suporta, si Kuya Crispin at iba pang mga padyak driver ay magkakaroon ng pagkakataon upang suportahan  ang kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng pag-subscribe at pag-donate sa The Adversity Archive, maaari kayong makatulong sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

bottom of page